Chapter 3: Nagkakamabutihan
Pagpapatuloy....
Umpisa na ulit ng umaga, kaya lang...
"Barbara!!!!??" sigaw ng kanyang ina mula sa baba
"Nariyan na po nay!!" sambit pabalik habang nag-aayos pababa sa kanilang sala ng..
"Magandang umaga, Barbara!" masayang sambit ni Raphael
"Uhm..Raphael, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" nauutal na sambit ni Barbara
"Sinundan kita kagabi, sinigurado ko lang naman na ligtas kang makakauwi sa inyo kaya ayun.." paliwanag ni Raphael
Nanatiling nakatulala si Barbara kay Raphael ng may humila sa kanya..
"Barbara, sino naman yang lalaking iyan? wag mong sabihin manliligaw mo iyan, naku makakatikim ka sa akin at sa tatay mo! kabilin bilinan ko sayo magtapos muna bago ka lumandi.." pabulong na banta ng kanyang ina kay Barbara
"Nay naman, lumandi agad, tsaka hindi ko po siya manliligaw, kaibigan ko lang po siya, tsaka wala pa naman sa isipan ko ang magpaligaw, sabi nyo nga po diba aral muna bago ligaw" sambit ni Barbara
"Siguraduhin mo lang bata ka! naku! oras na malaman kong nagpaligaw ka lalo na ang tatay mo, ewan ko lang!" muling nagbanta ang ina ni Barbara
"Opo! sisiguraduhin ko po!" pangako ni Barbara
"Barbara, tara na andyan ang sasakyan ko, pwede ka nang sumabay?" yaya ni Raphael
"Sige, nay una na po ako!" paalam ni Barbara
Bago sila makalabas ng bahay, sinenyasan siya ng kanyang ina tungkol sa pangako nito
Pagkatapos ng pang umagang leksyon...
Canteen...
"Naku! sabay na naman sila oh!" panunukso ni Angelo
"Huy! Angelo manahimik ka nga dyan, baka may makarinig sayo.." sambit ni Barbara sabay upo katabi si Raphael
"Bakit kasi ayaw mo pang aminin na nahuhulog ka na dito kay Raphael--" hindi natapos ni Angelo ang kanyang sasabihin ng masamid si Raphael sa kanyang iniinom
"Oh! Raphael, dahan dahan naman sa pag inom, eto panyo oh, punasan mo muna yang damit mo nabasa oh" abot ni Barbara ng panyo kay Raphael
"Salamat, nabigla lang siguro ako sa pag inom" sambit ni Raphael
"Naku Raphael, ang sabihin mo nabigla ka na nahuhulog na sayo itong si Barbara" si Crisanto naman
"Huy!!! kayong dalawa manahimik nga kayo dyan!! " banta ni Barbara
"Ang tanong? totoo nga ba Barbara?" si Ligaya naman ang nakisali
"Dali na Barbara umamin ka na" si Linda naman
"Kayo talaga, wala talaga kayong magawa noh!" sambit ni Barbara
"Wala naman masama kung aaminin mo sa amin di ba?" si Ligaya
"Tigilan nyo nga, wala kayong malalaman" pagmamatigas ni Barbara
"Huwag niyo ng pilitin si Barbara" pagtatanggol ni Raphael
"Pasalamat ka inawat na kami ng kaibigan o di kaya ka-ibigan mo!!!" sabay tawa ng apat
"Hay ewan ko sa inyo!! Makabalik na nga sa klasrum, tara na Raphael!!" sambit ni Barbara, at sinundan naman siya ni Raphael papuntang klasrum
Habang naglalakad sila pabalik ng klasrum..
"Pasensya na " pag uumpisa ni Raphael
"Para saan?" tanong ni Barbara
"Kanina, pinagkaisahan ka naman ng mga kaibigan mo" kwento ni Raphael
"Sanay na ako, sa aming lima, ako lang naman ang puro aral na lang inaatupag, sila kasi kaya nilang magtimbangin ang pag-aaral at kaligayahan nila, hindi katulad ko, aral na lang ng aral ni hindi ko nga naramdaman na may nagpapasaya sa akin, si Linda meron siyang Angelo na ubod ng bait, si Ligaya na may masugid na manliligaw sa katauhan ni Crisanto, ako lang naman ang nag-iisa, paano sobrang higpit ng magulang, puro aral lagi ang itinatatak nila sa utak ko, paano naman ang puso ko!! pwede naman pagsabayin di ba? " pagkukwento ni Barbara ng kanyang saloobim
"Pwede naman.." sabay hawak sa kamay ni Barbara na ikinagulat ng dalaga
"Raphael? " di na nakapagsalita si Barbara dahil hinila na siya ni Raphael papunta sa kanilang parke sa eskwelahan
"Raphael bakit tayo nandito malapit na mag umpisa ang klase ano ba?" pag-aalala ni Barbara
"Sabi mo gusto mong pagsabayin ang pag-aaral at kaligayahan mo diba?" sambit ni Raphael na hinawakan pa ang isang kamay ni Barbara at tumingin sa mga mata ng dalaga
"Raphael, alam kong--" hindi na pinatuloy ni Raphael ang sasambitin ni Barbara
"Barbara, nais kong malaman mo na una palang kita makilala, naibsan ang kalungkutan dinanas ko sa iba, simula nung nakilala kita, gumaan bigla ang loob ko, na meron pa palang taong makaka-intindi sa sitwasyon ng isang tulad ko na pasaway, mayabang, Barbara ang sinabi ko sa mga kaibigan mo na gusto kitang ligawan, totoo ang lahat ng iyon, ikaw ba handa ka bang pagsabayin ang pag-aaral at kaligayahan mo?" pag-amin ni Raphael
"Oo gustong gusto kong pagsabayin iyun pero paano kung may makaalam siguradong mas lalo akong paghihigpitan ng mga magulang ko at paano ka, baka kung anong gawin sayo ng mga magulang ko.." sambit ni Barbara na may halong pag-aalala
"Wala naman masamang mangyayari kung walang makakaalam di ba?" sambit ni Raphael
"Oo, eh paano sila Ligaya?" tanong ni Barbara
"Siguro naman hindi ka nila ilalaglag pag nalaman nila ito" si Raphael
"Sana..paano kaya kung wala na lang talaga makaalam?" tanong ni Barbara
"Ikaw ang bahala, ano? payag ka na ba sa alok ko?" paglalahad ni Raphael
"Nagtanong ka na ba?" masayang sambit ni Barbara
"Miss Barbara, maaari ba kitang ligawan kung iyong mamarapatin?" pagluhod ni Raphael sa harap ni Barbara habang hawak hawak ang mga kamay ng dalaga
"Sigurado ka na ba na ako ang kaligayahan mo o pampalipas mo lang? " paniniguro ni Barbara
"Oo naman, ikaw lang ang babaeng liligawan ko hanggang sa makamit ko ang kanyang matamis na 'Oo', oh ano? tatanggapin mo na ba?" sambit ni Raphael
"Pag-iisipan ko?" kunwari nakatingin sa taas ang dalaga
"Barbara naman, ano? nangangalay na ako oh, maawa ka naman sa binatang nagsusumamo na sagutin ang kanyang kahilingan" pagsusumamo ni Raphael
"Oo na, sige na!" natatawang sagot ni Barbara habang nakikita ang sitwasyon ni Raphael
"Tunay na?" hindi makapaniwala ang binata
"Bakit ayaw mo bang manligaw sakin?" pagbibiro ni Barbara na may ngiti sa kanyang mga labi
"Syempre gustong gusto!!!Salamat!!!" sabay tayo ni Raphael sabay yakap mahigpit sa dalaga na lalong ikanasaya ng dalaga
Kumalas sila sa pagkakayakap...
" Hindi mo ito pagsisihan, Barbara, gusto kong malaman mo na Mahal kita" isang katagang lalong ikinangiti ng dalaga
"Saka na ang sagot ko kapag pwede na, nanliligaw ka palang di ba?" natatawa sabi ni Barbara
" Sabi ko nga, pero totoo yun, walang halong biro" masayang sambit ni Raphael
"Sige na! Mahal mo na ako! Basta saka na ang sagot ko okay?" nanatili ang ngiti sa mga labi ni Barbara
"Masusunod, aking binibini!" tumungo si Raphael bilang respeto sa kanyang nililigawan
"Raphael, tigilan mo na nga yan! Tara na mahuhuli pa tayo sa klase natin nyan eh" masayang sambit ni Barbara
"Tara!!" inilahad ni Raphael ang kanyang braso kay Barbara at magiliw naman itong tinanggap ng dalaga
"Okay!" ang tanging sagot ni Barbara at sabay silang nagtungo sa kanilang silid aralan
====================================
Isang maikling yugto para sa part na ito ngunit marami pang pwedeng mangyari sa istoryang ito...
Abangan sa susunod na yugto....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top