Chapter 43: Last Night in Batangas

Belle's POV

Last day na namin dito sa Batangas, ang bilis noh? Enjoy naman ang lahat sa biglaang gala namin dahil next week, busy busihan na ang lahat, lalo na kami dahil ilang months na lang ay gagraduate na kami nila Kris, Jacob, Rick at Luisa, sila Josh, Bambi at Aya nalang maiiwan, pero atleast nakagala kaming barkada sa kabila ng madramang unang araw namin dito dahil kay Bambi, speaking of Bambi, tulala na naman ang baby sis ko, magulat nga!

"Hoy!" gulat ko kay Bambi, napatalon ang loka

"Ate naman eh! Manggulat ba?" sambit ni Bambi

"Tulala ka naman eh! Sis, last day na natin dito sa Batangas, emotera ka pa rin, tutulala mag-isa, pareho talaga kayo ng jowa mo, sabi ni Jacob kung di nakatitig sa kisame, nakatitig sa kawalan, ano bang problema nyong dalawa? Nag-away ba kayo?" tanong ko sa kanya

"Wala, di kami nag-away noh, nakita nyo na ba kaming mag-away, mang-asaran madalas, pero away, di pa naman!" depensa ni Bambi

"So? Anong problema nyo? Wag mong sabihin, affected pa rin kayo sa sinabi ni Ms. Ligaya Baltazar tungkol sa what so connection niyo ni Josh sa story nila Barbara at Raphael? Bambi naman, akala ko ba nagkasundo na kayo ni Josh na kahit anong mangyari, mangyari man o hindi ang nakaraan ay magiging matatag kayong dalawa, diba?" sambit ko sa kanya

"Hindi ko naman maiiwasan hindi isipin yun eh, hanggang ngayon nakakawindang pa rin ang mga possibility na yun noh!" say ni Bambi

"Alam mo, inawan mo muna yang problema nyong dalawa at i-enjoy ang last day natin dito please! kahit ngayon lang sis, para naman hindi malungkot itong unang gala natin with the barkada, please? " pag-mamakaawa ko sa kapatid kong ang daming drama sa buhay

"Sige na nga! Once talaga na makita namin ni Josh ang picture na yun, mapapanatag na ako kung ano man ang nakatago sa likod na yun at sa librong yun" say ni Bambi

"Tara?" say ko

"Tara!" sabay hila sa akin palabas ng kwarto papunta sa may swimming pool, by the way gabi na ngayon, kaya naisipan namin barkada na mag night swimming enjoy the night dahil bukas ng tanghali ay babalik na kaming Manila

End POV

Lumabas na ang magkapatid na si Bambi at Belle sa may pool side, nandun na ang barkada, sila Kris at Aya ang in charge sa pag-iihaw ng barbeque, si Rick at Luisa naman ang in charge sa preparation ng boodle fight nilang barkada..

"Belle, tara tulungan mo ako dito please?" yaya ni Jacob kay Belle na mag-ayos ng mg drinks at dessert nila..

"Sis, puntahan ko muna si Jacob hah?" say ni Belle at pumunta na sya kay Jacob, naiwan mag-isa si Bambi, napansin nyang wala si Josh sa nag-aayos, naglakad-lakad muna sya sa may tabi ng pool ng mapansin nyang may lalaking nakatulala habang nagbababad ng paa nya sa swimming pool

Naisipan ni Bambi na tabihan ito..

"Ang alim ng iniisip natin dyan ah?" sambit  ni  Bambi, nakibabad na rin siya ng paa sa pool

"Bambs, ikaw pala?" nagulat si Josh ng tabihan sya ni Bambi

"Ay hindi! Anino lang ako!" natatawang asar ni Bambi kay Josh

"Pilosopo ka rin talaga noh!" sambit ni Josh

"Oh bakit? Masama? Ano bang pinapantasya mo dyan? Wala ka bang assign na gagawin?" biglang tanong ni Bambi

"Wala eh, eh ikaw? Wala ka rin noh? Kaya nandito ka.." tanong ni Josh pabalik kay Bambi

"Alam mo naman pala eh, bakit mo pa tinatanong?" asar ulit ni Bambi

"Asar naman to eh!" tampo ni Josh

"Joke lang! Eto naman eh! EMOTERO!!" sambit ni Bambi habang sinusuyo si Josh, tampururut!

"Kita mo naman, di kita inaasar.." say ni Josh

"Kaya nga nandito ako para makinig, pinapatawa lang naman kita eh! so ano nga iniisip ng mahal ko?" say ni Bambi, inihiga nya ang ulo nya sa balikat ni Josh

"Gaya ng iniisip mo kanina, tungkol sa sinabi nila tito.." simpleng sambit ni Josh

"Di talaga mawawala sa atin dalawa ang pag-iisip sa bagay na yun, pero sabi ni ate, kahit ngayon gabi lang, maging masaya lang tayong lahat.." say ni Bambi kay Josh

"Sabagay! Nakakapraning rin ang kakaisip sa bagay na yun, kung ako lang ang masusunod, sana wag ng mangyari ang bagay na yun sa nakaraan, pero di natin mapipigilan ang kapalaran kung kanino man mauulit yun nangyaring yun.." paliwanag ni Josh kay Bambi

"Di ba sabi mo sa akin, ano mang mangyari, sabay natin haharapin ang malalagpasan ang lahat ng  bagay na iyan na darating! Kaya tama ng lungkutan.." sabay kurot ni Bambi sa ilong ni Josh

"Ayan ka na naman eh, kurot na naman!" reklamo ni Josh

"Okay ka na? Di ka na emo?" tanong ni Bambi kay Josh

"DI na, nandito ka na eh, you always make me happy, kahit medyo may pagkabayolente ka kung minsan!" masayang sambit ni Josh kay Bambi

"Ah ganun!!!" say ni Bambi sabay tulak kay Josh sa swimming pool

Ilang second ang lumipas, di umaahon si Josh, nagtataka na si Bambi..

"Josh?" tawag ni Bambi kay Josh, pero walang nasagot..

"Josh naman eh!! Huy!!! Ano ba!? Huy!!" sigaw ni Bambi, wala pa rin nasagot, no choice na sya tumalon na rin sya sa pool, ang masaklap lang di sya marunong lumangoy, kampay ng kampay si Bambi, bigla na lang syang hinawakan sa beywang ni Josh

"Bat ka naman tumalon? Di ba di ka marunong lumangoy?" tanong ni Josh, habang palutang lutang sila sa swimming pool

"Ikaw naman kasi eh!! Tinakot mo ako, akala ko may nangyari na sa iyong masama eh!?" say ni Bambi

"Takot ka noh!? Akala mo naman mamatay na ako, asa ka naman! Papakasalan pa kaya kita!" kindat ni Josh kay Bambi, binatukan naman sya nito

"Kasal agad nasa utak mo? Wala pa nga tayong one year, kasal agad, tsaka mag-fofourth year palang tayo noh!" natatawang sambit ni Bambi

"Mabuti na yung alam mo na ikaw lang ang babaeng pakakasalan pagdating ng  tama panahon no, atleast alam mo na!" ngiting sambit ni Josh kay Bambi

"Sus? tunay ba yan? baka naman may balak ka pang iwanan ako? eto gusto mo?" pinakit ulit ni Bambi ang suntok pose nya sa mukha ni Josh

"Syan tunay Mahal ko, ikaw lang, walang iba!" sambit ni Josh sabay kiss sa noo ni Bambi, nanatili silang dalawa sa posisyon nang  biglang..

*SPLASH*

Nagsitalunan na sila Rick, Kris, Jacob at Luisa..

"Ibang klase talaga kayong dalawa noh? Kung saan saan nalang kayo ng mamomoment eh noh!" biro ni Rick kila Josh at Bambi

"Kahit kailan talaga kayo eh, panira ng momentum eh!!" reklamo ni Josh na ikinatawa ng apat

"Tapos may pakiss kiss pa sa noo eh!" say ni Luisa, nakisali na rin sa asaran

"Lahat na lang nakikita nyo.." say ni Bambi

"Ganun talaga!! Marami kami mata dito.." say ni Kris

"Di pwedeng di kami sumama dyan!!" say ni Belle at Aya sabay talon sa swimming pool

"Ayus!! Wala ng solo moment!" bulong ni Josh

"May sinasabi ka Juswa?" tanong ni Belle

"Ay wala!!! Ano pang hinihintay nyo!!! Splash time!!!!" nagsilaro na ang barkada ng sabuyan ng tubig, at ibat ibang laro sa pool, todo alalay naman si Juswa kay Bambi with matching turo na rin

Naging masaya ang huling gabi ng barkada, dahil sa susunod na linggo ay balik school na sila at magiging busy na ang mga graduating students....

=========================================================================

Last night na ng gala nila?

Ano na kaya ang susunod na mangyayari?

Abangan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top