Chapter 47: Biglaang Meeting?
Bambi's POV
Sunday Morning...
Nandito ako ngayon sa isang school na parang matanda pa sa akin to, actually kasama ko si Josh, dito daw makikipagkita sila Tita Ligaya, Tito Crisanto, Tito Gelo kasama na si Tita Linda na nakauwi na galing States..
"Josh, hindi ba tayo naliligaw?" tanong ko kay Josh habang papasok kami ng gate ng school ng St. Claire
"Tama naman yung address na sinulat ko nung tumawag sa iyo si Tita Ligaya kahapon di ba?" paliwanag ni Josh
"Alam ko, pero parang ang tagal na ng school na to parang di na masyadong nagagamit.." say ko habang pinagmamasdan ang paligid ng school ng..
"Maligayang pagdating sa Paaralan kung saan nag-umpisa ang natuklasan nyo!" nagulat kami ni Josh ng may biglang nagsalita sa likuran namin, lumingon kami
"Tita Ligaya?" nauutal naming sambit ni Josh, kasama nya si Tito Crisanto at Tito Gelo pati si Tita Linda
"Josh, Bambi, ito nga pala si Tita Linda nyo!" pakilala ni Tito Gelo sa misis nya si Tita Linda
"Nice to meet you Bambi, Josh malaki ka na ah at lalong gumagwapo!" lapad ng ngiti ni Juswa ng sambitin yun ni Tita Linda
"Salamat po tita! Si Bambi po, Girlfriend ko!" sabay akbay sa akin ni singkit, pabibo na naman sa mga tito at tita namin
"Hi Bambi! Tama nga si Gelo sa pagkakadescribe sa iyo, your beautiful and nice girl, it reminds me of --" di ko na pinatapos si Tita Linda dahil nagsalita na ako
"Tita Barbara, who happens to be just like me or should I say looks like me.." say ko
"Tama ka iha, she is so much similar to you, as well as Josh to Raphael who happens to be just a boy next door look as Josh!" say ni Tita Linda
"So? Ano pong ginagawa natin dito sa St. Claire, parang ang luma na po nitong school na to.." tanong ko sa kanila
"Josh, Bambi, natagpuan nyo na di ba yung litrato?" tanong sa amin ni Tito Gelo
"Opo, eto po!" sabay labas ko nung picture nila Tita Barbara
"Its destined na makita nyo yan at mapasayo yung kaisa isang librong yun na natatago ang tunay na wangis ng tauhan sa libro!" hah? anong pinagsasabi ni Tita Ligaya
"Anong ibig nyo pong sabihin?" say ni Josh
"Halika, kayo ni Josh" sumunod kami ni Josh sa mga tito at tita namin, sa isang abandonadong room..
"Magkakaklase kami lahat at dito ang silid aralan namin kung saan nag-umpisa ang dating aso't pusang unang pagkikita nila Raphael at Barbara.." kwento sa amin ni Tita Linda, bigla kaming pinaupo sa magkatabing upuan sa may gitna row
"Dyan ang pwesto nilang dalawa nung nag-aaral pa kami, dyan sa tabi mo Bambi ang pwesto ko, sa tabi mo Josh si Tito Crisanto mo at sa unahan nyo sila Tita Linda nyo at Tito Gelo!" sambit ni Tita Ligaya, umupo sila sa kanya kanya nilang upuan nung nag-aaral pa sila
Takang taka na kami ni Josh sa kinikilos nila Tita Ligaya...
"Bakit nyo po kami pinaupo sa upuan nila Tita Barbara? Baka magalit yun kapag naupuan tong pwestong to?" medyo creepy ang reaksyon ko don
"Ano ba kayo? Matagal na panahon nang lumipas, tsaka masaya na sila kung nasaan man sila ngayon, wag kang matakot noh!" ngiting sambit ni Tita Linda
"Matagal na since nagsara tong school namin, mga 10 years na rin ngayon.." say ni Tito Crisanto
"Kaya pala po ganto na itsura ngayon, luma na luma na po!" say ni Josh
"Simple lang kasi ang buhay nun kaya di rin nagtagal, buti na lang nakatapos na kami dito bago pa ito magsara, sayang rin tong school na to.." si Tito Gelo
"Gusto nyo bang makita ang lugar kung saan pormal na niligawan ni Raphael si Barbara?" si Tita Ligaya
"Saan po?" tanong ko
"Tara!" sumunod ulit kami kila Tita hanggang sa nakarating kami sa isang parke sa school medyo napabayaan na rin dala na siguro na hindi na ito napupuntahan
"Dyan ang eksaktong lugar sa kinatatayuan nyo kung saan pormal na niligawan ni Tito Raphael nyo si Tita Barbara nyo, dyan sa pwestong yan!" nagkatinginan kami ni Josh, dahil nasa pwesto kami ng isang malaking puno, so dito pala!
"Tignan nyo yung naka-ukit sa puno sa likuran nyo" agad kaming lumingon sa puno sa likuran namin, nagulat kami sa nakasulat
Isang hugis puso kung saan nakapaloob ang pangalan nila tita Barbara at Tito Raphael
"Kahit noon pala, baduy na rin ang mga nagmamahalan.." sambit ni Josh, binatukan ko nga
"Aray! Bakit?" tanong nya sa akin
"Bakit ikaw di baduy nung niligawan mo ako?" say ko nga sa kanya
"Iba naman kabaduyan ang ginawa ko, sila Tito Raphael at Tita Barbara naman ay nagligawan ng matago, ako naman may permiso ng parents mo at tanggap ng barkada at ng buong student body!" pagmamalaki nya
"Totoong iba ang naging sitwasyon nyo pagdating sa pag-ibig.." napalingon kami sa sinabi ni Tita Linda
"Po?" sabay naming sambit ni Josh
"Totoong patago silang nagligawan unlike kayo na tanggap ng lahat ng nakapaligid sa inyo, naging kayo ng walang tumutol o humadlang hindi katulad nila na naging sila ng may matinding humahadlang kaya nagawa nilang itago ng isang taon.." kwento ni Tito Gelo
"Pero bakit sabi nyo po na once na makita namin yung picture nila ay aayon ang mangyayari sa amin ni Josh ang nangyari sa kanila noon?" tanong ko sa kanila dahil ang gulo eh
"Gaya nga rin ng sabi ko sa inyo dun sa Batangas, may mga aspetong hindi talaga eksakto ang nangyayari sa kasalukuyan sa nakaraan pero napansin nyo ba ang una nyong pagkikita at pagkakalapit sa isat isa.." si Tita Ligaya
"Medyo may similarities nung una kaming nagmeet ni Josh pero matagal bago nya ako niligawan.." pahayag ko sa kanila
"Kaya nga, pero may mga bagay na nakatakdang mangyari, hindi man katulad na katulad sa nakaraan pero may chance talaga na maulit ang ganong senaryo.." say ni Tita Linda
"Kaya po ba ipinapakita nyo po sa amin ni Josh ang lahat ng to, kung paano nagsimula ang lahat sa nakaraan?" say ko sa kanila
"Tama ka, nais namin ipakita sa inyo ang lahat ng to once na makita nyo ang picture na yan na hawak mo Bambi, thats the proof that you and Josh are the one who are most likely to experience what your tito Raphael and titia Barbara in their relationship in the past.." sa kami nga ang mag-uulit ng masaklap na nangyari sa nakaraan
"Sure na po ba kayo sa sinasabi nyo?" tanong bigla ni Josh
"Alam namin malayo ang naging situation nyo sa kanila, pero the chance is in you two, kayo ang nakadiskubre ng picture nila kaya the possibility is big.." si Tito Crisanto
"Naka isang taon na kayo di ba?" si Tito Gelo
"Opo tito.." si Josh
"Paano naman mangyayari yun eh wala naman po kami kaaway or something, tanggap kami nila Mommy, ng barkada, sino naman ang sisira sa amin?" naguguluhang tanong ko, bakit ganon?
"Kaya kami nandito para balaan kayo sa mga sakaling mangyari, dahil ayaw namin mangyari ang nangyari noon, pero sa nakikita namin ang connection nyo sa kanila ay parehas, kahit tinago nila iyon ng isang taon naging masaya sila kahit patago walang naging problema pero after noon nangyari ang nangyari, kaya maging handa kayo, dahil doon masusubok ang tatag ng pagmamahalan nyo.." babala ni Tita Ligaya
"Pero wag kayong matakot dahil nandito kami, gagabayan namin kayo okay?" assurred ni tito Gelo
"Salamat po tito dahil di namin malalaman ang connection namin sa nakaraan kung di namin kayi nakilala!" tanging sambit ko
"Always remember, everything has a plan, you have to deal with it whatever it may be, because that will lead you to where you both will be in the future!" say ni Tita Linda
Nagpatuloy na kami sa paglilibot sa school nila at patuloy na kinilala ang mga bagay kung saan nagsimula ang love story ng dalawang taong malaki ang sa tingin namin ang koneksyon sa kasalukuyan or should I say sa amin dalawa ni Josh..
==================================
Nag-umpisa na nilang matuklasan ang naging simula ng nakaraan, sino kaya ang sisira sa pinag-iingatan nilang relasyon?
Abangan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top