Chapter 8: Pagsiwalat sa Lihim
"Raphael.." lumingon si Barbara
"Akala mo nakalimutan ko noh?" biro ni Raphael na may dalang isang bungkos ng bulaklak
"Ang isa dyan, walang pagsidlan ang tuwa.." biro ni Ligaya kay Barbara na nakatitig lang kay Raphael
"Barbara, para sayo! Maligayang unang taon sa ating dalawa" sabay abot ni Raphael ng bulaklak
"Salamat!" ngiting sambit ni Barbara
"Paano? Maiwan na namin kayo ha? Barbara, pakasaya ka!" sambit nila Linda at Ligaya
Nang makaalis na ang dalawa...
"Tara?" aya ni Raphael kay Barbara
"Saan?" tanong ni Barbara
"Malalaman mo na lang kapag nandoon na tayo, tara aking sinta?" paglalahad ng kamay ni Raphael sa harap ng dalaga
"Sabi mo eh!!" masayang sambit ni Barbara
Sa may tabing Batis...
"Raphael, alam mo?" tanong ni Barbara habang nakapiring
"Bakit?" si Raphael
"Ang hilig hilig mo sa mga pakulong ganto, papiring piring pang nalalaman, nasaan na ba tayo?" si Barbara habang inaalalayan sya ni Raphael
"Sandali lang, konti na lang, eto na!" sambit ni Raphael at unti-unting tinanggal ni Raphael ang piring sa mga mata ni Barbara
Naluluha si Barbara sa kanyang nakikita...
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Raphael
Di na sumagot ang dalaga, isang mahigpit na yakap ang kanyang ginawad sa kanyang irog...
"Oh, bakit ka naman nahikbi dyan?" sambit ni Raphael habang nakayakap pa rin sa kanya si Barbara
"Sira! Masaya lang ako" pagkalas ni Barbara sa yakap
"Di ba sabi ko sayo, simula noong sinagot mo ako, ipinangako ko sayo na papasayahin at mamahalin kita.." sabay hawak ni Raphael sa kamay ng dalaga
"Alam ko yun, kaya nga sinagot kita eh, dahil nararamdaman ko na ikaw ang makakapagpasaya sa akin" masayang sambit ni Barbara
"Mahal na Mahal kita Barbara, ikaw lang at wala ng iba!" ipinatong ni Raphael ang kanyang noo sa noo ni Barbara habang sila ay nagkakatitigan
"Mas mahal na mahal din kita, Raphael!" unting-unti lumalapit ang kanilang mga mukha hanggang sa..
Naglapat ang kanilang mga labi, ramdam nila sa kanilang unang halik ang pagmamahal sa isa't isa..
"Barbara!!!!! Anong ibig sabihin nito!!!!???" isang tinig ang umalingaw ngaw sa tahimik na batis
Kumalas ang dalawa, at nanlaki ang mata na Barbara
"Anak!!!? Anong ibig sabihin nito hah!!!?" galit na galit na sambit ng ama ni Barbara
"Tay, magpapaliwanag po ako" mahinahong sambit ni Barbara
"Anong klaseng paliwanag naman ang sasambitin mo!!! Kitang kita ng mga mata namin ng nanay mo!!! Kailan pa ito!!!?" galit na galit na sambit ng ama ni Barbara
"Isang taon na po.." nakayukong sambit ni Barbara
"Isang Taon!!!!!?Kaya pala!!! kahit ang mga kaibigan mo nagsinungalin sa akin para pagtakpan ang lahat ng ito!!! Barbara!!! buong akala namin na tutok na tutok ka sa iyong pag-aaral, eto pala pinagkakaabalahan mo ng buong isang taon!!!" sumbat ng kanyang ina
"Pasensya na po kayo, huwag nyo pong sisigawan ang anak nyo!! Ako na lang po ang sumbatan nyo!!" sumabat na si Raphael
"Ikaw!!! Alam mo bang mahigpit namin ipinagbabawal na ligawan ang anak ko!! Alam mo ba yun?" sumbat ng ama ni Barbara kay Raphael
"Alam ko po iyun, pero mahal ko po ang anak nyo, wala po akong balak saktan sya" sambit ni Raphael
"Mahal!? kay bata bata nyo pa!! Magtatapos palang kayo sa sekondarya, tapos ganto!!!? At sinong may sabing halikan mo ang anak ko!!!" nag -ambang susutukin ng ama ni Barbara si Raphael ngunit humarang ang dalaga
"Tay!!!! Pwede po bang huminahon kayo!!!?? Mahal ko po ang lalaking to, mahal na mahal ko po sya!!!" sigaw ni Barbara sa harap ng kanyang mga magulang
"Barbara!!! Naririnig mo ba ang sarili mo anak!!! ang bata bata mo pa!! Dapat ang tinutuon mo ng atensyon ang pag-aaral mo, hindi ang ganto!" sambit ng kanyang ina
"Pag-aaral!!!Pag-aaral!!! Yan na lang ang lagi kong naririnig sa mga bibig nyo!!! Hindi ba pwedeng pagsabayin ang pag-aaral ko at ang kasiyahan ko? Hindi ba pwede yon!!!?" sumbat ng dalaga sa kanyang mga magulang
"At ang kasiyahan mo ang lalaking to!!" turo ng ama kay Raphael
"Opo!!!! sya lang!! hindi po ba pwedeng tanggapin nyo sya!?" sambit ni Barbara
"Umuwi na tayo!!!! Halika na!!!" sambit ng ama sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Barbara
"Bitawan nyo ako Tay!!!" pagpapalag ni Barbara
"Tito!!! parang-awa nyo na po, huwag nyong saktan ang anak nyo!!!" sambit ni Raphael sabay hawak sa kaliwang kamay ng dalaga
"Huwag kang makialam dito!! Makakatikim ka sa akin!!" sambit ng ama ni Barbara kay Raphael
"Tito!! Bitawan nyo po sya!!!" muling sambit ni Raphael habang nakahawak pa rin kay Barbara..
"Tay!!!! Bitawan nyo ako!!!" napapaluha na si Barbara sa ginagawa sa kanya ng kanyang ama
"Anak!! Sumama ka na lang para wala ng gulo!!" sambit ng kanyang ina
"Bitawan nyo po sabi sya!!! nasasaktan na po sya!!!" nahila ni Raphael si Barbara mula sa pagkakahawak ng kanyang ama
"Sinabi kong huwag kang makialam dito!!!" isang malutong na suntok ang dumapo sa mukha ni Raphael na ikinabagsak ng binata
"Raphael!!!!" sigaw ni Barbara nang bumagsak si Raphael
"Halika na!!!!" muling hinawakan ng kanyang ama si Barbara
Dumating ang kanyang mga kaibigan...
"Anong nangyayari?" sambit ni Ligaya ng makita nila si Barbara na hinihila ng kanyang ama papunta sa sasakyan at si Raphael na nakabulagta sa damuhan
"Raphael!!!" naluluhang sigaw ni Barbara habang hinihila sya ng ama papasok ng sasakyan
"Kayo!! Kinunsinte nyo ang anak ko sa kalokohan nya!!! Nagkamali akong pinagkatiwalaan namin sya sa inyo" iyon ang huling sambit ng ina ni Barbara hanggan sa maipasok nila ang kanilang anak sa kanilang sasakyan at umalis na ito
"Raphael!! pare!!" sambit ni Angelo at Crisanto kay Raphael
Unti-unting iminulat ni Raphael ang kanyang mga mata..
"Barbara? nasaan sya?" ito ang unanh sambit ni Raphael
"Pare, kinuha na sya ng mga magulang nya.." tanging sambit ni Crisanto
"Ano? kailangan ko syang makita" pilit na tumayo ni Raphael kahit masakit ang kanyang mukha
"Raphael, huminahon ka!! Nasuntok ka na nga ng tatay nya, gusto mo bang lumala yang tama mo?" panenermon ni Ligaya
"Pero.." di na natapos ni Raphael ang kanyang sasambitin ng sumabat na si Linda
"Walang pero- pero Raphael!! Palipasin mo muna ang galit ng mga magulang ni Barbara, kahit sa amin galit na rin sila eh!!" sambit ni Linda
"Paano si Barbara? siguradong sasaktan na naman sya ng tatay nya.." pag-aalalang tanong ni Raphael
"Huwag kang mag-alala kay Barbara, matapang yun! makakaya nya ang mga magulang nya" si Ligaya
"Kaya nga pare, mahal ka nya, kaya ipapaglalaban ka nya!" sambit ni Angelo
"Tama!! Saksi kami sa pagmamahalan nyong dalawa, kahit pa hadlangan kayo ng mga magulang nya, kung kayo pa rin, kayo pa rin sa huli!" si Linda naman
"Salamat sa inyo, pinapalakas nyo ang loob ko, salamat talaga!! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawalay sa akin si Barbara" sambit ni Raphael
"Walang problema pare, suportado namin ang pagmamahalan nyo ni Barbara, hanggang huli!" sambit ni Crisanto
"Salamat talaga!!!" muling ngumiti si Raphael sa kabila ng pagsubok sa kanilang dalawa ni Barbara
"Ang nakakapagtaka, paano nalaman nila Tito at Tita na nandito kayo?" tanong ni Ligaya
"Malamang wala sa atin ang nagsumbong dahil magkakasama tayong apat.." sambit ni Crisanto
"Hindi kaya si...."
================================
Bitinin muna natin..
Ano na kaya mangyayari sa pagmamahalan nila Barbara at Raphael?
Abangan sa susunod na mga kaganapan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top