Chapter 37: Is There A Posibility?
Bambi's POV
Lumipas na naman ang isang linggo school day, weekend na naman bukas, dahil sa kabisihan namin lahat sa school, projects and assignments kaya naudlot na naman ang pagbabasa ko ng lasy chapter ng binabasa kong libro, asar! pasuspense tuloy nangyari, Kung tatanungin nyo kami ni singkit, well, still the same, asaran here asaran there, pero madalas mahahampas ko, playfully lang naman, ganon sya kahalaga sa akin noh, wala man kaming date nitong nagdaang week okay lang, lagi naman nya ako hinahatid sundo, at higit sa lahat di kumukupas ang natural na pagkasweet nya! Kilig!! back to my topic, well here goes babasahin ko na ang past part ng kwento kaloka! Inabot tuloy ako ng 1 week bago mabasa ko ulit to, curious na kasi ako sa mga pinagsasabi ni Ate tungkol dito, parang andami nyang alam, eto na talaga tatapusin ko na talaga...
[ Kinabukasan na hapon...
Sa tahanan ni Barbara...
"Saan na kaya ang anak mo yan!!?" galit na galit na sambit ng ama ni Barbara sa asawa nito
"Abay!! Wag mo akong pagsisigiwan, ang alam kong di naglalabas ng bahay yan simula nung pinagalitan natin sya" sambit ng ina ni Barbara
"Eh nasaan na nga ba yang magaling mong anak?" tanong muli ng ama
"Tumawag ka na ba sa eskwelahan?" tanong ng asawa
"Ang sabi sa eskwela, hindi raw pumasok ang anak mo!" sambit ng ama ni Barbara
"Ano? Hindi nya magagawang lumiban ng eskwelahan ng ganun ganun lang.." sambit ng ina
"Sa tingin ko may alam ako kung nasaan ang pinagmamalaki ninyong anak!" isang tinig na nagmumula sa labasan
Samantala....
Pauwi na sila Linda, Angelo, Ligaya at Crisanto..
"Siguradong masaya ngayon sa Batangas ang dalawa?" sambit ni Ligaya
"Sigurado yun, tahimik don at walang hadlang" sambit naman ni Crisanto
"Saglit, di ba si Isabela yun?" turo ni Linda sa may pintuan ng tahanan nila Barbara
"Oo nga, ano kaya ginagawa ng haliparot na babaeng yan sa bahay nila Barbara?" sambit ni Ligaya
"Sandali nga, kayo ba mga babae kayo? wala ba kayong nababanggit sa iba kung nasaan yung dalawa?" tanong ni Angelo kila Linda at Ligaya
"Wala, tahimik lang kami, nangako kami sa dalawa na hindi namin ipagsasabi kung nasaan sila" sabay taas ng kamay ng dalawa dalaga
"Silipin kaya natin, alam naman natin na siyam ang mata ng babaeng yan, baka nakita tayong inihatid ang dalawa sa sakayan, naku patay!!" sabay lagay ni Crisanto sa kamay nya sa noo
"Tara, pero wag tayo papahalata" sambit ni Angelo at nagsinunod ang tatlo at nag sa may damuhan malapit sa bintana kung saan maririnig nila ang sasambitin ni Isabela
Balik sa tahanan...
"Isabela, anong ginagawa mo dito iha?" sambit ng ina ni Barbara
"Hinahanap nyo po si Barbara diba?" sambit ni Isabela
"Bakit? Alam mo bang kung nasaan si Barbara? " tanong ng ama ni Barbara
"Sa tingin ko po kasama nya ang kanyang pinagmamalaking kasintahan.." mahinhin pang sambit ni Isabela
"Ano!!!? Kasama nya ang lalaking iyon!!!?" nang init na ang dugo ng ama ng marinig iyon
"Papaano!!? Saan!!!? Alam mo ba kung nasaan sila nagpunta!!?" sambit ng ina
"Sa tingin ko po, nagtanan sila!!!" lalong nag init ang dugo ng ama ni Barbara ng marinig iyon
"Nagtanan!!!!!????" sambit ng ama
"Batang iyon talaga!!!! Bakit kaya na isipan ng batang iyon makipagtanan, masyado pa silang bata!!" sambit ng ina
"Hindi rin lang po ako nakakaalam dahil nakita kong hinatid sila nila Linda" sambit pa ni Isabela
Balik sa barkada na nakasulyap sa nangyayari sa loob..
"Anak ng...!!! Nasundan tayo ng babaeng yan!!! Grabe talaga ang mata ng babaeng yan!!" pabulong na sambit ni Linda
"Ibang klase, lagot tayo ngayon!! Alam na nila tito at tita na kasama tayong naghatid sa dalawa!!" sambit ni Angelo
"Naku!! napaka-kate ng bibig ng Isabela yan Oo!!" pabulong ni Ligaya
"Anong gagawin natin?" sambit ni Crisanto
"Makinig pa tayo!!" sambit ni Ligaya
Balik sa mga magulang ni Barbara at Isabela
"Alam ng mga kaibigan nya ang ginawang pagtatanan ng dalawa?" tanong ng ina ni Barbara
"Opo, alam po nila, pero huwag nyo na pong silang pag-aksayahan tanungin kung nasaan ang dalawa dahil alam ko po kung saan nagpunta ang dalawa.." ngiting nakakaloka ang sambit ni Isabela
"Saan?" sabay na sambit ng mga magulang ni Barbara
"Sa Batangas...sa isang bahay bakasyunan na pagmamay-ari ng pinsan ni Raphael" sambit ni Isabela
Balik sa Barkada..
"Naku lagot na!! paano nalaman ng babaeng yan ang lugar na pinuntahan ng dalawa?" sambit ni Ligaya
"Natural, mayaman ang pamilya nila Raphael, kilala ang pamilya nito sa Batangas.." salaysay ni Angelo
"Paano mo nalaman kilala ang pamilya nila Raphael doon sa Batangas?" tanong ni Crisanto
"Sinabi lang sa akin ni Raphael, mahabang istorya, ano plano natin?" sambit ni Angelo
"Tawagan natin sila Barbara.." sambit ni Ligaya sabay labas ng telepono
"*****"
"Hindi nasagot!! paano yan?" pag -aalala ni Ligaya
"Huy!! tignan nyo!" turo ni Angelo sa loob ng bahay
Balik sa loob ng tahanan...
"Halika na, ating sunduin ang magaling mong anak! Lagot sa akin ang lalaking yan!! Sinabi ng layuan na si Barbara, naku!! Maturuan nga ng leksyon!!" sambit ng ama ni Barbara at kinuha ang susi at..
Balik sa Barkada...
"Pa--patay, kinuha ni tito ang tinatago nyang baril, lagot na!! baka kung anong gawin niya sa dalawa lalo na kay Paeng.." nanginginig na sambit ni Crisanto
"Hindi pa rin nasagot si Barbara!!" nag-aalala sambit ni Ligaya
"Ano pang hinintay natin? Papunta na sila Tito kailangan natin silang maunahan para mabalaan ang dalawa.." sambit ni Angelo
"Paano naman tayo makakapunta? eh wala naman tayong sasakyan?" sambit ni Ligaya
"Huwag kayong mag-alala, tinawagan ko na ang kuya ko dala ang sasakyan namin, ihahatid nya tayo!!" sambit ni Crisanto
"Nakaalis na sila tito!!" sambit ni Ligaya ng mahalata sila ni Isabela
"Anong gingawa nyo dyan?" mataray na sambit ni Isabela
"Ayan na ang sasakyan namin!!" sambit ni Crisanto at nagsitakbuhan na ang apat
"Hoy!! Saan kayo pupunta?" sigaw ni Isabela ng hindi siya pansinin ng apat
"Wala ka na dun!! Babaeng makati ang dila walang ginawa kung di manira ng kaligayahan ng iba!!" sambit ni Linda bago tuluyan na silang nakaalis para sundan ang mga magulang ni Barbara
Sa Batangas...
Gabi na ng mapagpasyahan ng magkasintahan na maglakad lakad sa tabing dagat..
"Ang ganda dito no?" sambit ni Barbara habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Raphael
"May mas maganda akong nakita kaysa dito.." sambit ni Raphael
"Saan?" tanong ni Barbara
"Sa tabi ko, isang magandang nilalang na binigay sa akin para mahalin ko.." kindat ni Raphael na ikinangiti ng dalaga
"Bolero!!" masayang sambit ni Barbara
"Totoo nga!!" sambit ni Raphael
"Talaga lang hah?" sabay titig ni Barbara kay Raphael
"Talagang talaga!!" sabay mabilisan ninakawan ng halik sa labi si Barbara na ikinagulat nito
"Raphael!!" agad naman tumakbo si Raphael dahil hinahabol na siya ni Barbara
"Halika dito!!" sigaw ni Barbara habang hinahabol si Raphael
Nagpatuloy sa paghahabulan ang dalawa hanggang sa napagod na sila at parehong humiga na lang sa buhanginan..
"Kakapagod!!" reklamo ni Barbara
"Bagal mo kasi!!" biro ni Raphael
"Raphael.." sambit ni Barbara habang nakatingin sa buwan
"Bakit?" tugon ni Raphael
"Salamat!" sambit ni Barbara sabay upo sa buhanginan
"Para saan?" sabay upo na rin sa buhanginan at tinabihan si Barbara
"Sa lahat, sa buong isang taon na pinadama mo sa akin na espesyal ako, na pinadama mo sa akin ang gantong kasiyahan sa buong buhay ko, salamat dahil nakilala kita!" sabay tingin ni Barbara kay Raphael
"Salamat din dahil nakilala kita, ngayon ko nadama na mayroon palang isang tulad mo na darating sa buhay ko upang bigyan ulit ng kulay ito, salamat sa pagmamahal, salamat dahil sa kabila ng paghihigpit sa iyo ng magulang mo, nagawan mo pa rin ng paraan para makasama mo ako, kahit alam nating pareho na delikado at alam din nating kamumuhian ka ng magulang mo, nagawan mo pa rin sumama sa akin, Salamat!" sambit ni Raphael habang nakatitig sa mga mata ng dalaga
"Ngayon ko lang ito nadama Raphael, kaya kahit mahirap para sa akin suwayin ang mga magulang ko, ginawa ko, dahil alam kong minsan lang dumating ang isang taong makakapagpasaya sa iyo ng ganto, kaya ano mang mangyari.." sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Raphael
"Mahal na mahal na mahal kita Raphael!! Pakatandaan mo yan!" naluluhang sambit ni Barbara habang nakatingin kay Raphael
"Alam kong hinahanap ka na ngayon ng mga magulang mo at alam kong galit na galit sila ngayon lalo na sakin, gusto ko lang malaman mo na masaya ako nakilala kita at hinding hindi kita makakalimutan dahil mahal na mahal na mahal kita!!" muling nagtagpo ang mga labi ng dalawa kung saan dinama nila ang halik na iyon maaaring huli na para sa kanila ng..
"Nandito ka lang pala hah!!!" isang sigaw ang umalingawngaw sa dalawa
Laking gulat ng dalawa...
"Tay...Nay..." nanginginig na sambit ni Barbara ng makita ang mga magulang nya
"Anong sinabi ko sayo? Layuan mo ang lalaking yan!!?" galit na sambit ng kanyang ama habang nakaturo kay Raphael
Habang nagaganap ang sagutan, dumating ang barkada ngunit hindi sila nagpakita sa eksena..
"Anak naman!! kay bata bata mo pa!! nagawa mo pa itong mga ganto!!" sambit ng ina ni Barbara
"Huwag nyo na pong sigawan si Barbara!! Wala syang kasalanan dito!! Ako na lang po sigawan nyo!! Ako ang nagyaya sa kanyang sumama sa akin!" pagtatanggol ni Raphael sa kasintahan
"Ikaw!!! Lalaki ka di ka na ba nagtanda hah!!!? Sinabi ko na sa iyo na mga bata pa kayo para gawin ang mga bagay na ito!! Anong ginawa nyo!!? Sinunod nyo pa rin kung anong gusto nyo!!! " galit na galit na sambit ng ama ni Barbara
"Tay!!! Tama na!! Desisyon kong sumama sa kanya!! kaya huwag nyong ibuntong ang galit sa kanya!!" na-iiyak na sambit ni Barbara
Sa Barkada..
"Wala ba tayong gagawin?" sambit ni Ligaya
"Gusto mo bang madamay? Kita mong may hawak na baril si tito sa likod nya!!" sambit ni Crisanto
"Pare, kailan ka pa naging duwag?" tanong ni Angelo
"Hindi ako duwag, pinag-iingat ko lang tayo dahil mahirap kalaban ang galit na kay hawak ng baril" paliwanag ni Crisanto
"Kung kayo naduduwag, ako hindi, kaibigan natin sila kailangan natin silang iligtas!!" sambit ni Linda at sabay labas sa kinatataguan nila kasama si Ligaya
"Kailan pa tayo nagkaroon ng kasintahan basagulera?" tanong ni Crisanto kay Angelo
"Tara na nga!! Dami mong tanong!! Sundan na natin!! Lalo tayong lagot kila Barbara kapag napahamak yung dalawa.." at sinundan nga nila si Linda at Ligaya
Balik kila Barbara..
"Ang sabihin mo nabulag ka na sa pagmamahal mo sa lalaking yan!!! Kaya nagawa mo ang lahat ng ito!!" sambit ng kanyang ama
"Bakit Tay? anong masama sa pagmamahal? Alam nyo ba kung bakit nagawa ko ang lahat ng ito!!" nanginginig ni tanong ng anak sa kanyang mga magulang
"Tigilan mo na ito Barbara!!! Tigilan mo na ito!!" sambitn ng ama
"Nagawa ko ang lahat ng ito dahil sa inyo!!" sambit ng dalaga na ikinagulat ng mga magulang nito
"Ano!!?" sabay na sambit ng dalawa
"Dahil sa inyo, nagawa kong sumama kay Raphael, dahil wala kayong ginaw kung di na ituon mo na lang ang sarili mo sa pag-aaral, bawal kang ligawan hanggang di kanpa tapos mag-aral, dahil sa mga katagang iyan, lumaki akong seryoso lagi sa buhay napakadalang ngumiti, kung hindi pa ako papatawanin nila Angelo, Linda, Ligaya at Crisanto, hindi pa ako ngingiti, alam nyo!! Nay!! Tay!! Ngayon lang ako nakadama ng gantong kasiyahan, na kaya ko palang pagsabayin ang pag-aaral ko at ang kaligayahan ko.." sambit ni Barbara
"Huwag na huwag mo kaming susubatan na kami pa ang may kasalanan sa mga pinaggagawa mo itong kalokohan!!" tugon ng ama
"Bakit hindi? Wala naman kayong pakialam sa nararamdaman ko, tanging iniintindi nyo lang na kailangan lahat ng gagawin ko naaayon sa kagustuhan nyo, paano naman ako!!? Ni minsan po ba tinanong nyo ako kung nahihirapan na ako, kung kaya ko pa ba!!? Diba hindi!!?" naiiyak na sumbat ni Barbara
"Tumigil ka na!!! Barbara!!! Tumigil ka na!!!" at inilabas ng kanyang ama baril at itinutok kay Raphael
"Tito!!? Huwag nyong itutuloy iyan!!!" sigaw ni Ligaya
"Tumahimik kayo dyan!!! Nagawa nyo pang kunsintihin ang kalokohan ng kaibigan nyo!! Tunulungan nyo pa!!! Barbara!! Kung talagang magulang pa ang turing mo sa amin!!! Tigilan mo na ito at sumama ka na sa amin" sambit ng ama ni Barbara kila Linda na napahinto at humarap kay Barbara
"Anong gagawin nyo tay? Papatayin mo sya? Ganon na lang? Sa tingin nyo ba pag pinatay nyo si Raphael, sasama pa ako sa inyo, Hindi!! kasalanan nyo naman ito eh!! Kung hinayaan nyo akong maging masaya di sana mangyayari ito!!" sumbat ni Barbara
"Tumigil ka na!!!" itinutok ng ama ang baril sa kanyang anak
"Barbara!!!!" sigaw ng mga kaibigan nya
"Linda, Ligaya, Angelo, Crisanto, hindi ako galit sa inyo, salamat dahil tinulungan nyo kami ni Raphael magsama kahit sa huling pagkakataon, Salamat dahil sinuportahan nyo kami, kahit alam kong aabot sa ganto, maraming salamat dahil naging mga kaibigan ko kayo, pakatandaan nyo ang mga bilin ko sa inyo hah" iyak ng iyak na sambit ni Barbara, iyak ng pamamaalam dahil alam nyang ano mang oras may mangyayari hindi maganda
"Barbara, huwag naman ganto oh!! Walang ganyanan!!! Di ba walang iwanan!!" naiiyak na sambit ni Ligaya at Linda naluluha na rin sila Angelo at Crisanto
"Barbara, ganto na lang ba ang kahihinatnan ng lahat!!" sambit ni Raphael
"Patawarin mo ako, alam kong mangyayari ang ganto.." sambit ni Barbara
"Ano!!!!??? Hindi ka ba sasama Barbara!!! Isa, Dalawa.." kakalabitin na ng kanyang ama ang gatilyo
"Hindi!!!!" sigaw ni Barbara
"Tatlo!!!!!"
Napapikit na lang dalaga..
Isang putok ang umalingawngaw sa tahimik na paligid..
"Paeng!!!!!" sigaw ng barkada dahil hinarangan ni Raphael Barbara at sa kanya tumama ang bala na iknabagsak nito
"Raphael!!!!!" napaluhod na lang si Barbara at hinawakan ang duguang kasintahan
"Raphael? gumising ka!?" iyak na sigaw ni Barbara
Hirap na dumilat si Raphael at hinawakan ang mukha ng dalaga..
"Huwag kang umiyak, di sabi ko sayo poprotektahan kita.." hirap na hirap na sambit ni Raphael
"Raphael!! Ako dapat ang tinamaan eh!! Bakit mo pa sinangga!!" sambit ni Barbara na pilit na tinatatagan ang sarili
"Mahal kita, kaya ginawa ko yun!! Ano mang mangyari di ba, ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko, huwag ka nang umiyak, makakaya mo lahat ng ito ng wala ako.." hirap na hirap na sambit ni Raphael
"Raphael!! Walang ganyanan!!! Mahal na mahal kita, huwag namang ganto!!" iyak ng iyak na sambit ni Barbara
"Paalam, Mahal ko!!" at tuluyan ng binawian ng buhay si Raphael
"Raphael!!!! Hindi!!!!!!" sigaw ni Barbara habang yakap yakap ang walang buhay nyang kasintahan
"Barbara, halika na!!" sambit ng kanyang ina..
"Sa tingin nyo sasama pa ako sa inyo dahil sa ginawa nyong toh!!! mga mamatay tao!!!! Siya lang ang lalaking minahal ko!! pinatay nyo pa!!!" sigaw ni Barbara
"Huwag ng matigas ang ulo Barbara!!! Sumama ka na sa amin!! Iwanan mo na ang lalaking iyan!!" sambit ng ama
"Wala talaga kayong kinsensya noh!! Sabagay ganyan naman talaga kayo eh!! Iisipin na lang na walang nangyari!! Sige!! Tutal naman wala ni Raphael, mas mabuti pa sigurong sundan ko na rin sya sa kabilang buhay kaysa manatili dito kasama ang mga magulang kong kriminal!!!" huling sambit ni Barbara ng..
Isang putok na naman ng baril ang umalingawngaw, ngayon ay nanggaling sa likuran na ikinabagsak ng dalaga..
"Barbara!!!!!!" sigaw ng barkada dahil isang tama ng baril ang nagpabagsak sa dalaga
"Anak!!!!!!" sigaw ng kanyang ina
"Sino?" tumingin sila Linda sa pinanggalingan ng putok ng baril
"Isabela!!!!" sambit ni Ligaya na galit na galit
"Sabi ko di ba hindi pa ako tapos, ngayon tapos na ako, pinatay ng ama ng babaeng yan ang lalaking gusto ko, ngayon ako naman ang kikitil sa buhay ng babaeng umagaw sa lalaking gusto ko" sambit ni Isabela at tumalikod ito
Sa hindi inaasahan ng lahat, sabay na nilisan ni Barbara at Raphael ang mundo, nangako sila sa isat isa na mamahalin nila ang isat isa ano mang mangyari, maging kamatayan man, Nahuli na ng mga awtoridad si Isabela at kusang sumuko ang ama ni Barbara sa kanila upang pagbayaran ang lahat, saksi ako sa lahat ng pangyayaring iyon, sa pagmamahalan nila Raphael at Barbara na hanggang kamatayan, pinili nilang magsama, masakit man ang maaga nilang paglisan, mananatili sa puso't isipan namin ang masasayang araw na nakasama namin sila..Kung nasaan man sila ngayon, alam kong masaya na sila sa piling ng isat isa..
{Naniniwala ka ba sa pagmamahalan na hanggang kamatayan? Sa tingin mo, ito ba'y mauulit muli?} ]
Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko pero bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko, napakasakit ng pagtatapos ng pagmamahalan nilang dalawa, may mga ganitong senaryo na pwedeng mangyari pala, na may gantong klase rin palang magulang? Ang hirap isipin na dahil mahal nyo ang isa't isa, may mawawala, kung di naman pareho kayong maglalaho na lang dahil sa galit at pagtutol ng iba!! Nakakaiyak!!! Nakakalungkot!!Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Ate na pwede rin mangyari ito sa kasalukuyan panahon, gaya ng nakasulat sa pinakahuling part ng kwento.. "Naniniwala ka ba sa pagmamahalan na hanggang kamatayan? Sa tingin mo, ito ba'y mauulit muli?" Is there a possibility na maulit ito? Ang tanong kanino at kailan? Naluluha pa rin ang sa ending ng biglang pumasok si Ate sa kwarto ko, shocks nakita tuloy ako umiiyak
"Anyari sayo sis? Crying lady ang peg? Na break kayo ng jowa mo?" panira naman tong si Ate naman eh
"Break agad!!? Di mangyayari yun no!!" bwelta kong sambit kay Ate
"Eh ano naman ang ineemote emote mo dyan?" sabay tabi sa akin ni Ate
"Natapos ko na kasi ate yun libro at --" di ko na matapos dahil natulo na naman ang luha sa mga mata ko, napakaiyakin ko naman oo!!
"Ano?" takang tanong Ate sa akin, pinunas ko ang mga luha ko
"Napakalungkot pala ng ending!!" say ko sabay punas ng natitirang luha
"Iyakin ka talaga sis! Paano kaya pag naghiwalay kayo ni Josh nyan?" ate naman eh
"Ate naman eh!! Wala naman ganyanan!!" pagdadrama ko
"Joke lang!! Eto naman, kapag nangyari yun edi nag emotional breakdown ka na dyan!!" say ni Ate
"Buti alam mo ate.." say ko
"So, ngayon natapos mo na ang story, anong katanungan mo ngayon?" tanong sa akin ni ate
"Ate, is there a possibility na maulit uli ang nangyari sa kanila? Di ba sabi ay based sa totoong buhay ang story ito?" tanong ko kay ate
"Ikaw? Ano ba sa tingin mo? Sabi nga ng iba past is past and never been back, eh ikaw? maniniwala ka ba based sa na experience mo now a days?" say ni ate, napaisip ako ng malalim
"Alam mo ate nacucurious ako sa kung sino talaga sila Raphael at Barbara, kasi parang napifeel ko eh connected sila sa author na si Ligaya Baltazar.." say ko kay ate
"Tsaka, kanino kaya ulit mangyayari iyong sad story na iyun sa present time? Kung sakali man.." dugtong ko, sasagot na sana si ate ng...
*Phone Ringing..
"Hay nako! Ayan ang sagot, mabuti pa sagutin mo na yan Raphael ng buhay mo!" say ni Ate sabay labas ng kwarto ko
"Ate!! Di mo pa nasasagot eh?" say ko kay Ate..
"Mag-usap na muna kayong dalawa, ikwento mo na rin sa kanya, wag sa phone hah, kapag nag date na ulit kayo.." payo ni ate sabay labas ng kwarto ko
Masagot na nga tong singkit na to....
"Hello?" say ko
"Hi princess! sorry to bother you, namiss kasi kita eh, masyadong busy ang week na to, kumusta na mahal ko?" hirit ni Josh
"Alam mo ikaw, habang tumatagal lalo kang nagiging baduy, alam mo yun" say ko
"Sayo lang naman ako nagiging baduy eh" hirit pa nya
"Sige na nga! Oo nga pala natapos ko na yung story.." kwento ko
"Talaga? share naman dyan!" say ni Josh
"Kailangan in person eh, mahirap sa phone baka abutin tayo ng pasko nyan eh!" biro ko
"So kailan mo ikukwento?" tanong niya
"Sa -- "
=================================
The first story has come to its end but what will be its connection to the present time?
Abangan.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top