Chapter 51: Another Asungot!!?
Josh's POV
Saturday again, kung tatanungin nyo ako about kay Lexa, ayun nag disappear na lang bigla na parang bula hay! Nakahanap kasi sya ng katapat eh!! Ngayon ko lang nakita ang side ni Bambi ng ganon, may pagka warfreak rin, nakikipagbasagan rin..
Well, andito kami sa Mall, syempre to unwind all the drama at syempre kasama na ang date don..
"Juswa? Tulala ka na naman dyan?" ay oo nga pala nandito nga pala ang cute but terrible kong girlfriend, wag gagalitin baka magalit
"Wala, iniisip ko pa rin yung biglang pagkawala ni Lexa, parang bula na lang, di na pumasok" sambit ko
"So, namimiss mo ganun?" ay eto na po siya
"Bat ko naman mamimiss ang maarteng haliparot na babaeng yun, sobrang clingy daig pa linta!" depensa ko
"Takot nya lang na magkaroon pa ng round 3!" banat ni Bambi habang nabili kami ng ice cream
"Tapang ng girlfriend kong may pagka-warfreak!!" natatawa kong sambit sa kanya ng..
"Aray!!!" inda ko, hinampas na naman ako sa braso, ang bigat ng kamay ng babaeng to
"Warfreak ka dyan!!? Akala mo kasi sobrang bait kong girlfriend, matapang rin kaya to!!" pagmamalaki ni Bambi
"Oo na, parang mas matapang ka pa nga sa akin eh, biruin mo nakadalawang round ka ng cat fight kay Lexa, galing!!!" say ni Josh
"Kaya ngayon, alam mo na hindi lang pang brainiac o pangmahinhin ang girlfriend mo, pwede rin sa rambulan, joke lang pwede rin sa mga mild fight!!" natatawang sambit ni Bambi, ikinatawa ko na rin
"Now I know 'cause you are mine!" sabay akbay ko sa kanya
"Corny hah!!" ngiti nyang sambit
Habang masaya kaming dalawang namamasyal, napahinto si Bambi..
"Bakit?" tanong ko sa kanya ng
"Bambi!!" hah? sino naman tong atribidong lalaking to..
Nang makalapit sa amin yung lalaki tumawag kay Bambi..
"Kumusta?" sambit nung lalaki
"O-kay lang.." nauutal na sambit ni Bambi, something fishy?
Hinila ko si Bambi konti palayo sa lalaking ungas na yun..
"Sino ba yan? Bat parang nauutal kang magsalita?" tanong ko sa kanya
"Josh, sya si Mark, yung nanligaw sa akin nung di ka pa natransfer sa Westridge.." nagulat ako sa sinambit nya
"Hah!? Eh bakit nauutal ka?" say ko
"Josh, nakakatakot yan lalaking yan, lahat ng sumubok na manligaw sa akin, binugbog nyan, pati nga si Kris, nasampolan ng lalaking yan.." sambit ni Bambi, wow, biyolente pala tong isang to
"Bakit parang ang jolly ng dating nya?" tanong ko
"Di ko alam kung anong nangyari sa lalaking yan, ilipat kasi yan ng school dahil nga sa pambubugbog nya.." kwento ni Bambi, mukha nasa likod ang sungay ng lalaking to ah
"Excuse me, ako bang pinag-uusapan nyo?" nagulat kami ng biglang tinapik kami parehas ni Bambi sa likod namin, tinignan namin, si Mark
"Ahh..hindi Mark, ano ka ba?" kanina natatakot tapos ngayon nashashy type, ay ewan Bambi sa iyo!
"Bambi, kumusta ka na at ang Westridge?" pa-cool ni Mark na sambit
"Okay naman ako, maayos naman ang Westridge nung umalis ka.." hirit ni Bambi
"Grabe ka sa akin Bambi, di na ako ganon!" biro pa ni Mark
"Talaga lang ah?" banat naman ni Bambi
"Totoo, anong akala mo sa akin, bad boy na nangligaw sa iyo?" aba humirit pa tong asungot na to
"Lahat ng nanligaw sa akin pinagbubugbog mo, napakayabang mo!!" hirit na ng hirit tong si Bambi
"Well ganon talaga, maglalakas loob na ako since nagkita ulit tayo, available ka pa rin ba?" anak ng tokwa, eto na nga bang sinasabi ko, isang asungot na naman ang kaharap ko ngayon
"Excuse me lang tol ah!!" hinila ko sa likuran ko si Bambi
"Oo nga pala, sino tong kasama mo Bambi? chaperon mo?" ano? ako chaperon, nagkamali ka ata ng binangga mo Mark..
"Let me introduce myself pare, Joshua Diones, boyfriend ng babaeng gusto mong ligawan for the second time!" lahad ko ng kamay sa harap nya, nakita ko nag-iba ang ekspresyon nya
"Boyfriend? May boyfriend ka na Bambi?" tanong nya ka Bambi
"Hindi ba halata Mark? Si Josh boyfriend ko!!" hirit ni Bambi na nasa likuran ko
"Kailan pa? Pinayagan ka ng parents mo?" sunod sunod na tanong ni Mark
" One year mahigit na!!" sabat ko, mukhang inis na inis na sya
"Bingi ka ba Mark? One year na kami, kaya pwede? tigilan mo na ako!!" si Bambi
"Talagang eto ang naging taste mo?" anak ng tinola tong lalaking to, masampolan nga ng matauhan
"Paki mo ba!!? Tsaka alam kong di ka pa nagbabago Mark, saksakan ng sinugaling mo, pa-cute effect ka pa, neknek mo, di na gagana charms mo!!" naku po, lumabas na ang pagiging palingkera ng jowa kong ito, pati pala lalaki di inuurungan..
"Ang ganun!!!? Halika dito!!" biglang hinila ni Mark si Bambi mula sa likuran ko
"Bitawan mo ako!!!" pagpupumiglas ni Bambi..
"Hoy! bitawan mo nga girlfriend ko!!" tinulak ko nga ng isa, nabitawan nya si Bambi
"Tapang mo rin eh no, kahit ba boyfriend ka ni Bambi, sa itsura mong yan, may laban ka ba sa akin hah?" aba!! hinamon pa talaga ako ng asungot na to
"Yabang nito ah, ano sa tingin mo sa akin!? Di ka lalabanan, yun ang akala mo!!?" susugudin ko na tong isang to, nang pigilan ako ni Bambi, siguradong riot to, kapikon
"Huwag mo nang patulan, ako ng bahala!!" say ni Bambi, hinarap nya si Mark at..
*Slappppp...
Isang malutong na sampal ang inabot ni Mark, napatingin ang mga dumadaan..
"Para san yon!!?" nagulantang si Mark sa sampal na pinadapo sa kanya ni Bambi, seryoso na si Bambi
"Ilang replay bang gusto mong marinig sa bibig ko na di na gagana ang charms mo sa akin, in your dreams!!" si Bambi
"Pero Bambs, gusto kita, please give me a chance!!" chance mo mukha mo Mark, love kaya ako nyan
"Bingi ka ba!!? May boyfriend na ako!! Kaya pwede tantanan mo na ako!!" say ni Bambi, makulit ka talaga Mark
"Edi hiwalayan mo!?" anong sabi mo!!??
"Anong sabi mo!!?" inis kong sambit, talagang susugudin ko na eh
"Josh, kalma!! kaya ko to!!" pigil sa akin ni Bambi, naku pasalamat ka talaga may nagapigil sa akin, kung di masasapok ko talaga ang asungot na to, humarap ulit si Bambi sa kanya
"Ano ba talaga gusto mo Mark!!? Mahirap bang idikdik sa utak mo na may boyfriend na ako!!" sumbat ulit ni Bambi
"Please Bambi, ako na lang!!" nagmakaawa pa
"Tigas mo talagang lalaki ka!! For the nth time, may boyfriend na ako!!" ulit ni Bambi, napipikon na rin ang isang to
"Mahal mo ba!!?" aba talagang tinanong pa yun
"Hindi pa ba understood na boyfriend ko na sya, na isang taon na kami?" si Bambi
"Gusto ko marinig mula sa bibig mo na mahal mo ang lalaking yan!!?" talagang pinipikon mo talaga ang anghel ko ah
"OO!!! Mahal ko si Josh!!! Mahal na Mahal, sa tingin mo bang magtatagal kami ng ganto kung di ko sya mahal at di nya ako mahal!!?? Pwede ba Mark!!!? Once and for all, tigilan mo na ako!!" ano Mark? narinig mo na ang sagot ng prinsesa ko..
"Kung talagang mahal mo sya!? Magpakita ka ng ibidensya na talagang tunay kayong nagmamahalan, sa gayon titigil na ako sa pangungulit sa iyo!" ang tigas rin nitong Mark na to, need ba talaga ng evidence ganon!! Hinila ako bigla at nakipagtitigan sa akin
"Ready ka na ba?" ano daw? san ready?
"Sa --" di na ako pinatapos ni Bambi dahil she softly kiss me, well bihira lang to mangyari, so I kiss back, I can hear so many awe around us, I slightly open my eyes to see Mark's reaction, well we our still in the kissing position, I look at Mark, wow!! nganga!!
After about 15 seconds I think, kumalas na kaming dalawa..
Humarap muli si Bambi kay Mark..
"Sapat na bang evidence yun na mahal ko talaga ang lalaking to?" malupit talaga tong girlfriend kong to, bow down ako!! At the same time, its the first time we kiss that long, yung first ay peck lang sa lips nung anniversary namin, kinilig ako don ah!
"Okay fine, nakita ko naman na talagang mahal mo sya nung halikan mo siya and he kiss back, you both truly love each other, I'm sorry for my manners and stubbornness!" edi natauhan ka rin Mark
"Thank you Mark! I know someday, you will find the right girl for you!" say ni Bambi kay Mark
"Pwede bang pa hug lang for the last time?" say ni Mark
"Sure!" binigyan ng isang yakap ni Bambi si Mark, di ako jealous!
"Salamat Bambi!!" say ni Mark after nilang mag-hug
"No problem Mark!!" si Bambi, maaliwalas na ang mukha ni Bambi, kanina parang iba eh
"Josh, sorry tol, now I know that you love her that much!" say ni Mark sa akin
"Wala na yun tol! Basta pakabait ka na hah?" say ko sa kanya, nginitian lang ako
"Promise! Alagaan mong mabuti si Bambi, alam kong kahit small but terrible yan eh may weakness rin yan!!" say ni Mark
"Don't worry tol, I promise her that I will always be by her side no matter what!!" assured ko kay Mark
"So paano? Una na ako!! Nice meeting you again Bambi, Josh thanks!!" at yun naglakad na palayo si Mark, naiwan na kaming dalawa ng babaeng small but terrible este mahal ko pala kahit ganto to!!
"Drama talaga ng love story natin? Ang daming struggles, ano pa kayang susunod no?" sambit ko kay Bambi
"Bakit? Nagsasawa ka na?" tanong ni Bambi
"Hindi ako magsasawa basta ikaw ang kasama ko sa madramang story na to!! Walang sukuan!!" say ko sa kanya, nginitian nya lang ako
"Arte mo!! Tara na nga, halata naman kinilig ka kanina sa ginawa ko!!" pagmamalaki ni Bambi
"Bitin nga ako eh, pwede pahingi pang isa?" sabay akbay sa kanya
"Neknek mo!! In urgent time ko lang gagawin yun noh!!" say nya sa akin
"Eh?" say ko
"Joke lang!! Emo agad, pero Josh seryoso, walang iwanan at walang basta bastang tuka!!" say ni Bambi
"Promise!! Tara na nga!!" at pinagpatuloy na namin ang gala/date namin sa mall, hay ang drama talaga ng life namin parehas
=========================================================================
Mukhang di na matapos tapos ang mga asungot na sumusulpot sa buhay nila Josh at Bambi? Kailan kaya matatapos ang madramang love story ng dalawang ito?
Last 4 Chapters to come, thanks for all the support in advance...
Will the 30 years ago story tragedy repeats once again?
Abangan....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top