Chapter 34: Unfinished Book?

Fortez Residence...

Bambi's POV

Six days after the first monthsary..

Hay!! ang bilis ng araw, parang kotse lang, hanggang ngayon di pa rin ako makamove on sa paandar ni singkit nung first monthsary, speaking of happy love story, maituloy ko nga ulit ang unfinished na binabasa ko, ano na kaya nangyari sa love story nila Raphael at Barbara?

[ Masayang naglalakad pauwi sila Raphael at Barbara ng....

"Sandali!!!!" isang pamilyar na boses ang narinig ng dalawa sila ay tumingin sa likuran at laking gulat nila si..

"Ligaya.." nauutal na sambit ni Barbara

"Crisanto.." tangin sambit ni Raphael

"Raphael, Barbara? Huy.." sambit ni Crisanto habang winawagayway niya ang kanyang kamay sa dalawa na natulala

"Anong ginagawa niyo dito?" natauhan sabi ni Barbara

"Ikaw ang dapat namin tanungin, ano ang ginagawa..ay hindi ano ang pinaggagawa niyong dalawa nitong nakaraan dalawang linggo.." pagtatakang tanong ni Ligaya sa dalawa

"Ang alin?" painusente sambit ni Barbara

"Barbara, yung totoo? walang halong biro.." sambit ni Ligaya

"Raphael.." sambit ni Barbara habang sinisiko si Raphael

"Ano?" bulong ni Raphael

"At magbubulung- bulungan pa kayo dyan?" sambit ni Ligaya na nakapameywang na

"Ano sasabihin na ba natin?" tanong ni Barbara kay Raphael

"Ikaw, sakin naman walang problema ang sayo?" bulong ni Raphael

"Ano? Bulungan na lang tayo dito?" si Ligaya

"Pwede huwag dito" sambit ni Barbara

"Sige, basta sisiguraduhin mo sasagutin mo ang mga tanong ko?" banta ni Ligaya

"Iba ka na Ligayagrabe" sambit ni Crisanto

Sa may parke...

Umupo ang lahat sa isang tambayan doon..

"May sasabihin kaming dalawa ni Raphael.." panimula ni Barbara

"Ano?" sabay na sambit ni Crisanto at Ligaya

"Bago namin sabihin, ipangako nyo muna na wala kayong pagsasabihan, hah.." sambit ni Barbara na medyo kinakabahan

"Ano ba kasi iyun?" naiinip na sambit ni Ligaya

"Paano ba..ano kasi.." di na natapos ni Barbara ang sasabihin ng sumingit sa eksena si Raphael

"Nililigawan ko na ang kaibigan nyo" pagtatapos ni Raphael

Nanlaki ang mga mata nila Crisanto at Ligaya..

"Ano!!!!!???" gulat nilang sambit

"Nililigawan mo na si Barbara? Totoo ba ito Barbara?" tanong ni Ligaya sa kaibigan

"Oo.." simpleng sagot ni Barbara

Napalagay na lang ng kamay sa ulo si Ligaya..

"Patay tayo niyan!!! Barbara alam mo naman di ba ang mahigpit na bilin sa iyo ng mga magulang mo di ba?" sambit ni Ligaya na kinakabahan na sa pwedeng mangyari

"Alam ko naman yun Ligaya eh!! Pero ngayon lang naman ako makakaranas ng kaligayahan, hindi puro aral na lang, kailangan ko rin pagtimbangin ang aral at kaligayahan ko" pagpapaliwanag ni Barbara sa kaibigan

"Pero alam mo naman ang maaaring mangyari sakaling malaman ng mga magulang mo ang mga pinaggagawa nyo, paano itong si Raphael, pag nalaman ito ng tatay mo, alam mo na di ba?" salungat pa rin ni Ligaya

"Wala naman makakaalam kung walang magsasabi di ba?" bwelta ni Barbara

"Ligaya, ako na ang nagmamakaawa sa iyo, manatili sana itong sikreto hanggang sa handa na kaming sabihin sa mga magulang ni Barbara, okay?" sambit ni Raphael

"Ligawan palang iyan, paano na kung kayo na?" sabi ni Crisanto

"Kaya nga sikreto muna, nag iipon pa ako ng lakas ng loob para humarap sa mga magulang ni Barbara para di naman kami nagliligawan ng patago, kailangan mahingi ko rin ang basbas nila" sambit ni Raphael

"Naku Raphael, kung alam mo lang ang mga magulang nyan nililigawan mo, daig pang mga tigre kapag nakakarinig na may nanliligaw sa kanilang kaisa isang anak, kahit kami nga nila Angelo, dumalaw nga lang kila Barbara, haharap sayo ang magkasalubong na mata ng nanay nya at lalo na ng tatay nya, uuriratin ka sa kung ano ang pakay mo kay Barbara kaya madalang na nga kami makapunta kila Barbara, napunta na lang kami kapag may mga proyekto kami na grupo, di ba Ligaya?" pagkukwento ni Crisanto

"Ano Raphael? Susugal ka ba sa panliligaw na ito?" tanong ni Ligaya kay Raphael

"Alam kong di madali ang ginagawa kong panliligaw, pero simula nung marinig ko mula kay Barbara ang saloobin nya, napagdesisyunan kong na buong tapang kong haharapin ang mga magulang niya at  kung ano man ang mangyari" panimula ni Raphael

"Sigurado ka?" si Crisanto

"Sigurado na ako, dahil una palang seryoso na ako sa panliligaw ko kay Barbara dahil.." putol ni Raphael

"Dahil?" sabay na sambit ni Crisanto at Ligaya

"Mahal ko sya.." pagtatapos ni Raphael

"Ilang linggo palang Raphael Mahal mo na agad si Barbara?" tanong ni Ligaya

"Tama ang sinambit ni Raphael, umamin na siya, at ramdam kong sersyoso sya sa panliligaw sa akin" muling nagsalita si Barbara

"Kung ganoon ay wala na akong magagawa sa inyong dalawa, at makakaasa kayong mananatiling sikreto ang lahat ng ito" sumang ayon na rin si Ligaya sa wakas

"Makakaasa ka rin sa akin Raphael, Barbara, mananatiling tikom ang aking bibig tungkol sa lihim na ligawan ninyong dalawa" pagsang ayon din ni Crisanto

"Salamat Ligaya, Crisanto" yakap ni Barbara kay Ligaya ganun din sina Raphael at Crisanto

Pagkalas nila sa yakap...

"Paano? tara na?" yaya ni Crisanto sa tatlo

"Okay!" sambit ng lahat, umakbay si Crisanto kay Ligaya, kumapit naman sa braso ni Raphael si Barbara

"Edi kayo ng dalawa ang magaling sa ligawan" loko ni Crisanto kila Raphael at Barbara

"Manahamik ka na lang dyan Crisanto, pansinin mo na lang si Ligaya" biro ni Barbara

"Nakahanap ka tuloy ng katapat" sumali na rin si Raphael sa asaran

"Ang manliligaw nakisali na rin, Ligaya ko ipagtanggol mo naman ako" pagsusumamo ni Crisanto kay Ligaya

"Ayusin mo yan" natatawang sambit ni Ligaya kay Crisanto

Tuwang tuwa ang lahat sa reaksyon ni Crisanto..

Makalipas ng tatlong buwan....

Magkasama  sa may parke si Raphael at Crisanto, nahahalata kay Raphael ang kaba..

"Pare, ikaw ba ay handa na at sigurado na dyan sa balak mo?" tanong ni Crisanto

"Handa na ako Pare.." matipid na sambit ni Raphael

"Bakit nangangatal ang tuhod mo?" biro ni Crisanto

"Tumahimik ka nga, ikaw nga ilang buwan inabot ang panliligaw bago mo napasagot mo si Ligaya" natatawang sambit ni Raphael

"Oo na ako na ang limang buwan bago napasagot si Ligaya, ikaw na ang tatlong buwan palang eto ka na gagawin mo na" sambit ni Crisanto

"Tara na kasi, ayan na sila.." di na makapagsalita si Raphael dahil paparating na si Barbara

"Tago na Paeng, sisimulan ko na ayan na sila" sambit ni Crisanto at nagtago na nga si Raphael

Habang papalapit  sila Ligaya at Barbara sa parke..

"Ligaya, anong meron dito sa parke natin?" nagtatakang tanong ni Barbara habang pinagmamasdan ang mga palamuti sa paligid ng parke

"Hindi ko alam, wala naman okasyon di ba?" pagsisinungaling ni Ligaya ng biglang lumapit sa kanila si Crisanto at nilagyan ng piring ang mga mata ni Barbara

"Teka? anong kalokohan ito Crisanto?" sambit ni Barbara

"Sumunod ka na lang Barbara, napag utusan lang naman ako eh" paliwanag ni Crisanto habang inaalalayan si Barbara

"At ikaw Ligaya, kasama ka dito ano?" sambit ni Barbara

"Pasensya na Barbara, gaya ni Crisanto napag utusan rin ako" paliwanag rin ni Ligaya

"Kayo talagang dalawa, pag may nangyari sa aking di maganda, mananagot kayo pareho sa akin pati yung nang utos sa inyo na gawin sa akin ito!" pagbabanta ni Barbara sa dalawa

"Ayan, umupo ka muna dyan" iniupo nila Crisanto at Ligaya si Barbara

"Anong meron? Hoy!!!" sambit ni Barbara na nakapiring pa rin ang mga mata

"Dyan ka na Barbara, paalam" sambit nila Crisanto at lumayo na muna silang dalawa

"Hoy!!! Iiwanan nyo akong napiring ang mga mata ko" sigaw ni Barbara sa dalawa

"Huwag kang mag-alala Barang, ligtas ka dyan, nandyan na siya sa likuran, siya ng bahalang magtanggal ng piring mo sa mata" sambit pabalik ni Ligaya sa kaibigan bago ito tuluyang lumayo kasama si Crisanto

"Ano ba kasing meron bakit may pag piring?" sambit ni Barbara sa sarili ng may nagtanggal ng piring sa kanyang mga mata at nakita niya ang isa bungkos ng bulaklak sa kanyang harapan

Nanlaki ang kanyang mga mata..

"Nagustuhan mo ba?" isang tinig mula sa kanyang likuran, siya ay tumingin siya likuran at laking gulat nya si...

"Raphael?" isang matamis na ngiti ang iginawad ng dalaga kay Raphael

"Para sayo iyan, muting binibini!" sambit ni Raphael

"Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Barbara

"Masama bang bigyan ka ng bulaklak?" tanong ni Raphael na medyo nalungkot

"Eto naman! Lungkot agad, syempre masaya ako kasi unang beses sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak" patotoong sambit ni Barbara

"Talaga?" takang tanong ni Raphael

"Totoo, walang halong biro!" natatawang sambit ni Barbara

"Nagustuhan mo ba?" pag-uulit na tanong ni Raphael

"Syempre naman! Galing sayo eh!" masayang sambit ni Barbara habang hawak hawak ang isang bungkos ng bulaklak sa kanya bisig

"Ito kaya magustuhan mo?" sambit ni Raphael sabay luhod sa harapan ng dalaga

"Teka Raphael, anong ibig sabihin nito?" natutula si Barbara sa naging aksyon ni Raphael

"Barbara, alam kong tatlong buwan palang simula nung pumayag kang manligaw ako sayo, eto ako ngayon, nakaharap sa iyo muli, hindi upang manligaw kung di ay sana.." napatigil si Raphael ng nagsalita si Raphael

"Huwag mo nang sabihin sana, dahil matagal na kitang tanggap dahil mahal na mahal din kita " nagliwanag ang mga mata ni Raphael ng sambitin iyon ni Barbara

"Talaga? Mahal mo rin ako?" nauutal na tanong ni Raphael

"Raphael, bingi ka ba? sabi ko mahal rin kita.." medyo nilaksan ni Barbara para matauhan si Raphael

"Mahina pa eh, paki lakas mo nga ulit?" ay si Raphael abot langit ang ngiti

"Mahal din kita Raphael!" nilaksan muli ni Barbara

"Ibig sabihin ba nito tayo na?" si Raphael

"Nagtanong ka na ba?" natatawang sambit ni Barbara

"Sabi ko nga, Barbara, ako ba ay iyong tinatanggap bilang iyong kasintahan?" tanong ni Raphael

"Pag-iisipan ko?" sambit ni Barbara sabay tingin sa taas

"Ay!?" reaksyon ni Raphael na ikinatuwa ni Barbara

"Biro lang, syempre Oo tinatanggap na kita bilang aking kasintahan" masayang sambit ni Barbara na ikinangiti ni Raphael

Tumayo ang binata at niyakap nya ng mahigpit ang dalaga...

"Salamat Barbara! Pangako ikaw lang wala ng iba!" sambit ni Raphael na may ngiti sa kanyang mga labi

"Salamat din! dahil sayo ko naramdaman ang maging masaya" sambit ni Barbara

Kumalas ang dalawa sa pagkakayakap...Sila ay nagkatitigan, unti unting naglalapit ang kanilang mga mukha ng...

"Hep!!!! Ano yan ha!!?" napatigil ang dalawa ng sumigaw si Ligaya

"Ligaya naman, malapit na eh" panghihinayang sambit ni Raphael

"Iba ka rin pare, pagkatapos sagutin, susunggaban agad.." si Crisanto

"Yan tayo eh! kampihan!" sambit ni Raphael

"Ayos lang yun, kakampi mo naman ako" masayang sambit ni Barbara

"Kapag timaan ka naman Oo" sambit ni Crisanto na ikitawa ng tatlo

"Ano? kailangan manlibre ng bagong kagsing-irog, aba hindi pwede kami lang" sambit ni Ligaya

"Handa ka ba Barbara manlibre?" tanong ni Raphael

"Kung handa ka rin manlibre? Okay ako!" ngiting sambit ni Barbara

"Syempre naman, alangan naman ikaw lang gagastos para sa dalawang ito! Syempre hati tayo, pero kung iyong mamarapatin, ang iyong irog na lang ang gagastos?" ngiting sambit ni Raphael

"Kung iyan ang gusto ng aking mahal, sige! walang problema!" masayang sambit ni Barbara

"Huy!!! Nandito pa po kami huwag kayong magsolong dalawang na parang kayong dalawa lang ang nabubuhay sa mundo" sambit ni Crisanto

"Ay!! Oo nga pala, nandyan pa pala kayo" sambit ni Barbara na natatawa sa reaksyon ng dalawa

"Ay hindi! wala kami nasa kabilang mundo kami" biro ni Crisanto

"Hindi mabiro, tara na  nga! manlilibre si Raphael" yaya ni Barbara sa dalawa

"Si Raphael lang, akala ko ba hati kayo?" tanong ni Ligaya

"Ako na lang manlilibre, syempre bilang lalaki, ayaw kong mahirapan ang aking mahal na gumasto kaya ako na lang" masayang sambit ni Raphael habang nakaakbay kay Barbara

"Kayo na talaga, iba!!!" sambit ni Crisanto

"Hindi mo pala sinasabi sa amin Ligaya na komedyante pala itong kasintahan mo!" natatawang sambit ni Barbara

"Naku! masanay na kayo, ganyan talaga yan, kulang na lang maging komedyante yan sa mga pampublikong kaganapan eh" pag amin ni Ligaya

"Alaman na pare ang magiging trabaho mo pagtapos natin ng pag-aaral" sabay apir ni Raphael kay Crisanto

"Ganunan na lang tayo pare, matapos ang lahat" pagdadrama ni Crisanto

"Nagdrama na naman po sya" sambit ni Ligaya

"Ayan na ang kainan, tara na para may maupuan tayong apat" hila ni Barbara kila Ligaya

"Kita mo na pare, yaan ang minamahal mo, mahilig sa pagkain, kaya bubusugin mo lagi yan, masamang magalit ang gutom" payo ni Crisanto kay Raphael

"Tama ka na nga sa pagpapatawa mo pare, tara na habulin na  natin yun dalawa" hila ni Raphael kay Crisanto

Sa isang kainan....

"Angelo?" tawag ni Linda sa kasintahan

"Bakit?" sambit ni Angelo

"Nakikita mo yung nakikita ko?" sabay turo ni Linda kila Barbara kasama si Ligaya at Crisanto papasok sa kainan kung saan naroroon silang dalawa

"Oo, sila Barbara at Raphael kasama sila Ligaya at Crisanto" sambit ni Angelo

"Parang may iba?" nagtatakang sambit ni Linda habang pinagmamasdan ang hawak na bungkos ng bulaklak ni Barbara

"Alin iba?" si Angelo

"Bulag ka ba Angelo? si Barbara may bitbit na isang bungkos ng bulaklak" sambit ni Linda

"Baka may nagbigay lang sa kanya?" sambit ni Angelo habang humihigop ng samalamig

"Eh wala naman ibang magbibigay sa kanya ng ganyan kung hindi si Raphael lang, hindi kaya? sila na?" napatakip ng bibig si Linda

"Paano magiging sila, di ba pinagbabawalan yang si Barbara na magpaligaw?" sambit ni Angelo

"Hay nako Angelo! wala na akong sinambit na sinang-ayunan mo" naiinis na sambit ni Linda

"Okay, kung sila na nga? kailan nanligaw iyang si Raphael? at papaano napapayag si Barbara na magpaligaw?" si Angelo

"Sabi na ba eh, may tinatago ang apat na iyan sa ating dalawa" sambit ni Linda

"Anong plano mo?" tanong ni Angelo kay Linda

"Aalamin ko ang tunay na estado ng dalawang iyan" ngiting sambit ni Linda habang pinagmamasdan sila Barbara at Raphael

"Tapos?" tanong ni Angelo

"Oras na malaman natin na sila na nga! kokomprontahin ko sila kung bakit hindi nila sinabi sa atin ang katotohanan" sambit ni Linda

"Ganun lang?" si Angelo

"Hay Angelo naman eh! kaibigan natin sila kaya karapatan nating malaman kung ano man meron sa kanila" sambit ni Linda

"Hay Linda, ikaw ang bahala" sabi ni Angelo

Balik kila Barbara na nakapwesto na sa isang pwestuhang pang apat....

"Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig, gagawin lahat kahit sa pagkain" humirit muli si Crisanto

"Alam mo pare, itigil mo na yan baka may makakita sayo dito gawin ka pa nilang payaso sa isang gawaing pambata" sambit ni Raphael na ikinatawa ni Barbara at Ligaya

"Grabe sa payaso pare, hindi ba pwedeng masaya lang ako para sa inyong dalawa, na matapos ang tatlong buwan ligawan, eto kayo ngayon? kayo na!!" pagmamalaking sambit ni Crisanto

"Syempre hindi ko naman magagawa ang lahat ng ito kung hindi sa tulong niyong dalawa..salamat dahil nagawa niyong itago kung ano mang meron kami ni Barbara" sambit ni Barbara

"Hindi nyo man lamang sa amin sinabi na kayo na?" natahimik ang apat sa boses na nanggaling sa likuran

Isang  taon ang Lumipas...

Nanatiling Lihim ang pagmamahalan nila Barbara at Raphael, natanggap na rin sila nila Linda at Angelo, at sumang-ayon sila na itago ang lihim ng dalawa mula sa magulang ni Barbara..

Ipagdiriwang nila Barbara at Raphael ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan..

"Linda, Ligaya nasaan na ba sila Raphael?" pag-aalala ni Barbara habang nakain sila ng tanghalian

"Ikaw naman Barbara, parang di kayo lagi magkasama ng kasintahan mo, nawala lang siya ng ilang oras, hinahanap mo agad?" sambit ni Ligaya

"Kaya nga Barbara, kita mo nga tayong tatlo lang nandito, ni si Crisanto at Angelo rin wala dito" sambit naman ni Linda

"Eh kasi, unang anibersaryo namin ngayon bilang magkasintahan, tapos wala lang?" si Barbara na medyo nalulungkot na

"Ano ka ba? malay mo pinahahandaan nya ang araw na ito, wag ka nang maglungkot lungkutan dyan, mabuti pa kumain na lang tayo" sambit ni Ligaya at nagsikainan na sila tatlo

Sa isang banda naman....

"Ano pare? Ayos na ba ang lahat para sa unang anibersaryo niyo ni Barbara?" tanong ni Crisanto habang naglalaro sila ng basketbol

"Syempre naman, espesyal ito para sa amin dalawa, lalo na kay Barbara" masayang sambit ni Raphael

"Iba na talaga itong si Raphael, biruin mo unang pagkikita nilang dalawa ni Barbara daig pang may bakbakan magaganap sa talas ng mga tingin ng dalawa, galit na galit pa noon si Barbara, tignan mo ngayon isang taon na silang dalawa.." pagkukwento ni Angelo habang nagpapahinga sila

"Pare, ang sabihin mo, isang taon ng nag-iibigan ng patago, Raphael, pare kailan mo ba balak, ay mali, kailan nyo ba balak sabihin sa mga magulang ni Barbara ang tungkol sa inyo? Tindi niyo rin, naitago nyo ito sa kanila ng isang buong taon" si Crisanto

"Kaya nga eh, gustong-gusto ko na nga pormal na sabihin sa kanila ang tungkol sa amin, kaso?" putol na sambit ni Raphael

"Kaso ano?" tanong ni Angelo

"Natatakot ako baka paghiwalayin nila kaming dalawa kapag nalaman nila ito, lalo na at isang taon na kami ng hindi nila nalalaman" malungkot na sambit ni Raphael

"Alam mo pare, payong kaibigan, hindi mo naman pwede itago na lang ng itago ang relasyon nyo dalawa, may karapatan ang mga magulang nyo lalong lalo na si Barbara na malaman ang totoo, babae siya kaya kailangan malaman ng magulang nya ang totoo" payo ni Angelo

"Tama si Angelo, Raphael kailangan malaman ng mga magulang ni Barbara ang totoo pero kung sakali man paghiwalayin nila kayo, kung sakali lang naman, ang mapapayo ko lang sayo, ipaglaban mo siya, ano mang mangyari, basta ipaglaban mo siya, kahit ano mang hadlang ang dumating sa inyong dalawa, kung talagang tunay at totoo ang pagmamahalan nyong dalawa, gawin nyo ang lahat para patunayan sa kanila na totoong mahal nyo ang isa't isa" payong makata ni Crisanto

"Salamat sa inyo mga pare, tunay ko talaga kayong kaibigan, tama kailangan malaman ng mga magulang nya ang totoo, ano mang mangyari, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya, sana ganon din si Barbara.." si Raphael

"Huwag kang mag-alala pare, mahal ka ni Barbara, mahal na mahal kaya alam kong ipaglalaban ka nya" akbay ni Angelo at Crisanto si Raphael

"Salamat talaga mga pare, paano? tara na, maghahanda pa ako para sa sorpresa ko kay Barbara" sambit ni Raphael

"Tara!!! Baka umiyak ka pa!!!" sabay tawa nila Angelo at Crisanto

"Mga sira talaga kayo!!" masayang sambit ni Raphael

Matapos ang klase sa hapon....

"Barbara? Huy!!! Tara na aba!!" yaya ni Ligaya kay Barbara na tulala pa rin sa kanyang kina-uupuan

"Ligaya, sigurado ka bang wala kang alam sa binabalak ni Raphael?" tanong ni Barbara sa kaibigan

"Ako ba si Raphael, hindi di ba? kaya wala akong alam sa binabalak ng  Raphael mo.."  sambit ni Ligaya

"Hay!! Itong si Raphael talaga, espesyal pa naman ang araw na ito, tapos matatapos lang ng ganto" reklamo ni Barbara

"Tara na kasi, gusto mo bugbugin namin ni Ligaya yang Raphael mo pag nakita namin, sabihin mo lang?" si Linda

"Huwag naman!! kahit ganoon yun, mahal ko pa rin yun" sambit ni Barbara

"Talagang nahulog ka na talaga sa Raphael na yun? totoo?" sambit ni Linda

"Hindi pa ba halata?" pamimilosopo ni Barbara

"Sabi ko nga, eh paano? handa na ba kayo ng Raphael mo na aminin sa mga magulang mo ang relasyon nyong dalawa? tindi nyo hah? naitago nyo ng isang taon ang relasyon nyo, anong plano?" tanong ni Linda

"Yun na nga eh, gusto ko na rin sabihin sa kanila, kaso, natatakot ako, baka maghiwalayin nila kaming dalawa oras na malaman nila ang totoo, ayaw kong mangyari iyon, di ko kakayanin mahiwalay sa kanya" paliwanag ni Barbara

"Edi, ipaglaban mo!! Ano mang mangyari sa pag-amin nyong dalawa sa mga magulang nyo, ang mapapayo ko lanh sa iyo, sundin mo ang puso mo at syempre isip mo, ano bang nasa puso at isip mo? kailangan magkasundo iyan dalawa iyan..mahirap na" payong kaibigan ni Linda

"Ano mang mangyari Barbara, suportado ka namin ni Linda" sambit ni Ligaya

"Tama!! kung talagang mahal nyo ang isa't isa, ano mang mangyari, kayo at kayo pa rin hanggang dulo" si Linda

"Salamat talaga, pinapagaan nyo ang loob ko" masayang sambit ni Barbara

"Makakalimutan ko ba ang mahalagang araw na ito ng aking sinisinta?" isang tinig mula sa likuran nila ang nagsalita]

OMG!!! Isang taon na sila, kaso nga lang patago, sad naman, paano kung di sumang-ayon ang mga magulang ni Barbara?

Nanatiling nakalutang ako sa kakaisip kung ano ang susunod na mangyayari sa relasyon nila Barbara ng mapansin ko yung tatlong hello kitty stuff toys sa tabi  ng kama ko, kinuha ko silang tatlo..

"Kayo tatlo ang pinakaunang gift sa akin ni Josh, mag-bestfriends palang kami non, halos malugi ang dreamcatcher sa Timezone dahil kay Josh non eh.." ngiti kong  sambit habang kinakausap si Iza, Lovely at Eunice..

"Simula nung nakuha kayo ni Josh sa Dreamcatcher na yun sa Timezone at binigay nya kayo sa akin, dun ko naramdaman na Josh is someone that I would cherish and love the most beside my family of course, kaya kayo tatlo ang nagparealize sa akin ng real feelings ko for Josh, kaya thank you sa inyong tatlo.." sabay yakap ko ng mahigpit sa tatlong cute kong stuff toys

"Nice one sis!! Iba na talaga nagagawa ng inlababo eh noh? pati stuff toys kinakausap mo na?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Ate sa may pinto

"Manggulat ba ate!?" reklamo ko

"So, ano na naman pantasya ginagawa mo sis at pati stuff toys kinakausap mo na? share naman dyan!" sabay tabi sa akin ni Ate Belle

"Wala!Nagbabasa lang naman ako ng novel book na ito.." simpleng sambit ko

"Teka!!? Patingin nga!" sabay hablot ni Ate nung libro ko, tinignan nya yung title, napatakip sya ng bibig

"Bakit ate? May problema ba?" taka kong tanong kay Ate

"Sis!! Kailan mo ito nabili? Saan?" sunod sunod na tanong ni Ate

"Ate relax, nung bago tayo pumasok, sa bookstore sa mall.." simpleng sambit ko

"Sis!! Napakaswerte mo!!!" exagerated na sambit ni Ate habang niyuyugyog ako

"Bakit naman ate? Ano bang meron sa librong to?" say ko, I swear I have no idea sa mga pinagsasabi ng ate ko

"Di ba si Ligaya Baltazar ang author ng librong yan!?" say ni Ate at nag-nod ako

"So anong meron?" takang tanong ko

"Sikat na sikat yan author na yan, dahil lahat ng librong pinablish nya ay based lahat sa experience at nangyari sa buhay nya, at ang sabi ay itong librong nabili mo ang pinakasikat sa lahat ng naisulat nya, sabi sa isang social media site!!" tuwang tuwang sambit ni Ate Belle sa akin, so itong kwento nila Raphael at Barbara ang pinakasikat, pero kaano-ano ba sila ni Ligaya Baltazar, wait!!!? OMG!!!

"Ate!! Ano pang alam mo about kay Ligaya Baltazar?" bigla kong natanong kay Ate

"Sandali nga, natapos mo na bang basahin yan?" say ni Ate

"Hindi pa, bakit?" tanong ko

"Tapusin mo muna yan para malaman mo kung ano connection ni Ligaya Baltazar sa kwento dyan sa librong hawak mo okay?" say ni Ate at bigla na lang siyan umalis

Tapusin ko muna?

"Ate sandali!!" tawag ko kay ate

"Bakit? Alam mo sis, tapusin mo muna yan, sabihin ko pa sayo ang update about her, I can feel that it has a deep connection from the present time.." hah? ano daw?

"Ano bang tinutukoy mo ate? Tsaka nabasa mo na ba tong librong to?" say ko, ang gulo!!

"Hindi pa!! Nabasa ko lang yung parang description sa site.." say ni Ate sabay labas ng kwarto ko

Ang weird naman!! Parang ang daming alam ni ate tungkol sa librong to, how come na feel nya may connection tong librong to sa present days which is ngayon? At ang tanong kanino may possibility na connected sya?

====================================================================

Ohoh!!! the unfinished story is getting dipper, palaisipan kay Bambi ang lahat tungkol sa librong binabasa nya

Abangan....



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top