DD0015
3:00 PM
JON:
Pasensya na Chasey
Yung groupings kasi natin dun kay Ms Miles
Gumagawa lang kami ng assignment
YOU:
Saan ka?
Puntahan kita
Dito ako sa tambayan area
JON:
ComLab 3
YOU:
Sige
JON:
Wag na
Pero help na lang kita sa kung anumang mission mo na yan
YOU:
Plano ko sagutan ngayon yung form
Kaso dapat kasama ka para makita mo kung paano
Kasi kung wala ka rito baka sabihin mo nagjo-joke ako
JON:
Well...
YOU:
Ano?
JON:
Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo
Like yung form or yung document na yan ay something magical
Like how? Diba?
It's really hard to believe, Chasey.
YOU:
Kaya nga gusto ko kasama kita
Hindi ka rin makaintindi!
UGH!
JON:
Soon
Gagawin muna namin tong assignment
Pero chat pa rin kita
Need ko lang talaga magpakita rito
At saka, scholar ako!
Baka tanggalin ako.
Hindi ako yung leader
YOU:
Ikaw lang talaga yung kilala kong scholar na medyo ume-eng eng
JON:
Well sisihin mo ang patakaran ng univ
I just grabbed the opportunity
Gumraduate naman ako ng with honors kahit medyo sabit
So ayun, tas nalaman kong nagbibigay school natin ng scholarships sa mga naka graduate na may honors
YOU:
Oo na oo na
JON:
So, ano na ang gagawin?
YOU:
Sasagutan nga
JON:
Anong isusulat mo?
YOU:
Something instant
JON:
Instant death?
YOU:
Gaga!
JON:
So ano?
YOU:
Nakakatakot na ano
Kung totoo nga talagang may konek ang form na to sa pagkamatay ni Sir Rufus at doon sa pagprito ng itlog, kailangan nating mag-ingat
JON:
Could you just stop answering that form?
Delete it, ganun
End
Baka virus pa yan
YOU:
Wala namang na-scan yung anti virus ng phone ko
JON:
I-delete mo na lang
For your peace of mind
YOU:
Naku-curious kasi ako Jon
JON:
Yang curiosity mo, baka humantong pa sa kung ano
YOU:
Kaya nga ita-try ko pa e
JON:
Delete it
Just delete it, Chasey.
YOU:
Okay okay
***
You selected dahuyo.docx.
You are about to delete dahuyo.docx.
[Yes] [No]
✔[Yes]
You can't delete this file.
Unsuccessful.
***
YOU:
I can't delete the fucking thing!
JON:
What?
YOU:
Hindi ko ma-delete
Ayan Tagalog na
JON:
No, I mean how?
Baka virus nga yan, Chasey
YOU:
Hindi ko nga alam
JON:
Can you go to the system of your phone ba?
YOU:
First year pa lang tayo sa Com Sci, Jon
Natatakot ako baka masira ko pa to
JON:
Hayy
***
[1] Notification
Hi Chasey!
Please don't delete me.
***
YOU:
Shit talaga Jon!
Kinakabahan na ako
JON:
Bakit? Bakit?
YOU:
May nag notif
Sabi don't delete me!
JON:
Kanino galing?
YOU:
Hindi siya chat or message
Basta notification lang talaga
And iisa lang naman ang gusto kong i-delete
YUNG PUTEK NA FORM
JON:
Ano bang mayron?
YOU:
I.
Dont.
Know.
JON:
This is weird
YOU:
SCARY!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top