Chapter 49: Unexpected Entrance?

Bambi's POV

Lumipas ang ilang araw matapos ang naganap na riot sa inter school competition, naging maayos naman after, todo gwardya sa akin si Juswa, well hindi naman sobrang higit na nasasakal na ako, lets say na he is just protecting me over his old gangster friends..

Papasok na kami ng room at umupo na sa aming respective seats ng pumasok ang teacher namin..

"Class, we have a new student!" announce ni Mam, hah? Middle of the year tumanggap sila ng bagong student? Iba rin!

"Miss Lexa come in!" say ni mam, pumasok ang isang girl na medyo morena beauty, halos kasing tangkad ko lang, napansin kong nanlaki ang mata ng katabi, ano meron?

"Hi! I'm Lexa Dimaculangan, please to meet you all, hope we can make friends!" ano daw? Dimaculangan? Kaano-ano to ni Jimbo?

"Okay, Miss Dimaculangan you may sit on the vacant sit beside miss Aya Chan!" hah!? katabi ko pa? anak ng tokwa naman oo? teka tong katabi ko tulala pa rin?

"Juswa? Problema mo?" tanong ko sa kanya na parang nakakita ng multo ng papalapit na si Lexa para umupo sa tabi ni Aya malapit sa akin, tumigil siya sa harap namin

"Hi Josh!! Long time no see!!!" hah? Kilala nya si Josh? kumindat pa si Lexa after nyang sabihin nya yun kay Josh, aba!!! there is something fishy going on here?

Nang makaupo na si Lexa sa tabi ni Aya, kinompronta ko na agad si Josh..

"Huy!!!? Kilala ka nitong babaeng to!!?" tapik ko sa kanya

"Hah!!?" hah? talaga, kanina ka pa dyan tulala Juswa

"Bingi ka ba? sabi ko bat ka kilala ng babaeng yan?" sabay pasimpleng nguso sa babaeng mukha haliparot ang ugali

"Uhm..kapatid sya ni Jimbo at -- " nagpause pa sya? So, kapatid nga ni Jimbo ang babaeng to hah?

"Sabihin ko na lang sayo sa lunch time, naglelesson na si mam oh!" ay change topic ganon, O sige!!

"Sige, mamayang lunch, give me your proper explanation!" say ko sabay harap sa teacher

"Jealous?" aba nang-asar pa tong singkit na to

"Sabi mo makinig na sa teacher di ba!? Pwede!? Tumahimik ka na dyan!" ay bakit parang highblood ako today? Wala naman akong period? Ay basta!!! Humanda ka sa akin mamaya Juswa ka!!!!

Fastforward 

Lunch time...

Nakapwesto na kami sa pwesto namin sa canteen, habang nabili ng lunch namin si Josh, kami lang ni Aya nandito sa table

"Bambs, bakit parang highblood ka ata today?" wow napansin pa rin ni Aya yun ah

"Wala, may masamang hangin lang na nagpa init ng ulo ko!" simple kong sambit kay Aya

"Si Lexa?" napatingin ako kay Aya

"Bambi, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong kumulo na ang dugo mo nung kumindat sya kay Josh, pansin ko yun!" dugtong pa ni Aya

"Ewan, di lang talaga magaan ang pakiramdam ko sa babaeng yan, kapatid pa ni Jimbo, alaman na!!" say ko

"Selos ka no?" hah? Ako magseselos!?

"Bakit naman ako magseselos?" deny ko kay Aya kahit totoo

"Bambs.." biglang nagsalita si Juswa sa likuran ko

"Oh buti dumating ka na? Kumain na nga tayo!" change topic ko, umupo sya sa tabi ko ng tahimik

"Josh, kausapin mo nga yan girlfriend mo! Mukha may period eh!?" say ni Aya

"Aya naman!!!" saway ko kay Aya

"Is it about Lexa right?" wow look who is speaking!?

"And so!!! Bakit ba natin pag-uusapan yang babaeng yan!? Ano ba sya sayo!!?" deretsahan kong sambit sa harap nya, nagulat sya sa aksyon ko, instead na magsalita sya sa harap namin ni Aya ay hinila nya ako palabas ng canteen papuntang garden namin..

"Josh!!!? Ano ba!!!?" bitaw ko sa hawak nya

"Sabihin mo nga sa akin? Nagseselos ka ba kay Lexa?" wow! buti alam mo..

"Paano kung sabihin ko sayong 'OO' ! anong explanation ang ibibigay mo sa akin sa pagkindat ng babaeng yung sayo hah!!?" deretsahan kong sambit sa pagmumukha nya

"Wala ka naman dapat pagselosan!? Ano ba? Si Lexa, kapatid sya ni Jimbo, sya yung babaeng pinipilit sa akin ni Jimbo ligawan ko nung nasa grupo pa nila ako, bago pa ako lumipat dito sa Westridge, eh ayaw ko naman sa babaeng yun, saksakan ng arte at sobrang clingy, nakakaasar nga eh!! Kaya binubugbog ako ni Jimbo at ng tropa nya dahil ayaw kong ligawan ang kapatid nya tapos pumalpak pa ako sa mga pinapagawa nilang pagshoshop lift!! Ano!? Sapat na bang explanation yun!?" sagot nya sa akin, tahimik lang ako

"Eh bakit nanlaki ang mata mo ng pumasok yang babaeng yan!?" tanong ko sa kanya still not looking in his eyes

"Hindi ko naman ginusto yun, ang pagkakaalam ko eh, patay na patay daw yang babaeng yan sa akin kaya ganun na lang pag iinarte non, pa-cute kahit di naman cute!" paliwanag pa ni Josh

"Ewan!! Nakakapanggigil pa rin ang aksyon ng babaeng yun noh, at sigurado akong may kasunod pa yun!!" say ko sa kanya, imbis na magreply sa sagot ko, niyakap na lang nya ako mula sa likod

"Anong gagawin mo pag nagpa cute na naman si Lexa sa akin?" aba? sinusubukan ako ng singkit na to ah!! Teka nga? pinihit ko ang katawan ko para humarap sa kanya

"Ako pa talagang hinamon mo!! Ganon?" say ko sa kanya

"Ganon? So, anong gagawin ng mahal ko kapag nagpacute ulit sa akin si Lexa?" sabay tingin sa taas ni Juswa

"Alam mo, you just better watch and learned okay?" sabay kalas ko sa yakap nya, pero hinahawakan nya ang kamay ko

"So, bati na tayo?" tanong nya sa akin

"Ano sa tingin mo?" pa-cute kong tingin sa kanya

"Okay na tayo?" tanong nya ulit sa akin, lumapit ako sa kanya at tinitigan ko sya sa mata

"As long na hindi ka gagawa na ikagagalit ko, or should I say, ma-fall sa pa-cute effect ng babaeng mukhang haliparot na yun!" banta ko sa kanya

"Paano kung ma-fall ako?" aba! nagawa pang mang-asar

"Subukan mo!! Hindi ka lang lagot sa tatay ko, pati sa ate ko!! Gusto mo ma-wushu!!" say ko sa kanya

"Joke lang!! Di ko kaya magagawang ipagpalit ang Anghel na nasa harap ko, promise ko yun!!" ngiting sambit nya sa akin

"Sure!!!?" say ko, imbis na sagutin nya yun ay hinalikan na lang nya ako sa forehead, infairness!! sweet!!

"That's my answer to your question!!" ngiting sambit nya sa akin

"Pasalamat ka talaga, Mahal kita!! Kaya Apology accepted!!" niyakap ko sya ng mahigpit

"I love you too so much!!!" say nya sa akin..

End POV

Meanwhile...

May tahimik na nakamashid sa dalawa mula sa malayo..

"You will regret this Josh! So, according to Kuya she the girl you loved the most huh? Infairness maganda nga sya, but still you will regret on rejecting my love for you over that girl.."

============================================================================

Ooops!!! Who's that pokemon, I mean who is the person spying from afar?

Abangan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top