Chapter 39: Meet the Author
Bambi's POV
Eto na, ikukwento ko na kay Josh ang tragic story na nabasa ko...
"So, anong story nila Raphael at Barbara? Nung mga nakaraan araw ay parang kinikilig ka pa?"tanong ni Josh
"Ganto kasi yun, nangyari yung story nung 30 years ago, si Barbara ay isang simpleng dalaga na nag-aaral ng 3rd year High school, may mga kaibigan siya, si Ligaya, Linda, Angelo at Crisanto.." panimula ko
"Nasaan don si Raphael?" atat Josh ah
"Pwede patapusin mo muna ako, atat much!!" sambit ko kay Josh at tumahimik na ito at nakinig na lang sa ikukwento ko
"Lumaki si Barbara na seryoso sa buhay, walang ibang ginawa kung di ang mag-aral, utos kasi yun ng mga magulang nya, sobrang higpit ng mga magulang nya, at higit sa lahat hindi sya pinapayagan magpaligaw hanggang sa makapagtapos sya ng pag-aaral, ganun kahigpit ang mga magulang nya, tanging ang kaibigan lang nya ang nakakapagpangiti sa kanya, then here goes, habang papasok si Barbara sa school ng may nakabangga sya, galit na galit sya sa taong to, ito ay walang iba kung di si Raphael.." kwento ko kay Josh
"Galit pala si Barbara kay Raphael nung una, ano ng nangyari sumunod?" sabatero talaga Josh eh
"Eto na nga, nagalit nga si Barbara, pero di naman papatalo itong si Raphael, inasar rin, kayo lalong nagalit tong isa, hanggang sa nag walk-out nalang si Barbara papuntang classroom nila, kinamumuhian nya talaga non si Raphael, pero parang pinagtatagpo pa rin sila dahil, naging kaklase ni Barbara si Raphael, tinuring ng kamalas malas ang araw na yun, naging lalong ikinainis ni Barbara ay sa kanya pa pinatabi si Raphael, no choice sya, kaya para mawala ang inis nya kay Raphael di na lang nya ito pinansin, pero etong si Raphael, lalong ininis si Barbara, nang magtagpo ang kanilang mga mata, parang tumigil ang mundo, dahil si Barbara, na dating galit na galit kay Raphael ay parang nawala na lang ang lahat ng makatitigan sila.." masayang kwento ko kay Josh, very attentive naman ang jowa ko, handang makinig, mukhang interesado rin
"Love at First Sight lang ang peg ganon? Una galit, pero ng magkatitigan ay nawala na lang bigla?" daming tanong Juswa
"Parang ganun nga, pero di lang dyan, eto pa, nung naglunch sila, naiwan silang dalawa sa room, nauna na ang mga kaibigan ni Barbara sa Canteen, etong si Raphael, inumpisahan na naman asarin si Barbara, ginawang isyu ang titigan nilang dalawa, ayun nung napikon na itong si Barbara, aalis na sana ito nung kinuha ni Raphael yung bag ni Barbara, eto pikon na naman ang ate nyo, pero etong si Raphael ay lalo pang inasar, hinila nya si Barbara papuntang canteen kung saan nandoon ang mga kaibigan ni Barbara, nagulat ang mga kaibigan nila ng pumasok sila Barbara at Raphael na magkaholding hands, nanlaki ang mga mata nila ng lumapit ang dalawa sa kinauupuan ng nila, mas lalong nagulat ang lahat ng biglang sinabi ni Raphael na liligawan nya si Barbara.." pagkukwento ko, talagang walang tinag tong si Juswa, attentive na attentive sa lahat ng details ng kwento
"Bilib na ako kay Raphael, unang araw palang ligaw agad, imba sya!!" natatawang sambit ni Josh, na ikinangiti ko dahil talagang attentive sya
"Ayun na nga, in shock ang lahat sa announcement nyang yun, sinabi na rin ng barkada nila na bawal pa ligawan si Barbara dahil kabilin-bilinan ito ng parents nya, humingi rin ng tawad si Raphael sa biglaan nyang sambit ng panliligaw, tinanggap naman ito ni Barbara ng walang pagsisimangot, napilitan na rin ang barkada na isama si Raphael sa tambayan nila sa tabing ilog kung saannakapag-usap ng masinsinan sila Raphael at Barbara, at dun nag-umpisa ng pagkakamabutihan ng dalawa, di rin nagtagal ay niligawan na talaga ni Raphael si Barbara, at ilang buwan lang ang lumipas ay tinanggap ni Barbara si Raphael bilang nobyo nito, ang mahirap lang sa sitwasyon nila ay sila ng patago, hindi alam ng lahat maging ng barkada, ang higit sa lahat ng magulang ni Barbara, nagawang maitago nila ang kanilang relasyon ng isang taon, pero alam na ng barkada maliban sa mga magulang ni Barbara.." tuloy tuloy kong kwento
"Tsk.." tangin nasabi ni Josh at nagpatuloy ako sa pagkukuwento
"So ayun, sumapit ang 1st anniversary nila as a couple, buong akala ni Barbara na nakalimutan na ni Raphael ang special day nilang yun, eh nagkakamali sya dahil sinurpresa siya nito, dinala sya ni Raphael sa paborito nilang puntahan, dun rin nangyari ang kanilang nakakakilig na First Kiss!!! Pero panandalian lang dahil sa di inaasahan ay nabisto sila ng parents ni Barbara, nagulat sila ng biglang dumating ang parents nito na pilit pinapauwi si Barbara at binantaan si Raphael na layuan ang kasintahan, dahil sa mahal nila ang isa't isa at ayaw nilang lumayo sa piling ng isa't isa ay nasuntok ng ama ni Barbara si Raphael na ikinabagsak nito, walang nagawa si Barbara ng siyang hilahin palayo sa kanyang minamahal, simula nung araw na iyun naging matigas na si Barbara sa kanyang mga magulang, dahil kay Raphael, naranasan nyang sumaya, na kaya pala nyang pagsabayin ang pag-aaral at kasiyahan nito, buong akala ni Isabela na hiwalay na si Raphael at Barbara, yun ang akala nya.." say ko
"Sino naman si Isabela?" tanong ni Josh
"Sya yung kontrabida sa pag-ibig bukod sa parents ni Barbara, sya ang nagsumbong sa parents ni Barbara na may namamagitan na kila Raphaela t Barbara, kaya ayun, so eto na nga, dahil sa nangyari ay ililipat si Barbara sa ibang school, dahil sa lungkot na maghihiwalay sila ng ganun, ay niyaya ni Raphael si Barbara na sumama sa kanya, in short magtatanan sila!" naputol ang kwento ko ng sumigaw si Ate
"Hoy!! Magkukwentuhan na lang kayo dyan maghapon, tara na kaya maligo!!" sigaw ni Ate sa amin, sinenyasan ko sya, alam na nya yun at bumalik na lang ito sa paliligo kasama ang barkada, humarap ako kay Josh, nakatulala lang sya sa akin
"Huy!! Anyari sa iyo?" natatawang sambit ko, nagulat sya
"Wala, nagulat lang ako sa ginawang moves ni Raphael, magtanan, high school, niyaya nyang magtanan si Barbara?" mabuti kaya ituloy ko na
"Alam mo ba ang naging sagot ni Barbara, dahil nga sa mahal na mahal nila ang isa't isa, pumayag si Barbara na sumama makipagtanan, hinatid sila ng barkada nila sa sakayan nung ikalawang gabi, pero ang hindi nila alam ay nakamashid si Isabela, at kinabukasan ng hapon ay isinumbong nila ang ginawang pagtatanan ng dalawa.." say ko
"Saan naman sila nagtanan?" tanong ni Josh
"Sa isang resort sa Batangas!" nanlaki ang mata ni Josh ng sabihin kong Batangas
"Tama ang naririnig mo, sa Batangas, isa sa resort dito sa Batangas sila nagtanan kung saan pagmamay-ari ng pinsan ni Rapahael ang resort na yun, nang mapag-alaman na ng mga magulang ni Barbara, agad silang pumunta ng Batangas kung saan masayang nag-eenjoy ang dalawa, walang hadlang tangin silang dalawa lang, ng gabing iyon, nasa tabing dagat ang dalawa at naglalakad lakad, nagbibiruan, hanggang sa inamin nila na kahit anong mangyari dahil sa pagtakas nila ay patuloy nilang mamahalin ang isa't isa at dun nangyari ang ikatlo at huling kiss nila dahil dumating na ang mga magulang ni Barbara, may dalang baril ang ama ni Barbara, nakasunod ang barkada at naglakas loob silang harapin ang galit na galit na magulang ng dalaga, pilit pa rin pinapasama ng magulang nya si Barbara pauwi, ngunit ayaw na nitong sumama sa kanila, kaya sa galit ng ama ay inilabas niya ang baril at itinutok kay Raphael, nabalot ng tensyon sa magkabilang panig, buong tapang naman nyang hinarap ang mga magulang nya, hindi na nagugustuhan ng ama ni Barbara ang pinaninindigan ng anak nya, kaya itinutok nito ang baril sa sariling anak nito, ng lalong magmatigas si Barbara ay napilitan ng paputukin ng ama nito ang baril, ngunit sa hindi inaasahan, humarang si Raphael at siya ang nabaril, bumagsak ito at tuluyang binawian ng buhay, ngunit hindi rin nagtagal ay may bumaril rin kay Barbara mula sa likuran na syan ikinamatay rin nito.." naiiyak kong kwento ng huling part ng madugong trahedya ng pagmamahalan ng dalawang tao, naluluha na rin si Josh sa nangyari, niyakap na lang nya ako para ma-ibsan ang kaartehan kong iyak, ilang beses na akong naiyak dahil sa kwento nila
"Anong drama nyong dalawa dyan?" nagulat kami ni Josh ng biglang sumulpot si Ross from nowhere
"Wala insan! kinocomfort ko lang si Bambi, iyakinkasi tong mahal ko.." say ni Josh sa pinsan nya
"Sure kayo?" tanong ni Ross
"Sure!!" say ni Josh, nakayakap pa rin sya sa akin, daig pang aagawin ako ng iba
"Ahm..by the way insan, dumating na si dad galing States kasama close friend nya si Ms. Ligaya Baltazar.." nanlaki ang mga mata ko at agad naman tumingin si Josh sa akin, nagtaka sya
"Mahal? Bakit parang gulat na gulat ka ata?" tanong sa akin ni Josh
"Ross, Close friend ng dad mo si Ms. Ligaya Baltazar?" tanong ko kay Ross
"Yeah, actually matagal na silang magkakilala ni dad, high school friends kung baga, pero taga rito sya sa Pilipinas.." paliwanag ni Ross, tumingin ako kay Josh
"Josh, di kaya sya yun?" sambit ko kay Josh
"Sinong siya?" takang tanong ni Josh
"Si Ligaya Baltazar, siya ang author nung librong ikinuwento ko sayo!" sambit ko sa kanya
"Uhm..excuse me, insan, pinapatawag ka pala ni Dad, gusto ka raw nya makita, why not isama mo na rin si Bambi para makilala ni Dad ang girlfriend mo.." say ni Ross
"Sige insan, sunod na lang kami!" say ni Josh
"Andun lang si Dad sa office nya okay?" say ni Ross
"Sure insan! Salamat!" at umalis na si Ross, naiwan na lang kaming dalawa ni Josh
"Pinapatawag na ako ni Tito, handa ka na bang makilala sya?" tanong sa akin ni Josh
"Medyo, sure kang okay lang na sumama ako sa iyo, di ba parang nakakahiya?" nahihiya kong sambit sa kanya
"Wag ka ng mahiya, mabait yun, and beside I got your back okay?" assured sa akin ni Josh at nag nod nalang ako
"Guys!! Punta muna kami sa office ni Tito!! Okay lang ba kayo dito?" tanong ni Josh sa barkada
"Sure bro!! No problem!!" say ng boys
"Sure, basta Josh ah, yung kapatid ko ah!?" ate talaga nagbilin pa, di naman ako bata eh
"Ako bahala dito Belle! Don't you worry!" nagsalute pa si Josh kay ate, mga may sapak talaga tong mga ito
Naglakad na kami ni Josh, papunta sa office ng tito nya..
Kumatok si Josh sa pinto..
"Pasok!" boses ng lalaki ang nagsalita, tito nya siguro yun, pumasok na kami
"Josh iho, ikaw na ba yan?" tanong ng tito ni Josh ng makita sya
"Tito Gelo!!! Ako na po ito!!" say ni Josh, ngumiti naman ang tito Gelo nya sa kanya
"Laki mo ah, gwapo pa din, manang mana ka talaga sa daddy mo ng pagkasingkit.." sambit ng tito ni Josh sa kanya
"Tito talaga!! Sabi ni daddy eh, di naman po kayo bolero noon kabataan nyo, urong nga po kayo kay tita Linda nung naging kayo eh!" hirit ni Josh sa tito nya
"Ikaw talaga, halika nga kayo dito, oh by the way sino itong magandang binbini kasama ng pamangkin ko?" tanong ng tito nya ng mapansin nya akong lumapit kasama si Josh sa table nya at umupo kami sa mga upuan sa harap ng table nya
"Oo nga po pala, Tito Gelo, meet Bambi, girlfriend ko, Bambi, si Tito Gelo!!" pakilala sa akin ni Josh sa tito nya
"Nice to meet po sir Gelo!" magalang kong sambit
"No need sir me iha, Tito Gelo na lang, beside girlfriend ka naman ng pamangkin ko.." say ni Tito Gelo
"Sige po..tito Gelo!" masaya kong sambit
"Magaling ka talaga pumili ng babae iho, maganda na, mabait pa!" say ni tito Gelo kay Josh
"Syempre naman po tito, kumusta na po pala sila Mom and Dad sa States?" tanong ni Josh sa tito nya
"Busy sa work ang mom and Dad mo eh, si Tita Linda mo naman ay hindi rin nakasama sa akin dito gawa rin ng schedule nya don as a Professional Wushu trainer.." kwento ng tito ni Josh sa kanya
"Ah ganun po ba, pero sabi po ni Ross ay may kasama daw po kayo umuwi dito?" tanong ni Josh
"Oo nga pala, si Ligaya nga pala kasama ko umuwi dito, kasama yung husband nya na friend ko rin si Crisanto, actually pareho ko silang close friend since High School.." teka parang pamilyar ang mga name nila, hindi kaya..
"Uhm..Tito Gelo?" sumabat na ako sa usapan nilang mag tito
"Yes iha?" tanong ni tito Gelo
Bago ko pa matanong ang gusto kong tanungin ay may nagsalita mula sa pinto..
"Pare, andyan ka pala?" napatingin kami sa kung sino ang nasa pinto, isang makisig na lalaki na moreno at isang chinitang babae mukhang nasa early fourties na sila parang tito ni Josh, hindi kaya ito na si...
"Oh Crisanto, Ligaya, tapos na kayong mag-ayos ng gamit nyo sa kwarto?" sinasabi ko na ba eh, sila nga...
Habang papalapit sila sa amin, napatigil si Tita Ligaya, napatitig siya sa aming dalawa ni Josh, anong meron sa amin?
"Angelo pare, sino sila?" tanong ni Tito Crisanto kay Tito Gelo, sabi na nga ba, Angelo ang tunay na pangalan ni tito
"Oo nga pala, pare, Ligaya, si Joshua, pamangkin ko, at itong magandang dalaga ito ay girlfriend nya, si Bambi, Josh, Bambi, si Tito Crisanto at Tita Ligaya nyo!" pakilala sa amin ni Tito Gelo kila Tito Crisanto at Tita Ligaya
"Kayo po ba si Ligaya Baltazar, yung author ng librong 'Lovers Until Death'?" di ko na napigilang hindi tanungin, nakita ko ang ekspresyon ni Tita, nagulat sya
==================================
Sila na kaya ang nasa likod ng kwento ng pag-iibigan hanggang kamatayan?
Abangan.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top