Chapter 35: The Climax of the Story?
Continuiation of the previous Chapter...
Bambi's POV
Tapusin ko daw tong librong to? At sabi ni Ate may connection daw ito sa present time? Ang weird naman ng mga pinagsasabi ni Ate well, wala naman mawawala kung tatapusin ki ito di ba? Tutal naman wala naman kami lakad ngayon ni Josh so here goes..
["Raphael.." lumingon si Barbara
"Akala mo nakalimutan ko noh?" biro ni Raphael na may dalang isang bungkos ng bulaklak
"Ang isa dyan, walang pagsidlan ang tuwa.." biro ni Ligaya kay Barbara na nakatitig lang kay Raphael
"Barbara, para sayo! Maligayang unang taon sa ating dalawa" sabay abot ni Raphael ng bulaklak
"Salamat!" ngiting sambit ni Barbara
"Paano? Maiwan na namin kayo ha? Barbara, pakasaya ka!" sambit nila Linda at Ligaya
Nang makaalis na ang dalawa...
"Tara?" aya ni Raphael kay Barbara
"Saan?" tanong ni Barbara
"Malalaman mo na lang kapag nandoon na tayo, tara aking sinta?" paglalahad ng kamay ni Raphael sa harap ng dalaga
"Sabi mo eh!!" masayang sambit ni Barbara
Sa may tabing Batis...
"Raphael, alam mo?" tanong ni Barbara habang nakapiring
"Bakit?" si Raphael
"Ang hilig hilig mo sa mga pakulong ganto, papiring piring pang nalalaman, nasaan na ba tayo?" si Barbara habang inaalalayan sya ni Raphael
"Sandali lang, konti na lang, eto na!" sambit ni Raphael at unti-unting tinanggal ni Raphael ang piring sa mga mata ni Barbara
Naluluha si Barbara sa kanyang nakikita...
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Raphael
Di na sumagot ang dalaga, isang mahigpit na yakap ang kanyang ginawad sa kanyang irog...
"Oh, bakit ka naman nahikbi dyan?" sambit ni Raphael habang nakayakap pa rin sa kanya si Barbara
"Sira! Masaya lang ako" pagkalas ni Barbara sa yakap
"Di ba sabi ko sayo, simula noong sinagot mo ako, ipinangako ko sayo na papasayahin at mamahalin kita.." sabay hawak ni Raphael sa kamay ng dalaga
"Alam ko yun, kaya nga sinagot kita eh, dahil nararamdaman ko na ikaw ang makakapagpasaya sa akin" masayang sambit ni Barbara
"Mahal na Mahal kita Barbara, ikaw lang at wala ng iba!" ipinatong ni Raphael ang kanyang noo sa noo ni Barbara habang sila ay nagkakatitigan
"Mas mahal na mahal din kita, Raphael!" unting-unti lumalapit ang kanilang mga mukha hanggang sa..
Naglapat ang kanilang mga labi, ramdam nila sa kanilang unang halik ang pagmamahal sa isa't isa..]
Kyaaaaah!!!!! Nakakakilig silang dalawa, first kiss!!! Ako kaya kailan!!? Char!! Asa naman ako..well ituloy ko na nga lang basahin, baka sabihin ni Ate nababaliw na ako sa kababasa ko!!!
["Barbara!!!!! Anong ibig sabihin nito!!!!???" isang tinig ang umalingaw ngaw sa tahimik na batis
Kumalas ang dalawa, at nanlaki ang mata na Barbara
"Anak!!!? Anong ibig sabihin nito hah!!!?" galit na galit na sambit ng ama ni Barbara
"Tay, magpapaliwanag po ako" mahinahong sambit ni Barbara
"Anong klaseng paliwanag naman ang sasambitin mo!!! Kitang kita ng mga mata namin ng nanay mo!!! Kailan pa ito!!!?" galit na galit na sambit ng ama ni Barbara
"Isang taon na po.." nakayukong sambit ni Barbara
"Isang Taon!!!!!?Kaya pala!!! kahit ang mga kaibigan mo nagsinungalin sa akin para pagtakpan ang lahat ng ito!!! Barbara!!! buong akala namin na tutok na tutok ka sa iyong pag-aaral, eto pala pinagkakaabalahan mo ng buong isang taon!!!" sumbat ng kanyang ina
"Pasensya na po kayo, huwag nyo pong sisigawan ang anak nyo!! Ako na lang po ang sumbatan nyo!!" sumabat na si Raphael
"Ikaw!!! Alam mo bang mahigpit namin ipinagbabawal na ligawan ang anak ko!! Alam mo ba yun?" sumbat ng ama ni Barbara kay Raphael
"Alam ko po iyun, pero mahal ko po ang anak nyo, wala po akong balak saktan sya" sambit ni Raphael
"Mahal!? kay bata bata nyo pa!! Magtatapos palang kayo sa sekondarya, tapos ganto!!!? At sinong may sabing halikan mo ang anak ko!!!" nag -ambang susutukin ng ama ni Barbara si Raphael ngunit humarang ang dalaga
"Tay!!!! Pwede po bang huminahon kayo!!!?? Mahal ko po ang lalaking to, mahal na mahal ko po sya!!!" sigaw ni Barbara sa harap ng kanyang mga magulang
"Barbara!!! Naririnig mo ba ang sarili mo anak!!! ang bata bata mo pa!! Dapat ang tinutuon mo ng atensyon ang pag-aaral mo, hindi ang ganto!" sambit ng kanyang ina
"Pag-aaral!!!Pag-aaral!!! Yan na lang ang lagi kong naririnig sa mga bibig nyo!!! Hindi ba pwedeng pagsabayin ang pag-aaral ko at ang kasiyahan ko? Hindi ba pwede yon!!!?" sumbat ng dalaga sa kanyang mga magulang
"At ang kasiyahan mo ang lalaking to!!" turo ng ama kay Raphael
"Opo!!!! sya lang!! hindi po ba pwedeng tanggapin nyo sya!?" sambit ni Barbara
"Umuwi na tayo!!!! Halika na!!!" sambit ng ama sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Barbara
"Bitawan nyo ako Tay!!!" pagpapalag ni Barbara
"Tito!!! parang-awa nyo na po, huwag nyong saktan ang anak nyo!!!" sambit ni Raphael sabay hawak sa kaliwang kamay ng dalaga
"Huwag kang makialam dito!! Makakatikim ka sa akin!!" sambit ng ama ni Barbara kay Raphael
"Tito!! Bitawan nyo po sya!!!" muling sambit ni Raphael habang nakahawak pa rin kay Barbara..
"Tay!!!! Bitawan nyo ako!!!" napapaluha na si Barbara sa ginagawa sa kanya ng kanyang ama
"Anak!! Sumama ka na lang para wala ng gulo!!" sambit ng kanyang ina
"Bitawan nyo po sabi sya!!! nasasaktan na po sya!!!" nahila ni Raphael si Barbara mula sa pagkakahawak ng kanyang ama
"Sinabi kong huwag kang makialam dito!!!" isang malutong na suntok ang dumapo sa mukha ni Raphael na ikinabagsak ng binata
"Raphael!!!!" sigaw ni Barbara nang bumagsak si Raphael
"Halika na!!!!" muling hinawakan ng kanyang ama si Barbara
Dumating ang kanyang mga kaibigan...
"Anong nangyayari?" sambit ni Ligaya ng makita nila si Barbara na hinihila ng kanyang ama papunta sa sasakyan at si Raphael na nakabulagta sa damuhan
"Raphael!!!" naluluhang sigaw ni Barbara habang hinihila sya ng ama papasok ng sasakyan
"Kayo!! Kinunsinte nyo ang anak ko sa kalokohan nya!!! Nagkamali akong pinagkatiwalaan namin sya sa inyo" iyon ang huling sambit ng ina ni Barbara hanggan sa maipasok nila ang kanilang anak sa kanilang sasakyan at umalis na ito
"Raphael!! pare!!" sambit ni Angelo at Crisanto kay Raphael
Unti-unting iminulat ni Raphael ang kanyang mga mata..
"Barbara? nasaan sya?" ito ang unanh sambit ni Raphael
"Pare, kinuha na sya ng mga magulang nya.." tanging sambit ni Crisanto
"Ano? kailangan ko syang makita" pilit na tumayo ni Raphael kahit masakit ang kanyang mukha
"Raphael, huminahon ka!! Nasuntok ka na nga ng tatay nya, gusto mo bang lumala yang tama mo?" panenermon ni Ligaya
"Pero.." di na natapos ni Raphael ang kanyang sasambitin ng sumabat na si Linda
"Walang pero- pero Raphael!! Palipasin mo muna ang galit ng mga magulang ni Barbara, kahit sa amin galit na rin sila eh!!" sambit ni Linda
"Paano si Barbara? siguradong sasaktan na naman sya ng tatay nya.." pag-aalalang tanong ni Raphael
"Huwag kang mag-alala kay Barbara, matapang yun! makakaya nya ang mga magulang nya" si Ligaya
"Kaya nga pare, mahal ka nya, kaya ipapaglalaban ka nya!" sambit ni Angelo
"Tama!! Saksi kami sa pagmamahalan nyong dalawa, kahit pa hadlangan kayo ng mga magulang nya, kung kayo pa rin, kayo pa rin sa huli!" si Linda naman
"Salamat sa inyo, pinapalakas nyo ang loob ko, salamat talaga!! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawalay sa akin si Barbara" sambit ni Raphael
"Walang problema pare, suportado namin ang pagmamahalan nyo ni Barbara, hanggang huli!" sambit ni Crisanto
"Salamat talaga!!!" muling ngumiti si Raphael sa kabila ng pagsubok sa kanilang dalawa ni Barbara
"Ang nakakapagtaka, paano nalaman nila Tito at Tita na nandito kayo?" tanong ni Ligaya
"Malamang wala sa atin ang nagsumbong dahil magkakasama tayong apat.." sambit ni Crisanto
"Hindi kaya si...." ]
Naku!!! Kawawa naman si Raphael, nasira ang plano nya dahil sa mga magulang ni Barbara, kalungkot naman, sino kaya yung nagsumbong? Kaloka!! Well, maituloy ko na nga ng malaman..
[Sa Tahanan nila Barbara....
"Pwede ba anak!! Layuan mo na ang lalaking yun!!! Ang babata nyo pa para sa gantong kaseryosong relasyon" panenermon ng ama ni Barbara
"Barbara, anak! makinig ka naman sa tatay mo, ituon mo na lang ang atensyon mo sa pag-aaral mo" sumabat na ang kanyang ina
"Yan na lang po ang laging bukang bibig nyo sa akin, pag-aaral, ituon mo na lang ang atensyon sa pag-aaral, hindi ba pwedeng maramdaman ko naman ang sumaya" sambit ni Barbara sa kanila
"Sumaya? at sinong nagpapasaya sayo? ang lalaking yun?" sambit ng kanyang ama
"Oo" simpleng sambit ni Barbara
"Anak naman!!! Ganyan na ba katigas ang ulo mo!!!" sigaw ng kanyang ama
"Barbara, kailan pa tong kahibangan pinaggagawa mo ha?" tanong ng kanyang ina
Nanatiling tahimik si Barbara hanggang sa..
"Ano!!? Kailan pa to!!" galit ng kanyang ama
"isang taon na!! Masaya na po kayo!!" sambit ni Barbara na medyo pasigaw hanggang sa...
Isang sampal ang natikman ng dalaga sa kanyang ama...
"Isang taon mo na kaming ginagawang tanga!! simula ngayon di na kayo magkikita ng sinasabi mong taong nagpapsaya sayo!!" banta ng kanyang ama
"Hindi pwede!!!" sambit ni Barbara habang pinipigilang pumatak ang kanyang luha
"Bata ka pa!! kaya kami ang masusunod!!" sambit ng kanyang ama
"Hindi." huling sambit ni Barbara at tumakbo sya paakyat ng kanyang kwarto at padabog na binagsak ang pinto
Samantala...
"Isabela, bakit mo naman sinabi sa mga magulang ni Barbara ang tungkol sa kanila ni Raphael?" tanong ni Leila
"Natural, kailangan malaman ng mga magulang nya ang mga kalokohan ng magaling nilang anak" natatawang sambit ni Isabela
"Hindi ka ba natatakot na baka mapano si Raphael sa kamay ng tatay ni Barbara?" tanong uli ni Leila
"Magsisilbing leksyon yan kay Raphael sa pagpili nya sa babaeng yun kaysa sa akin, na di hamak na mas maganda pa ako sa Barbara iyun!" sambit ni Isabela na may ngisi
"Isabela, ika'y nagseselos lang kay Barbara dahil sa ating lahat si Barbara ang magaling sa klase tapos ngayon sila pa ni Raphael na unang kita mo palang sa kanya, gusto mo na sya kaso si Barbara pinili nya.." hayag ni Leila
"Manahimik ka nga, ang mahalaga sigurado akong sira na relasyon nilang dalawa, sigurado akong naiyak na ngayon ang babaeng iyon" ngisi ni Isabela
Sa Kabilang banda naman...
"Paeng, okay ka lang pare?" sambit ni Crisanto habang naglalakad sila para ihatid si Raphael sa kanila
"Okay lang ako pare.." tipid na sagot ni Raphael
"Mukhang okay ba iyan mukha mo, parang binaksakan ng langit at lupa" sambit Ligaya
"Iniisip mo pa rin si Barbara?" tanong ni Angelo
"Oo eh, mahirap man aminin pero natatakot ako na ngayon alam na ng mga magulang nya ang totoo, paano kung paglayuin kaming dalawa, di ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yun, isang taon palang kami magkasama, tapos paglalayuin lang" buntong hininga ni Raphael
"Raphael, sigurado naman akong hindi papayag si Barbara, mahal na mahal ka nun" sambit ni Linda
"Sana nga, dahil alam kong pinaghihigpitan na lalo si Barbara ng mga magulang nya" sambit ni Raphael
"Nandito lang kami pare, tutulungan ka namin at lagi mong tatandaan suportado namin kayo ni Barbara, tandaan mo yan" akbay ni Crisanto kay Raphael
"Salamat sa inyong tatlo, paano dito na ako, baka mahalata pa ng nanay ko na nandito kayo, gabi na oh" sambit ni Raphael at pumasok na sya sa kanila
"Tandaan mo Paeng, barkada tayong anim, suportado natin ang isat isa.." huling sambit ni Crisanto bago tuluyan silang umalis
Balik kay Barbara...
"Barbara!!! Buksan mo ang pinto, bata ka!! kausapin mo kami!! Tigilan mo na ang mga relasyon relasyon na yan!! Bata ka pa!! naiintindihan mo ba!!" sigaw ng kanyang ama na kinakatok ang pinto ng kwarto ni Barbara
Makalipas ng isang oras....
Hindi na lumabas ng kanyang silid si Barbara at nanatili naiyak hanggang sa...
Tumunog ang kanyang telepono...
"Raphael?" sagot ni Barbara sa kabilang linya
"Barbara? Kumusta ka na?" pag-aalalang tanong ni Raphael
"Eto, mahirap pero kinakaya, ang sakit sakit ng ginawa sa akin nila.." hikbi ni Barbara
"Tahan na, alam kong nahihirapan ka, ganon rin ako.." sagot ni Raphael
"Raphael, ayaw ba nila akong maging masaya?" hikbing tanong ni Barbara
"Syempre gusto nila, walang magulang ang ipagkakait sa kanilang anak ang kasiyahang gusto nito" sambit ni Raphael
"Pero bakit ganon sila? Pinipigilan nila akong maging masaya" si Barbara
"Lahat naman may dahilan eh kaya nangyayari ito sa ating dalawa" sambit ni Raphael
"Paano tayo?" tanong ni Barbara sa kabilang linya
"Tayo pa rin Barbara, tandaan mo yan, Mahal na mahal kita" sambit ni Raphael na alam nya makakapagpagaan ng nararamdaman ng dalaga
"Mahal na mahal din kita Raphael, hindi ako papayag na paglayuin nila tayo" sambit ni Barbara
"Ano mang mangyari, gagawa ako ng paraan makita at makasama lang kita okay?" sambit ni Raphael
"Alam ko, kaya minahal kita eh.." ngiting sambit ni Barbara
"Ako din, di lang sa talino mo sa klase kung di sa simple ikaw kaya kita minahal" masayang sambit ni Raphael
"Salamat Raphael.." sambit ni Barbara
"Para sayo..Kaya wag ng iiyak pangit sa mahal ko ang naiyak ha?" sambit ni Raphael
"Bolero, tigilan mo ako..pano tulog ka na alam kong may pasa ka sa mukha dahil sa tatay ko, pasensya na ha" si Barbara
"Wala ito, malayo sa bituka, masakit pa nga yung nilayo ka nila sa akin kanina, wala man lang akong nagawa.." sambit ni Raphael
"Okay lang yun, mahalaga okay ka, na hindi ka napuruhan" sambit ni Barbara
"Ikaw din, sige na, tulog ka na, mahaba pa ang gabi, Mahal na mahal kita" si Raphael
"Mahal na mahal din kita.." si Barbara]
So, si Isabela pala ang intrimitidang nagsumbong!! Inggit lang siya!!! Naku panira ng love life ang babaeng yun, uy teka? konti na lang matatapos ko na to!! Can't wait on what will be the ending? Nang...
*Phone Ringing
Anak ng...matatapos na ako eh!! sino ba tong tumatawag?
Tinignan ko ang caller ID..
Agad ko naman sinagot..
"Raphael ay este Josh!!?" ay sira Bambi nadala ka na sa binabasa mo
"Ay, sino yun si Raphael? Pinagpalit mo na ba ako?" naku nagtaka na sya
"Sira!! bakit naman kita ipagpapalit eh ikaw lang naman ang mahal ko!" sana gumana ang palusot
"Alam ko yun! pero sino si Raphael? parang kinikilig ka pa?" tanong niya sa kabilang linya
"Si Raphael, sya yung bida dito sa binabasa kong libro, yun sabi mo na muntik mo ng ishoplift noon.." kwento ko
"Ah!!! Kaya pala kilig na kilig ka? Tapos mo na ba? Kwento mo naman sa akin?" say ni Josh
"Di pa nga eh, matatapos na nga ako eh, bigla ka lang tumawag.." say ko
"So istorbo ako sa pagbabasa mo?" lungkot nyang tanong
"Ayan ka na naman!! Emotero strike again na naman, alam mo kasi relate ako sa story ni Barbara at Raphael eh, parang tayo ganun?" paliwanag ko
"Hah? Paano naman naging parang sa atin yung kwento nila?" tanong ni Josh
"Basta!!! Tapusin ko muna ito, tapos ikwentoko sayo okay?" say ko
"Sabi mo yan ah, kwento mo sakin pag natapos mo na!! teka nga yan bang si Raphael ay kamukha ko?" takang tanong nya
"Parang? Pero isa lang masasabi ko, singkit sya parang ikaw!!" masaya kong sambit
"Iba talaga ang charisma ng mga singkit eh!! Nakakakilig!!" natatawa nyang sabi
"Yabang!! Joke!! Baka umarte ka na naman eh, paano tulog na ako inabot na ako ng gabi sa kakabasa ko eh.." say ko
"Di mo na tatapusin?" say nya
"May bukas pa naman eh, tapusin ko na lang bukas kaya ikaw matulog ka na rin.." say ko
"As you wish my princess, Goodnight!! I Love Mahal!!" naku pinapakilig na naman ako ni singkit
"Love you too Mahal!! Goodnight my prince!!" say ko sabay off ng phone..
You never failed to make me smile Josh, even in your simple call and text, Goodnight!!
So, ano kaya susunod na mangyayari sa story nila Raphael at Barbara?
==================================
The story of the past is almost finish, but can that past have connection to the present love story?
Abangan....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top