Chapter 36: Almost Finish?
The Next Day...
"Sis!!!! Gising na!!!" nabulabog ang masarap na tulog ni Bambi ng gisingin sya ni Belle
"Ate, ano ba!!? Natutulog pa ang tao eh!!?" reklamo ni Bambi sabay takip ng kumot
"Okay fine!!" sambit ni Belle sabay sara ng pinto ng kwarto ni Bambi, bumalik ulit sa pagtulog si Bambi ng...
"Bambi, gising na!!" nagulantang si Bambi at..
*blogs
"Aray!!!" sabay nilang ininda ang pagkaka umpog nila
"Tigas ng ulo mo mahal!!" reklamo ni Josh habang hinihimas ang ulo nyang naumpog ng ulo ni Bambi
"Ano ba naman Josh? Ang aga aga naman eh!!" sambit ni Bambi sabay himas rin ng ulo nya
"Masama ba? tsaka, pinapasok na ako ni Belle dito.." say ni Josh
"Ano ba kasi ginagawa mo dito?" tanong ni Bambi
"Masama bang sunduin ko ang Girlfriend ko?" tanong ni Josh
"Ano ba kasi meron?" tanong ni Bambi
"Basta!! Magbihis ka na dali!!" sambit ni Josh, at no choice na si Bambi bumangon na sya
"Labas!!" sabay turo ni Bambi may pinto
"Hah?" si Josh
"Mag-aayos na ako, kaya pwede lumabas ka muna?" say ni Bambi
"Bambi--" bago pa magsalita si Josh
"Hep!!! Di pwede!! Labas!! Isusumbong kita kila mommy gusto mo?" banta ni Bambi kay Josh
"Sabi ko nga eh, lalabas na po.." kamot ulo sabi ni Josh habang papalabas ng kwarto ni Bambi
After 15 minutes..
Naghihintay si Josh sa may sala ng bumaba si Bambi..
"Tara?" sambit ni Bambi sa nakatulalang si Josh
"Huy!! Tulala mode?" gulat ni Bambi kay Josh
"Hah?" natauhan si Josh
"Ang sabi ko tara na! Saan ba tayo pupunta aber?" cross arms ni Bambi
"Gandang ganda yan sayo sis, kaya puro hah na lang!" sumulpot bigla si Belle kasama si Jacob holding hands
"Teka ate? may hindi ka ata sinasabi sa akin?" sabay turo ni Bambi sa holding hands nila Belle at Jacob
"Well, finally!!" sabay taas ni Belle ng kamay nila ni Jacob
"Kayo na? kailan pa?" takang tanong ni Bambi
"After ng first monthsary nyo ni Josh!" ngiting sambit ni Jacob
"Congrats!! Torpe no more ka na bro!!' apir ni Josh kay Jacob
"Sira!! Umalis na nga kayong dalawa, pumunta na kayo sa dapat nyong puntahan" say ni Jacob sa dalawa
"Kung magpaalis Jacob ah? Nagmamadali ganon?" say ni Bambi
"Abay sis! What are you two waiting for? abay gora na kung saan man kayo pupunta?" sambit ni Belle
"Teka nga bakit pinapaalis nyo na kami ni --" bago pa may masabi si Bambi ay hinila na sya ni Josh palabas
Sa may labas...
"May date kasi yung dalawa, gustong magsolo kaya pinapaalis tayo.." simpleng sambit ni Josh
"Ahh!! Kaya pala!! Eh teka nga? Saan ba talaga ang punta natin aber at pinagbihis mo pa ako ng mabilisan!" reklamo ni Bambi
"Basta!!! Kung may date sila Belle, may sarili rin tayong date.." taas kilay na say ni Josh
"Nagpaalam ka ba kila mommy? baka pagalitan ka ng mga yun.." say ni Bambi
"Syempre naman, lahat ng dates natin may permiso ng parents mo, so tara?" lahad ng kamay ni Josh kay Bambi
"May choice pa ba ako? Sige na nga!!" sabay kuha ng kamay ni Josh at sumakay na sila sa sasakyan papunta sa kanilang destination
One of the resort in Batangas...
Nakarating na ang dalawa sa isang resort Batangas..
"Anong gagawin natin dito sa Batangas?" takang tanong ni Bambi ng makarating sila sa isang resort sa Batangas
"Para mag-enjoy, simple as that!" say ni Josh habang pinagmamasdan ang ganda ng resort
"Seryoso ka? Alam mo ikaw, ano na naman pakulo to hah? Kalayo layo nitong Batangas aber? Tsaka Linggo ngayon may pasok pa tayo bukas no?" daming reklamo ni Bambi, instead na sagutin sya ni Josh ay binuhat na lang nya si Bambi
"Hoy!!! Wala sa usapan ang buhatin mo ako!? Josh ano ba!!? Ibaba mo ako!! Kainis ka!!" parang parot sa pagsatsat si Bambi, pero ngitian lang sya ni Josh at humarap si Josh sa driver niya habang buhat buhat si Bambi na nagpupumiglas na bumaba
"Kuya, ikaw muna bahala sa sasakyan, mamayang tanghali balik kami dito hah, tsaka, kuya walang malisya ang pagbuhat ko dito sa babaeng to hah, ang dami kasing satsat kaya binuhat ko na para magtigil sa kakareklamo!" bilin ni Josh sa driver nila
"Walang problema sir, mag enjoy po kayo ng girlfriend nyo, hintayin ko na lang po kayo dito!" say ng driver ni Josh
Naglakad na si Josh papunta sa may beach area habang buhat buhat si Bambi na sa wakas nagtigil na rin sa pagrereklamo at pagpupumiglas..
"Buti naman natahimik na ang mala parrot na bibig ng girlfriend ko!" sabay tingin ni Josh kay Bambi na tahimik na nakakapit sa leeg ni Josh habang buhat buhat sya nito
Nang makarating sila sa tabing dagat, binaba na nya si Bambi sa isang picnic set up na may picnic basket..
Umupo naman si Josh sa tabi nya..
"May magagawa ba ako? Tsaka, of all places bakit sa beach at infairness hah? mukhang isang private beach resort tong pinagdalhan mo sa akin, mukhang mamahalin pa hah? Sino bang may-ari nito? Tsaka bakit parang tayo lang ata nandito?" say ni Bambi habang tinitignan ang paligid, tahimik at walang talagang katao tao silang dalawa lang
"Unang question muna, bakit sa beach? dahil alam kong napatipikal na para sa isang magkarelasyon ang date sa restaurant ganon kaya I made my own dating place for my special girl of course, next, tama ka dahil isang private resort ito na pagmamay-ari ng tito ko, kaya kung nakikita mo tayo lang nandito, dahil for reservation lang lahat ng napunta dito kapag may special occassion lang ganon.." kwento ni Josh kay Bambi
"Wow naman!! Kayo ng may-ari ng isang expensive private resort!!" biro ni Bambi kay Josh
"Di naman ako may-ari nito, tito ko hindi ako.." say ni Josh na ikinatawa ni Bambi
"Ganun na rin yun, infairness talaga ang ganda ng place, thank you for bringing me here!" say ni Bambi sabay tingin kay Josh
"A beautiful place for my beautiful girl!!" say ni Josh habang nakatitig kay Bambi
"Ang baduy!!" tawang sambit ni Bambi
"Baduy na nagmamahal sa iyo!!" ngiting sambit ni Josh, instead na sumagot si Bambi ay ipinatong na lang nya ang ulo nya sa balikat ni Josh sabay nilang pinagmasdan ang ganda ng karagatan
"Next time, isama natin ang barkada dito ah?" say ni Bambi habang nakapatong pa rin ang ulo nya sa balikat ni Josh
"Syempre naman.." simpleng sambit ni Josh
Makalipas ang ilang oras, napagdesisyunan na nila Josh na bumalik sa sasakyan para maagang makauwi gawa may pasok pa sila...
"Mam, sir nag-enjoy po ba kayo?" tanong ng driver nila Josh habang nagdadrive pabalik ng Manila
"Simple yet magical!" say ni Bambi
"Alam nyo po mam Bambi, yang si sir Josh ay parang trumpo kagabi sa kakaisip kung san nya po kayo dadalhin ngayon.." kwento ng driver nila Josh na ikinatuwa ni Bambi
"Kuya naman eh! Mangbuking ba?" say ni Josh
"Oh bakit? masama bang sabihin sa akin ni Kuya na halos maaligaga ka na sa kakaisip ng dating place na gusto mo akong dalhin?" natatawang sambit ni Bambi
"Hindi naman, nakakahiya lang kasi.." nahihiyang say ni Josh
"Ganun talaga, di ka lang pala magaling pumik up lines, aligaga ka rin sa mga ganyan dating pakulo mo!" masayang sambit ni Bambi
"Ganun talaga kapag espesyal ang taong dadalhin ko sa dating place na yun!" paliwanag ni Josh
"Sabi ko nga!! Pero thank you talaga!! Kahit simple lang pero nag-enjoy ako!" say ni Bambi kay Josh
"Ako nga dapat mag thank you eh!" say ni Josh sabay hawak sa kamay ni Bambi
"Para saan?" takang tanong ni Bambi
"For making me happy everytime I'm with you! Thank you! I Love you!" say ni Josh habang tinitigan si Bambi sa kanyang mga mata
"I Love you too! kahit minsan corny ka! Pero yung kacornihan jokes mo ang nagpapangiti palagi sa akin!" sabay ngiti ni Bambi habang nakatitig rin kay Josh
"Sana all sweet!!!" panira ng moment ng driver nila Josh
"Kuya naman oh!!" kamot ulo sambit ni Josh na ikinatawa na lang ni Bambi
Fastforward...
Maayos na naiuwi ni Josh si Bambi sa kanila, hapon na rin ng makarating na sila sa bahay nila Bambi, nagpaalam na rin si Josh kay Bambi, pumasok na si Bambi sa loob, sinalubong naman sya ni Belle
"How's your date?" bungad na tanong agad ni Belle kay Bambi
"Okay naman! Enjoy!" simpleng sagot ni Bambi at akmang aakyat na sa taas
"Yun lang? Saan ba kayo nagdate?" takang tanong ni Belle kag Bambi
"Sa isang magandang lugar sa Batangas!" say ni Bambi
"What!? Batangas!!?" gulat na sambit ni Belle
"Makareact ate ah? Parang nanalo sa lotto.." react ni Bambi
"Wala, teka natapos mo yung libro?" biglang tanong ni Belle
"Di pa, pero malapit na, bakit ba? parang atat ka yata ate na matapos ko yung librong binabasa ko?" tanong ni Bambi
"Basta Bambi, sabihan mo na lang ako kung natapos mo na ah!" say ni Belle
"Bakit nga kasi?" pangungulit ni Bambi
"Basta nga sabi, pag natapos mo yan librong yan, sasabihin ko sa iyo ang mga nalalaman ko okay?" say ni Belle sa karipas ng alis
"Ang weird talaga ni Ate!" napakamot na lang sa ulo si Bambi at dumeretso na sya kwarto nya, nag-ayos na sya, napansin nya yung libro sa may lamp table nya, kinuha nya ito
"Ano ba talaga connection mo sa kasalukuyan?" tanong ni Bambi sa sarili, binuklat nya yung libro at itinuloy ang natitirang pahina ng kwento..
[ Kinabukasan....
Nakita nila Linda at Angelo si Raphael na palinga linga sa may pintuan ng eskwelahan nila...
"Paeng, ano nililinga linga mo dyan?" tanong ni Linda
"Si Barbara kasi sabi nya dito ko na lang sya hintayin sa may pintuan ng eskwelahan natin, huwag na daw sa kanila baka makita ako ng mga magulang nya.." kwento ni Raphael sa kanila
"Siguro parating na yun?" sambit ni Angelo ng...
"Raphael!!! Angelo!! Linda!!!" isang tinig ang nagmula sa likuran nila
"Barbara!!!" sambit nilang tatlo
Ng makalapit na sa kanila si Barbara...Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Raphael sa dalaga..
"Ay may ganun agad?" sambit ni Linda at kumalas ang dalawa sa yakap
"Kumusta ka na? Akala ko pinagbawalan ka ng magulang mo pumasok?" agad na tanong ni Raphael
"Pwede ba yun? Eh hindi ko naman matitiis na hindi makita ang pagmumukhang yan" masayang sambit ni Barbara sabay kurot sa ilong ni Raphael
"Aray!! ang sakit non hah?" sambit ni Raphael
"Kay aga aga talaga ng dalawang ito diba Angelo?" sambit ni Linda
"Gusto gawin ko rin ang ginawa ni Raphael sa iyo?" kindat ni Angelo kay Linda
"Ewan sa iyo, tara na nga bago pa tayo mahuli sa klase natin nyan.." yaya ni Linda
Papasok na sila ng klase ng makita sila ni Isabela at mga kasamahan nito...
"Oh? akala ko hiwalay na kayong dalawa? bakit magkasama pa kayo?" takang tanong ni Isabela
"Pwede ba Isabela, kung maninira ka lang ng araw, huwag ngayon pwede?" mataray na sambit ni Linda
"Linda, pwede huwag kang makialam sa gusto kong sabihin kay Barbara at Raphael" sambit ni Isabela habang nakapameywang
"Sandali nga, anong alam mo sa mga nangyayari sa amin hah Isabela? May kinalaman ka ba kung bakit kami natunton ng mga magulang ko?" tanong ni Barbara kay Isabela
"Eh ano naman sa iyo kung sinabi ko sa mga magulang mo kung anong meron sa inyo ni Raphael at kung saan kayo palaging lumalabas.." natatawang sambit ni Isabela
"Ano bang ginawa kong kasalanan sayo? Hah!? bakit pati sarili kong kaligayahan, sinisira mo hah?" medyo nagagalit na ang tono ng pananalita ni Barbara
"Gusto mong malaman kung bakit!!?" nakipagsabayan na rin si Isabela
"OO!!!" matapang na sambit ni Barbara
"Dahil sa lahat na lang ng bagay, nauungusan mo ako, dito sa klase lagi ka na lang nangunguna.." pasimula ni Isabela
"Mag-aral ka kasi mabuti para di ka ganyan laging pangalawa.." sumabat na si Ligaya
"Tumahimik ka dyan!! di pa ako tapos!!!" si Isabela
"Maging sa mga patimpalak, ikaw laging nangunguna, at higit sa lahat...!!" paghinto ni Isabela
"Ano?" tanong ni Angelo
"Pati ba naman si Raphael nakuha mo!!!Mang-aagaw ka talaga!!!" pagtatapos ni Isabela
"Ano!!!? May gusto ka kay Raphael?" sabay na sambit ni Crisanto at Angelo
"Tapos ka ng manumbat?" simpleng tanong ni Barbara
"Bakit wala ka man lang reaksyon sa mga sinabi ko?" takang tanong ni Isabela
"Ganyan ba talagang tingin mo sa akin Isabela, mang-aagaw?" simpleng tanong ni Barbara
"Ano ba sa tingin mo!!? hindi pa ba sapat yang mga pinaggagawa mo na hindi ka lang mang-aagaw sa lahat ng titulo dito sa klase pati sa lalaki, mang-aagaw na malandi pa!!" diing sambit ni Isabela na ikinapuno ng kaninang mahinahon na si Barbara
"Anong sinabi mo!!!!????" sambit ni Barbara
"Bingi ka ba? katali-talino mo bingi ka naman? Ang sabi ko malandi ka!!!" diniinan lalo ni Isabela ang salitang iyon
Nakikita na ni Raphael na napupuno na si Barbara sa mga pinagsasabi ni Isabela..
"Pwede ba Isabela tigilan mo na ito!!?" sumabat na si Raphael habang hawak hawak si Barbara na nag-iinit na ang ulo sa babaeng nagngangalang Isabela
"Bakit Raphael? Totoo naman di ba?" sambit ni Isabela
"Hindi totoo yan, kilala ko si Barbara, wala syang ano mang inagaw sa iyo, higit sa lahat hindi sya malandi, dahil Mahal ko sya!!" diin sambit ni Raphael sa pagmumukha ni Isabela
"Ano!!!!???? Galit sa iyo ang mga magulang nya Raphael, handa kang saktan ng mga magulang nya alang alang dyan sa sinasabi mong mahal mo sya!!!" gulat na sambit ni Isabela
"Nasaktan na nga ako kagabi di ba? dahil dyan sa marumi mong bibig Isabela, dahil doon, mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na kailangan kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya mahirap man o madali.." sambit ni Raphael
"Anong klaseng gayuma ba ang ipinainom mo kay Raphael hah Barbara!!?" sumbat ni Isabela kay Barbara
"Wala akong pinapainom na gayuma!!" sambit ni Barbara
"Pwede Isabela, tumigil ka na!!! Barbara tara na!!!" sabay hila ni Raphael kay Barbara palabas ng klase
"Oh Raphael saan kayo pupunta?" tanong ng guro nila
"Papahangin lang po" sambit ni Raphael
"Sige, tutal wala naman tayong klase ngayon dahil kami ay may pagpupulong ngayon" sambit ni kanilang guro
"Salamat po.." huling sambit ni Raphael at hinila nyang muli si Barbara papunt sa kanilang parke
Sa Parke....
Umupo sa isang duyan ang dalawa...
"Bakit mo naman ako dinala dito?" tanong ni Barbara halatang kumalma na
"Para di mo na makita yung babaeng yun.." simpleng sagot ni Raphael
"Raphael?" si Barbara
"Bakit?" sagot ni Raphael
"Tungkol sa sinabi mo kanina kay Isabela? Totoo lahat yun?" tanong ni Barbara
"Lahat ng yun, totoo walang halong biro" sambit ni Raphael
"Kahit saktan ka ng mga magulang ko okay lang sayo?" sambit ni Barbara na may halong pag-aalala
"Ano mang mangyari Barbara, pakatandaan mo mahal na mahal kita at ipaglalaban ko kung anong meron tayo okay?" sambit ni Raphael sabay hawak sa kamay ng dalaga
"Mahal na mahal din kita Raphael..pero.." biglang yumuko si Barbara
"Pero?" nagtatakang tanong ni Raphael
"Simula nung nalaman nila kagabi ang tungkol sa atin, nagdesisyon ang mga magulang ko na ilipat na ako ng eskwelahan sa makalawa.." nalulungkot na sambit ng dalaga
"Ano!? Iiwan mo na kami? Iiwan mo na ako?" napatayo si Raphael
"Raphael, hindi sa ganon, sa totoo lang ayaw ko naman umalis eh, ayaw kong mapalayo dito, sa iyo.." sambit ni Barbara sabay tayo at hawak sa mga kamay ni Raphael
"Pero aalis ka pa rin, iiwan mo pa rin ako..Akala ko ba mahal mo ako?" pagbitaw ni Raphael sa pagkakahawak ni Barbara
"Mahal kita!! Mahal na mahal, ngayon lang ako nakaramdam ng gantong saya simula nung makilala kita" naluluhang sambit ni Barbara sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Raphael
"Mahal na mahal din kita, di ko kayang malayo sa iyo.." naluluhang sambit ni Raphael
"Alam ko, kaya sinabi ko sayo ito, kasi masakit sa akin iwan ka" sambit ni Barbara
"Lumayo na lang tayo.." salitang sinambit ni Raphael na ikinagulat ni Barbara
"Ano?" gulat na sambit ni Barbara
"Lumayo na lang tayo Barbara, tayong dalawa.." sambit muli ni Raphael
"Seryoso ka?" tanong ni Barbata
"Alam kong nabigla ka, pero eto lang ang naiisip kong paraan para di na tayo magkalayo.." paliwanag ni Raphael
"Raphael, baka kung anong gawin sayo ni Itay oras na malaman nya ito?" pag-aalala ni Barbara
" Di ba sabi ko sa iyo ipaglalaban kita, ipaglalaban ko tong pagmamahal ko sa iyo" sambit ni Raphael
"Natatakot ako Raphael, natatakot talaga ako, hindi para sa akin kung di para sa iyo.." si Barbara habang patuloy na naluluha
"Barbara, kaya ko ito, para sa iyo, handa akong magpakahirap huwag lang tayo malayo sa isat isa dahil mahal kita, Ikaw? handa mo ba akong ipaglaban?" sambit ni Raphael
"Alam kong mahirap, alam ko rin kamumuhian ako ng mga magulang ko, pero handa na akong ipaglaban ka.." tumingin si Barbara sa mga mata ni Raphael
"Ibig sabihin ba nito?" si Raphael
"Mahal kita kaya sasama ako siyo.." ang sagot na ikinangiti ni Raphael
"Salamat!!!! Mahal na mahal kita!! Pangako, hinding hindi na tayo maghihiwalay..." isang yakap ang iginawad ni Raphael kay Barbara
"Kailan ang balak mo?"]
"Hala!! Magtatanan sila? Mahirap talaga ang sitwasyon nilamg dalawa!" say ni Bambi sa sarili, tinuloy nya ang pagbabasa
[ Ikalawang gabi bago ang paglipat ni Barbara sa ibang eskwelahan..
Matyaga naghihintay si Raphael sa sakayan papuntang Batangas...
"Sasakay na ho kayo?" tanong ng nagatawag ng pasahero kay Raphael
"May kasama ho ako, hintayin ko lang po sya.." sambit ni Raphael
"Sige po, malapit na po ang huling biyahe" sambit ng nagatawag
"Nasaan na ba yun?" sambit ni Raphael sa sarili ng..
"Raphael.." tinig na nanggagaling sa kanyang likuran
"Linda? Ligaya? Angelo? Crisanto? Kayo lang? akala ko ba tutulungan nyo si Barbara na hindi mahuli ng magulang nya?" nagtatakang tanong ni Raphael
"Alam mo Paeng, wag kang ganyan, pwede ba yun? Barbara.." sa pagsambit ni Linda ng pangalan nya nasilayan ni Raphael ang taong hinihintay nya
"Akala ko di ka tutupad sa sinabi mo?" hindi makapaniwala si Raphael
"Pasensya na, nahirapan kasi akong makatakas sa mga magulang ko kaya bagpack lang ang nadala ko para hindi halata.." sambit ni Barbara
"Ano naman ginawa ng mga to?" turo ni Raphael sa apat
"Sila lang naman ang naglibang sa nanay at tatay ko para hindi nila ako mahalata.." sambit ni Barbara
"Pasalamat ka Raphael, suportado namin ang balak mo.." sambit ni Linda
"Basta alagaan mo itong kaibigan namin, oras na malaman namin umiyak yan, naku pare!" banta ni Crisanto
"Pakatatandaan ko yan pare, makakaasa ka sa akin, tsaka kahit nag-aaral palang tayo may sapat na ipon na naman ako eh.." sambit ni Raphael sa mga kaibigan
"Teka nga, saan mo nga pala dadalhin itong kaibigan namin ha? Alam nga namin ang balak nyo pero di naman namin alam kung saan?" tanong ni Ligaya
"Sa Batangas, may pinsan kasi ako don, may bahay bakasyunan sila don, kaya pansamantala dun muna kami tutuloy.." sambit ni Raphael
"Mabuti kung ganoon alam namin kung saan kayo pupunta para di naman kami mag-alala.." sambit ni Angelo
"Ligaya, Linda, Angelo, Crisanto, salamat hah, alam ko nabigla kayo ng sabihin namin ni Raphael tong balak namin, pero sana, walang ibang makakaalam.." sambit ni Barbara
"Di ba sabi namin sa inyo suportado namin kayo kaya makakaasa kayo sa amin.." sambit ni Linda
"Salamat talaga!!" sambit ni Barbara na naluluha na
"Wala bang yakap dyan?" pagpaparinig ni Crisanto at nagyakapan na silang apat
"Huling biyahe na po pa-Batangas, maaari na pong sumakay"
"Oh paano ba yan? Ingat kayo hah" sambit ni Linda na naiiyak na
"Kaya nga, kita kita na lang tayo ulit kung kailan man.." biro ni Angelo
"Angelo talaga, magkikita pa rin naman tayo eh" sambit ni Barbara
"Kayo na bahala dito, Barbara, tara na?" yaya ni Raphael sabay hawak sa kamay ng dalaga
"Sige, paano paalam na muna sa ngayon, Ligaya kung sakali man, huwag naman sana, pagbutihin mo ang pag-aaral mo hah ikaw rin Linda, Angelo, Crisanto, alagaan mo mabuti si Ligaya, tulungan mo syang makamit ang pangarap nyang maging tanyag na manunulat hah, ikaw naman Angelo, huwag papaiyakin yang si Linda baka matikman mo ang suntok nyan.." huling bilin ni Barbara sa apat
"Parang nagpapaalam na hah, daming habilin, magkikita pa rin tayo Barbara, Raphael, huwag ganyan" sambit ni Linda
"Barbara, tara baka maiwan pa tayo ng huling biyahe" sabay hila ni Raphael sa kay Barbara
"Tatandaan namin yun Barbara, huwag kang mag-alala" huling sambit ni Crisanto at tuluyan ng nakasakay ang dalawa sa bus...
Samantala...
"Akala nyo tapos na ako sa inyo ha? Yun ang akala nyo, tignan natin kung hanggang saan aabot yang pagtatanan nyo dalawa" tahimik na sambit ni Isabela habang nakasulyap sa malayo
Habang nasa biyahe..
Tahimik na nakatingin sa bintana sa Barbara..
"Uy?" pagtawag ni Raphael
"Bakit?" sagot ng dalaga
"Tahimik ka?" tanong ni Raphael
"Wala, unang beses ko kasing ginawa ito sa buong buhay ko" sambit ni Barbara
"Nagsisisi ka ba?" deretsong tanong ni Raphael sabay iwas ng tingin sa dalaga
"Hindi ako nagsisisi Raphael.." iniharap ng dalaga ang mukha ni Raphael sa kanya
"Bakit malungkot ka?" tanong ni Raphael
"Sabi ko di ba unang beses ko itong ginawa sa buong buhay ko kaya medyo naninibago ako, pero di ako nagsisisi na sumama sa iyo.." sambit ni Barbara habang nakatitug sa mga mata ni Raphael
"Sigurado?" tanong ni Raphael
"Alam mo ang kulit mo, Oo nga!" tatawang sambit ni Barbara
"Bakit ka naman natatawa?" tanong ni Raphael
"Masama ba tumawa sa itsura ng mukha ng taong mahal ko?" sambit ni Barbara
"Ay ganon.." lungkutan mukha ang sinagot ni Raphael
"Oh walang ganyanan.." panunuyo ng dalaga kay Raphael
"Sige na naniniwala na ako, pasalamat ka.." di na natapos ni Raphael ang sasabihin ng..
"Mahal mo ako..alam ko na yun.." sambit ni Barbara
Naging maayos ang naging biyahe ng dalawa hanggang sa makarating sila sa kanilang paroroonan..
Batangas....
"Narito na tayo.." sambit ni Raphael
"Ang laki naman ng bahay bakasyunan na ito Raphael, sigurado ka dito tayo tutuloy?" sambit ni Barbara habang pinagmamasdan ang paligid
"Oo, may permiso naman sa may-ari tsaka, di naman tayong dalawa ang nandito.." sambit ni Raphael ng may lumapit sa kanila
"Kayo ho ba si Raphael, ang pinsan ni Señorito Paulo?" tanong ng isang ginang na nangangalaga sa bakasyunan na iyon
"Ako nga ho, kayo ay marahil si Manang Sesil.." sagot ni Raphael
"Ako nga iho, narinig ko mula sa Señorito na dito muna kayo tutuloy, ganon ho ba?" tanong ni Manang Sesil
"Ganoon nga po Manang" masayang sambit ni Raphael
"Mabuti kung ganoon, sandali, maharil ang binibini bang iyong kasama ay iyong kabiyak na?" tanong ni Manang Sesil na ikinigulat ni Barbara
"Naku, hindi ho manang, siya po si Barbara, siya ay aking kasintahan, tsaka kami mga bata pa para maging magkabiyak.." natatawang sambit ni Raphael
"Ganoon ba, pasensya na, pero mahusay ka pumili iho, napakaganda at mukhang mabait ang iyong kasintahan" masayang sambit ni Manang
"Salamat po Manang, ako yata ang masuwete sa aming dalawa, sapagkat ako ang kanyang pinili na maging kasintahan nya.." masayang turan ni Raphael
"Nakikita ko nga ang lubos na pagmamahalan nyong dalawa kahit na sa murang edad nyo pa lamang.." sambit ni Manang Sesil
"Salamat po Manang" sambit ni Barbara na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Raphael
"Paano? ihatid ko na kayo sa inyong tutulugan?" pag-aaya ng tagpangalaga
"Sige po.." at sumunod na ang dalawa kay manang Sesil ]
"Talagang natuloy sila sa plano nila! Nagagawa talaga ng pagmamahal, hahamakin ang lahat, wag lang kayo mag hiwalay! Hirap naman ng tutol ang magulang sa inyong love story, sa lahat ba naman ng tututol magulang mo pa!!" say ni Bambi sa sarili nya, huling chapter na kaya itinuloy nya basahin ito ng..
*Text Message
{From: Josh
Hi Bambs! How's your night? Hope na napasaya ko ang aking prinsesa sa simpleng beach date namin kanina!! }
{Reply to Josh Text message
I'm good! sobrang saya ng araw na ito thanks to you!! }
{ From: Josh
Good to hear na napasaya ko ang prinsesa ko sa simpleng pakulo ng kanyang prinsipe!! Well, Goodnight my princess, see you tomorrow!! Wag papapuyat sa pag babasa ng libro kinakikiligan mo ngayon ah! Marami pang time para matapos mo yan!! }
{Reply:
Relate much kasi ako sa binabasa ko eh!! Parang may connect sa atin eh, basta kwento ko sayo pag natapos ko na talaga!! Goodnight my prince!! See you tomorrow!! }
{ From: Josh
Goodnight!! Sweetdreams!! ILY!! }
{ Reply:
ILY too!! Sweetdreams, tulog na!! }
{ From: Josh
Opo!! Eto na po matutulog na po!! Ikaw rin!! }
Hindi na ngareply si Bambi, napangiti na lang siya dahil sa kacornihan ni Josh kahit sa text, nilagyan na lang nya ng pananda ang last page ng libro at itinabi na lang ito sa kanyang lamp table at tuluyan ng natulog..
==================================
Getting dipper and dipper sa ending ng libro na binabasa ni Bambi?
Abangan....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top