Chapter 46: Resemblance

Bambi's POV

1 week ng nakakalipas since yung biglaang Surprise ni Josh for our First Anniversary, grabe sya! Mahilig talaga sa surprise eh, Saturday na naman ngayon, kabilis talaga ang araw, nagmamadali! Joke! Dahil Saturday ngayon, its Cleaning time again!! This time hindi na si Ate kasama ko dahil since College girl na sya, sa dorm na sya nagstay, ngayon si Josh ang kasama kong mag spring cleaning ng Room ko, since nagprisinta sya, edi go!!!

Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili ko ng....

"Bambi, nandito na si Josh! Bumaba ka na dyan!" tawag ni Mommy mula sa baba

"Ang aga naman ng mokong na yun, sabi ko mga 9 am na sya pumunta, eh 7:30 palang ngayon.." sambit ko sa sarili ko

After 15 minutes...

Pababa na ako ng makita ko si singkit na nakaupo sa sofa, mukhang hinihintay ang kanyang prinsesa which is me! lakas ng tama ko ngayon noh, pagbigyan na! Minsan lang!

"Aga mo naman?" tanong ko kay Josh

"Tagal mo naman mag-ayos, mga babae talaga!" reklamo nya

"Wow, nainip ka pa ng lagay na yan, di ba sabi ko sayo mga 9 ka pumunta, siguro makikikain ka noh?" sambit ko sa kanya, tumayo sya at bigla na lang akong niyakap, anong meron?

"Alam na alam na talaga ng mahal ko ang hilig ko!!" panlalambing ni Josh habang nakayakap sa akin

"Mag-bestfriends palang tayo alam ko na ang hilig mo noh!" say ko kay Josh

"Sabi ko nga!" kalas ni Josh sa pagkakayakap sa akin

"Tara nang kumain, alam kong gumagalaw na ang mga alaga mo sa tyan!" sabay hila ko kay Josh

After Breakfast...

"Nak! Ikaw muna bahala dito sa bahay ah, puntahan muna namin ate mo sa dorm nya okay?" bilin sa akin ni Mommy

"Sure mommy, no problem!" say ko

"Oh Josh iho! Bantayan mo tong bunso namin ah.." bilin ni daddy kay Josh

"Sure thing tito! Ako na pong bahala dito sa napakabait nyong bunso.." nagpapagood shot na naman si Juswa

"Josh ah, kayo lang maiiwan dito, know your limits ah..Bambi, maglilinis lang ng kwarto hindi kung ano ano ang ginagawa okay?" mommy talaga

"Yes mommy, kabata bata ko pa po para gawin yun, takot lang nitong isang to sa akin!" assurance ko kay mommy

"Just making sure na behave kayo pagbalik namin.." say ni Mommy

"Don't worry tita, behave po ako, promise!" nagtaas  pa ng kamay si Juswa

"Okay! So paano? dyan na kayo, will see you later bye!" at umalis na nga sila mommy para bisitahin si Ate

Pagkaalis nila Mommy....

Hinila na ako ni Josh paakyat sa kwarto ko..

"Anak ng tokwa! Manghila ba!?" reklamo ko ng makarating na kami sa kwarto ko

"Umpisahan na natin maglinis! Para maaga tayong matapos!" taas kilay na sambit ni Josh

"Agad agad? Ikaw napapaghalataan ka?" say ko sa kanya

"Na?" si Josh

"Tamad ka sa inyo, di ka siguro naglilinis ng kwarto mo no?" say ko

"Grabe sya, slight lang!" sambit ni Josh na ikinatawa ko

"Mga lalaki talaga! Tsk! Tara na nga umpisahan na natin" say ko at nag umpisa na nga kami maglinis ng kwarto ko

Incharge si Josh sa kisame ng kwarto ko, ako naman sa sahig at sa kama ko and closet..

"Kakapagod naman tumingala sa kisame, nakakangalay!" rinign kong reklamo ni singkit

"Wala pa nga sa kalahati napupunasan mo eh!" say ko

"Joke lang! nagpapansin lang naman ako sayo eh, ang seryoso mo kasi dyan sa paglalampaso eh!" sambit nya

"Ang sabihin mo hindi ka sanay maglinis, aminin?" banat ko sa kanya

"Oo na, alam mo naman di ko porte ang tumingala sa kisame habang pinupunasan ko ito.." say nya

"Gusto mo palit tayo? Ako na dyan? Sabihin mo lang?" offer ko

"No need Bambs, baka mangalay ka pa sa kakatingala, okay lang akong mapagod wag ka lang okay?" say ni Josh

"Ikaw ng sweet at concern!" ngiting sambit ko habang pinagpapatuloy ang paglalampaso sa sahig

"Sayo lang naman ako sweet!" bumanat na sya

"Sabi mo eh!" say ko

After half an hour, natapos na ni Josh ang kisame, samantalang tapos ko na ang kama ko ayusin at sahig, etong mga gamit ko na lang sa drawer at closet ko...

"Tulungan na kita, ang bigat kaya nyan!" say ni Josh tinulungan akong ilabas ang mga mabibigat na gamit sa closet ko

"Pahinga ka kaya muna? Pawis ka na oh?" sambit ko ng hawakan ko nag likod nya

"Sus! Ayos lang to, may dala naman akong pamalit ng damit eh!" pagtanggi nya

"Josh!?" seryoso kong sambit

"Bambi? Kaya po ako nandito para tulungan ka maglinis ng room mo okay?" matigas rin talaga si singkit

"Kung matigas ka rin  lang, mabuti pa ay lagyan ko na lang ng towel yang lingkod mo para di ka ubuhin noh? Mahirap na!" say ko sa kanya

"Pag-nagkasakit ba ako at di nakapasok ay mamimiss mo ako?" tanong nya

"Slight!" biro ko

"Ay!!" nag emote na naman sya

"Joke lang! Syempre mamimiss kita, tsaka pupuntahan pa kita sa inyo para maalagaan kita!" ngiting sambit ko sa kanya

"Sweet talaga ng girlfriend ko!" masayang sambit nya

"Alam mo tumalikod ka na nga , lalagyan ko na ng towel ang likod mo, matuyuan ka pa dyan eh!" say ko, tumalikod na sya at nilagyan ko ng towel ang likod nyag basang basa ng pawis

Nagpatuloy na kami sa pag-aayos ng gamit ko sa closet ko ng may nakita si singkit..

"Album ba to?" nakita kong binuklat ni Josh yung diary kong puro mga pictures nya

"Huy!! Akin na yan!?" pilit kong inaabot yung diary ko, badtrip ang haba ng braso nya di ko makuha

"Teka? Picture ko to ah!?" say nya ng mabuklat nya yung first page

"Josh akin na sabi eh!?" pilit ko pa ring hinahablot yung diary ko

"Pasilip lang!" say nya

"Anong gusto mo? Silip o magaglit ako sayo?" banta ko sa kanya

"Tsk! Ayan na nga!" good boy Josh sabay abot sa akin ng diary ko

"Good!" ngiting sambit ko

After a couple of minutes sa pag-aayos ng gamit ko sa closet, may nahulod na libro habang inilalagay ko sa lugar yung ibang libro sa lagayan nito, pinulot ito ni Josh..

"Lovers Until Death?" binasa ni Josh yung title ng libro, nanlaki ang mata ko

"Josh! Yan yung librong hinahanap ko!" sambit ko sa kanya

"Hah!? Eto yung librong matagal mo ng hinahanap? Yung librong sinasabi nila Tito Gelo nung nasa Batangas tayo?" tanong nya

"Oo nga! Akin na!" sabay hablot ko sa libro, umupo ako sa kama, umupo na rin sya

"Saan nga ba nakatago yun?" sambit ko sabay scan ng bawat pages ng libro

"Yung litrato nila Tito Raphael at Tita Barbara?" si Josh, tumango na lang ako bilang tugon

"Nasaan ba yun? Wala naman kasi ako nakita nung binabasa ko ito eh!" patuloy pa rin ako sa pagbuklat sa mga page ng  libro

"Natesting mo na bang tignan yung pinakadulo ng libro?" say ni Josh

"Hindi pa, tsaka wala ng nakasulat dun noh, paano ko naman babasahin yun?" say ko sa kanya

"Tignan mo kaya?" pilit nyang pinabuklat yung pinakadulo ng libro, teka?

"May maliit na sobre?" di ko nakita to nung binasa ko tong librong to ah

"Buksan mo na.." si Josh, binuksan ko nga yung maliit na sobre nakadikit sa pinakdulo ng libro

Nang buksan ko ang  sobre, may nakabalot na something, parang sulat sya..

"Anong nakalagay sa sulat?" tanong ni Josh

'This peace of picture serve as a memory of our two loving friends, Nasaan man kayo ngayon, We know that you are both happy now, We will always  remember you both with this book and this picture'

Unti-unti kong iniharap ang nakatalikod na picture ng makita na namin ang litrato..

Nanlaki ang mga mata namin ni Josh sa nadiskubre namin....

"Josh..." nauutal kong sambit

"Hindi maaari? Kamukhang kamukha nga natin sila Tito Raphael at Tita Barbara?" di makapaniwala kaming  dalawa ni Josh sa nakikita namin nang biglang tumunog ang phone ko..

"Hello?"

=================================

What is the next thing that will happen now that they knew their resemblance  from the past?

Abangan.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top