Chapter 50: Beastmode si GF!!?
3 days have past since the so called dapat liligawan ni Josh arrived...
Westridge High..
Magstart na ang klase ng...
Na- out of balance si Lexa, kasunod niya sila Josh at Bambi, nahawakan sya agad ni Josh sa kamay, kaya di ito natuloy na matumba..
"Thank you Josh! You save me!" maarteng sambit ni Lexa at bigla na lang yumakap kay Josh, nanlaki ang mga mata ng mga kaklase nila lalong higit si Bambi
"Wala problema don, pwede bumitaw ka na?" sabay pilit na kumakawala si Josh sa yakap ni Lexa
"Thank you talaga!!" nakayakap pa din si Lexa, pilit kumawala ni Josh, pero no use, daig pang linta kung makayakap si Lexa kay Josh, saktong nakita ni Aya ang eksena sa harap ng lahat, nakita nyang nakatulala si Bambi, in shock na may halong inis..
"Bambs, tutulala ka lang dyan sa inis? Sabunutan mo girl!!" say ni Aya kay Bambi, natauhan ito at sabay hila kay Josh para kumalas si Linta este Lexa pala..
"Anong problema mo!!!? Nag thank you lang naman ako kay Josh ah!!! Hindi purket girlfriend ka!!! Ano ka pa ba dito ah!!!??" sumbat ni Lexa sa pagmumukha ni Bambi, nailayo na ni Bambi si Josh
"Lexa, di mo ba alam na si Bambi ang running for Valedictorian sa batch natin!" singit na sambit ng isang classmates nila
"Ah!!!? So ikaw pala ang pinaka-genius dito!!? So, ano naman!!? Akala mo ba ikinaganda mo, ang pagiging genius at girlfriend ni Josh hah!!?" lumabas na ang pagkapalengkera at kaartehan ni Lexa, tahimik lang nakatingin sa kanya si Bambi, the anger look
"Tapos ka na?" tanging sambit ni Bambi, di pa rin nawawala ang expression nya sa mukha
"Pasalamat ka talaga, kung di lang naman lumipat si Josh ng school, di ka naman nya magiging girlfriend eh, ano ka prinsesa, lahat mapapasayo!!? Wow!! " sumbat ni Lexa, isang malutong na sampal ang pinadapo ni Bambi sa mukha ni Lexa, in shock sya
Nagulat ang lahat sa na naging aksyon ni Bambi, first time na ginawa yun ni Bambi sa harap ng lahat..
"Walang hiya ka!!! Ikaw palang gumawa sa akin nito!!!" sinabunutan ni Lexa si Bambi, nag-umpisa na ang girls riot sa loob ng room..
"Pwede ba Lexa! Tumigil ka na!!?" inawat ni Josh ang dalawa girls, hinila nya si Bambi palayo kay Lexa
"Wow!! Josh!!? Coming from you!!? Yang mukhang anghel mong girlfriend ang nag-umpisa!!! Tapos, sya ang kakampihan mo!!!? Ganon!!!?" sigaw ni Lexa sa pagmumukha ni Josh habang hawak hawak si Bambi na mukha sinabunutan ng tatlong unggoy gawa ni Lexa
"Wala akong kinakampihan okay!!? Eh ang totoo nyan, kung di ka nag-inarteng ma-out of balance dyan, tapos ayaw mo pa akong pakawalan sa yakap mo, kaya yan ang mapapala mo eh!!!" say ni Josh kay Lexa
"Edi lumabas din dyan sa bibig mo na kinakampihan mo talaga yang girlfriend mong feeling maganda at matalino!!" di pa rin talaga nauubusan ng resbak si Lexa
"Tumigil ka na!!! Mabait ako sa mabait, pero kapag pinikon talaga ako ng sobra, hindi mo ako kilala!!" paghahamon ni Bambi kay Lexa kahit kinahig na ng manok ang buhok nya
"Wow, so yan pala pinatulan mo Josh, isang babaeng feeling santa, nasa loob pala ang kulo!! How poor you are Josh!!?" banat ulit ni Lexa
"Isa!!! Sabing tumigil ka na eh!!" si Josh na medyo napupuno na sa inaasal ni Lexa
"Don't you dare stop me Josh!! Alam mo naman noon pa man may gusto na ako sayo, but still you never like me!! Tapos lumipat ka lang dito sa Westridge, nagka girlfriend ka na agad!! Wow talaga!! Tapos ako ni di mo man lang nagawang ligawan!!" say ni Lexa
"Eh ano naman kung nagka girlfriend ako dito, anong pakialam mo don!!!" sagot ni Josh
"How dare you talaga Josh!!!" sumbat ni Lexa
"Pwede ba Lexa, tigilan mo na to, please!! Kuya mo lang naman ang mapilit na ligawan kita, kahit alam kong may gusto ka sa akin, di naman kita gusto, sa ugali mong yan.." say ni Josh sa pagmumukha ni Lexa
"Ano bang nagustuhan mo dyan sa babaeng yan hah!!?" di pa rin talaga natigil si Lexa
"Opposite of what you are acting right now!! Kayaplease, lubayan mo na kami ni Bambi pwede?" si Josh
"Alam mo Josh!! You will regret everything for not loving me back!!! You will see!!" huling say ni Lexa sabay walk out..
"For you naman Bambi!! Di pa tayo tapos!!!" may pahabol pa si Lexa bago tuluyan mag-walk out
Sakto naman ang pagpasok ng teacher nila..
"Anong drama meron dito?" tanong ng teacher nila
"Ms. Fortez, anong nangyari sa buhok mo?" tanong ng teacher ng makita si Bambi
"Wala po mam, may humila lang po, sige po mam upo na po kami, tara Josh?" sabay hila ni Bambi kay papuntang upuan nila
Fastforward...
Mag-isa lang naglalakad si Bambi papuntang library , nauna na si Josh at Aya sa canteen ng..
"Aray!!!!" may biglang humila sa buhok ni Bambi
"Sabi ko sayo di ba di pa tayo tapos!!?" boses ng babae, nakawala si Bambi sa pagkakahila
"Lexa!!!? Ano na naman problema mo? Tsaka bakit ang hilig mong hilahin ang buhok ko hah? naiinggit ka ba sa buhok ko?" react ni Bambi
"Ikaw ang problema ko!! Masyado kang paawa effect, feeling santa!! Kaya ka siguro nagustuhan ni Josh eh!!!" react ni Lexa
"So, si Josh na naman ang sanhi kung bakit ka nagwawala na parang pag-aari mo sya!!" si Bambi
"Oo!!! Kung di lang talaga sya inilipat ng ate nya dito, edi sana ako na ang girlfriend nya!!" mapilit ang Lexa to
"Paano naman hindi sya ililipat dito eh binubugbog sya ng kuya mo at pinapagawan pa ng mga bagay na hindi tama!! Kapag pumalpak sya, ano!!? Bubugbugin ng kuya mo at ng tropa nya, alam mo ikaw di ka rin nalalayo sa kuya mo eh, paarte na, mahilig pang pakipagsabunutan!!" humirit na si Bambi, napipikon na sya sa asal ng babaeng to
"Walang hiya ka talagang babae ka!!!" sasampalin na sana ni Lexa si Bambi pero nahawakan agad ito ni Bambi
"Akala mo masasampal mo ako ng ganun ganun lang!! Alalahanin mo Lexa, wala ka sa teritoryo mo para ipakita ang kaartehan at pagkapalengkera mo!!!" sambit ni Bambi sa pagmumukha ni Lexa
"Bitawan mo ako!!!" nabitawan ni Bambi si Lexa at sinabunutan na naman si Bambi, girl fight again ang nangyari, walang nagpapatalo sa dalawa..
"Eto ang mapapala ng babaeng feeling santa, nasa loob naman ang kulo!!!" sigaw ni Lexa habang nakikipagsabunutan kay Bambi, pasalamat na lang at walang students na makakasaksi ng rare girls fight, nasa canteen lahat ng students
"Ikaw babaeng linta ka, ilang araw na akong nagtitimpi sa pagpapacute mo kay Josh, nag-inarte ka pa talagang na-out balance ka kanina para magpasalo lang kay Josh, luma na yang drama mo girl!! Kabago bago mo palang flirt ka na!!" resbak ni Bambi habang patuloy silang nagsasabunutan
"Hindi mo ba naiintinhan babaeng feeling santa, gusto ko si Josh!!!" bawi ni Lexa
"Gusto mo nga, bakit gusto ka ba nya?" di talaga ngayon papatalo si Bambi
Nagpatuloy ang cat fight ng girls ng biglang dumating si Josh dahil di pa rin nabalik si Bambi..
"Hoy!!!! Bambi, Lexa!!!" tumakbo si Josh para pigilan ang dalawa, inawat ni Josh ang dalawa
Nang mabigil nya ang sabunutan ng dalawa..
"Ano ba!!? Ano to boxing!!? May Round 1, round 2!!?" sermon ni Josh sa dalawa
"Yang santa-santahan girlfriend mo ang nag-umpisa nito eh!!" si Lexa
"Wow!! coming from you? sino bang unang sumabunot sa atin dalawa, di ba ikaw?" bwelta ni Bambi
"Teka nga!! Ano ba talagang problema this time!!?" tanong ni Josh sa dalawa girls
"Ikaw!!!" sigaw ni Lexa
"Ano!!!??" si Josh
"Oo, ikaw!!! ang pinag-aawayan namin ni Bambi!!!" hirit pa ni Lexa, windang na si Josh
"Ano ba Lexa!!? Di ba malinaw sayo na girlfriend ko si Bambi, kaya wala kang karapatan saktan sya!!!" sermon ni Josh kay Lexa
"Wow, so ganon ganon nalang, purkit girlfriend mo sya, sya na ang tama!!! Ang galing!!! Bakit mahal mo ba talaga ang girlfriend mong yan!!?" hirit pa ni Lexa, walang tigil na talaga
"Tatagal ba kami ng higit sa isang taon kung di ko sya mahal!! Syempre mahal ko sya, mahal na mahal!! Kaya pwede ba Lexa tigilan mo na kami, once and for all!!! Lets go Bambs!!" huling sambit ni Josh, sabay hila kay Bambi papalayo kay Lexa
"You will regret this Josh!!!! Lalo ka na Bambi!!! I will never stop!! Just like my Kuya!!! May araw rin kayo!!!" yan ang huling sigaw ni Lexa at nag walk out na rin ito into separate ways
Habang tahimik na naglalakad si Bambi at Josh papuntang canteen..
"Halika nga dito sa bench.." say ni Josh at pinaupo ni Josh si Bambi sa bench
"Bakit?" sambit ni Bambi
"Akin a suklay mo!!" demand ni Josh
"Anong gagawin mo sa suklay ko?" sambit ni Bambi
"Edi susuklayan kita, alangan naman pumasok tayo sa canteen na ganyan buhok mo, parang sinabunutan ng limang unggoy ngayon sa lala!!" say ni Josh, kinuha nya yung suklay sa kamay ni Bambi at sinimulan tong suklayan, tahimik lang si Bambi
"Galit ka ba?" nahihiyang tanong ni Bambi habang sinusuklayan sya ni Josh
"Oo!!" seryosong sambit ni Josh, natahimik si Bambi
"Joke lang!!" natatawang sambit ni Josh habang patuloy nyang sinusuklayan ang buhok ni Bambi
"Josh naman eh!!!?" si Bambi
"Bakit? Akala mo galit ako sayo!!" si Josh
"Bakit hindi ba?" si Bambi
"Natutuwa pa nga ako eh!!" nagulat si Bambi sa sinabi ni Josh
"Hah?" react ni Bambi
"Ngayon ko lang kasi nakita ang palaban side ng girlfriend ko!! Dati kasi buong akala ko kasi, mahinhin ka, walang imik pag may kaaway, ngayon daig pang lalaki kung makipagsabunutan, walang inuurungan, grabeh!!!" natatawang kwento ni Josh
"Anong akala mo sa akin, pinapalampas ang mga ganon attitude, never!!" say ni Bambi
"Ang tapang!! Well kidding aside, astig mo talaga don mahal, pwede ng pang action drama acting!!" sambit ni Josh, tapos na nyang suklayin si Bambi
"Well, mukhang marami pa talaga tayong dapat madiskubre sa isa't isa.." sabay tayo ni Bambi
"Ayan, maayos na ang buhok mo, di na salabat salabat sa sabunot, ganda na ulit ng Mahal ko!" pagmamalaki ni Josh sa achievement nya
"Mukhang yan ang bagong discovery ko sayo, bihira sa lalaki yan, marunong magsuklay ng buhok ng babae!!" natatawang sambit ni Bambi
"Di ako bakla hah!!" depensa ni Josh
"Bakit? may sinabi ba akong bakla ka?" si Bambi
"Nagsasabi lang ako!!" bwelta ni Josh
"Alam mo tara nga, malapit ng magbell oh!! Eat and run!!" say ni Bambi na akmang papalakad na
"Your wish is my command!!" sabay akbay kay Bambi papuntang canteen
=================================================================
Palaban rin pala si Bambi!! But Lexa will not stop? What will be the next scene?
Abangan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top