Chapter 41: We're Connected?
Gulat na gulat sila Bambi at Josh sa narinig nila mulansa tito nila na maaaring mangyari sa kanila ang nangyari sa tito Raphael at tita Barbara nila...
"Posible po ba yun talaga?" naguguluhang tanong ni Josh kila Ligaya
"Hindi naman namin masasabing hundred percent, their always a chance na pwedeng mangyari sa ibang tao magkarelasyon or maaari sa inyo.." pahayag ni tito Gelo
"Kaya nga ang tanong ko sa inyo dalawa, naniniwala ba talaga kayo sa ganung aspect na maaaring mangyari?" muling tanong ni Ligaya sa dalawa
Naguguluhan pa rin talaga sila Bambi at Josh sa posibleng mangyari kung mangyayari talaga yun sa kanila
"Alam kong gulong gulo kayo sa nangyayari pero eto lang masasabi ko sa inyo, magpakatatag kayo pareho, pare-pareho natin hindi alam ang hinaharap natin.." payo ni Crisanto sa dalawa
"May litrato po ba kayo nila Tita Barbara at Tito Raphael?" biglang natanong ni Bambi
"Mukhang hindi mo pa nakokompleto ang libro?" sambit ni Ligaya
"Po?" takang tanong ni Bambi
"Alam kong palaisipan sa inyo ang mga itsura namin nung nangyari ang trahedya yun lalo lalo ng palaisipan sa inyo ang itsura nila Barbara at Raphael, Oo nasabi namin may pagkakahawig sila sa inyong dalawa, pero hindi sapat ang description sa litratong magpapakita ng wangis namin nung kabataan.." ngiting sambit ni Ligaya sa dalawa
"So ibig sabihin po, may natatagong litrato sa libro?" si Bambi
"Dalawang litrato ang nakalakip sa librong iyon, sa totoo nyan, bawat imprentang libro ay may natatagong litrato na nagdedescribe sa tunay itsura ng mga karakter sa librong yun.." si Crisanto
"Once na makita mo yun Bambi, o kaya pareho kayo ni Josh ang dumiskubre nun, dun masasagot ang mga tanong at agam-agam nyo.." say ni Angelo
"Saan part ng libro po namin mahahanap yun?" tanong ni Josh
"Is for both of you to find out!" tanging sambit ni Ligaya ng tumunog ang phone ni Josh
"Uhm excuse me po.." agad na tumayo si Josh at lumayo konti para sagutin yung tawag
*Rickyboy
"Hello?" sagot ni Josh
"Bro? Nasaan na ba kayo nag date ng girlfriend mo?" si Rick
"Sira, di kami nag date kinausap lang kami ng tito ko dito sa office nya, bat napatawag ka?" si Josh
"Bro, di ka ba tumitingin sa orasan? Lunch na kaya? Punta na kayo dito sa may resto, nakapwesto na ang barkada kayo na lang hinihintay? Akala nga namin itinanan mo na si Bambi eh tagal nyo bumalik eh" si Rick
"Ang green talaga ng utak mo Montano, paano ko naman itatanan si Bambi, eh takot ko na lang sa parents nito at kay Belle, tsaka uso pa ba ang tanan sa panahon ngayon?" si Josh
"Bro, kahit na, lahat nagagawa ng pagmamahal bro, everything to fight your love for each other!" si Rick
"Tumira ka naman! O sige na, punta na kami dyan.." say ni Josh
"Bilisan nyo bro, baka di ka na makauwi ng buhay sa Manila pag nawushu ka ni Belle" banta ni Rick
"Oo na, bye na OTW na kami!" sabay off ni Josh ng phone
Bumalik sya kila Bambi..
"Sinong tumawag?" tanong ni Bambi
"Si Rick, nasa resto na daw ang barkada for lunch, pinapapunta na tayo sa baba.." say ni Josh
"Mukhang hinahanap na kayo ng barkada nyo, mabuti pa ay pumunta na kayo.." si Angelo
"Tita Ligaya, magkikita pa po tayo di ba?" tanong ni Bambi
"Here is my calling card, if you discover something about the book, just give me a call, me and your tito Gelo and tito Crisanto will make a way to help you both okay? Maybe on that time, you can also meet your tita Linda.." sabay bigay ni Ligaya ng calling card nya kay Bambi
"Sige po.." tanging sambit ni Bambi at umalis na sila ni Josh sa office ng tito nito
Naiwan sila Ligaya, Crisanto at Linda...
"Malakas talaga ang pakiramdam ko na connected ang dalawang batang yun at malaki talaga ang chance na maulit muli ang mapait na sinapit ng mga kaibigan natin!" sambit ni Ligaya
"Kung malaki talaga ang chance na mangyari ulit yun, bakit di mo sinabi sa kanila?" tanong ni Crisanto
"Gulong gulo pa ang isipan nila sa ngayon, pero once na madiskubre nila ang natatagong litrato, dun nila malalaman.." si Ligaya
"Hindi bat parang nakakatakot naman isipin na mangyari ulit ang nakaraan na yun, lalo na kung sa pamangkin ko pa at kay Bambi mangyari yung sinapit nila Barbara at Raphael?" paliwanag ni Angelo
"Hindi natin hawak ang kapalaran nila Bambi at Josh, tangi ang tadhana lang ang makakapagdikta kung sa kanila nga mauulit ang nakaraan.." sambit ni Ligaya
"Kung sakali man mangyari yun, may magagawa ba tayo para mapigilan yun? Mga bata pa sila kung yun ang kahahantungan ng pag-iibigan nila gaya ng kila Raphael at Barbara?" si Crisanto
"Mahirap kalabanin ang kapalaran Crisanto, kung nakatakdang maulit, di na yun mapipigilan, pero hindi lahat ng pagkakataon parehas na parehas ang kahahantungan, maaari ang takbo ng istorya ng isang tao ay may pagkakaparehas sa nakaraan, meron pa rin ibang aspeto kung paano darating ang istorya nila sa nakatakdang ending nila, dalawa lang naman ang ending ng istorya na tao eh, masaya or malungkot.." si Ligaya
"Ang lalim di ko ma reach..." biro ni Crisanto
"Ganun talaga ang pagiging writer, alam mo dapat ang ibat ibang aspeto ng istorya no..kaya tayo bilang saksi sa istorya nila Barbara at Raphael na malungkot ang naging ending, kailangan masubaybayan natin ang dalawang batang yun, di man natin mapigilan ang nakatakdang mangyari, gawin na lang natin gabayan natin sila hanggat kaya natin.." paliwanag ni Ligaya
Meanwhile...
Sa Resto ng Resort....
"Sure ka ba Rick parating na yung dalawang yun?" sambit ni Belle habang hinihintay nila yung lunch nila
"Sure ako Belle, chill ka lang, parang di babalik yung dalawa ah" si Rick sabay higop ng drinks
"Di na nga sumama mag swimming yung mga yun, nagawa pang mag solo" si Belle
"Ganun talaga Belle, malay mo nilibot lang ni Josh si Bambi dito sa Resort ng tito nya.." si Kris naman
"Ang sabi nila sa office ng tito ni Josh lang sila pupunta, pero tumagal sila ng one hour and thirty minutes dun?" tanong ni Belle nang....
"Sorry we're late!" sambit ni Bambi kasama si Josh
"Tagal nyo sis ah? Akala ko itinanan ka na ng mokong na to?" sabay turo kay Josh
"Grabe ate sa tanan, para saglit lang kami nawala, tanan agad?" paliwanag ni Bambi
"Nawala ng isang oras at kalahati?" si Belle
"Nandun lang kami sa office ng tito ko, kinumusta lang ako, at the same time pinakilala ko na rin si Bambi sa kanila.." si Josh
"Kanila? Which means marami sila?" takang sambit ni Aya
"Aya, Ate, naaalala nyo kung sino ang author ng librong binabasa ko?" tanong ni Bambi kila Belle
"Oo, si Ligaya Baltazar, bakit?" tanong ni Belle
"Siya yung sinasabi ni Josh na kasama ng tito nya.." sambit ni Bambi, nanlaki ang mata nila Aya at Belle
"What!!? Nandito si Ligaya Baltazar?" si Belle
"Oo nakausap namin sila kaya kami nagtagal ni Josh sa office ng tito nya" say ni Bambi
"Anong pinag-usapan nyo?" si Aya
"Tungkol sa --- "
================================
Cliffhanger...
Malalaman natin sa susunod ang sudden meet up nila with the author of the book...
Connected nga ba or hindi ang kanilang kapalaran sa nakaraan?
Abangan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top