Chapter 42: We are In this Together!

Lahat ng barkada ay nakatingin kila Bambi at Josh habang nakain ang dalawa, nailang ang dalawa..

"Anong mga tingin na naman yan hah?" binasag na ni Bambi ang nakakailang na tingin ng barkada sa kanila ni Josh

"Bambi, Josh, ano nga ang napag-usapan nyo ni Ms. Ligaya Baltazar? Kasi sa aura nyong dalawa parang windang na windang kayo? So ano nga?" say ni Luisa

"Wala to, sasabihin namin kapag nakita na namin ni Josh ang litrato sa libro.." nadulas si Bambi tungkol sa libro, nasesense nyang iba na talaga ang tingin ng girls sa kanya, curiousity look ganun

"Anong litrato yung pinagsasabi mo sis?" tanong ni Belle

"Kahit sabihin naman namin ang napag-usapan namin nung author ng libro di nyo rin kami magegets.." sumabat na si Josh sa usapan

"Paano nga namin magegets kung di nyo ikukwento sa amin?" si Kris

"Gusto nyo talaga malaman?" si Josh

"Spill!!!!" choir pa ang barkada, nagbuntong hininga nalang sila Josh at Bambi

"Okay fine! Ako na magkukwento, di nyo naman kami titigilan eh, sa mga tingin nyong yan, parang any moment, bibitayin nyo kami sa tingin eh.." say ni Bambi

"So?" si Aya

"Ganto kasi yun, si Tito Gelo ni Josh ay close friend ni Tita Ligaya.." panimula ni Bambi

"Naks, tita agad? Close na kayo?" react ni Aya

"Yun ang gusto nyang itawag namin sa kanya so yun, okay tuloy ko, yun nga ang totoo nyan barkada sila Tito Gelo, Tita Ligaya at husband nitong si Tito Crisanto at yung wife ni Tito Gelo na si Tita Linda, so barkada sila and the big revelation is that sila rin yung character sa librong 'Lovers Until Death'.." kwento ni Bambi, nanlaki ang mata ng girls

"So you mean, talagang nangyari yun sa tunay na buhay? hindi joke? hindi fantasy?" say ni Belle

"Nope, the book is based on the real life and tragic love story of two person who truly love each other despite being at young age.." si Bambi

"Eh teka? Kung mag husband and wife na si Tito Gelo at Tita Linda, Tito Crisanto at Tita Ligaya? Anong tragic love story don?" tanong ni Luisa, no clue sya eh kung sino yung tinutukoy nila Josh at Bambi

"Sila tito at tita ay barkada at saksing buhay sa kwento ng dalawang taong ito kung sa malagim at nakakalungkot ang ending ng love story nila.." tuloy ni Bambi

"Si Barbara at Raphael ba ang tinutukoy mo sis?" sambit ni Belle

"Syang tunay ate, ang story yun ay umiikot sa kanilang dalawa, sa kabila ng matinding pagtutol ng iba ay nagawa pa rin nilang ipaglaban ang love nila for each other kahit alam nilang buhay nil ang kapalit sa huli.." malungkot na kwento ni Bambi

"OMG! ang saklap naman ng kinahinatnan ng story nila.." napatakip ng bibig si Luisa

"Eh yung tungkol sa litrato? Anong connect non?" sambit ni Kris

"Naniniwala ba kayo sa posibilidad na maulit ang nangyari sa nakaraan?" tanong ni Josh sa barkada

"Bro, anong klaseng tanong ba yan? Syempre hindi, sus! Past is past and never been back, nakalipas na yun, tapos na, face the future.." linya ni Rick

"I agree! Tsaka bro ano bang pinupunto mo sa tanong mong yan?" say ni Kris

"Simple lang naman boys ang punto ni Josh eh, kaya niya tinanong yun kasi tunay na nangyari yun kwento sa tunay na buhay kaya para sa akin may posibility talagan maulit yun noh!" say ni Aya

"So, tungkol pala to sa sad story nila Barbara at Raphael? Kailan ba nangyari yun?" sambit ni Kris

"30 years ago.." simpleng sambit ni Bambi

"Ang tagal na nun ah? Ikaw Belle?" tanong ni Jacob kay Belle

"As I say to Bambi, nung nabasa ko yung description ng libro sa website, eh sa tingin ko talaga there is a 50% chance na maulit yun sa ibang tao or else isa sa atin ganun or --" di na pinatapos ni Bambi si Belle

"Sa amin ni Josh mangyari ulit yung nangyari sa nakaraan.." napatigil ang barkada ng sambitin ni Bambi yun

"Teka? Anong connect nyong dalawa kila Barbara at Raphael?" si Aya

"Tama si ate, may posibility talagang mangyari yun sa ibang tao, sa barkada or else sa amin dalawa ni Josh, kasi nung binasa ko yung kwento nila Tito Raphael at Tita Barbara it was almost the same ng story namin ni Josh, except sa tanggap agad nila mommy si Josh unlike kay Tito Raphael na di sya tanggap ng parents ni Tita Barbara.." si Bambi

"So? You mean dahil halos tugma ang series ng story niyo ni Josh sa story ni  Raphael at Barbara, iniisip nyo na ang chances na mangyari ay sa inyong dalawa?" si Jacob

"Sa ngayon alam kong nakakawindang ang nadiskubre namin sa librong kami rin ay windang, I guess we have to wait and see what will happen next, excuse me guys!" say ni Bambi sabay labas ng resto

"Anyari?" si Rick

"Ayaan nyo muna sya guys...Josh mabuti pa sundan mo na sya.." say ni Belle at agad naman sumunod si Josh kay Bambi

Cottage near the Beach...

Naluluhang nakatanaw si Bambi sa dalampasigan habang nakaupo sa may cottage na malapit sa beach area..

"Samahan na kitang magmukmok dyan?" napatingin si Bambi sa gilid nya, nandun si Josh

"Josh naman eh, gusto kong mapag-isa.." say ni Bambi

"Dyan naman ako di makakapayag, sa ayaw at gusto mo sasamahan kitang magmukmok!" say ni Josh sabay upo sa kabilang upuan kaharap si Bambi

"Ang kulit mo rin talaga eh noh?" say ni Bambi

"Iniisip mo yung tungkol sa posibility na maulit yun noh?" deretsahan sambit ni Josh kay Bambi

"Di ko alam kung anong mararamdaman ko kung sa atin dalawa talaga mangyari yun? Natatakot ako.." malungkot na sambit ni Bambi, hinawakan ni Josh ang kamay ni Bambi

"Alam mo kung malulungkot ka lang dahil don, ano pa at nagbakasyon tayo dito, kung lagi mong iisipin yan.." sambit ni Josh kay Bambi

"Masyado kasi akong nawindang sa sinabi nila Tito Gelo eh, alam kong sobrang tagal na yun, pero di rin mawawala na what if maulit yun? what if sa iba mangyari yun or else what if kung halos lahat ng dagpo 30 years ago ay tumugma sa tagpo nating dalawa. tapos sabi pa nila tito, sa characteristics, itsura, tugma sa atin.." say ni Bambi

"Sabi mo nga di ba, 30 years ago na, matagal na, sa totoo nyan, ako rin ay natatakot kung sakali man maulit yun, di ko rin kakayanin yun, pero pakatandaan mo lagi, malalampasan natin to ng magkasama, ano man dumating sa atin okay?" sabay tingin ni Josh sa mga mata ni Bambi

"Promise? Walang bibitaw?" say ni Bambi

"Promise!! Alam mo naman mahal na mahal kita, bestfriend palang tayo mahal na kita, kaya ano man ang madiskubre natin tungkol sa litratong yun, we can face it together, and we can survive together.." say ni Josh kay Bambi

"Together we can survive, I love you!" sambit ni Bambi, unti-unting nilalapit ni Josh ang mukha nya kay Bambi ng....

"Saka na kayo magkiss!!!" napatingin ang dalawa sa barkada

"Badtrip, panira ng momentum!" bulong ni Josh

"May sinasabi ka?" sabat ni Belle

"Wala po!" say ni Josh, kiniss na lang sya ni Bambi sa cheeks para hindi na sya mabadtrip

"Para san yon?" tanong ni Josh kay Bambi

"Para di ka na mabadtrip sa naudlot na first kiss natin.." simpleng sambit ni Bambi at nauna na sya naglakad kasama ang girls, naiwan si Josh na windang, inakbayan sya ni Rick at Kris

"Gulat ka bro noh? Bait talaga ng girlfriend mo, naudlot man ang first kiss, kiniss ka naman nya sa cheeks with no hesitation, ikaw na!! Kami nga di makascore sa girlfriend namin eh, sobrang swerte mo sa kanya, alagaan mo yan!" sambit ni Kris

"Mga sira talaga kayo e noh, tara na nga!" at nagsunod na ang boys sa girls...

==========================================================================

Abangan ang susunod pang eksena....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top