Chapter 53: Who's Behind This!!!?
Belle's POV
Monday Evening...
Hey guys!!! Buti na lang nagka- POV na ako, well to busy being a College Girl, since our college prof are in a whole week seminar in Cebu, I decided to home for the week long no classes, I miss my parents and my sister, kumusta na kaya si baby sis, di ba naman nasama kapag nabisita sila mommy sakin sa dorm, paano lagi kasama ang jowa, joke lang pero love ko yung baby sis kong yun kahit puro Juswa na lang ang inaatupag nya, mahal na mahal ko yung babaitang yun, nag-iisa lang yun, well nandito na ako sa tapat ng bahay namin, tinext ko na sila mommy about my stay..
"Belle, anak!" bati sa akin ni Mommy ng makababa ako sa taxi
"Mommy!" yakap ko kay mommy
"Oh? Nandito na pala ang panganay namin, kumusta ang biyahe?" sambit ni daddy
"Okay naman po, kayo po kumusta po? Si Bambi?" tanong ko agad kila mommy
"Okay naman kami anak, ang kapatid mo, nakakapagtaka nga eh, di pa sya nauwi, di naman ugali ng kapatid ang magpagabi sa daan, tinatawagan namin, di naman ma-contact.." pag-aalala nila Mommy at Daddy
"Nasubukan nyo na po bang tawagan si Josh or ang ate Rose nya, baka nandon sa kanila si Bambi?" suggest ko, saan naman kaya nagawi ang mabait kong kapatid, biglang nagring ang phone ni mommy
"Si Rose, bakit kaya?" say ni mommy ng makita ang caller ID
"Sagutin nyo na mommy.." say ko, sinagot ni mommy
"I-loud speaker mo mommy.." say ko kay mommy
PHONE CONVO..
"Hello?" si mommy
"Hello po Ms. Fortez." rinig kong sabi ni ate Rose
"Rose, napatawag ka?" tanong ni mommy
"Itatanong ko lang po sana kung nandyan po si Josh? di pa po kasi sya nauwi eh, baka kasama nya po si Bambi?" si ate Rose
"Naku Rose, yan rin sana ang itatanong namin sa iyo, di pa rin nga nauwi si Bambi eh.." si mommy
"Ganun po ba, wala naman po nasasabi sa akin si Josh na may lakad sila ni Bambi, saan kaya nagpunta ang mga bata yun?" si ate Rose
"Kaya nga, nag-aalala na ako sa batang yun, di pa naman ugali ni Bambi ang umuwi ng gabi, uhm Rose, balitaan mo na lang ako kung nakauwi na sa inyo si Josh okay?" say ni mommy, kung wala si Josh sa kanila maging si Bambi, nasaan sila?
"Sige po, balitaan na lang po tayo, salamat po ulit.." say ni ate Rose at in-off na ang tawag
END CONVO
"Wala rin si Josh sa kanila? Eh nasaan kaya ang mga batang yun?" nag-aalalang tanong ni daddy
"Naku Ted, kinakabahan na ako, baka kung napapano na si Bambi.." nag-aalalang sambit ni mommy
"Hindi kaya may dumukot sa kanila?" nagulat sila mommy sa sinambit ko, di malayong mangyari dahil kinuwento sa akin ni Bambi tungkol sa magkapatid na Jimbo at Lexa Dimaculangan..
"Jusko!! Wag naman sana.." say ni mommy, nag-uusap kami nila mommy ng may kotseng tumigil sa harap namin, may bumaba, si Aya bakit kaya?
"Belle, Tito Ted, Tita Irene!!!" sambit ni Aya ng makalapit siya sa amin
"Bakit Aya?" tanong ko
"Si Bambi po?" tanong ni Aya
"Hindi pa nga nauwi simula kanina.." say ko
"Naku, so totoo nga yung sinabi ni O-jay kanina..." say ni Aya, ano kaya yun?
"Bakit? Ano sinabi ni O-Jay?" say ko
"Nakit nyang may humampas sa likod ni Josh kanina sa gate, naka-bonet na lalaki, nawalan ng malay si Josh, tapos si Bambi..."pause ni Aya
"Anong nangyari kay Bambi? Aya!!!" sambit ko
"Sabi ni O-jay, kinuha ng mga nakabonet na lalaki si Bambi, ganun din si Josh, isinakay nila sila Bambi sa magkahiwalay na puting van.." sambit ni Aya, shock na shock ako sa nabalitaan ko, maging sila mommy at daddy
"Jusko Ted!! Dinukot nga ang anak natin at si Josh!! Anong gagawin natin?" naluluha na si mommy, sino ang nasa likod nito?
"Aya, may idea ka ba kung sino may pakana nito?" seryosong tanong ko kay Aya
"Sorry Belle, di ko alam kung sino may pakana ng kinapping galore na to.." malungkot na sambit ni Aya
"Mabuti pa tawagan mo na si Rose, Irene..para malaman nya ang nangyari.." say ni Daddy kay mommy
End POV
Meanwhile.....
Abandoned building....
Bambi's POV
"Nasaan ako!!!??" sigaw ko sa mga lalaking nakabonet
Biglang nagbukas yung pinto, may pumasok na babaeng nakamask at nakapangsosyal na subrero, di naman mainit dito, tsaka hello!!! gabi na kaya, kitang kita ang buwan mula sa bintana..
"Mam, nandito na po sya!" sambit nung isang nakabonet sa babae, mukhang boss nila, sinech itech kaya tong babaitang to? Tinanggal nya yung mask, laking gulat ko si.....
"LEXA!!!!!????" tama kayo ng narinig ang atribidang nakaaway ko dahil kay Josh, so sya pala may pakana ng lahat ng kalokohang to!!!
"Surprise!!" ngiting nakakaasiwa ang iginawad sa akin ni Lexa
"Wow naman, talagang di mo talaga ako tinigilan ganon!? Gumawa ka pa ng gantong kalokohan!" matapang kong sambit sa pagmumukha
"I already told you Bambi, di pa tayo tapos!!!" say sa akin Lexa
"Ano pang kailangan mo sa akin bruha ka!!?" madiin kong sambit ko
"Ka-ganda ko naman bruha dear.." wow, nagfifeeling na naman ang babaitang to, teka ..
"Asan si Josh!!!?? Bruha ka, nasaan sya!!!???" sigaw sa kanya
"Pinaparusahan ni Kuya Jimbo sa pambabusted nya sa akin at sa mga atraso nya kila kuya!!Nasa kabilang kwarto!!" say what!!!??? Sila palang magkapatid ang may kagagawan ng lahat ng to!!!
"Walang hiya talaga kayong magkapatid!!!!" sigaw ko sa kanya, wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko, buysit!!! I felt so useless..
"So, Bambi, wala kang magawa ano? Di mo maligtas ang pinakamamahal mong si Josh noh?" nagawa pang mang-asar ng babaeng mukhang tsinelas na to!!
"Buysit ka talagang babae ka!!" say ko sa kanya..
"Wawang Bambi!!" talagang pinpiga ang ako sa galit ng babaeng to..
"Tumigil ka na!!! Pag ako nakawala dito, siguradong di lang sabunot ang makukuha mo!!!" banta ko sa kanya, pilit kong tinatanggal ang gapos ko, kaso ang higpit!!
"Di ka na makakawala dito dear, sisiguraduhin kong di ka na sisinagan ng araw!!" nakakalokang tawa ni Lexa bruha!!
"Anong gagawin mo sa akin?" iba ang feeling ko sa binabalak ng bruhang to
"Lets just say, ang plano namin ni kuya ay kapag pumayag si Josh na ako na lang maging girlfriend nya, I will spare you and you will date my kuya and be his girl!!!" ano!!!??? nasisiraan ng bait na talaga ang babaeng to pati yung kuya nya, haller!!! in her dreams!!!!
"Paano kung ayaw ko!!!? Pati ni Josh? Anong gagawin mo?" matapang kong sambit
"Well, me and kuya decided, if both of you won't accept our decision, I will call all your love once to witness the death of their precious friend/family member!!!" eto na ba ang pag-uulit ng nakaraan..sana panaginip lang ang lahat
End POV
Josh's Side...
Josh's POV
Nagising na lang ako ng duguan ang mukha, dahil sa bugbog ng mga lalaking nakabonet, nasa isang abandonadong building ako, nasaan na kaya si Bambi? Sana okay sya? Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanya!!!
"Long Time Diones!!!" tumingin ako sa may pinto, nanlaki ang mga mata ko...
"Jimbo!!! Hayop ka!!!" sambit ko sa kanya
"Chill ka lang Diones, kumusta ang duguan mong mukha hah? gusto mong dagdagan ko pa!!?" isang suntok ang pinadapo ni Jimbo sa mukha ko, bumagsak ako sa sahig
"Masarap ba Diones!!!?" say ni Jimbo at isang tadyak na naman ang inabot ko..
"Sa-an si-- Bambi?" hirap kong sambit
"Mukhang tinuturan rin ng leksyon ni Lexa sa kabilang kwarto!!" sambit ni Jimbo
"Hayop talaga kayong dalawa ng kapatid mo!!!!" sambit ko, nakatikim na naman ako ng isang tadyak, nahihirapan na ako
"Alam mo Josh, isa lang naman ang gusto namin ni Lexi, pumayag kang maging girlfriend ang kapatid ko and I will date Bambi, you both are safe, but if you both don't accept our request, it will be the end of both of you!!!" talagang gagawin nila ang lahat mapaglayo lang kami ni Bambi, di ako makakapayag, mukhang mauulit na naman ang nakaraan, its now or never!!!
"In your dreams Dimaculangan, patayin mo na ako bago mapunta sayo si Bambi!!! Hayop ka!!" sambit ko sa kanya, nakatikim na naman ako ng isang suntok na lalong nakapagpabigat sa nararamdaman ko
"Don't worry Josh, bukas na bukas, malalaman natin ang desisyon ng iyong pinakamamahal na si Bambi, if the same as yours, tatawagan namin ang mga kaibigan nyo at family nyo, so they can witness the death of their loving Josh and Bambi!!" huling sambit ni Jimbo at tuluyan na lumabas ng kwarto
Eto na ba ang kinakatakutan namin ni Bambi? ang mangyari ang masaklap na pagtatapos ng pagmamahalan namin? Sana lahat ng to panaginip na lang, sana!!!
=====================================================================
Oh no!!! Can this be the end of their story just like what happen 31 years ago?
Abangan.....
Last 2 chapters!!!! Thank you once again...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top