DD0018
Full Name: Chasey Abante
Age: 19
Your desire: New phone
***
5:02 PM
YOU:
Make sure na safe yang phone ko sayo ha!
JON:
Yes yes
YOU:
Okay okay
Nakita mo naman na kung ano ang itsura ng form right?
JON:
Napaka-simple lang pala
Kala ko, mabusisi
Like marami kang sasagutan
YOU:
Very strange talaga
Hindi ko alam kung anong magic ang mayron yon
Hindi ko rin alam kung may magic ba yon
JON:
Baka may demon jan?
YOU:
Demon?
JON:
Oo, kasi namatay si sir, kung yun nga ba ang dahilan
YOU:
I believe na ito nga
Pero hindi ko pa talaga ma-push yung sarili ko na maniwala 100%
JON:
Ako rin
Pero we will have more test para malaman kung may kinalaman ba ang form na hawak mo
If that's the case, we may know kung ganon din ba talaga ang death ni Kleo
YOU:
Yeah
And we will wait na lang sa nilagay ko kanina sa form
For now, wala pa akong phone.
Just using my laptop to chat with you
JON:
Hmm
Laptop?
Paano kung nandyan?
Tingnan mo nga sa downloads
Or search mo mga files
YOU:
Wala
I just did that a while ago
Paulit-ulit ko ring ginagawa pero no avail
JON:
Baka nga sa phone lang
YOU:
Pero may mga ganitong balita ba sa university natin?
Before?
JON:
Death?
YOU:
Yes
Ang hirap kasi eh
First year pa lang tayo rito at wala akong kilalang senior to ask
JON:
Pero since dito rin nag-aral kuya ko, wala naman
Parang ngayon lang
Noong nakuwento ko nga kay kuya yung pagkamatay ni Kleo, nagulat siya
Yun daw ang first death incident sa univ
YOU:
First incident ever?
JON:
Oo, bali second lang yung kay sir Rufus
YOU:
Pero sa HS natin, marami na tayong naririnig na mga death death na yan
Kaya parang nagiging normal na siya tho dapat hindi
JON:
Oo, masyadong traumatic ang high school natin
Students are stressed!
YOU:
Pero napansin mo ba, after we graduated, nawala na yung mga ganong bagay sa school
JON:
Hindi naman
Siguro nagiging better na ang teaching ng mga guro natin
YOU:
Baka
Pero sana wala na
At saka, wala na ring mangyari dito sa univ natin
Parang sinusundan kasi tayo
Feel mo?
JON:
Coincidence lang siguro
Wag mo nang isipin pa
Kailangan lang natin mag-focus dito sa form
YOU:
Gaga, ganun din
Kung magfofocus ako sa form, edi maiisip ko yung mga death na yan
Basta this form is very mysterious
***
[1] Notification
Rider: Hello po, Ms. Chasey Abante
Nag-order po kayo ng phone. Nandito po ako sa labas. Pa-receive na lang po.
***
JON:
Ito na
YOU:
Bakit?
JON:
Hawak hawak ko tong old phone mo
Tas may nag text galing sa isang courier service
YOU:
O sige sige
Puntahan ko lang sa labas
Ang bilis naman
JON:
Ask mo, baka alam nya kung sino ang nag-order
Possible na yun yung source ng form
YOU:
Sige
Brb
***
5:45 PM
YOU:
Hindi niya alam
JON:
Sayang, baka pwede kasi nating alamin kung ano yung information nung nag-order
YOU:
Eventually, malalaman din natin yan
Sa ngayon, at least may nangyari naman sa form na sinagutan natin
JON:
Anong consequence kaya nito?
YOU:
We don't know.Pero sana wala namang mamatay pa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top