Chapter 38: Biglaang Outing!!
A Month Later....
Dahil nag-announce ang school ng 1 week no class dahil may seminar ang mga teachers, napagpasyahan ng barkada na mag- outing sa Batangas, suggestion rin nila Josh at Bambi at eto ang napag-usapan nila..
Happened a week ago...
Fortez's Residence
Nakatambay ang barkada sa bahay nila Bambi at Belle...
"Since, one week tayong walang pasok next week, anong plano natin?" tanong ni Kris
"Kaya nga naman, ang bored kaya mag stay sa bahay.." say ni Rick
"Uhm..guys! What if mag-outing tayo?" suggest ni Bambi
"Saan naman?" tanong ni Belle
"May private resort sa Batangas na pagmamay-ari ng tito ni Josh, pwede tayo don.." say ni Bambi na excited pa sa excited
"Weh? Totoo pre? may beach resort kayo sa Batangas?" duet pa si Rick at Kris
"Sa tito ko yung resort na yun.." say ni Josh
"Bakit alam ni Bambi ang tungkol sa resort na yun?" tanong ni Aya
"Dun ko kasi dinala si Bambi a month ago.." kwento ni Josh
"Dun kayo nag date sa Batangas bro!!" say ni Jacob, nag nod si Josh
"Imba ka talaga bro!! Beach date naman ang peg mo ngayon ah!! Love na love mo talaga ang baby sis ng barkada!!" sabay sabay na kinuyog ng boys si Josh
"Aray!! Mga bro, ang sakit na, huy tama na!!!" say ni Josh, patuloy pa rin ang boys ng...
"Tigilan nyo na nga si Josh!!" saway ni Bambi sa boys
"Pasalamat ka bro, pinigilan kami ng girlfriend mo, kung di naku, imba ka talaga!!" sambit ni Rick sabay may pahabol na batok kay Josh
"May pahabol pa talagang batok.." saway ni Luisa kay Rick
"Peace tayo Baby ko!!" nag peace si Rick na ikinatawa ng barkada
"So, ano? Batangas tayo?" tanong ulit ni Bambi
"Mahal ba dun?" say ni Aya
"Medyo, private resort kasi eh!!" say ni Bambi
"Edi sagot na ni Josh ang stay natin don, tayo na lang sa sasakyan! ano game?" idea ni Kris
"Ano!!?" react ni Josh
"Sige na bro, tito mo naman may-ari eh.." say ni Rick
"Ang totoo nyan eh, pinsan ko lang talaga ang nandun ngayon, yung tito ko matagal ng nasa States, bihira umuwi.." paliwanag ni Josh
"Yun naman pala, mas madaling magpaalam bro o di kaya yung 2 buwan ipon mo pang date nyo ni Bambi eh yun na lang igastos mo!!" suggest ni Rick
"Pati ba naman yung ipon kong pang date idadamay nyo oh sige na nga, papaalam na ako sa pinsan ko, baka makalibre pa tayo, kung di naman eh di sige sagot ko na!" sambit ni Josh
"Yan ang sinasabi ko sa eleganteng jowa ng kapatid ko eh!!" sambit ni Belle na ikinatawa ng barkada
"Grabe sa elegante ate, sakto lang naman, di ba mahal?" tanong ni Bambi kay Josh
"Tama!! Sakto lang naman ang allowance ko for the remaining school year at syempre bukod sa pang date ko!" pagmamalaki ni Josh
"So, all set? Kailan tayo punta?" si Luisa
"Sa Monday na agad para sulit ang stay natin don game?" tanong ni Jacob sa lahat
"Game!!! Batangas here we come!!!" say ng lahat
Fastforward...
Monday...
On their way to Batangas..
Josh's Van
"Akala ko ba sagot nyo ang sasakyan? Bakit parang sagot ko rin to?" reklamo ni Josh, katabi nya si Bambi, sa likod nila sila Belle, Jacob tapos sa last row sila Kris, Aya at Luisa nasa harapan si Rick tabi ng driver
"Syempre ikaw lang bro may Van sa barkada, tsaka di ka naman kailangan problemahin ang gas, sagot na namin yun, di ba guys?" say ni Rick sa barkada
"Tama!! Chill ka lang dyan Josh.." say ni Kris
"Mabuti pa, matulog na muna tayo, medyo mahaba pa ang biyahe!" suggest ni Aya at ganun nga ginawa ng barkada bukod kila Josh at Bambi
"Di ka ba inaantok?" tanong ni Josh kay Bambi
"Di eh.." simpleng sagot ni Bambi
"Since pareho naman tayong di inaantok, kwento mo na ngayon sa akin yun tungkol sa binasa mo last month, grabe ka!! Tiniis mo talaga hindi ikwento sa akin yung kinakikiligan mong libro, nakakapangselos naman.." tampu-tampuhan ni Josh
"Mamaya na lang promise sa may beach!!" lambing ni Bambi kay Josh
"Sure?" si Josh
"Promise!! Sure na sure!!" say ni Bambi
"Kung ganon ay matulog na muna tayo nyan?" suggest ni Josh
"Mauna ka na!!" say ni Bambi
"No, Ladies first!!!" si Josh sabay offer ng balikat nya kay Bambi
"Sabi mo eh!!" sabay patong ni Bambi ng ulo nya sa balikat ni Josh
"Syempre ako rin!!" say ni Josh sabay patong ng ulo nya sa ulo ni Bambi
"Ang bigat naman ng ulo mo!!" biro ni Bambi kay Josh
"Ay!!?" react ni Josh
"Joke lang!!!" sabay tawa ni Bambi
Naging tahimik at mapayapa ang biyahe ng barkada hanggang sa...
"Mam,Sir nandito na po tayo sa resort!!" nagising ang barkada sa tawag ng driver nila
Nauna pang bumaba ang boys nang...
"Boys!!!!!" sigaw ng girls, napahinto ang boys at humarap sa kanila
"Yes?" say nilang sabay sabay
"Yung mga gamit, aba!!! nakakita lang ng beach, nawala na pagkagentleman nyo lahat!!" reklamo ni Luisa
"Sorry, eto na po!!" say ni Rick, sabay sabay pumunta ang boys sa likod ng sasakyan at isa isa kinuha ang gamit ng mga girlfriend nila, pinakamarami na don ay walang iba kung di kay Bambi
Sinilip ng girls ang boys, natatawa ang girls sa itsura ng boys, naglakad na sila papuntang resort, napansin ni Bambi na nahuhuli si Josh, nilapitan nya ito..
"Akin na nga yung isa, kakaawa ka naman eh!!" say ni Bambi at kinuha nya yung isa sa tatlong bag na buhat ni Josh, dalawa kay Bambi, isa lang kay Josh dun
"Parang gusto mo na ata tumira dito sa dami mong dala!" say ni Josh
"Ganun talaga! limang araw rin tayo dito eh, kaya sulitin ko na rin ang dala ng mga outfit ko noh! may reklamo ka?" tanong ni Bambi kay Josh
"Hindi! wala, eto naman!!" say ni Josh habang sabay silang naglalakad papunta sa resort
Sa Lobby ng Resort....
Sinalubong ang barkada ng pinsan ni Josh na si Ross, anak si Ross ng tito ni Josh na nasa States..
"Josh!!! Insan!!" salubong ni Ross sa pinsan
"Insan!!!" apir ni Josh sa pinsan nya
"Musta? Sayang di tayo nagkita last month nung nagpunta ka dito kasama ang--" di na pinatapos ni Josh si Ross, nagsalita na ito
"Ross, sya nga pala, si Bambi, girlfriend ko, Bambi si Ross, pinsan ko!" pakilala ni Josh kay Bambi
"Nice to meet you Bambi! I'm Ross, Josh cousin!" shake hands ni Ross kay Bambi, magiliw naman tinanggap ni Bambi
"Nice to meet you too Ross!" say ni Bambi
"Ibang klase ka rin insan, ganda ng girlfriend mo ah! oh, uunahan na kita, baka magselos ka pa sa akin, I see your girlfriend like my little sister okay?" deretsahan sagot ni Ross na ikinatawa ng barkada
"Loko ka talaga insan!! ang advance ng utak mo, oo nga pala, Ross, barkada ko!!" pakilala ni Josh sa barkada
"Hi Ross!!" duet na sambit ng girls bukod kay Bambi
"Choir pa kayong tatlo hah?" angal ng boys except Josh
"Pake nyo ba?" sambit ni Luisa
"Pre, Rick nga pala, eto si Jacob at Kris!!" pakilala ni Rick sa sarili, pati kila Kris at Jacob
"Nice to meet mga pre!" sambit ni Ross
"Ay oo nga pala, Ross yung mga bumating mahaharot na girls, siya si Belle, girlfriend ni Jacob, si Luisa, ang loves ni Rick at si Aya ang aking bebe girl!" pakilala ni Kris sa girls
"Hi girls!! Nice to meet you all! By the way, hatid ko na kayo sa rooms nyo, since barkada kayo ni Josh, ibibigay ko sa inyo yung malaking rooms dito, 2 rooms yun, isa for the girls, apat ang beds don ganun din sa isang room for the boys, tara?" say ni Ross
"Tara!" sumunod na sila kay Ross
Girls Room..
Nag-aayos ng mga gamit ang girls..
"Ang cute talaga nung pinsan ni Josh noh?" kilig na say ni Aya
"Hoy Aya! baka marinig ka ni Kris, mag-emo na naman yun!" natatawa sambit ni Bambi habang inaayos ang gamit nya
"Cute lang naman sabi ko! Di magagalit si Kris, takot nya lang sa akin!" banat ni Aya
"Hay naku Aya! Umiral na naman yang pagka bossy mo kay Kris" say ni Luisa
"Naintindihan naman ako ni Kris eh!" paliwanag ni Aya
"Sabagay may pagka cute rin yang si Ross, ikaw ba sis? di ka ba na cutan kay Ross?" biglang tanong ni Belle kay Bambi
"Okay lang naman si Ross.." simpleng sambit ni Bambi habang nag-aayos pa rin ng gamit nya
"Yun lang!!?" choir pa ang girls except Bambi
"Kailangan choir lagi pag nagreact?" tanong ni Bambi
"Ganun talaga sis! So wala ka man lang first impression kay Ross? Eh halos hindi naman nagkakalayo ng itsura si Josh at Ross eh? tapos okay lang?" sunod sunod na tanong ni Belle
"Wala ate! period! Tsaka, okay naman sya eh, sabi nyo nga cute, pero mas cute pa rin si Josh!" ngiting sambit ni Bambi, kinurot naman sya ni Belle sa tagiliran
"Ang harot sis!" say ni Belle
"Aray ate!!" react ni Bambi
"Talaga! Inlababong-inlababo ka talaga kay Josh noh Bambi!? Walang ibang cute sayo kung di si Josh lang? Kahit sa pinsan nya na halos carbon copy niya ay walang panama!" sambit ni Luisa
"Well! ganun talaga!" say na lang ni Bambi
Boys Room..
Di katulad ng girls na busy mag-ayos, humilata na lang ang boys sa mga kama nila except Josh na mukhang nahawaan ni Bambi sa sipag ayusin ng gamit nya sa kabinet..
"Alam mo mga bro, sa lahat ng boys na may gantong outing, etong si Josh ang napakasipag mag-ayos ng gamit nya agad?" parinig ni Rick
"Ganun talaga mga bro, para hindi na mamaya, tsaka tinuro sa akin ni Bambi na kapag may gantong bakasyon kailangan, ayusin muna ang gamit bago ka humilata sa kama para kapag may lakad kayo di na magkukumahog hanapin ang dapat dalhin!" say ni Josh
"Iba talaga ang tama mo kay Bambi bro! To the highest level! Sabagay tama ka naman, tara na nga mag-ayos, takot ko lang kay Aya, sabihan pa akong tamad!" say ni Kris sabay ayos na rin ng gamit nya ganun din si Jacob at Rick
"Syang tunay bro! Ako nga baka i-wushu pa ako ni Belle pag nakita akong tatamad tamad!" say ni Jacob
"Buti nga kayo ganyan lang matatamo nyo sa mga jowa nya eh ako baka lunurin na ako ng buhay ni Luisa kapag napakatamad pa ako!" say ni Rick na ikinatawa ng boys
"Pero mga bro! Mas swerte talaga tong si pareng Josh, eh mukhang kahit maging tamad to eh hindi sya papatayin ni Bambi!" natatawang sambit ni Kris
"Yun ang akala nyo! Kahit Anghel ang girlfriend kong yun, may natatagong alas pa rin yun noh! Sakit kaya manghampas non!" say ni Josh
"Okay, change topic muna tayo, Josh, pansin ko lang eh halos magkasing mukha kayo ni Ross, mas cute ka nga lang! Nakasalamin nga lang sya!" tanong ni Rick kay Josh
"Ganun lang siguro ang lahi namin di nagkakalayo ng kisig ng mukha!" pagmamalaki ni Josh, binatukan naman sya ni Kris
"Kung gaano ka-bait ng girlfriend mo bro, ikinayabang mo naman!" biro ni Kris
"Oh bakit? Totoo naman di ba? Did I say something wrong?" natatawang sagot ni Josh
"Tumigil ka na nga bro! nagtext na sila Luisa, punta na daw tayo sa may brach side nandun na daw sila!" say ni Rick at nagmadali na ang boys sa pag-aayos ng gamit nila
Meanwhile...
Beach Side...
Nag-eenjoy na ang girls magtampisaw sa dagat, ilang minuto ay tumakbo na rin ang boys sa dagat para magtampisaw, habang nag-eenjoy ang barkada ay naiwan nakaupo sa buhanginan si Bambi habang pinagmamasdan ang barkadang nag-eenjoy ng may nagtakip ng mga mata nya..
"Josh?" say ni Bambi
"Ay! Kakatakip ko lang alam agad?" say ni Josh sabay alis ng kamay nya at umupo sa tabi ni Bambi
"Kabisado ko na kasi ang kamay mo!" simpleng say ni Bambi
"Bakit ayaw mong makijoin sa kanila?" tanong ni Josh
"Mamaya lang, di ba sabi ko sayo, ikukwento ko na sayo yung tungkol sa story nabasa ko.." say ni Bambi at humarap sya kay Josh
"Oo nga pala, so umpisahan mo na?" demand ni Josh
"Demanding ka talaga eh no?" natatawang sambit ni Bambi kay Josh
"Ganun talaga! So share naman sa kinakikiligam mong libro dyan bukod sa ako ang nagpapakilig sayo!" sambit ni Josh, na ikinatawa ni Bambi
"Yabang neto!! So eto na nga ---"
================================
Oops! Cliffhanger muna, abangan sa next chapter ang pagkukwento ni Bambi kay Josh ng tragic love story nila Raphael at Barbara, at may susulpot na character?
Sino kaya ito? Bago or mula sa nakaraan?
Abangan....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top