Chapter 32: Formal Introduction to Parents

Saturday...

Lunch time..

Fortez Residence

Bambi's POV

Yes!! Finally, we are official, but to make it legally official, I must do a proper introduction of him to my parents, every step of our relationship, our parents must know so they can guide us in a stady and balance relationship despite being a student that needs to balance study and our relationship together..

"Bambi!! Tutulala na lang girl? Kakain na po ng lunch.." basag moment naman si Ate eh

"Andyan na po!! Ay..ate?" tawag ko kay Ate , agad naman syang lumingon

"Oh?" tugon nya

"Kailan mo ba sasagutin si Jacob?" deretsahan kong tanong

"Oh, bakit napasama si Jacob? " takang tanong ni Ate

"Dali na ate, isang tanong lang naman, kailangan mo nga balak sagutin si Jacob?" tanong ko ulit

"Bakit? Nagtanong na ba sya?" ay ang layo ng sagot ate naman eh

"Sus, pakipot ka pa ate eh, magtatanonh na rin yun sayo, just wait and see!!" ngiting sambit ko

"Ewan ko sayo Bambi, palibhasa sinagot mo na si Josh kaya pati ako dinadamay mo sa pantasya mo!" sambit ni Ate

"Huwag ka nga maingay ate! Marinig ka nila mommy, bukas ko pa nga iintroduce si Josh ng formal, wala naman basagan ng plano!" saway ko kay ate dahil ang lakas ng bibig eh

"Ano naman ang plano mo yan aber?" sambit ni Ate

"Actually, papaalam ako kay mommy at daddy na kung pwede dito mag lunch bukas si Josh para formal na namin sasabihin sa kanila ang status namin.." kinikilig kong sambit habang sinasabi kay ate ang order of plan ko

"Yun lang naman pala eh.." abay mukhang walang sa mood ang ate ko ah

"Don't be sad ate, di ka naman magiging fifth wheel eh.." natatawang sambit ko

"Anong fifth whee ka dyan? Dami mong alam eh noh?" bwelta ni Ate

"Hay nako Ate, you will know it tomorrow lunch, I'm sure you wil thank me for that great plan of mine!" masayang sambit ko kay Ate

"Hay! Ganyan ba talaga pag inlababo? Sari-sari ng tumatakbo sa utak? Ewan talaga sayo Bambi, tara na nga kumain na tayo!" suko si Ate Belle sa akin eh, well ganyan talaga pag may love life, serve as inspiration sa buhay at sa study, kinikilig na naman ako, makababa na nga..

Lunchtime...

"So how's Prom Night ng aking mga prinsesa?" tanong sa amin ni daddy

"Enjoy po daddy!!" simpleng sagot ni Ate Belle

"Good to here, eh sa aking bunso naman?" tingin sa akin ni daddy

"Magical po!!" simpleng sagot ko

"Magical? Bakit naman? Parang kakaiba ang ngiti natin ah?" sambit ni Mommy

"Well as you know naman mom, sya ang tinanghal na Prom Queen, iba ang karisma eh, first ever prom nya sa school, sya pang nagwagi, may bonus pa na -- " di ko pinatapos si Ate at sumabat na ako

"Mommy, Daddy, si Ate naman nanalo Second Princess along with his manliligaw, Mr. Jacob Vergara!" akala mo ate ah, magaling akong sumabat

"Thats good to here, na parehong prinsesa namin ay nanalo sa ganyang school event, Bambi, let me guess si Josh ang Prom King no?" tanong sa akin ni Mommy

"Truths mommy, walang iba mommy, speaking of Josh, mommy, daddy, pwede po bang ma-invite for Lunch bukas si Josh, kung pwede lang naman po?" nahihiya kong sambit sa kanila

"Sure why not, matagal tagal na rin since bumisita dito si Josh, walang problema sa akin.." simpleng sambit ni Mommy

"Kung okay sa mommy mo, okay na rin sa akin, ang tagal na rin since nung huling 1-on-1 namin sa basketball, pampawis kung baga.." masayang sambit ni daddy, mga lalaki talaga

"Daddy talaga!! Text ko na lang po mamaya si Josh na pumayag na po kayo for tomorrow's Lunch.." masayang say ko kila mommy

"Sige nak, sabihin mo rin kay Josh, agahan nya ang punta bukas para makapag 1-on-1 kami bukas hah?" say ni daddy na mukhang excited pa sa akin

"Sige po.." masayang sambit ko

"Oh Belle? Bat parang malungkot ka ata?"  takang tanong ni daddy kay Ate

"Wala po.." deny as ever Ate ah, di bagay

"Naku Ate, alam ko yan, sabi ko nga sayo kanina, ako ng bahala para bukas, I'm sure na pasasalamatan mo ako sa gagawin ko bukas.." pagmamalaki ko kay Ate

"Siguraduhin mo lang Bambi?" banta ni Ate sa akin, patulan ko nga, ang bait ko!!

"Kung hindi ate, anong gagawin mo?" sambit ko

"Hindi makakatapak ng bahay natin yan si Josh!!" alam kong biro nya lang yun

"Joke lang!! Wag naman, alam mo naman bibihira lang ngayon ang mga may lahing instik na cute!!" sambit ko

"Patola sis!!" sabi ko na ba eh, nadali na naman ako non

"Tama na nga yan biruan nyong magkapatid, kumain na kayo ng kumain dyan!!" sambit ni mommy at nagsikain na kami ng tahimik

Fastforward.....

Night Time....

Ma-text nga ang aking mahal, sabihin ko sa kanya yung lunch date namin bukas with my parents ng biglang..

*Ring

"Hello princess?"  si Juswa naunahan na naman ako

"Hi Juswa!!" biro ko sa kanya sa kabilang linya

"Ay!! Bat Juswa na naman?" lungkot tone nya 

"Joke lang!! eto naman, naunahan mo akong tumawag eh" sambit ko

"Naku, emotera ka na ngayon ah?" ay bumabanat din

"Di ah!!" pacute kong sambit

"Ano nga palang sasabihin mo?" tanong nya

"Yung tungkol sa atin, ready ka na ba bukas?" tanong ko sa kanya

"Pumayag na parents mo ng mag-lunch ako dyan?" say nya

"Yup!! Pormahan mo ang  suot mo bukas ah!!" sambit ko

"Parang  mamanhikan na agad ako nyan ah?" natatawang sambit niya

"Sira!! mamanhikan ka dyan, tigilan mo nga ako, pormality lang naman na sabihin natin sa kanila ang status natin, advance mo rin eh no!!" banat ko sa kanya

"Joke lang, eto naman.." sambit ni Josh

"Mabuti kung ganun!! Tsaka nga pala, pinapasabi ni daddy na agahan mo daw punta bukas, namiss na nya mag 1-on-1 ng basketball sa iyo!!" sambit ko

"Sure, walang problema don, pampa-pogi points rin yun sa daddy mo!!" masaya nya sambit

"Yabang mo!! Sige na, kita na lang tayo bukas, Goodnight na!! Babasa pa kasi ako ng libro!!" sambit ko kay Josh

"Teka? Yan ba yung libro sinabi mo sakin last time, share naman dyan.." abay gusto pa ata ng bedtime stories

"Ayaw!! Di ko pa tapos eh!!" sambit ko na parang bata

"Sige na, please!!" aba nakigaya na rin ng tono

"Ayaw, pag natapos ko na, kwento ko sayo!!" sambit ko

"Sige na nga, promise yan ah!!" di pa rin sya tumigil magtonong bata

"Oo nga sabi!! Kulit!!" sambit ko 

"Yehey!! Thank You Mahal!! I Love You!! Goodnight!!" pacute nyang sabi, kakilig naman aber

"Goodnight!! I Love you too Mahal!! See you tomorrow!! Agahan mo ah!!" sambit ko

"Sure thing!! Inaasahan pa ako ng daddy mo eh!! Alam mo na pogi-points ba!!" nagsimula naman sya

"Oo na!! Goodnight!!" say ko sabay patay ng phone

Makabasa na nga muna ulit, tagal kong natigil..

Dalawang linggo nakakalipas...

Matagumpay na nairaraos ni Raphael ang kanyang panliligaw kay Barbara sa nakalipas na dalawang linggo subalit..

"Linda?" sambit ni Angelo sa kanyang kasintahan nakatulala sa kawalan

"Ah..Angelo nandyan ka pala?  Bakit?" tanong ni Linda

"Bakit parang ang lalim ng iniisip ng aking binibini, may problema ba?" pag-aalang tanong ni Angelo

"Tungkol kila Barbara at Raphael.." tanging sagot ni Linda

"Anong tungkol sa kanila?" tanong ulit ni Angelo

"Parang napapadalas na yata ang pagsasabay ng dalawang yan sa pagkain at pag-uwi ni hindi na sa atin sumasabay, si Barbara parang ang laki ng ikinasaya nya ngayon kaysa noon na puro aral ang inaatupag" sambit ni Linda

"Baka mas nagkakaintindihan na sila ngayon at mas nakilala na nila ang isa't isa" paliwanag ni Angelo

"O di kaya, nanliligaw na si Raphael kay Barbara? Kaya ganon na lang ang saya ni Barbara kapag kasama si Raphael" sambit ni Linda

"Paano naman manliligaw si Raphael dyan kay Barbara? Eh saksakan ng sungit ng kaibigan natin yun at puro aral ang nasa utak nun" paliwanag ni Angelo

"Sabagay at tsaka, pinagbabawal pa rin ng mga magulang nya yan si Barbara na magpaligaw, lalo na ang tatay nya, naku!" pagsang-ayon ni Linda

Samantala....

"Crisanto?" tawag ni Ligaya

"Bakit aking Ligaya?" matamis na tugon ni Crisanto habang sabay sila naglalakad patungo sa kanilang klase

"Tigilan mo nga yan mga palambing lambing mong ganyan" naaasar na sabi ni Ligaya

"Eh bakit mo nga tiwanag ang aking ngalan?" si Crisanto

"Napapansin mo ba ang mga kakaibang kilos nila--" di na natapos ni Ligaya ang kanyang babanggitin ng

"Nila Barbara at Raphael.." si Crisanto

"Paano mo nalaman?" tanong ni Ligaya

"Kaibigan mo si Barbara, matalik na kaibigan, kaya alam kong tungkol ito sa kanya at kay Raphael na kailan lang nakilala ng kaibigan natin" sambit ni Crisanto

"Ano sa tingin mo ang ikinikilos ng dalawa?" pagtatakanh tanong ni Ligaya

"Sa tingin ko parang tayo.." simpleng sagot ni Crisanto

"anong parang tayo?" takang tanong ni Ligaya

"magkaibigan na nagliligawan" masayang sambit ni Crisanto

"ano!? nililigawan na ni Raphael si Barbara?" medyo napasigaw si Ligaya

"hindi pa ba halata, laging magkasama, palaging sabay kumain, ni hindi na sumasabay sa atin pag uwi, may sariling mundo" paliwanag ni Crisanto

"Naku! Crisanto! kung totoo nga nagliligawan na ang dalawa, paano pag nalaman ng mga magulang ni Barbara, siguradong lagot! lalo na sa tatay nya, sobrang higpit pa naman nun" pag-aalala ni Ligaya para sa kaibigan at kay Raphael

"Ligaya, makinig ka, bakit hindi kaya natin tanungin yung dalawa? para mawala na ang mga agam agam mo tungkol sa dalawa" sambit ni Crisanto

"Sa tingin ko, tama ka, ano tara?" si Ligaya

"Tara!!" si Crisanto sabay hila kay Ligaya

Sa loob ng silid-aralan...

"Barbara?" kalbit ni Raphael

"Ay!! Raphael naman, akala ko naman kung sino " gulat na sambit ni Barbara

"Ito naman parang di ka na nasanay na nandito ako" sambit ni Raphael

" Ito naman, tampo agad, nagulat lang kasi ako" sambit ni Barbara

"Sige na kung di lang kita Mahal, ginulat na kita ng sobra sobra" ngiting nakakaloko ang iginawad ni Raphael na ikinatawa ni Barbara

"Kung kaya mo!" panlaban ni Barbara sa pang-aasar

"sabi ko nga!" sabay ayos ni Raphael ng buhok ni Barbara sa gilid ng kanyang tenga na ikinangiti ng dalaga

"Sa ganyang ginagawa mo, mas lalo tuloy akong--" di na pinatapos ni Raphael si Barbara

"nahuhulog sakin" tapos ni Raphael

"wala akong sinasabi" tanggi ni Barbara sabay iwas ng tingin kay Raphael

"Talaga lang hah?" iniharap ni Raphael ang mukha ni Barbara sa kanya na lalong ikipula ng mukha ng dalaga

"Bakit namumula na parang kamatis ang mukha ng prinsesa ko?" natatawang sambit ni Raphael

"Raphael naman eh! tigilan mo na nga ako!" nauutal na sambit ni Barbara na pilit na iniiwas ang mukha nya sa binata, ngunit hinawakan ni Raphael ang magkabilang pisngi ng dalaga kaya di ito makaiwas at nanatiling nakatigtig sa binata

"Barbara, pakatandaan mo, ikaw lang at wala ng iba okay? hihintayin kita okay?" sambit ni Raphael habang nakatitig kay Barbara, isang ngiti ang iginawad ni Barbara

"Raphael, pangako hindi masasayang ang lahat ng pinaghirapan mo" unti unting lumalapit ang kanilang mga mukha ng

"Ano ito hah!!!? Ayyyy!!!!!" isang grupo ng kababaihan na kaklase nila ang pumasok

"Wala!!!" sabay kalas ng dalawa sa posisyon nila

"Yung totoo!! Ang nangunguna sa aming klase, nahulog na sa isang bagong salta" sambit ng isang babaeng mukhang may gusto kay Raphael

Nanatiling tahimik ang dalawa...

"Ang tanong? Ganun rin ba ang makisig na binata ito? nahuhulog na rin ba siya sa pinakamatalinong mag-aaral na ito" may halong pang-aasar ang ginawad ng grupo kababaihan mukhang halos lahat sila ay may gusto kay Raphael

"Paano kung sabihin ko sa inyo 'Oo' nahuhulog na ako sa kanya" panimula ni Raphael

"Raphael, wag mo ng ipagkalat baka may makaalam pa" bulong ni Barbara kay Raphael

"Eto pakatandaan niyong lahat, wala kayong pakialam kung ano man ang meron sa amin ni Barbara at kung ano man ang ginagawa namin, naintindihan nyo ba?" sumbat ni Raphael sa grupo

"Wag mong sabihin na--" hindi na pinatapos ni Raphael ang isa sa grupo

"Wala na kayo doon, tara na Barbara" sabay hila ni Raphael kay Barbara palabas ng makasalubong nila ang kanilang guro

"Oh Raphael, Barbara saan kayo pupunta?" tanong ng guro

"Magpapahangin lang po kung maaari" sambit ni Raphael

"Okay lang dahil pumunta ako dito dahil may pagpupulong ang mga kaguruan kaya sinuspinde muna ang panghapong klase kaya maaari na kayong umuwi kung gusto nyo" sabi ng guro sabay pasok sa loob upang maiparating sa iba

"Salamat po!" sabay nilang sambit

"Ano na?" sambit ni Barbara

"Tara sa tambayan ninyo!" sabay hila ni Raphael kay Barbara

"Napakahilig talagang manghila, hay naku Raphael" tanging sambit ni Barbara

Sa tambayan....

"Raphael, alam mo?" pameywang ni Barbara

"Alin?" takang tanong ni Raphael

"Bago siguro kita sagutin, lasog lasog na ang katawan ko sa kahihila mo" diin ni Barbara

"Pasensya, ano bang gusto mo? Ah alam ko na!!" binuhat ni Raphael si Barbara na parang bagong kasal at inikot ikot siya

"Raphael naman!!! Ibaba mo na ako parang awa mo na!!!" natatawang sambit ni Barbara

"Paano kung sabihin ko sayong ayaw ko?" ngiti nakakaloko sambit ni Raphael

"Raphael naman eh! Paano kapag-- " hindi na natapos ni Barbara ang kanyang sasambitin ng

"Sige na.." ibinaba na ni Raphael si Barbara

Naging masaya ang maghapon ng dalawa ng hindi nila alam na may nagmamashid sa kanila...

"Crisanto, tama ba itong nakikita ko" sambit ni Ligaya habang pinagmamasdan sila Barbara at Raphael sa tambayan nila

"Hindi, nakikita mo na di ba?" pamimilosopo ni Crisanta

"Namimilosopo ka?" banta ni Ligaya kay Crisanto

"Hindi po, nakikita na nga natin na sobrang saya nila sa isat isa, daig pa nila ang mag-asawa" paliwanag ni Crisanto

"Isa lang ang maaari nating gawin, tara" si Ligaya naman ngayon ang humila kay Crisanto patungo sa kinalulugaran ng dalawa

Balik sa tambayan...

"Hay!! isang araw na naman ang lumipas na maraming masasayang nangyari" masayang sambit ni Raphael sabay lagay ng kamay sa balikat ng dalaga

"Kaya nga! Sana laging ganto, maliban sa pag-aaral, may oras rin para sa kaligayahan mo" paliwanag ni Barbara

"Hatid na kita.." yaya ni Raphael

"Hanggang sa may kanto lang.." natatawang sambit ni Barbara

"Bakit? hindi ba pwede hanggang inyo na ?"  malungkot na sambit ni Raphael

"Na ganyan ang kilos mo?" sabay turo ni Barbara sa kamay ni Raphael na kapatong sa balikat ng dalaga

"Sabi ko nga!" sabay tanggal ng kamay sa balikat ni Barbara

Masayang naglalakad ang dalawa pauwi ng...

"Sandali!!!" napalingon ang dalawa sa boses mula sa likuran]

Kakilig naman si Raphael, parang si Josh lang, pero iba yung sitwasyon nila, ang hirap, mas pinili nilang itago ang ligawan nila dahil mahigpit ang magulang ni Barbara, pasalamat na lang ako na open ang parents ko sa ganun, wag lang kakalimutan ang pag-aaral at yung limitasyon, hay!! Pero parang yung pinagdadaanan nilang dalawa ay medyo may pagkakahawig talaga sa tinatakbo ng story namin ni Josh, posible kaya? Hay!! Saka ko na nga isipin to pag natapos ko basahin, makatulog na nga, bukas pormal na namin sasabihin kila mommy ang status namin ni Josh!! Exciting!!!

Fastforward...

2 hours before Lunch hour..

Nagbabasketball si Daddy at Josh, syempre alam ko, dahil naka spy ako sa kung ano ang pag-uusapan nila..

Josh and Daddy Ted's Side

"So Josh? Kumusta naman kayo ng bunso ko?" rinig kong tanong ni Daddy kay Josh habang nagdidriball si Josh, nakabantay si Daddy sa ring

"Okay naman po tito, masaya po, kahit medyo mapang-asar po kung minsan.." naku Juswa ibuking baga ako sa tatay ko

"Ganun talaga iho, kapag at this age nyo, kaya kayo wag kayong magmamadali sa lahat ng bagay, Oo pinayagan na kitang ligawan si Bambi, pero nasa kanya na yun kung sasagutin ka na nya, basta study first kayo muna!" sambit ni Daddy kay Josh, si Josh naman pumoporma ng shumut over kay Daddy then score, galing talaga ng mahal ko, di lang magaling mangbola, magaling din tumira outside

"Ayos ang tira mo Josh ah, swak na swak, net na net, inspired ka ba iho?" takang tanong ni Daddy, sya na ngayon ang nagdidriball, nakabantay naman si Josh

"Yes naman po tito!! Inspired mag-aral at inspired dahil sa bunso nyo!!" rinig kong pagmamalaki ni Josh, kilig naman ako don sa sinabi nya, haba talaga ng hair ko!! ng biglang...

"Hoy Bambi!! Anong dinudungaw-dungaw mo dyan ah?" aray naman, sakit ng sabunot ni Ate, sumilip sya at humarap sa akin

"Kaya pala!! Lapad ng ngiti mo ah, di lang yun, bukang buka ang tenga mo, chismosa ka talaga eh no!" sambit sa akin ni ate

"Bakit? masama ba makinig sa usapan ng tatay ko at ng pinakamahalagan lalaki sa buhay ko, bukod syempre kay daddy!" ngiti kong sabi

"Alam mo sis!! Grabe na talaga ang pagka-inlababo mo dyan sa lalaking yan!" sabay kuropt ni Ate sa tagiliran ko

"Aray!!Mangurot ba?" sambit ko

"Masama kaya makinig sa usapan ng may usapan, ikaw talaga!" say ni Ate

"Sorry na!! Ang galing rin kasi ni Josh mag basketball!! Kinikilig tuloy lalo ako.." kwento ko kay Ate ng...

"Girls!! Lunch is ready, pakitawag na ang Daddy nyo at si Josh!!" rinig kong sigaw ni mommy mula sa dining area

"Okay po mom!!" sambit ni Ate

"Sige na ate, tawagin mo na sila Josh, may gagawin lang ako!" sambit ko sabay akmang aalis na ako

"Hep!! Saan ka naman pupunta? At bakit ako ang tatawag kila Josh, eh parang kanina eh halos mag cheerleader ka na dyan habang pinapanuod mo sila daddy at Josh maglaro.." pigil sa akin ni Ate

"Surprise!! Sige ate!!" sambit ko sabay mabilis na naglakad palayo dahil tetext ko na si Jacob para pumasok once na makaupo na si Ate sa kainan

"Bambi!! Asan ka bang babaita ka!!? Nandito na kami sa dining area!!" rinig kong sigaw ni Ate 

"Andyan na ate!!" sambit ko, binuksan ko ang pinto, agad tumambad sa akin si Jacob na may dalang bouquet of flowers

"Timing ka Jacob, tara!!" sabay hila ko kay Jacob papuntang dining area

Nang makarating ako sa may pinuntaan ng dining area namin, pinatigil ko muna si Jacob sa gilid..

"Oh, saan ka galing?" agad na tanong ni Josh sa akin na nakapwesto na

"Dyan lang.." deny kong sabi

"Ano pang tinatayo dyan sis? upo na aba!" say ni Ate na nasa pwesto na rin katabi ni Mommy, katapat ni ate si Josh

"Ate pwede wag kang reglahin dyan!! Sa totoo nyan may surprise ako sa iyo eh!!" sambit ko sabay hila ko sa taong nasa gilid ko, laking gulat ni Ate

"Surprise.." nahihiyang sambit ni Jacob

"Jacob? anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Ate Belle

"For an important lunch, di ba ate? I told you!" sabat ko sa convo ng dalawa

"Uhm..mano po pala, tito, tita.." nahihiyang pagmano ni Jacob kila Mommy at Daddy

"Welcome Jacob iho, upo ka, saluhan mo kami sa lunch.." yaya ni mommy kay Jacob

"Salamat po tita, Belle flowers for you!!" sabay abot ni  Jacob ng flowers kay Ate, halatang kinikilig si Ate! Harot!! Kanina lang daig pang may regla, ngayon oh ano ka ngayon ate, suko!!

"Thank You!!" nahiya pa si Ate ng lagay na yan

"Upo ka na Jacob sa tabi ni Ate para lalong kiligin!!" pang-asar ko kay ate, at umupo na rin ako sa tabi ni Josh katapat ko si Mommy

"Bambi naman!!" saway sa akin ni Ate

"Peace tayo ate!!" pacute kong sabi sabay peace sign kay ate, at natahimik na rin sya, nahiya siguro kay Jacob

While eating our Lunch....

"Mommy, Daddy?" tawag pansin ko kila mommy

"Bakit anak?" tanong ni daddy

"May importante po kasi kami sasabihin ni Josh.." nahihiyang sambit ko

"Tungkol saan naman?" takang tanong ni Mommy

"Uhm..Tito, tita, sinagot na po ako ni Bambi nung Prom, girlfriend ko na po sya.." matapang na sambit ni Josh kila Mommy, hinihintay ko ang magiging reaksyon nila mommy, nakakakaba ang ambiance 

"Congrats iho, napasagot mo rin ang pihikan kong anak.." sambit ni sabay nakipag-apir pa kay Josh, tinanggap naman ito ni Juswa

"Akala ko naman kung ano, walang kaso sa amin yun, okay lang na maging kayo, bast priority first your study.." sambit ni Mommy

"Di po kayo galit na sinagot ko na po si Josh? na kami na po?" di talaga sila galit, pakisampal nga ako, joke lang!! baka totohanin eh

"Bakit naman kami magagalit? di ba sabi namin ng daddy mo na ikaw na bahala kung kailan mo sasagutin si Josh, kaya no need to worry bunso, susuportahan namin ang desisyon, kung saan ka masaya, nandun kami to guide you, basta, aral muna kayo pareho kahit kayo na ha!!" payo ni mommy, napangiti ako sa sinabi nyang yun

"Kaya Josh iho! Wag na wag mong sisirain ang tiwala na binigay namin sa iyo, alagaan mo at wag na wag mong papaiyakin, kahit alam namin na iyakin talaga yan.." payo naman ni daddy kay Josh

"Makakaasa po kayo tito, tita!!" ang lapad ng ngiti ng mokong kong boyfriend

"Thank you po mommy, daddy sa suporta sa relationship namin ni Josh!!" masaya kong sambit kila mommy

"No problem bunso, alam namin pinapasaya ka ni Josh kaya we nothing aganst to it!!" say ni Mommy

"Thank you po talaga, Atleast legal na po kami sa inyo!!" say ko 

"Ikaw naman Belle, parang bilin ko rin sa kapatid mo, ikaw na bahala kung kailan mo yan sasagutin yan si Jacob okay?" say ni Mommy kay Ate

"Yes po mommy, noted po!!" say ni Ate..

=======================================================================

Legal na sila sa parents, walang tutol...

What's next?

Abangan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top