Chapter 4: Suspetsa

Dalawang linggo nakakalipas...

Matagumpay na nairaraos ni Raphael ang kanyang panliligaw kay Barbara sa nakalipas na dalawang linggo subalit..

"Linda?" sambit ni Angelo sa kanyang kasintahan nakatulala sa kawalan

"Ah..Angelo nandyan ka pala?  Bakit?" tanong ni Linda

"Bakit parang ang lalim ng iniisip ng aking binibini, may problema ba?" pag-aalang tanong ni Angelo

"Tungkol kila Barbara at Raphael.." tanging sagot ni Linda

"Anong tungkol sa kanila?" tanong ulit ni Angelo

"Parang napapadalas na yata ang pagsasabay ng dalawang yan sa pagkain at pag-uwi ni hindi na sa atin sumasabay, si Barbara parang ang laki ng ikinasaya nya ngayon kaysa noon na puro aral ang inaatupag" sambit ni Linda

"Baka mas nagkakaintindihan na sila ngayon at mas nakilala na nila ang isa't isa" paliwanag ni Angelo

"O di kaya, nanliligaw na si Raphael kay Barbara? Kaya ganon na lang ang saya ni Barbara kapag kasama si Raphael" sambit ni Linda

"Paano naman manliligaw si Raphael dyan kay Barbara? Eh saksakan ng sungit ng kaibigan natin yun at puro aral ang nasa utak nun" paliwanag ni Angelo

"Sabagay at tsaka, pinagbabawal pa rin ng mga magulang nya yan si Barbara na magpaligaw, lalo na ang tatay nya, naku!" pagsang-ayon ni Linda

Samantala....

"Crisanto?" tawag ni Ligaya

"Bakit aking Ligaya?" matamis na tugon ni Crisanto habang sabay sila naglalakad patungo sa kanilang klase

"Tigilan mo nga yan mga palambing lambing mong ganyan" naaasar na sabi ni Ligaya

"Eh bakit mo nga tiwanag ang aking ngalan?" si Crisanto

"Napapansin mo ba ang mga kakaibang kilos nila--" di na natapos ni Ligaya ang kanyang babanggitin ng

"Nila Barbara at Raphael.." si Crisanto

"Paano mo nalaman?" tanong ni Ligaya

"Kaibigan mo si Barbara, matalik na kaibigan, kaya alam kong tungkol ito sa kanya at kay Raphael na kailan lang nakilala ng kaibigan natin" sambit ni Crisanto

"Ano sa tingin mo ang ikinikilos ng dalawa?" pagtatakanh tanong ni Ligaya

"Sa tingin ko parang tayo.." simpleng sagot ni Crisanto

"anong parang tayo?" takang tanong ni Ligaya

"magkaibigan na nagliligawan" masayang sambit ni Crisanto

"ano!? nililigawan na ni Raphael si Barbara?" medyo napasigaw si Ligaya

"hindi pa ba halata, laging magkasama, palaging sabay kumain, ni hindi na sumasabay sa atin pag uwi, may sariling mundo" paliwanag ni Crisanto

"Naku! Crisanto! kung totoo nga nagliligawan na ang dalawa, paano pag nalaman ng mga magulang ni Barbara, siguradong lagot! lalo na sa tatay nya, sobrang higpit pa naman nun" pag-aalala ni Ligaya para sa kaibigan at kay Raphael

"Ligaya, makinig ka, bakit hindi kaya natin tanungin yung dalawa? para mawala na ang mga agam agam mo tungkol sa dalawa" sambit ni Crisanto

"Sa tingin ko, tama ka, ano tara?" si Ligaya

"Tara!!" si Crisanto sabay hila kay Ligaya

Sa loob ng silid-aralan...

"Barbara?" kalbit ni Raphael

"Ay!! Raphael naman, akala ko naman kung sino " gulat na sambit ni Barbara

"Ito naman parang di ka na nasanay na nandito ako" sambit ni Raphael

" Ito naman, tampo agad, nagulat lang kasi ako" sambit ni Barbara

"Sige na kung di lang kita Mahal, ginulat na kita ng sobra sobra" ngiting nakakaloko ang iginawad ni Raphael na ikinatawa ni Barbara

"Kung kaya mo!" panlaban ni Barbara sa pang-aasar

"sabi ko nga!" sabay ayos ni Raphael ng buhok ni Barbara sa gilid ng kanyang tenga na ikinangiti ng dalaga

"Sa ganyang ginagawa mo, mas lalo tuloy akong--" di na pinatapos ni Raphael si Barbara

"nahuhulog sakin" tapos ni Raphael

"wala akong sinasabi" tanggi ni Barbara sabay iwas ng tingin kay Raphael

"Talaga lang hah?" iniharap ni Raphael ang mukha ni Barbara sa kanya na lalong ikipula ng mukha ng dalaga

"Bakit namumula na parang kamatis ang mukha ng prinsesa ko?" natatawang sambit ni Raphael

"Raphael naman eh! tigilan mo na nga ako!" nauutal na sambit ni Barbara na pilit na iniiwas ang mukha nya sa binata, ngunit hinawakan ni Raphael ang magkabilang pisngi ng dalaga kaya di ito makaiwas at nanatiling nakatigtig sa binata

"Barbara, pakatandaan mo, ikaw lang at wala ng iba okay? hihintayin kita okay?" sambit ni Raphael habang nakatitig kay Barbara, isang ngiti ang iginawad ni Barbara

"Raphael, pangako hindi masasayang ang lahat ng pinaghirapan mo" unti unting lumalapit ang kanilang mga mukha ng

"Ano ito hah!!!? Ayyyy!!!!!" isang grupo ng kababaihan na kaklase nila ang pumasok

"Wala!!!" sabay kalas ng dalawa sa posisyon nila

"Yung totoo!! Ang nangunguna sa aming klase, nahulog na sa isang bagong salta" sambit ng isang babaeng mukhang may gusto kay Raphael

Nanatiling tahimik ang dalawa...

"Ang tanong? Ganun rin ba ang makisig na binata ito? nahuhulog na rin ba siya sa pinakamatalinong mag-aaral na ito" may halong pang-aasar ang ginawad ng grupo kababaihan mukhang halos lahat sila ay may gusto kay Raphael

"Paano kung sabihin ko sa inyo 'Oo' nahuhulog na ako sa kanya" panimula ni Raphael

"Raphael, wag mo ng ipagkalat baka may makaalam pa" bulong ni Barbara kay Raphael

"Eto pakatandaan niyong lahat, wala kayong pakialam kung ano man ang meron sa amin ni Barbara at kung ano man ang ginagawa namin, naintindihan nyo ba?" sumbat ni Raphael sa grupo

"Wag mong sabihin na--" hindi na pinatapos ni Raphael ang isa sa grupo

"Wala na kayo doon, tara na Barbara" sabay hila ni Raphael kay Barbara palabas ng makasalubong nila ang kanilang guro

"Oh Raphael, Barbara saan kayo pupunta?" tanong ng guro

"Magpapahangin lang po kung maaari" sambit ni Raphael

"Okay lang dahil pumunta ako dito dahil may pagpupulong ang mga kaguruan kaya sinuspinde muna ang panghapong klase kaya maaari na kayong umuwi kung gusto nyo" sabi ng guro sabay pasok sa loob upang maiparating sa iba

"Salamat po!" sabay nilang sambit

"Ano na?" sambit ni Barbara

"Tara sa tambayan ninyo!" sabay hila ni Raphael kay Barbara

"Napakahilig talagang manghila, hay naku Raphael" tanging sambit ni Barbara

Sa tambayan....

"Raphael, alam mo?" pameywang ni Barbara

"Alin?" takang tanong ni Raphael

"Bago siguro kita sagutin, lasog lasog na ang katawan ko sa kahihila mo" diin ni Barbara

"Pasensya, ano bang gusto mo? Ah alam ko na!!" binuhat ni Raphael si Barbara na parang bagong kasal at inikot ikot siya

"Raphael naman!!! Ibaba mo na ako parang awa mo na!!!" natatawang sambit ni Barbara

"Paano kung sabihin ko sayong ayaw ko?" ngiti nakakaloko sambit ni Raphael

"Raphael naman eh! Paano kapag-- " hindi na natapos ni Barbara ang kanyang sasambitin ng

"Sige na.." ibinaba na ni Raphael si Barbara

Naging masaya ang maghapon ng dalawa ng hindi nila alam na may nagmamashid sa kanila...

"Crisanto, tama ba itong nakikita ko" sambit ni Ligaya habang pinagmamasdan sila Barbara at Raphael sa tambayan nila

"Hindi, nakikita mo na di ba?" pamimilosopo ni Crisanta

"Namimilosopo ka?" banta ni Ligaya kay Crisanto

"Hindi po, nakikita na nga natin na sobrang saya nila sa isat isa, daig pa nila ang mag-asawa" paliwanag ni Crisanto

"Isa lang ang maaari nating gawin, tara" si Ligaya naman ngayon ang humila kay Crisanto patungo sa kinalulugaran ng dalawa

Balik sa tambayan...

"Hay!! isang araw na naman ang lumipas na maraming masasayang nangyari" masayang sambit ni Raphael sabay lagay ng kamay sa balikat ng dalaga

"Kaya nga! Sana laging ganto, maliban sa pag-aaral, may oras rin para sa kaligayahan mo" paliwanag ni Barbara

"Hatid na kita.." yaya ni Raphael

"Hanggang sa may kanto lang.." natatawang sambit ni Barbara

"Bakit? hindi ba pwede hanggang inyo na ?"  malungkot na sambit ni Raphael

"Na ganyan ang kilos mo?" sabay turo ni Barbara sa kamay ni Raphael na kapatong sa balikat ng dalaga

"Sabi ko nga!" sabay tanggal ng kamay sa balikat ni Barbara

Masayang naglalakad ang dalawa pauwi ng...

"Sandali!!!" napalingon ang dalawa sa boses mula sa likuran

====================================

Sino kaya ang boses na iyon?

Ating aabangan sa susunod na kabanata...

Abangan...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top