DD0014

11:08 AM

JON:
Kumusta?
Saan ka?
Di ka pumasok first class

YOU:
Late ako nagising
Papasok ako 2nd class

JON:
Why?

YOU:
Di ako masyadong makatulog
Hindi dahil kay sir

JON:
Dahil na naman ba yan sa form na sinasabi mo?

YOU:
Oo

JON:
Ano bang mayron sa form na yan?

YOU:
Kapag may isusulat akong gusto ko, nangyayari

JON:
Sinulat mo bang gusto mong mamatay si sir?

YOU:
Of course hindi
Hindi ako mamamatay tao
At hindi ko, never ako magwi-wish ng death sa isang tao

JON:
So bakit parang sinisisi mo sa form na yan yung nangyari?

YOU:
Kaninang madaling araw, nung natulog ka na
Sinagutan ko yung form
Naglagay lang ako ng kung ano-ano
Para ma-testing, nilagay ko, ipagluto ako ng itlog
And then, after a few minutes, may naamoy kaming sunog
Sunog na itlog!

JON:
Baka naman may nagluluto sa labas?

YOU:
Hindi Jon
Yung mismong niluluto ay sa kusina namin

JON:
Then?

YOU:
Pagbaba ko, nakabukas yung pinto
Umuusok yung kusina
Amoy sunog na itlog talaga
Tapos may nag notif pa sa akin tungkol sa hinayupak na itlog na yan

JON:
Sure ka ba jan?
Baka nananaginip ka lang
Sleep walking ganun?

YOU:
Hindiiiii
Kasama ko pa si Ate
Nagulat din sya
As in, bukas talaga ang pinto

JON:
Hmm

YOU:
At yung kay sir naman

JON:
Oh yung kay sir
Bakit mo nasabing konektado yung case nya?

YOU:
Sinulat ko sa form na makapasa ako
Then, nakapasa nga ako
Hindi talaga ako nag-review non
At alam ko sa sarili ko na mali-mali mga pinagsasagot ko don

JON:
Oo nga, napansin ko rin
Noong kumukopya ako ng iba mong sagot
Tas nung nireview ko, mali nga halos lahat

YOU:
See?
Tapos ako pa yung nakapasa

JON:
What's the connection?

YOU:
Hula ko lang to
But I think, someone is seeing my answers sa form
Siguro, yung taong yon, kinausap si sir
Siguro sinabi niya na gawing mataas ang score ko
Pero siguro, hindi pumayag si sir
At doon na ginawa ang krimen

JON:
May mali kung ganyan

YOU:
Ano?

JON:
Nalaman natin yung scores natin agad diba
Remember, nasa library ka non
Lumabas agad sa LMS natin yung grades
So paano? Buhay pa non si sir

YOU:
Tama
This is getting creepy
We need to investigate kung ano ang nangyayari
Tutulungan mo ba ako?

JON:
Baka mapahamak ako ha

YOU:
Ako rin
Mapapahamak ako nito kapag ako lang mag-isa
Better kung may kasama

JON:
So sinasabi mo talagang mapapahamak ako?

YOU:
Oo, Jon
Take the risk
Natatakot ako
Sabayan mo ako sa takot ko

JON:
Sus, pero noong HS tayo di ka nga takot na awayin ako HAHAHA

YOU:
Matagal na yun
Friends na nga tayo diba charr
Ikaw lang mapagkakatiwalaan ko, Jon
Please, help me

JON:
Sige na nga
Partner in crime na rin naman tayo simula nitong mag-college

YOU:
Thank you!

JON:
So ano ang una nating gagawin?

YOU:
We will answer the fucking document

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top