Chapter 31: J.S. Prom Surprise!?

Monday Morning....

Westridge Bulletin...

Announcement

What: Junior-Senior Prom Night (JS Prom)

When: This coming Friday Night

Where: School Gymnasium

Who: All Third Year and Fourth Year Students

Attire: Formal Attire ( Boys: Suite with bow or tie   Girls: Dress or Mini Ball Gown)

Headed & Organized by: Student Council Organization

Lahat ng students ng third year at fourth ay nagkumpulan sa bulletin ng school along the corridor ng dumaan ang barkada maliban kay Luisa na busy sa kanyang unang work as the president of th Student Council..

"Ang dami naman kumpulan dito?" takang tanong ni Bambi

"Sis, outdated ka?" tanong ni Belle kay Bambi

"Ano ba talagang meron?" napakamot na ng ulo si Bambi, wala eh busy ang ate nyo sa Josh nya at sa studies kaya di na alam ang latest sa school happenings

"Bebs, talagang outdated ka ngayon, papaano naman eh busy ka sa Josh mo at sa studies kaya outdated ka na sa latest news sa school.." sambit ni Aya

"Bat naman ako nadamay dyan Aya?" singit na tanong ni Josh

"Automatic na yun Juswa, kaya wag ka ng magreklamo" sambit ni Belle

"So, ano nga meron?" tanong ulit ni Bambi

"Sis, ang pinakahihintay ng lahat ang JS Prom.." say ni Belle

"Okay.." simpleng sagot ni Bambi

"Okay lang? no reaction? no excitement bebs?" takang tanong ni Aya kay Bambi

"Bakit naman ako magrereact? at mag eexcite? eh di ko naman alam pa experience nyan dahil first natin makakaattend nyan kung sakali, buti pa si ate second time na kaso solo lang sya non.." kwento ni Bambi

"Grabe sis sa solo, may kasabay naman ako non, actually si Jacob rin ka-date ko noon pero as friends lang, di ko lang sinabi sayo, intriga ka kasi sis eh.." masayang kwento ni Belle about sa first JS Prom nya

"Tama si Belle, sya yung nakasama ko sa first JS Prom namin dito sa school, actually may crush na ako sa kanya noon, tinago ko lang, kasi kakakilala lang namin non eh kaya ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ligawan sya, gladly tinanggap nya.." si Jacob habang kinukwento ang experience last year prom nila

"Ayos ka rin bro isang taon mong tinago ang admiration mo kay Belle, makisig!!" sambit ni Kris

"Kaya nga ngayon palang yayayain ko na si Belle, so Belle, can you be my date to the Prom?" lahad ng kamay ni Jacob sa harap ni Belle, kinikilig na ang girls sa eksena

"Wala naman akong ibang gustong makasama sa prom kung di ang Mr. Musician na nasa harap ko, sure I would gladly to be your date to the Prom!" sambit ni Belle sabay hawak sa kamay ni Jacob

"Thank you!!" sabay halik sa kamay ni Belle si Jacob na ikinatili ng girls sa paligid

"Kayo ng sweet!!" say ni Kris

"So Josh, Kris? Panigurado si Rick nayaya na nya si Luisa di ba bro?" tanong ni Jacob sa dalawa

"Syempre naman, kahit busy sya ngayon sa event na to ay nayaya ko na syang maging ka-date ko sa Prom.." pagmamalaki ni Rick

"Josh? Kris?" tanong ulit ni Jacob sa dalawa

"Ano?" takang tanong ng dalawa

"Wala ba kayong tatanungin dyan kila Bambi at Aya?" say ni Jacob kila Josh at Kris

"Ako definitely, si Aya ka-date ko sa Prom! di ba bebe girl?" sabay tingin ni Kris kay Aya

"Bakit may balak ka bang i-date na iba?" bantang tanong ni Aya

"Wala po!! So ano? payag ka ng maging date ko sa Prom?" tanong ni Kris kay Aya

"Siguraduhin mo lang hah! Oo na!!" sambi ni Aya kay Kris

"Yes!!" sabay backhug ni Kris kay Aya

"Edi kayo ng may ka-date sa Prom!" sambit ni Bambi

"Josh?" sensyas ni Jacob kay Josh na magsalita

"Uhm Bambi, una na ako sa room hah, may gagawin pa kasi ako, kita na lang tayo don.." sambit ni Josh sabay karipas ng takbo paalis

"Anong nangyari don? Mang-iwan lang ganon?" cross arms ni Bambi

"So Bambi? Attend ka ba sa Friday?" tanong ni Belle kay Bambi

"Ewan, wala naman ako ka-date eh!" sambit ni Bambi na medyo nainis sa action ni Josh kanina

"Paano si Josh?" si Aya

"Nagyaya ba sya? di ba hindi naman! Ayun biglang alis, umatake na naman mood swing ng taong yun, ewan! una na ko sa room hah!" mukhang badtrip na si Bambi sabay alis

Naiwan ang lima na confused sa ka-emohan ng dalawa...

Meanwhile...

Sa Room ng Third year (Star Section)

Buong akala ng barkada na umiiwas si Josh tungkol sa JS Prom, yun pala ay may nakahandang pakulo na naman si Josh sa room nila kaya nauna na ito ng...

"Josh nandyan na sya!!" sensyas nung isang classmate nila na paparating na si Bambi

"Okay guys!! lights off!!" at nagsitago ang mga classmates ni Josh, ang dilim ng room ng dumating si Bambi

"Ang dilim naman dito?" takang tanong ni Bambi ng biglang may nagpiring sa kanya

"Ano na naman to!!? Badtrip na nga ako eh!!" sambit ni Bambi na naiirita na

"Sorry Bambi napag-utusan lang kami, upo ka muna dito.." inalalayan ng isang classmate nya si Bambi papuntang upuan nito

"Sino pasimuno nito? Lagot sa akin!!" say ni Bambi na nakapiring pa rin

Biglang nag lights on...

"Kahit ako may gawa ng lahat ng to?" nakilala ni Bambiang boses na nagsalita

"Josh? Anong gimik na naman to ah?" tanong ni Bambi

Sinenyasan ni Josh na tagalin ang piring ni Bambi..

Nagulat si Bambi kung anong nakasulat sa board ng room nila..

"Bambi, anong nakasulat sa board?" tanong nung classmate na kinikilig sa kung anong nakasulat

Hindi na nakapagsalita si Bambi ng biglang nagsalita si Josh mula sa likuran nya..

"Bambi Fortez, will you be my date to Prom?" sambit ni Josh agad naman tumingin si Bambi sa likuran nya

"Josh --" hindi ulit pinagsalita ni Josh si Bambi

"Bambi, alam kong nabadtrip ka sa pag-iwan ko sa iyo kanina sa corridor, gawa inasikaso ko agad ito, alam ko rin na lalo kang nabadtrip ng malaman mong ikaw na lang walang ka-date sa barkada, sorry sa lahat ng yun! Di ba sabi ko naman sayo, na every important event sa school man yan o sa labas, I'll make sure na special lahat ng yun, 'cause you are a special girl to me, kaya Bambs? Will you humbly accept me as your escort or should I say your date to the upcoming prom?" sabay hawak ni Josh sa kamay ni Bambi

Naluluha na si Bambi sa pinaggagawa ni Josh...

"Sira ka talaga eh noh, pinapaiyak mo na naman ako nyan eh!" pabirong hinampas ni Bambi si Josh sa balikat nito

"So?" tanong ni Josh ulit

"Syempre Yes!! Ikaw lang naman hinihintay kong magyaya sa akin eh!!" masayang sambit ni Bambi

"Guys rinig nyo ba yun!! Si Ms.Sweetheart ang ka-date ko sa Prom!! Yes!!! Thank You Bambs!!!" biglang yakap ni Josh kay Bambi, nabalot ng sigawan ang room

"Just for my special person!!" sambit ni Bambi

Biglang dumating ang teacher nila sa room...

"Mukhang nagkaroon ng pagyaya sa prom ah?" ngiting sabi ng teacher nila sa nakita sa board

"Yes mam, si Josh po niyaya si Bambi sa Prom..Ang sweet!!" kinikilig na sambit ng isang classmate nia Josh

"Good for you two, according to that said event, all third and fourth year students have no classes this following days including this day, the student council needs your help for the preparation for the upcoming prom this friday night, so are you all willing to help?" tanong ng teacher nila sa class

"Yes mam!!" sambit ng buong klase

"Good! You may go to the gymnasium to help for the preparation, Josh?" tawag pansin ng teacher nila kay Josh

"Yes mam?" sambit ni Josh

"Nice caricature!! Our future valedictorian is so lucky to have you!!" sambit ng teacher nila na ikinalawak ng ngiti ni Josh at ikinapula ng mukha ni Bambi

"Uy!!! si Bambi, namumula sa kilig!!" tukso ng mga classmates nila kay Bambi

"Di ah!!" sabay iwas ng tingin ni Bambi sa lahat

Naging maayos ang flow ng preparation ng lahat para sa Prom, di alam ng barkada na niyaya na ni Josh si Bambi ng sumapit na ang araw ng Prom..

Friday Afternoon..

5:00 PM

Fortez Residence..

Tapos na si Belle mag-ayos sa kasalukuyan ay hinihintay nya na lang ang date nya, dahil 6:00 pm ang start ng Prom..

"Belle, ikaw lang ba ang aattend ng prom nyo? Si Bambi?" takang tanong ni Irene kay Belle

"Ewan ko po, alam ko wala naman nagyaya sa kanya eh?" sambit ni Belle

"Nakakapagtaka? first prom pa man din ng batang yun, sigurado ka?" sambit ni Irene

"Yun ang alam ko po.." kibit balikat na sambit ni Belle

Nang biglang may bumusina....

"Ayan na po si Jacob mommy.." agad tumayo si Belle at nagpaalam sa mommy nya

"Ingat ka hah!!" sambit ni Irene sa anak at lumabas na ito at sumakay na sa sasakyan ni Jacob

Ilan minuto ang lumipas...

5:30 PM

Bumaba na si Bambi na bihis na bihis..

"Oh akala ko ba di ka aattend ng Prom nyo?" sambit ni Irene kay Bambi na bihis na bihis

"Mommy naman, pwede bang di ako umattend eh first Prom ko po to sa Westridge, nakaalis na po ba si Ate?" sambit ni Bambi habang sumisilip sa bintana nila kung nakaalis na si Belle

"Oo, kakaalis lang sinundo ni Jacob, teka nga ikaw ba ay may makakasama dyan sa Prom nyo?" tanong ni Irene sa bunso nya

"Syempre naman po mommy, actually di talaga alam ni ate na may nagyaya sa akin sa prom, sinadya ko po talaga na hindi sabihin sa kanya, alam nyo naman po yun, para surprise po!!" paliwanag ni Bambi

"Sino naman ang nagyaya sa iyo?" tanong ni Irene kay Bambi, nang may bumusina sa labas ng bahay

"Andyan na po sya mommy!!" sambit ni Bambi sabay hila sa mommy nya sa labas para makita king sino ang ka-date ng anak nya sa prom

"Good evening po tita!!" sambit ni Josh sabay mano kay Irene

"So ikaw pala nagyaya kay Bambi sa Prom?" sambit ni Irene kay Josh

"Syempre po tita, siya lang naman po gusto ko makasama sa First Prom ko po sa Westridge.." magalang sa sambit ni Josh na bihis na bihis din

"Oh sya!! Akala ko pa naman kung sino, oh pano lakad na kayo baka mahuli pa kayo nyan sa Prom nyo, Josh, si Bambi hah, iuwi mo dito ng buo ah!" paalala ni Irene kay Josh

"Sure po tita!! Bambi, shall we?" sabay offer ng kamay nya kay Bambi at magiliw naman itong tinanggap ni Bambi

"Gentleman ka na talaga ngayon eh noh!" biro ni Bambi kay Josh habang inalalayan syang papasok ng van ni Josh

"Sayo lang naman ako gentleman eh" ngiting sambit ni Josh ng makaupo na sila pareho sa sasakyan at pinaandar na ng driver ni Josh ang sasakyan papuntang school

"Sabi mo eh!!" nanahimik na lang si Bambi at nasa biyahe na sila papuntang Prom

Westridge Gymnasium...

Kumpleto na ang barkada sa kanilang assigned table maliban sa dalawa..

"Belle, asan pala si Bambi?" sambit ni Luisa kay Belle

"Ewan ko, baka di pupunta, walang ka-date?" di sigurado si Belle

"Sure ka ba dyan?" sambit ni Aya, dahil alam nya ang lahat pero pinakiusapan sya ng dalawa na itago ito sa barkada

"Sayang naman, akala ko pa naman ay niyaya na sya ni Josh?" sambit ni Rick

"Di tuloy kumpleto ang tropa sa ganitong --" di na natapos ni Kris ang sasabihin ng may magsalita sa likuran nila

"Pwede ba kaming makijoin?" nagulat ang lahat maliban kay Aya na dumating si Bambi kasama si Josh na todo alalay kay Bambi

"Bambi, akala ko--" di na pinatapos ni Bambi si Belle ng magsalita ito

"Surprise!! Akala nyo wala ako noh!" natatawang sambit ni Bambi

"Nice one pre!! Akala namin natorpe ka sa pagyaya kay Bambi eh" sambit ni Rick sabay gulo sa buhok ni Josh na ikinangiti lalo ni Bambi

"Pwede ba yun, actually nung monday ko pa niyaya si Bambi sa prom, di lang namin ipinaalam sa inyo, mga intriga kasi kayo, kami na naman headlines nyo" paliwanag ni Josh sa Barkada

"Galing nyo rin magtago eh noh, napaniwala nyo kaming di kayo nagpapansinan nung nag-aayos tayo para dito.." sambit ni Belle

"Thats called acting!! Galing namin noh!" duet pa si Josh at Bambi na ikinatawa ng barkada

"Ewan sa inyo, umupo na nga kayo dahil mag-start na ang prom.." sambit ni Belle at nagsiupo na nga sila lahat at nag start na ang Prom proper...

Nagkakasiyahan ang lahat, at sa kalagitnaan ng Prom night ay tumayo na si Luisa para iannounce ang Prom King and Queen of the night

"May I have your  attention please!" sambit ni Luisa at agad naman tumingin sa stage ang buong student  body

"Thank you, now I will announce the new Prom King and Queen of the night, we gathered all the votes from all of you so here goes..." panimula ni Luisa

"So for our Prom King, here are the nominees, please stand when I call your name, first nominee is from the Senior class, Mr. Jacob Vergara, please stand up.." agad naman tumayo si Jacob

"Okay next nominee, again from the Senior class, Mr. Kristoffer Soriano, please stand up.." nabigla si Kris dahil kasali sya sa nominee

"Okay and the Last nominee for the Prom King, from the Junior class, please stand up Mr. Joshua Diones.." shock si Josh dahil napasama sya..

"Please come here up stage our three grooming nominees for the Prom King of the night, but before we announce the winner, let me introduce to you the nominee for the Prom Queen category, first from the Junior class, Ms. Aya Chan!! Please come up stage.." gulat si Aya na napasama sya agad naman syang umakyat at tumabi kay Kris

"Next, from the Senior class, Ms. Belinda Fortez.." agad agad naman napatayo si Belle at umakyat sa stage at tumabi kay Jacob

"So and the last but not the least, from the Junior Class, Ms. Bambi Fortez!!" ang lakas ng palakpak ni Josh ng manominate si Bambi sa Prom Queen category, umakyat si Bambi sa stage at tumabi sa tabi ni Josh

"Okay, so kompleto na ang ating nominees for this year prom Queen and King, now since walang talo sa ganto event, we will have our Prom First Prince and Prom Second Prince, then our Prom King, the same set up for the girls, our Prom First Princess, Prom Second Princess and our Prom Queen, so our Prom Second Prince and Second Princess is Mr. Jacob Vergara and Ms. Belinda Fortez!!" nagstep forward sila Jacob at Belle at sinabitan sila ng sash na Second Prince and Second Princess

"Congratulation to our Second Prince and Princess, now the for our Prom First Prince and Princess and our Prom King and Queen.." naghawak hawak kamay sila Bambi, Josh, Aya at Kris

"So ang babagitin ko ay ang atin Prom King and Queen and ang hindi mababanggit ay automatic ay ang ating Prom First Prince and Princess, so here goes..." sambit ni Luisa

"Drum roll please para exctiting!!" say ni Luisa at nag drum roll nga ang DJ..

"Congratulation!!! Mr. Joshua Diones and Ms. Bambi Fortez, kayo ang ating Prom King and Queen, Mr. Kris Soriano and Ms. Aya Chan is our Prom First Prince and Princess.." nagkayakapan sila Josh at Bambi

"Pleas step forward Bambi and Josh.." sambit ni Luisa at lumapit sa harap si Josh at Bambi sa harap at sinabitan sila ng sash at crown

"Lets give them a round of applause, our new Prom King and Prom Queen, Mr. Joshua Diones and Ms. Bambi Fortez!!" at nagsipalakpakan ang lahat at may kasama pang hiyawan, may sumisigaw pang Kiss!!

"Ano daw ang sigaw ng lahat?" sambit ni Luisa

"KISS!!!" sigaw ng lahat

"Mapapagbigyan ba natin sila?" sambit ni Luisa kila Josh at Bambi, nahihiya ang dalawa sa sinisigaw ng lahat

Biglang kinuha ni Josh ang mic kay Luisa at nagsalita ito..

"Pagbibigyan namin kayo kung sasagutin muna ng aking Prom Queen ang katanungan sasambitin ko sa kanya.." say ni Josh at agad siyang lumuhod sa harap ni Bambi, naghiyawan ang lahat sa naging aksyon ni Josh kabilang na ang barkada sa humiyaw

"Josh ano na naman gimik to ah?" takang tanong ni Bambi kay Josh

"Bambi, its been almost 2 months since I started courting you, ever since that day, I realize that in each day I'm with you, I felt so much happiness in my life, so Bambi, I hope you are ready for this.." may nilabas ma maliit na kahon si Josh mula sa bulsa nya, napatakip ng bibig si Bambi, ang barkada ay inabangan kung ano ang laman ng maliit na kahon na iyon..

"Ms. Bambi Fortez, I know its really early for me to ask this--" binuksan ni Josh ang maliit na kahon at inilabas ang isang kwintas na may hugis puso 

"If you accept this heart necklace, it means the you are accepting me as yours, so Bambi, can you be my girl?" nabigla ang lahat lalong lalo na si Bambi, di sya makapagsalita

"Nakakabigla naman ang lahat ng ito!?" sambit ni Luisa na may isang mic na

"So Bambi?"  iniharap ni Josh ang mic kay Bambi, tinanggal ni Bambi ang kamay nya sa pagkaaktakip ng bibig nya..

Nakaabang ang buong student body sa magiging sagot ni Bambi..

"Josh, masyado mo akong binigla sa mga pangyayari ito, pero nung niligawan mo ako at sa tapang mong ipaalam sa parents ko ang balak mong panliligaw ay handa na ako dyan, kaya Josh--" pabitin na sambit ni Bambi

"Ano?" tanong ni Josh

"Yes, I will gladly accept this heart necklace as well as your love for me.." finally nasagot na ni Bambi ang pinakahihintay ng lahat lalo na ni Josh

"YES!!!! I love You my Queen!!" agad na niyakap ni Josh si Bambi ng mahigpit

"I love you too!! my King!!" lalong lumapad ang ngiti ni Josh ng sambitin ni Bambi ang pinakaaasam nyang linya mula sa kanyang prinsesa

Nagsigawan ang buong student body, nabalot ng hiyawan at kiligan sa loob ng gymnasium sa biglaang proposal ni Josh kay Bambi..

Nagkatinginan ang Barkada..

"Edi kayo na mag-on!! Pwede na bang i-kiss!!" sabay sabay na sigaw ng barkada kasama na si Belle don

Kumalas ang dalawa sa pagkakayakap at isinuot ni Josh ang kwintas kay Bambi..

"Ano pagbibigyan ba natin ang gusto ng lahat?" tanong ni Josh kay Bambi

"Ikaw bahala, alam mo naman kabilin bilinan ni mommy at daddy, sige ka?" babirong banta ni Bambi kay Josh

"Uhm..guys!! masyado pa po kasing conservative tong girlfriend ko, so pwede sa cheeks po muna?" tanong ni Josh sa lahat

"Okay!!! Kilala na naman namin si Bambi eh!!" sambit ng lahat

"Okay ka na don?" tanong ni Josh kay Bambi

"Okay lang, sinong una?" tanong ni Bambi

"Lady's first muna.." ngiting sambit ni Josh

"Okay, subukan mong humarap, lagot ka sa akin!!" banta ni Bambi kay Josh at nag nod naman ito

"Kabait bait kong bata eh, takot ko lang sayo lalo na sa parents mo.." sambit ni Josh, mabilisan hinalikan ni Bambi si Josh sa cheeks then ganon din si Josh kay Bambi, mabilisan rin nitong hinalikan si Bambi sa cheeks

Nabalot ng kilig at hiyawan ang buong gymnasium..

"Okay!!! May our Prom King and Queen have their first solo dance, shall we?" sambit ni Luisa, at inalalayan ni Josh pababa si Bambi ng stage, tumunog ang slow dance, nakisali na rin ang barkada sa slowmo dance by pair syempre at nasa center ang dalawa

"Thank you for this wonderful night!" ngiting sambit ni Bambi kay Josh habang sumasayaw sila sa slowmo dance

"Anything for my Princess! I want only your happiness.." english mode si Josh

"Ganyan ka ba talaga kapag nagkakagirlfriend? tumatalas ang english language?" natatawang sambit ni Bambi

"Grabe ka sa akin, ikaw lang kaya ang first and hopefully last girlfriend ko.." ngiting sambit ni Josh

"Bakit may balak ka bang palitan ako?" banta ni Bambi

"Sino bang may sabi sayo na papalitan kita, ikaw lang--" di na pinatapos ni Bambi si Josh dahil sumabat na to

"ang Mamahalin, sus! narinig ko na yan sa T.V. tagal na!" sambit ni Bambi

"Basta Bambi, thank you for the chance! I love you!" sambit ni Josh

"I know! I love you too!! And I promise you I will never stop loving you.." ngiting sambit ni Bambi

"Same as me, I only have eyes on you!" sambit ni Josh habang patuloy silang sumasayaw sa slow mo dance

"Sure ka?" tanong ni Bambi

"Opo!!" ngiting sambit ni Josh at nagpatuloy na sila sumayaw sa slowmo dance

=============================================================================

Kilig Vibes ang hatid ng Prom na ito!!!

Mag-on na sila!! What's next?

Abangan


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top