Chapter 54: Does History Repeats Itself?
Dumating na ang araw na kinakatakutan nila Ligaya, Crisanto, Linda at Gelo...
Fortez' s Residence
Kompleto ang family ni Bambi at ang ate ni Josh na si Rose, kasama sila Kris, Aya, Jacob, Rick at Luisa..
"Totoo po ba ang nangyari kila Tito Raphael at Tita Barbara 31 years ago?" tanong ni Aya kila Ligaya
"Lahat ng nasa libro ni Bambi ay totoong nangyari, kaya nandito kami para sabihin sa inyo na mukhang mangyayari na ang pag-uulit ng nakaraan.." sambit ni Crisanto, clueless ang lahat maliban kila Gelo
"Tito Gelo ano pong ibig sabihin ni Tito Crisanto?" pagtatakang tanong ni Rose
"Base sa tinatakbo ng istorya nila Josh at Bambi, parehas na parehas sa itinakbo ng istorya nila Raphael at Barbara 31 years ago, kaya malaki ang possibility na mangyari ang nangyari sa nakaraan.." kwento ni Gelo sa kanila
"So, ibig nyo pong sabihin na possible na mamatay sila gaya ng nangyari kila Tita Barbara at Tito Raphael?" nagulat ang lahat sa sinambit ni Aya
"Dahil sa nangyayari ngayon, na dinukot sila na di natin malaman kung sino ang may pakana, possible may kapalit yun.." say ni Gelo, nanlaki ang mga mata ng barkada pati nila Ted, Irene at Rose
"Tito Gelo, alam na ba ito nila Bambi at Josh!!?" medyo nagkakaroon na ng tensyon ng magsalita na si Belle
"Matagal ng alam nila Josh at Bambi na posible talagang mangyari sa kanila ang nangyari kila Barbara at Raphael.." sambit nila Linda
"Posible ba nating mapigilan yun?" tanong ni Jacob
"Eh paano nga natin mapipigilan eh hindi nga natin alam kung nasaan sila Josh at Bambi!" say ni Luisa
Nababalot ng pangamba at lungkot ang paligid hanggang sa..
"Ganon na lang!!!?? Hihintayin na lang natin na mabalitaan natin na patay na ang kapatid ko ganon!!!?? Tsaka, bakit sa kanila pa mangyayari ang masaklap na pangyayari yun hah!!!??" sambit ni Belle, ngayon lang ulit nila nakita si Belle ng ganon, mahal na mahal nya ang kapatid nya, sabi nga nya nag-iisa lang si Bambi tapos ganon ganon na lang mangyayari
"Belle, kalma ka lang please, anak!" sambit ni Irene sa panganay nya
"Hindi mommy, gusto ko malaman mula kila tito Gelo na bakit!!? Bakit kila Josh at Bambi mangyayari yun!!?? Dahil ba parehas sila ng takbo ng istorya? Ganon lang!!?" bulusok na sambit ni Belle, natahimik sila Gelo sa tanong ni Belle
"Belinda, oo, posibleng mangyari sakanila yun pero ang kapalaran pa rin nila ang magdidikta kung talagang hanggang dun na lang sila.." nagsalita na ulit si Ligaya, nang biglang tumunog ang phone ni Aya..
Unknown number....
"Hello?" sambit ni Aya, nakaloud speaker sya kaya rinig ng lahat
"Hi Aya dear!! Don't you remember me?" sambit ng nasa kabilang linya
"Teka Lexa?" sambit ni Aya
"Tumpak nakuha mo rin, ang galing!!" sambit ni Lexa
"Anong kailangan mo?" sambit ni Aya
"Ako? Wala naman, kayo ang may kailangan sa akin, balita ko kasi nawawala daw sila Josh at Bambi? Tama ba ako?" kunwaring walang alam si Lexa
"Paano mo nalaman ang tungkol dun hah? Di kaya ikaw may pakana ng pagdukot sa kanila? Sabihin mo ang totoo Lexa!!?" matapang na tanong ni Aya
"Hah!!? Ako? Ano naman gagawin ko sa magaling nyong kaibigan at sa kanyang jowang singkit" pagdedeny ni Lexa
"Hindi kapanipaniwala ang mga pinagsasabi mong babae ka!!? Magsalita ka!!??" sigaw ni Aya sa kabilang linya
"Okay fine, since mapilit ka, tama ka Aya dear, nandito si Bambi at Josh, kaya ko pala kayo tinawagan dahil nais kong ipaalam sa inyo na pinapapunta ko kayo sa address na isesend ko sayo, kaya mag-ipon ipon na kayo ng luha Aya dear dahil all of you will witness the last of them!!! hahahahahah!!" pinatay ni Lexa ang tawag
"Anong gagawin natin? Si Lexa pala ang may pakana ng pandurukot!!" sambit ni Luisa, biglang may nagtext kay Aya
"Guys eto na ang address!! Ano guys sinong sasama!!?" say ni Aya ng mareceive nya ang address na kinaroroonan nila Josh at Bambi
Nagsitaas lahat ng kamay...
"Sama kaming lahat Aya, para kay Josh at Bambi, ipinangako namin na tutulungan namin sila through this!" say ni Crisanto
"Sure po kayo?" si Rick
"Hoping na hindi tayo mahuli, we don't want to do the same mistake we did kila Barbara at Raphael.." say ni Linda
"Mistakes?" si Belle
"Di namin nagawang mapigilan ang parents ni Barbara noon kaya humatong sa pag-iwan sa amin ng dalawa namin pinakamahalagang kaibigan, kaya nais namin bumawi ngayon.." yahag ni Gelo
"Sasakyan?" si Rick
"Dala namin yung coaster namin..paano tara?" say ni Gelo
"TARA!!!!" sambit nilang lahat, nagsisakay na sila sa coaster papunta kung saan sila Josh at Bambi..
Meanwhile.....
Abandoned Building...
Nakahanda na ang mga alipores ni Lexa at Jimbo para dalhin sila Josh at Bambi sa tinatawag nilang final destination ayon sa mga taong baliw, baliw at tuluyan ng nabulag sa pagmamahal..
Isasakay na sila Josh at Bambi sa magkahiwalay na sasakyan..
"Lexa!!! Saan mo ako dadalhin babaeng asungot ka!!!?" sambit ni Bambi
"Patience dear Bambi, as I said last night I will take you and your loving Josh to your final destination!!" ngiting sambit ni Lexa
"Teka nasaan si Josh!!!?? Babaeng asungot ka!!? Anong ginawa nyo kay Josh?" matapang na sambit ni Bambi
"Dear, magkikita pa rin naman kayo ng Josh mo for one last time once we get there, okay?" santa sanatahang sambit ni Lexa
"Hayop ka talaga!! Kayong dalawa ng kuya mong hilaw!!! Wala na kayong awa!!" say ni Bambi sa pagmumukha ni Lexa habang nasa biyahe sila papunta sa lugar na sinasabi ni Lexa
"Boys, pakitapalan nga ang bibig ng babaeng yan please!" nilagyan nila ng busal ang bibig ni Bambi
"Hmmmmm!!!!" di na makapagsalita ng maayos si Bambi dahil sa busal na inilagay sa bibig nya
Josh'S side (Kabilang sasakyan)
"Saan mo ako dadalhin hah!!?" say ni Josh na punong puno ng pasa ang mukha
"Easy lang Diones!! Gaya ng sinabi ko sayo, dadalhin namin kayo ng pinakamamahal mong si Bambi sa huling hantungan nyo!!" ngiting nakakaloko ang iginawad ni Jimbo kay Josh
"Walang hiya ka talaga Dimaculangan pareho kayo ng kapatid mong haliparot!!! Nasaan si Bambi!!?" matapang na say ni Josh at isang sampal ang inabot nya mula kay Jimbo
"Alam mo Diones, kung tatahimik ka na lang di ka na makakatikim ng ganyan, baka bago pa tayo dumating sa hantungan nyo eh patay ka na sa bugbog, gusto mo ba yun hah!!?" banta ni Jimbo kay Josh
"Nasaan sabi si Bambi eh!!!???" pagmamatigas ni Josh
"Lintek na!!! Ayun nakikita mo yung sasakyan na yun na sinusundan natin, doon nakasakay ang pinagmamalaki mong mahal mo!!! Kaya pwede manahimik ka na dyan pwede!!!?" say ni Jimbo habang tinuturo ang sasakyan lulan nila Bambi at Lexa
"Wag na wag magkakamaling saktan ng kapatid mo si Bambi, hayop ka!!!" sambit ni Josh
"Tapalan nyo nga ang bibig ng ungas na yan, naririndi na ako eh!!!" gaya ng ginawa kay Bambi, binusalan rin nila si Josh hanggang sa makarating sila sa sinasabing destination..
Fastforward......
Batangas......
Sunset
Sabay na dumating ang dalawang sasakyan na lulan sila Josh at Bambi sa isang abandonadong resort sa Batangas...
Unang inilabas ng sasakyan si Bambi...
"Anong lugar to?" pagtatakang tanong ni Bambi
"Welcome to your final destination dear!!" say ni Lexa with a grin
"Where's Josh you lunatic girl!!?" say ni Bambi, nag-iba ang aura ng mukha ni Lexa at sinampal nya ng isa si Bambi
"Don't call me lunatic!!!" say ni Lexa after nyang sampalin si Bambi
"Saan sabi si Josh eh!!!?" matapang pa rin sambit ni Bambi
"Kuya Jimbo!!!" sambit ni Lexa, at nagbukas ang pinto ng kabilang sasakyan at laking gulat ni Bambi ng bumaba ang isang bugbog saradong si Josh
"Josh!!!!" sigaw ni Bambi
"Kita mo Bambi, yan ang napapala ng boyfriend mong walang binatbat, kung pumayag ka lang na i-date kita edi sana hindi yan ang mapapala ng jowa mong hilaw!" sambit ni Jimbo
"Tigilan mo si Bambi, hayop ka!!" sambit ni Josh na kahit bugbog na, para kay Bambi, magpapakatatag sya
"Alam nyo kuya, tara na nga!! Dami nyong satsat!! Boys dalhin nyo yang dalawang yan!!" sambit ni Lexa at dinala ng mga alipores nila sila Josh at Bambi
Sa Tabing Dagat.....
Itinulak ng mga alipores ni Lexa at Jimbo sila Josh at Bambi sa buhanginan sa malapit sa dagat..
"Kalagan nyo ang dalawang yan!" mando ni Lexa, kinalagan nila si Josh at Bambi, tumakbo si Bambi kay Josh na hirap na hirap tumayo dahil sa tinamong bugbog sa buong katawan nito
"Josh!!" inalalayan ni Bambi si Josh
"Bambi--mabuti't okay ka.." say ni Josh kay Bambi, naluluha na si Bambi sa sitwasyon ni Josh
"Josh, wag ka ng magsalita, makakasama pa sayo eh!" tuluyan ng umiyak si Bambi
"Shssh! Di ba sabi ko sayo wag kang iiyak, di ba sabi ko sayo kakayanin natin to ng magkasama, tahan na, please!" sambit ni Josh kay Bambi
"Josh naman eh, grabe na ang dinaranas mo, alam mo naman na ayaw kitang nakikitang nasasaktan ng dahil sa akin di ba?" sambit ni Bambi habang patuloy ang pagluha
"Napakadrama nyong dalawa, since may natitira pa rin akong bait sa katawan, huling tanong for both of you, gaya ng sinabi ko, I will spare both of you kung papayag kayo sa kagustuhan namin ni Kuya Jimbo, that you Josh will be mine and you Bambi will be with Kuya, so for the last time, what is your final answer?" sambit ni Lexa sa dalawa
Nagkatinginan sila Josh at Bambi..
"Ano!!!!????" say ni Lexa ng biglang may dumating..
"Josh!!!! Bambi!!!!" ang barkada kasama sila Ligaya, ang parents ni Bambi, at Ate ni Josh
"Wow!!! Perfect timing, this will be great!!" natatawang sambit ni Lexa
"Lexa!! Jimbo!! Pakawalan nyo na si Bambi at Josh!!!" matapang na sambit ni Kris
"Since, complete na ang cast, Josh!!! Bambi!!! what is your final answer!!!?" humarap muli si Lexa kila Josh at Bambi
Nakapalibot ang mga alipores ni Lexa sa paligid kaya di makakilos ang barkada at sila Ligaya
"Sandali Lexa!!! Anong lugar ba to!!!? Wag mong sabihin ito ang--" bago matapos ni Ligaya ang sasabihin ay nagsalita na si Lexa
"That is the exact place and the place you are standing is the place where you last saw your dearest friend die!! Am I right?" si Lexa, nanlaki ang mga mata nila Ligaya, Gelo, Crisanto at Linda
"Papaano mo nalaman na --" pinutol ulit ni Lexa ang sasabihin naman ni Linda
" Lovers Until Death! Sino naman ang hindi makakabasa ng librong iyun na sobrang lungkot ng naging ending, Kaya, kapag yun pa rin ang decision ng dalawang to!! Well, they give no choice but to say hello to their other self, Raphael and Barbara from 31 years ago, where in this place they see no daylight because of the forbidden love!!" natatawang sambit ni Lexa
"Ibig sabihin ba nito tita Ligaya, talagang si Josh at Bambi ang --" say ni Belle
"Reincarnation of our friend Raphael and Barbara from 31 years ago.." sambit ni Ligaya
"Ano!!!!????" sabay sabay na sambit ng barkada maging ng parents ni Bambi at Ate ni Josh
"Magaling talagang gumawanng story ag author ng librong ito!!" say ni Lexa sabay labas ng libro
"Teka? Sakin yang librong yan ah!! Paano mo nakuha yan!!?" si Bambi
"Bambi dear, I know this book is so important to you, thats why I must reveal the through faces behind this book!!" say ni Lexa
"Reincarnation!!? Imposible, may patunay ba kayo tita na talagang kawangis nila sila Tita Barbara!!" sambit ni Aya
"Aya dear and all of you, let me introduce to the true faces of the character in this book!!" pakakasambit ni Lexa ay inilabas nya ang litrato na nagpapakita ng tunay na wangis nila Raphael at Barbara nung sila ay nabubuhay pa..
Nawindang ang buong barkada sa nakikita nila, na tunay ngang kawangis nila Josh at Bambi, sila Raphael at Barbara...
"I see the shock on your faces eh!! Now enough with revelation drama, lets move on, Bambi, Josh what is your final decision?" tanong ulit ni Lexa pagharap nya kila Josh at Bambi
"Lexa!!! Please, pakawalan mo na sila Bambi!!" say ni Belle
"Manahimik kayo dyan!!!" saway ni Jimbo kila Belle
Lahat ng mata ay nakatingin kila Josh at Bambi
Naglakas loob ng tumayo si Bambi at nagsalita..
"Alam mo Lexa, tama ka, ang takbo ng istorya namin ni Josh ay sobrang hawig sa tinakbo ng story nila Tita Barbara at Tito Raphael ang pagkakaiba nga lang noon ay pinagbabawalan ng parents nya si Tita Barbara noon, samantala sa part ko naman, tanggap ng parents ko si Josh na walang pagtutol, naging maayos na sana ang lahat, ang takbo ng buhay namin at relasyon namin ni Josh kaso dumating kayo ng kuya mo! Tapos ngayon ano!!? Ipagpipilitan mo ang sarili mo na mahalin ka ng tao kahit kailan hindi ka nagawang mahalin!! Kaya pwede ba!!? Kahit anong gawin mo!! Patayin mo man ako sa harap nila!! Di magbabago ang sagot ko, Mahal ko si Josh, mahal na mahal kaya ano mang mangyari ngayon, tanging si Josh lang ang mamahalin ko!!" matapang na sambit ni Bambi, dahan dahan tumayo si Josh at inakbayan si Bambi
"Gaya ng sinabi ni Bambi, yun pa rin ang sagot ko!! Mahal ko si Bambi, mahal na mahal kaya kahit anong gawin nyo ng kuya mo Lexa!! Di talaga kita magagawang mahalin dahil iisa lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko kahit mamatay pa ako sa harap ng lahat!!!" sambit ni Josh
"Mga walang hiya!!! I will assure you na history from the past will definitely repeats itselfs once again!!!" sambit ni Lexa sabay labas ng baril at itinutok kay Bambi
"Hindi!!!!!" sinipa ni Belle ang alipores na nakabantay sa kanila, pinagtulungan nila Ligaya, Gelo, Linda at Crisanto ang mga alipores nila Jimbo at Lexa at nakibag buno si Belle sa baril na hawak ni Lexa
"Josh!! Bambi takbo!!!!" sigaw ni Belle habang nakikipagbuno na baril kay Lexa, si Jimbo naman ay pinagtulungan ng boys na bugbugin
Inalalayan ni Bambi si Josh palayo ng makalabit ni Lexa ang gatilyo ng baril habang nakikipagbuno kay Belle at.....
*BANG!!!!!!
Tumigil ang mundo ng lahat sa kung sino ang natamaan ng baril...
"BAMBI!!!!!!!!"
==================================
Hala!!! Si Bambi nga ba ang natamaan ng baril!!!??
Abangan natin sa huling yugto ng istoryang ito!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top