Chapter 33: First Monthsary
Bambi's POV
Ang bilis ng mga araw, naka-isang buwan na pala agad kami ni Josh, kakakilig pa rin isipin na okay sa lahat ang relationship namin dalawa lalo na kila mommy, syempre as student, we priorities it first before anything else, kabilin bilinan nila mommy, Josh and I respect that, because they only want the best for us, Josh really understand our set-up, ang bait nga eh, hindi lahat ng lalaki ganyan ka-understanding sa situation namin, very thankful to have him..
"Bambi!! Mamamantasya ka na naman ba dyan, nandito na jowa mo!" natigil ang pantasya ko ng sumigaw si Ate mula sa baba
"Andyan na ate!!" sambit ko, panira ng pantasya talaga to si Ate
Nang makakababa ako, aba!! Look who's here..
"Morning my Princess!! Flowers for you!!" abay may pa-flowers pa ang prinsipe ko ah
"Thank You!" agad ko naman tinanggap ang flowers galing kay singkit
"Happy Monthsary!" ngiting sambit ni Josh
"Same to you!!" ngiti kong sambit
"Ehem!! Bago pa ako maging third wheel dito, mauna na ako nandyan na kasi si Jacob eh!! so bye lovebirds!!" sabay karipas ng alis ni Ate, harot rin naman
"So, tara na? Andyan na rin ang sasakyan ko!" lahad ni singkit ng braso nya sa akin
"Ikaw magdadrive? di ba wala ka pang lisensya?" takang tanong ko sa kanya
"Grabe ka sa akin, marunong akong magdrive pero since minor palang ako, so yung driver muna namin magdadrive" sambit ni singkit
"Sige na nga! baka umiyak ka pa dyan eh" biro ko sa kanya sabay kapit sa braso nya
"Ikaw talaga!! Kung di lang kita mahal, baka mapikon ka pa sa asar ko sayo!" banat ni Josh sa akin
"Matagal ko ng alam yan, hindi pa nga tayo eh alam ko mahalaga na ako sayo, di ba tama ako?" natatawang sambit ko
"Hindi ka nagkakamali!!" ngiti nyang sabi sabay alalay nya sa akin pasakay ng sasakyan nila
"Okay!!" sambit ko at sumakay na rin sya katabi ko
End POV
Westridges High School..
Nasa may gate na sila Kris, Aya, Rick at Luisa ng dumating sila Belle at Jacob..
"Oh bro, Belle, good morning!!" bati ni Kris kila Jacob
"Morning pre!!" apir ni Jacob kila Kris at Rick
"Nasaan si Bambi?" tanong ni Aya
"Naku!! Ayun kasunod namin, sinundo ng jowa!" sambit ni Belle, kasabay non ay pagdating ng sasakyan sakay sila Josh at Bambi, napatingin ang barkada sa sasakyan, nagbukas ang pinto, unang lumabas si Josh, after nya ay si Bambi na todo alalay si Josh sa pagbaba..
"Look who's coming?" asar nila Rick at Kris, nakaholding hands kasi sila Josh at Bambi, intertwine pa
"Morning guys!!" masayang bati ni Josh
"Ganda ng ngiti natin ah?" si Kris
"Kaya nga, anong meron?" say ni Rick
"First monthsary kasi namin ni Josh, ano ba kayo!" simpleng sambit ni Bambi
"Oh!! Kaya pala!!" sabay sabay na sambit ng boys
"May binigay na ba sa iyo si Josh?" tanong ni Luisa
"Meron na, nagbigay na sya ng flowers kanina sa bahay!!" ngiting sambit ni Bambi, habang nakaholding hands pa rin sila ni Josh
"Ikaw na sweet boyfriend bro!!" say ni Kris sabay gulo ng buhok ni Josh
"Kayo talaga!! tsk!!" tanging sambit ni Josh
"May plano na ba kayo ngayon araw na ito?" si Jacob
"Ewan ko sa kanya.." sabay turo ni Bambi kay Josh
"Oh bakit ako?" pabiro sambit ni Josh
"Bakit hindi ba? Ikaw ang lalaki, ano daw plano mo?" say ni Bambi
"Well, ako ng bahala dyan!" taas kilay na sambit ni Josh kay Bambi, isang ngiti naman ang isinukli nito kay Josh
"Ang sweet!!!!" hirit ng barkada
"Oh paano tara na?" say ni Aya
"Sige una na kayo!" sambit ni Josh
"Sus!! Magmoment na naman kayo eh!" say ni Rick
"Alam nyo guys, lets go na kaya.." say ni Belle
"Tama!! Bye bebs!!" say ni Aya at nag-sialis na sila at naiwan na alng ang dalawa
Nang makaalis na ang barkada...
"Ano na naman ang plano mo hah? baka magtampo na yun mga yun dahil lagi mong pinapauna sila pumasok.." say ni Bambi
"Hindi magtatampo yun mga yun.." say ni
Josh
"Alam mo ikaw gusto mo lagi magsolo tayo eh no?" sabay kurot sa ilong ni Josh
"Bakit? Ayaw mo?" say ni Josh
"Oh? Bakit di ka umaray?" takang tanong ni Bambi kay Josh
"Manhid na ang ilong ko sa kakakurot mo.." say ni Josh
"Ah ganun?" say ni Bambi sabay kinurot ulit ng madiin ang ilong ni Josh
"Aray!!! Ang sakit!!!" inda ni Josh na ikinatawa ni Bambi
"Oh! wawa naman si Josh!" say ni Bambi na nang-aasar
"Ang sakit! Ikiss mo to! di ito gagaling, sige ka!?" say ni Josh na pulang pula na ang ilong
"Seryoso?" tanong ni Bambi
"Masakit talaga!" nag-dadramang sambit ni Josh
"Sorry na! Patingin nga!" unti unting inilapit ni Bambi ang mukha nya kay sa ilong ni Josh para macheck ng..
Kiniss bigla ni Josh si Bambi sa cheeks..
Nagulat si Bambi, agad lumayo si Josh dahil...
"Joshua Diones!!! Lagot ka sa akin!!" kumaripas ng takbo si Josh dahil hinahabol na sya ni Bambi
"Happy Monthsary Bambi ko!!" sigaw ni Josh na patuloy na tumatakbo papuntang room nila dahil hinahabol pa rin sya ni Bambi
Fastforward...
Class Dismissed....
Nagtipong tipon na ang barkada sa may gate at nag-iintayan, syempre late na naman ang dalawa..
"What's new?" bored na sambit ni Luisa
"Sa pagkakaalam ko wala naman new.." sabat ni Rick
"Shunga!! Ang sabi ko whats new sa dalawa laging late.." say ni Luisa
"Alam ko guys may date ata yung dalawa eh, di ba monthsary nila ngayon" say ni Aya
"Oo nga noh!" say ni Kris
"Guys!!" tawag pansin nila Bambi at Josh
"Oh andyan na pala kayo!" si Belle
"Wala kayong date?" ask ni Rick
"Ewan ko dito sa magaling nyong kaibigan!" say ni Bambi
"Balita ko naghabulan daw kayo sa corridor?" su Jacob
"Siya rin ang tanungin nyo kung bakit ko sya hinabol!" turo ni Bambi kay Josh
"Josh?" tingin ni Belle kay Josh
"Wala, kiniss ko lang naman sya sa cheeks kaya hinabol nya ako.." say ni Josh
"Kaya pala!" nag choir pa ang barkada
"So?" tanong ni Belle
"Tara na!!" nanguna pa si Josh na maglakad
"Anyare? Nauna pa?" si Kris
"Ewan!" kibid balikat ni Bambi
Habang naglalakad ang barkada pauwi..
Nilapitan ni Josh ang boys pati si Belle habang busy chumika si Bambi kay Aya..
"Mga bro, Belle, sumakay na kayo sa van namin.." pabulong ni Josh kila Belle
"Bakit naman?" takang tanong ni Jacob
"Tulungan nyo si Ate at sila Tita mag-set up sa bahay nyo Belle.." say ni Josh
"Anong ganap? Ah alam ko na, kinuntsaba mo na naman sila Mommy sa pakulo surprise mo for Bambi.." bulong ni Belle kila Josh
"Please na Belle, sumakay na kayo, habang di tayo napapansin ni Bambi" say ni Josh
"Oo na, sige na! Pasalamat ka mahal.ka ng kapatid ko " say ni Belle at palihim na sila sumakay sa Van, biglang napatingin sa likuran si Bambi
"Asan sila ate?" tanong ni Bambi kay Josh
"Bigla na lang umalis eh?" say ni Josh
"Nang kasama sila Rick?" si Luisa
"At si Kris?" si Aya
"Alam nyo girls? Tara na para makauwi kayo ng maaga" say ni Josh sabay akbay kay Bambi
"Hay nako, ano kaya nakain ng mga yun!" say ni Luisa at nagpatuloy na kami sa paglalakad..
Fortez Residence
Si Josh at Bambi na lang ang natira dahil nakauwi na sila Aya at Luisa..
"So dito na lang ako?" say ni Bambi kay Josh
"Pwede ba akong pumasok?" tanong ni Josh
"At bakit? wala ka bang bahay?" biro ni Bambi
"Bambi, talikod ka? dali!" say ni Josh
"Bakit?" tanong nya
"Basta!" say ni Josh, sinunod naman ito ni Bambi, nilagyan nya bigla ng piring si Bambi
"Anak ng tokwa! Ano ba tong pakulo mo Juswa!?" reklamo ni Bambi
"Basta nga sabi, halika sa loob alalayan kita!" inalalayan ni Josh si Bambi papasok sa bahay nila Bambi hanggang sa makaabot sila sa may garden..
"Oh? Bat tayo tumigil?" takang tanong ni Bambi, unti unting tinanggal ni Josh ang piring sa mga mata ni Bambi
Laking gulat ni Bambi sa nadatnan nya..
"Surprise!" say ni Josh na nasa tabi nya
Naluluha na naman si Bambi sa nakikita nya..
"Naku Josh, ayan na, umatake na naman ang pagka-iyakin nyan bunso namin.." say Ted
"Patingin nga!" sabay harap ni Josh kay Bambi
"Bambi, masanay ka na sa mga pakulong ganto ng kapatid ko, ganyan na ganyan yan magpacute sa parents namin nung nandito pa sila.." payo ni Rose kay Bambi
"Sige po ate Rose!" naiiyak na tawa ni Bambi
"Oh paano? Enjoy kayo ah!" say ni Irene sabay alis kasama sila Ted, Belle at ang boys
"Josh, hintayin kita sa sala para sabay na tayo umuwi okay?" say ni Rose at nag nod nalang si Josh
"Ano? Tapos ka nang umiyak?" biro ni Josh kay Bambi
"Ikaw naman kasi eh!! Pinapaiyak mo ako!!" sabay hampas ni Bambi sa balikat ni Josh
"Sa tuwa, Oo sa sakit syempre hindi!! kapag nasaktan ka, doble ang balik sa akin non!" say ni Josh
"Bolero!!" ngumiti na si Bambi
"Tara, kain na tayo, nilalamig na ang pagkain!" inalalayan ni Josh si Bambi sa pag-upo
Masayang kumain ang dalawa hanggang sa...
"Mr. and Mrs. Fortez, thank you po sa pagpayag kay Josh sa ginawa nyang pakulo ngayon gabi!" masayang sambit ni Rose, nasa may gate na sila ng bahay nila Bambi
"Naku, Rose walang problema don, mabait naman yan si Josh kaya pumayag na kami, tsaka para naman kay Bambi yung ginawa nya kaya no problem!" say ni Irene kay Rose
"So pano po? Mauna na po kami! Josh?" tawag ni Rose kay Josh
"Sigr ate una ka na sa sasakyan, sunod na po ako!" say ni Josh at nauna na sumakay si Rose sa van
"Oh dyan na muna kayo ah! Josh iho, thank you for making my daughter happy!" say ni Irene
"Wala pong anuman tita!" say ni Josh at nauna na sila Irene sa loob, naiwan na lang si Bambi at Josh sa labas
"Josh?" si Bambi
"Oh?" tanong ni Josh
"Thank you for this day!" masayang sambit ni Bambi
"I just want the best for my princess!" say ni Josh at hinawakan ang kamay ni Bambi
"Josh pre!? Ano ba? may pasok tayo bukas! Bukas mo na ituloy ang moment nyo ng Bambi mo!!" dungaw ni Kris sa van nila Josh, ihahatid nila Josh sila Kris, Jacob at Rick sa mga bahay nila
Natawa na lang si Bambi sa biglang sabat ni Kris...
"Oh bat ka natatawa?" tanong ni Josh
"Alam mo mabuti pa, sumakay ka na, baka tuluyan ng maputulan ng ulo si Kris sa kakadungaw sa sasakyan nyo!" natatawang sambit ni Bambi kay Josh
"Josh pre ano na? baka masapok ako ni Aya kapag di ko sya masundo bukas, nagtext lang aki sa kanya kanina na hinila mo lang ako sa pa surprise effect mo kay Bambi, kailan non ng lambing bukas!" ayan na naman si Kris dumungaw na naman sa bintana
"Oo na pre, nandyan na!!" sigaw ni Josh pabalik, sabay harap ulit kay Bambi
"Goodnight my princess!" sabay yakap ni Josh kay Bambi ng mahigpit
"Same to you my prince!!" tugon ni Bambi
Kumalas sila sa pagkakayakap..
"I Love You! Happy Monthsary ulit!" sambit ni Josh sabay halik sa kamay ni Bambi
"Happy Monthsary ulit! Love you too Mahal!" say ni Bambi sabay kiss sa cheeks ni Josh, ikinangiti lalo ito ni Josh
"Josh pre!! Ano na!!? " reklamo ni Kris ulit
"Eto na po!! Bye Bambi ko!!" huling sambit ni Josh at sumakay na sya sa van nila, kumaway na lang ang isinukli ni Bambi, at tuluyan ng umalis sila Josh at pumasok na si Bambi sa kanila na ang lapad ng ngiti
================================
Ang bilis naka isang buwan na sila!
Ano pa kaya ang susunod na kaganapan?
Abangan....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top