Chapter 45: First Anniversary

5 months later...

Sunday Morning...

Limang buwan ng lumipas nung grumaduate sila Belle from Westridge, hindi madalas magkita ang barkada dahil busy na sila sa kanilang course, samantala 4th year high school na sila Bambi at Josh kasama si Aya, naging maayos naman ang adjustment ng lahat sa nakaraan buwan ng pagiging senior high nila Bambi, LDR man sila Aya at Kris nakakagawa pa rin sila ng paraan para magkita at magkasama, ito rin ang buwan kung saan sina Josh at Bambi ay magcecelebrate ng kanilang First Anniversary...

"Bambi!!!" tawag ni Irene kay Bambi

"Po?" say ni Bambi na pababa na

"Bilisan mo nak, baka mahuli pa tayo sa misa.." say ni Irene

"Eto na po mommy, pababa na po, si daddy?" tanong ni Bambi

"Nandun na sa sasakyan, halika na at susunduin pa natin ang ate mo sa dorm nya bago tayo dumeretso ng simbahan!" pagmamadali ni Irene

"Sasama si ate my? Akala ko busy sya?" takang tanong ni Bambi

"Syempre naman, makakalimutan ba non magsimba, kaya tara na!" say ni Irene at sumunod na rin si Bambi sa sasakyan

After Mass..

Napagpasyahan ng family ni Bambi mag early lunch sa Mall since Sunday naman its family day....

"Sis?" tawag ni Belle habang hinihintay ang order nila foods

"Ate..." si Bambi

"Kumusta naman ang pagiging senior sa school natin?" tanong ni Belle

"Okay naman, medyo may konting pressure pero for the past five months its been okay.." simpleng sambit ni Bambi

"Eh ang love life? Kumusta? Di ba first Anniversary nyo ngayon as a couple? Asan ng pala ang jowa mo?" tanong ni Belle kay Bambi, biglang nalungkot bigla si Bambi

"Ewan ko..." cold na sambit ni Bambi

"Oh? bat cold? Anong drama nyo?" si Belle

"Di ko alam ate, kagabi pa nga di nagtetext si Josh, ni goodnight wala kagabi, nakakapangtampo nga eh, first anniversary pa man din namin ngayon, tinext ko syang magsisimba ngayon, walang reply kaka-BV naman!" crossarms ni Bambi

"Baka may pinaghahandaan, kaya di nagtetext!" say ng mommy nila

"Naku mommy! Asa naman ako don, nakakatampo sya!" say ni Bambi

"Imposible naman kalimutan ni Josh ang anniversary nyo anak, malay mo nga nagreready lang sya ng something for you.." say ni Ted

"Hay bahala sya! Espesyal pa man din ang araw na to sa akin, tapos ni hi ni ho, wala pabati.." tampo much Bambi

"Alam mo sis, sa tingin ko tama sila mommy, kumalma ka nga dyan! Daig mo pang may dalaw sa tindi ng tampo mo sa jowa mo!" say ni Belle

"Basta!!! Kumain na nga lang po tayo!" say ni Bambi sabay kumain na silang mag-anak

Habang nakain sila Bambi...Tumunog ang phone ni Belle...

"Excuse me.." say ni Belle sabay layo sa mesa nila

"Hello? Josh?" si Belle

"Belle nasaan kayo? Kasama nyo ba si Bambi?" tanong ni Josh

"Nasa mall kami, kasama nga namin si Bambi, nasaan ka ba hah? Umuusok na kaya ang ilong ng girlfriend mo! Ni di ka raw nagtext kagabi.." sermon ni Belle kay Josh

"Sorry Belle! Alam mo naman Special tong araw na to kaya pinaghahandaan ko eh!" paliwanag ni Josh

"Oh so may gimik ka na naman, ganon?" si Belle

"Kaya nga ako tumawag sayo, dahil may favor ako sayo please?" si Josh

"Ano naman yan?" si Belle

"Pwede bang dalhin mo dito si Bambi sa may park sa subdivision natin malapit sa mga swing after nyo dyan sa mall.." instruct ni Josh kay Belle

"Teka sino bang kasama mo dyan?" tanong ni Belle

"Sila Jacob.." matipid na sagot ni Josh

"Noted, after namin dito deretso na kami dyan.." mabilis na say ni Belle

"Ang bilis ah, narinig lang nandito si Jacob, noted agad.." biro ni Josh

"Naku Diones, pasalamat ka nandyan si Jacob, and by the way goodluck sa paglalambing at explanation mo mamaya sa emoterang girlfriend mo bye!" say ni Belle sabay off ng phone

Pagbalik ni Belle sa mesa nila...

"Sinong tumawag sa iyo?" tanong ni Bambi

"Classmate ko sa College! By the way, mommy, daddy pwede po bang mauna na kayong umuwi sa amin ni Bambi?May pupuntahan pa po kasi kami eh" suggest ni Belle kila Irene

"Oh sige, basta uuwi kayo ng maaga hah!" si Irene

"Sure mommy!" kindat ni Belle kila Irene at Ted, ngumiti lang ang parents nila kay Belle

"Teka? Bat kasama ako? Anong meron?" react ni Bambi

"Chill sis! Easy ka lang! Mamaya na lang okay?" si Belle at nanahimik na lang si Bambi

Fastforward..

On their way na sila Belle at Bambi sa park...

Meanwhile...

Prepared na laht ang gimik ni Josh for his princess with the help ng boys syempre..

"Bilib na talaga ako sayo Diones!" akbay ni Jacob kay Josh

"Salamat mga bro sa tulong nyo!" say ni Josh

"Sus! What are friends are for di ba? Syempre tutulungan ka namin di ba Rick?" si Kris

"Tama bro! Tama ka na dyan magdrama at mag thank you, dahil any moment parating na sila!" si Rick

"Josh, nandyan na daw sila Belle sa may gate ng subdivision, dyan ka na ah, sa likod lang kami!" say ni Jacob sabay sibat ang boys naiwan ma-isa si Josh

Back to Belle and Bambi...

Inalalayan ni Belle si Bambi bumaba dahil naka blindfold ito..

"Anong pakulo na naman ito ate? May pa-blindfold ka pang nalalaman?" reklamo ni Bambi

"Sis, kaysa magreklamo ka dyan? Sumunod ka na lang flow okay?" sermon ni Belle

"May magagawa ba ako? Wala nga akong makita eh!" surrender ni Bambi at patuloy silang naglakad habang inaalalayan sya ni Belle

"Okay! Hanggang dito na lang ako sis! Bye!!" sabay sibat ni Belle

"Ate!!! Huy!!! Mang-iwan ba ng ganto?" reklamo ni Bambi

"Ano ba kasing meron!?" sambit ni Bambi, nang may biglang nagtanggal ng blindfold sa mga mata nya..

Nanlaki ang mata ni Bambi sa nakikita nya..

"You like it?" may nagsalia sa likuran ni Bambi, tumingin siya sa likuran

"Josh?" tanging nasambit ni Bambi

"Happy First Anniversary, my princess!" sambit ni Josh sabay abot ng  flowers kay Bambi

"Buysit ka talaga! Alam mo yun!" naluluhang sambit ni Bambi sabay hampas sa balikat ni Josh

"Bakit? Sorry kung di ako nagparamdam sayo kagabi okay? Pinaghahandaan ko lang nama tong special day na ito! Tahan na okay?" paliwanag ni Josh sabay pinunasana nya ang luha ni Bambi

"Akala ko naman kasi nakalimutan mo tong araw na ito eh! Makakatikim ka talaga ng suntok sa akin eh!" biro ni Bambi, naluha pa rin sya sa tuwa

"Makakalimutan ko ba naman ang araw na sinagot ako ng anghel na nasa harapan ko ngayon?" say ni Josh

"Pasalamat ka talaga kakagaling ko lang kanina sa simbahan, mabait ako ngayon, kung hindi, naku! Juswa!" say ni Bambi

"Takot ko lang hindi mo ako kibuin bukas sa school!" ngiting sambit ni Josh

"Thank you for this, I love you!" say ni Bambi sabay tingin sa mga mata ni Josh

"Mahal na mahal kita, ikaw lang walang iba!" say ni Josh na may ngiti sa kanyang mga labi, nang biglang..

Bambi gave him a quick peck on his lips..

Nabigla si Josh sa ginawa ni Bambi..

"Bambi.." say ni Josh

"Yan na muna gift ko sayo, next time na yung --" di na pinatapos ni Josh si Bambi dahil gumanti na rin ito ng mabilisang kiss sa lips ng dalaga

"Its a tie! Happy Anniversary, Mahal!" masayang sambit ni Josh, nagblush si Bambi sa ginawa ni Josh

"Gantihan ganon?" say ni Bambi, imbis na replayan sya ni Josh ay hinila na lang sya nito at niyakap ng mahigpit..

"Happy Anniversary, Mahal ko!" sambit ni Bambi habang yakap yakap siya ni Josh

"HAPPY ANNIVERSARY JOSHBI!! ANG SWEET!!! EDI KAYO NA!!" choir na sambit ng barkada na nagsilabasan sa pinagtataguan

"Ano to?" si Bambi, kumalas sila sa pagkakayakap

"Surprise!!!!" hirit ng barkada

Natawa na lang silang Josh at Bambi, sabay sabay na silang kumain sa hinanda ng boys na picnic theme surprise para kila Bambi at Josh..

Habang busy ang barkada sa chismisan at asaran, naisipan nila Josh at Bambi na magsolo, umupo muna sila sa may swing habang pinagmamasdan ang barkadang nag-aasaran..

"Happy?" sambit ni Josh dahil napansin nyang nakangiti si Bambi habanag pinagmamasadan ang barkada

"Super!"  simpleng sambit ni Bambi

"Syempre! Plano ko lahat ng to noh!" pagmamalaki ni Josh

"Kapal mo rin eh!" natatawang say ni Bambi

"Kilig ka lang kanina eh! Blush pa more!" asar ni Josh

"Di ah!" deny ni Bambi

"Asus! Ikaw naman naunang mang kiss, I just pay back what you did!" ngisi ni Josh

"Oo na! Ako ng kinilig! Ikaw nga shock eh! Akala mo! Hindi ko na hihintayin posasan mo pa ang kamay ko noh!" ngiting sambit ni Bambi

"For life na ba ito?" lahad ni Josh ng kamay niya kay Bambi

"Tinatanong pa ba yan? For Life!" sabay hawak ni Bambi sa kamay ni Josh interwined..

"ANG TAMIS!!!" banat ng barkada

=================================

One year na sila! With no hindrance yet?

Abangan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top