Chapter 27: Sweetness Tuesday
Fastforward....
Naging masaya ang buong isang araw sa barkada lalo kila Josh at Bambi...
Uwian na...
Nasa may gate na sila Belle, Jacob, Kris, Aya, Rick at Luisa..
"Aya, sure ka bang nandun pa sa room nyo sila Bambi at Josh?" tanong ni Belle habang palinga linga sa may corridor ng school
"Sure ako Belle, nauna ako kasi baka masabihan pa akong third wheel.." say ni Aya
"Nandito naman ako ah!" pasimpleng akbay ni Kris kay Aya
"Yon! pasimple pa!" pang-aasar ni Rick
Nagkakatuwaan ang barkada ng..
"Here comes the lovebirds!!" sabay na sambit ni Kris at Rick ng dumating sila Josh at Bambi
"Grabe, lovebirds agad?" react ni Bambi habang nakaakbay sa kanya si Josh na todo ngiti
"Di daw lovebirds? bakit may pag-akbay? kahit na nanliligaw pa lang yan si bro, eh understood na yun.." explain ni Rick
"Oh bakit? masama bang umakbay? eh dati ko pa na naman ginagawa ito eh, di ba Bambs?" sabay tingin kay Bambi, napangiti na lang si Bambi habang magkatitigan sila ni Josh
"Oh sige, magtitigan na lang kayo dyan?" say ni Luisa
"Ay! Sorry.." sambit ni Bambi
"Alam nyo mabuti pa, umuwi na tayo!! Lets go!!" aya ni Belle at nagsisunod na sila..
While on their way home..
"Bambs, Thank You!" sambit ni Josh kay Bambi habang naglalakad sila pauwi, nakaakbay parin si Josh kay Bambi
"Para san?" tanong ni Bambi
"For the chance to court you, thank you!! I promise that I will make you happy everyday, kahit weekend.." pagmamalaki ni Josh, natawa na lang si Bambi sa monstra ni Josh
"Wag mong i-promise, gawin mo!" natatawang sambit ni Bambi
"Sabi ko nga! Anything for my future princess!!" sabay kurot ni Josh sa pisngi ni Bambi
"Aray!! Masakit hah!!" sambit ni Bambi
"Gusto mo i-kiss ko para mawala ang sakit? tutal naman nakaisa ka na eh?" taas kilay na sambit ni Josh
"Suntok gusto mo!! Nanliligaw ka pa lang eh??" banta ni Bambi sabay pakita ng suntok pose
"Daya!! pag sya eh.." kamot ulo ni Josh
"May reklamo?" pinandilatan sya ni Bambi
"Sis naman!! pagbigyan na, sa pisngi lang naman eh, pakipot ka pa!!" nagsimula ng mang-asar si Belle
"Sige na nga, isa lang hah!!?" sambit ni Bambi at iniharap kay Josh ang pisngi nyang kinurot nito, bumebwelo pa si Josh sa pagkiss sa pisngi ni Bambi ng pabirong itinulak si Josh ni Rick, na pasubsob tuloy yung nguso ni Josh sa pisngi ni Bambi, na halos masubsob sila pareho
"Grabe naman Rick, manulat ba!!?" reklamo ni Josh matapos makis si Bambi sa pisngi
"May pabwelo ka pang nalalaman eh" natatawang sagot ni Rick
"Oh masaya ka na Josh?" tanong ni Aya
"Syempre naman, thanks sa support ah!!" masayang sambit ni Josh na ikinatawa ng barkada, samantalang si Bambi pulang pula sa hiya, muntik na silang matumba sa lakas ng tulak ni Rick kay Josh
"Tara na nga!!" nahihiyang sambit ni Bambi, at inakbayan ulit siya ni Josh pauwi
Fastforward...
Monday night (Bambi's Room)
Pinagpatuloy ni Bambi ang pagbabasa nya nung libro, natapos na rin nya ang mga assignments nila...
[ Pagpapatuloy....
Umpisa na ulit ng umaga, kaya lang...
"Barbara!!!!??" sigaw ng kanyang ina mula sa baba
"Nariyan na po nay!!" sambit pabalik habang nag-aayos pababa sa kanilang sala ng..
"Magandang umaga, Barbara!" masayang sambit ni Raphael
"Uhm..Raphael, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" nauutal na sambit ni Barbara
"Sinundan kita kagabi, sinigurado ko lang naman na ligtas kang makakauwi sa inyo kaya ayun.." paliwanag ni Raphael
Nanatiling nakatulala si Barbara kay Raphael ng may humila sa kanya..
"Barbara, sino naman yang lalaking iyan? wag mong sabihin manliligaw mo iyan, naku makakatikim ka sa akin at sa tatay mo! kabilin bilinan ko sayo magtapos muna bago ka lumandi.." pabulong na banta ng kanyang ina kay Barbara
"Nay naman, lumandi agad, tsaka hindi ko po siya manliligaw, kaibigan ko lang po siya, tsaka wala pa naman sa isipan ko ang magpaligaw, sabi nyo nga po diba aral muna bago ligaw" sambit ni Barbara
"Siguraduhin mo lang bata ka! naku! oras na malaman kong nagpaligaw ka lalo na ang tatay mo, ewan ko lang!" muling nagbanta ang ina ni Barbara
"Opo! sisiguraduhin ko po!" pangako ni Barbara
"Barbara, tara na andyan ang sasakyan ko, pwede ka nang sumabay?" yaya ni Raphael
"Sige, nay una na po ako!" paalam ni Barbara
Bago sila makalabas ng bahay, sinenyasan siya ng kanyang ina tungkol sa pangako nito
Pagkatapos ng pang umagang leksyon...
Canteen...
"Naku! sabay na naman sila oh!" panunukso ni Angelo
"Huy! Angelo manahimik ka nga dyan, baka may makarinig sayo.." sambit ni Barbara sabay upo katabi si Raphael
"Bakit kasi ayaw mo pang aminin na nahuhulog ka na dito kay Raphael--" hindi natapos ni Angelo ang kanyang sasabihin ng masamid si Raphael sa kanyang iniinom
"Oh! Raphael, dahan dahan naman sa pag inom, eto panyo oh, punasan mo muna yang damit mo nabasa oh" abot ni Barbara ng panyo kay Raphael
"Salamat, nabigla lang siguro ako sa pag inom" sambit ni Raphael
"Naku Raphael, ang sabihin mo nabigla ka na nahuhulog na sayo itong si Barbara" si Crisanto naman
"Huy!!! kayong dalawa manahimik nga kayo dyan!! " banta ni Barbara
"Ang tanong? totoo nga ba Barbara?" si Ligaya naman ang nakisali
"Dali na Barbara umamin ka na" si Linda naman
"Kayo talaga, wala talaga kayong magawa noh!" sambit ni Barbara
"Wala naman masama kung aaminin mo sa amin di ba?" si Ligaya
"Tigilan nyo nga, wala kayong malalaman" pagmamatigas ni Barbara
"Huwag niyo ng pilitin si Barbara" pagtatanggol ni Raphael
"Pasalamat ka inawat na kami ng kaibigan o di kaya ka-ibigan mo!!!" sabay tawa ng apat
"Hay ewan ko sa inyo!! Makabalik na nga sa klasrum, tara na Raphael!!" sambit ni Barbara, at sinundan naman siya ni Raphael papuntang klasrum
Habang naglalakad sila pabalik ng klasrum..
"Pasensya na " pag uumpisa ni Raphael
"Para saan?" tanong ni Barbara
"Kanina, pinagkaisahan ka naman ng mga kaibigan mo" kwento ni Raphael
"Sanay na ako, sa aming lima, ako lang naman ang puro aral na lang inaatupag, sila kasi kaya nilang magtimbangin ang pag-aaral at kaligayahan nila, hindi katulad ko, aral na lang ng aral ni hindi ko nga naramdaman na may nagpapasaya sa akin, si Linda meron siyang Angelo na ubod ng bait, si Ligaya na may masugid na manliligaw sa katauhan ni Crisanto, ako lang naman ang nag-iisa, paano sobrang higpit ng magulang, puro aral lagi ang itinatatak nila sa utak ko, paano naman ang puso ko!! pwede naman pagsabayin di ba? " pagkukwento ni Barbara ng kanyang saloobim
"Pwede naman.." sabay hawak sa kamay ni Barbara na ikinagulat ng dalaga
"Raphael? " di na nakapagsalita si Barbara dahil hinila na siya ni Raphael papunta sa kanilang parke sa eskwelahan
"Raphael bakit tayo nandito malapit na mag umpisa ang klase ano ba?" pag-aalala ni Barbara
"Sabi mo gusto mong pagsabayin ang pag-aaral at kaligayahan mo diba?" sambit ni Raphael na hinawakan pa ang isang kamay ni Barbara at tumingin sa mga mata ng dalaga
"Raphael, alam kong--" hindi na pinatuloy ni Raphael ang sasambitin ni Barbara
"Barbara, nais kong malaman mo na una palang kita makilala, naibsan ang kalungkutan dinanas ko sa iba, simula nung nakilala kita, gumaan bigla ang loob ko, na meron pa palang taong makaka-intindi sa sitwasyon ng isang tulad ko na pasaway, mayabang, Barbara ang sinabi ko sa mga kaibigan mo na gusto kitang ligawan, totoo ang lahat ng iyon, ikaw ba handa ka bang pagsabayin ang pag-aaral at kaligayahan mo?" pag-amin ni Raphael
"Oo gustong gusto kong pagsabayin iyun pero paano kung may makaalam siguradong mas lalo akong paghihigpitan ng mga magulang ko at paano ka, baka kung anong gawin sayo ng mga magulang ko.." sambit ni Barbara na may halong pag-aalala
"Wala naman masamang mangyayari kung walang makakaalam di ba?" sambit ni Raphael
"Oo, eh paano sila Ligaya?" tanong ni Barbara
"Siguro naman hindi ka nila ilalaglag pag nalaman nila ito" si Raphael
"Sana..paano kaya kung wala na lang talaga makaalam?" tanong ni Barbara
"Ikaw ang bahala, ano? payag ka na ba sa alok ko?" paglalahad ni Raphael
"Nagtanong ka na ba?" masayang sambit ni Barbara
"Miss Barbara, maaari ba kitang ligawan kung iyong mamarapatin?" pagluhod ni Raphael sa harap ni Barbara habang hawak hawak ang mga kamay ng dalaga
"Sigurado ka na ba na ako ang kaligayahan mo o pampalipas mo lang? " paniniguro ni Barbara
"Oo naman, ikaw lang ang babaeng liligawan ko hanggang sa makamit ko ang kanyang matamis na 'Oo', oh ano? tatanggapin mo na ba?" sambit ni Raphael
"Pag-iisipan ko?" kunwari nakatingin sa taas ang dalaga
"Barbara naman, ano? nangangalay na ako oh, maawa ka naman sa binatang nagsusumamo na sagutin ang kanyang kahilingan" pagsusumamo ni Raphael
"Oo na, sige na!" natatawang sagot ni Barbara habang nakikita ang sitwasyon ni Raphael
"Tunay na?" hindi makapaniwala ang binata
"Bakit ayaw mo bang manligaw sakin?" pagbibiro ni Barbara na may ngiti sa kanyang mga labi
"Syempre gustong gusto!!!Salamat!!!" sabay tayo ni Raphael sabay yakap mahigpit sa dalaga na lalong ikanasaya ng dalaga
Kumalas sila sa pagkakayakap...
" Hindi mo ito pagsisihan, Barbara, gusto kong malaman mo na Mahal kita" isang katagang lalong ikinangiti ng dalaga
"Saka na ang sagot ko kapag pwede na, nanliligaw ka palang di ba?" natatawa sabi ni Barbara
" Sabi ko nga, pero totoo yun, walang halong biro" masayang sambit ni Raphael
"Sige na! Mahal mo na ako! Basta saka na ang sagot ko okay?" nanatili ang ngiti sa mga labi ni Barbara
"Masusunod, aking binibini!" tumungo si Raphael bilang respeto sa kanyang nililigawan
"Raphael, tigilan mo na nga yan! Tara na mahuhuli pa tayo sa klase natin nyan eh" masayang sambit ni Barbara
"Tara!!" inilahad ni Raphael ang kanyang braso kay Barbara at magiliw naman itong tinanggap ng dalaga
"Okay!" ang tanging sagot ni Barbara at sabay silang nagtungo sa kanilang silid aralan ]
After mabasa ni Bambi, may nagtext sa kanya, ikinangiti nya ng nagtext sa kanya, walang iba kung hindi si..
"How's my princess? Hope that you sleep well, Goodnight, Sweetdreams and hope to see you in my dreams, you don't need to reply, baka pagod ka pa eh? Tulog na!! I Love You!! See You Tomorrow!!" -Josh
Nakatulog na si Bambi na may ngiti sa kanyang mga labi...
Tuesday Morning...
Habang nag-aayos si Bambi ng gamit sa kwarto nya ay...
"Bambi, anak!! Bilisan mo dyan, andyan na sundo mo!!" sigaw ng mommy niya mula sa baba
"Sundo? sino naman kaya yun?" tanong ni Bambi sa sarili
"Sige po ma, pababa na po!!" sambit ni Bambi
After 10 minutes..
Pababa na si Bambi at Belle ng biglang nakita nila kung sino ang sundo..
"Josh? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Bambi ng makita si Josh na nakaupo sa may living room
"Tinatanong pa ba yan, syempre para sunduin ka..ayaw mo ba?" nag-emo na naman si Josh kunyari
"Oh..oh! ayan ka na naman sa emo face mo, di bagay.." natatawang sambit ni Bambi habang hinahawakan ang mukha ni Josh na naka emo face
"Oh andyan na pala kayo ng ate mo? tara kumain na kayo ng breakfast, Josh iho, sumabay ka na rin.." yaya ni Irene sa dalawa at kay Josh
"Sige po mom, excuse me nga!!" sabay kunwari binangga ni Belle si Bambi at Josh in a playful way
"Ay alam ko na kung bakit ang aga mo nandito?" taas kilay na sambit ni Bambi kay Josh
"Ano?" tanong ni Josh
"Dito ka makikikain noh?" sambit ni Bambi
"Buti alam mo, tara nga, baka pagalitan pa tayo ni tita nyan eh.." sambit ni Josh sabay hila kay Bambi papuntang dining area
After breakfast...
"Mommy, una na po kami!!" sabay beso ng magkapatid sa mommy nila
"Sige mag-ingat kayo ah!! Josh iho, si Bambi!!" bilin ni Irene kay Josh
"Don't worry po tita, Bambi is safe with me..bye po!!" huling sambit ni Josh bago sila sumakay sa van na dala ni Josh, syempre may driver naman..
Habang nasa biyahe..
"Alam mo ikaw?" sabay tingin ni Bambi kay Josh na katabi nya
"Bakit?" tanong ni Josh
"Pa-pogi points ka kay mommy ah!!" sambit ni Bambi
"Sus, ganon talaga kapag nanliligaw, bago ko mapasagot ang nililigawan ko, ay kailangan pasado rin ako sa parents nya, kung baga, sa old style na panliligaw, ay kailangan ang magulang muna ang unang nililigawan.." kindat ni Josh kay Bambi
"Marunong ka pala nyan ganyang style?" say ni Bambi
"Syempre naman, mas sweet kaya ang old style kesa new style ng panliligaw noh? Magulang muna bago nililigawan!!" pagmamalaki ni Josh
"Wow naman!! How sweet?" sambit ni Bambi habang nilalaro ang baba ni Josh
"Sayo lang naman ako sweet, sa iba nope!!" say ni Josh
"Talaga lang hah!!" asar ni Bambi
"Guys we're here!! mamaya ng lunch kayo maglambingan dyan!!" panira ng moment ni Belle sa dalawa
"Tara!!" nauna ng bumaba si Josh at inalalayan si Bambi then si Belle
"Wow!! gentleman!? Kailan pa?" pang-aasar ni Bambi
"Nung nanligaw sa iyo.." simpleng sagot ni Josh
"Okay.." sambit ni Bambi at naglakad na sila papasok ng school gate, nakita nila sila Jacob
"Bro!! Iba ka na talaga!! Higpit ng akbay mo ah!! Hi Belle!!" kaway ni Jacob kay Belle
"Jacob?" tawag ni Bambi kay Belle
"Bakit Bambs?" tanong ni Jacob
"Paalam ka na rin kila mommy.." sambit ni Bambi
"Hah?" takang tanong ni Jacob
"Ang sabi ko, paalam ka na kila mommy para officially maligawan mo na si Ate.." ngiting sabi ni Bambi, sabay siko kay Belle
"Huy! Bambi, magtigil ka na nga dyan, nakakahiya!" sermon ni Belle kay Bambi
"Oh bakit? Wala naman masama sa sinabi ko di ba Jacob?" nagsubong pa si Bambi kay Jacob
"Oo naman, tsaka plano ko na rin yun eh.." sabay kindat ni Jacob kay Belle, kinilig naman ang girls
"Naks pare!! Di ka na torpe!! Congrats!!" sabay gulo ng buhok ni Jacob ni Rick
"Akala namin magpapahuli ka pa kay Josh eh!!" asar ni Kris kay Jacob
"Mga sira talaga kayo noh! Nanliligaw pa lang naman si Josh kay Bambi eh.." depensa ni Jacob
"Pero pre, mas madalas talaga sa dalawang magkapatid ng babae, madalas talaga nauuna ang bunso magkaboyfriend based on my observation.." pagmamagaling ni Rick
"Saan mo naman nakuha yan point of view mo about sa relationship?" sambit ni Bambi
"Experience, simple as that!" say ni Rick
"Imba ka bro!! Tara na nga!! Mamaya na yang dunong dunungan mo Montano!" sabay hila ni Kris kay Rick at nagsisunod na sila Jacob at Luisa
"Bye Rick!!" kaway ni Bambi
"Bye Bro!!!" pang-asar na sigaw ni Josh
"See you later JoshBi!!" sigaw pabalik ni Kris
"Sira!!" sigaw pabalik nila Josh at Bambi
"Tara na guys!! Mukha na akong third wheel dito eh.." nauna ng lumakad si Aya
"Shall we?" sabay akbay ni Josh kay Bambi
"We shall!!" sambit ni Bambi at sabay na silang naglakad papasok ng room nila
Fastforward...
Lunch Time..
Nauna na sila Belle sa Canteen, as usual, nahuli na naman ang dalawa, si Josh at Bambi..
"Let me guess Aya, nagpaiwan na naman yung dalawa sa room nyo noh?" tanong ni Belle kay Aya
"Tumpak ka dyan, ang bagal kasi Belle ng kapatid mo mag-ayos ng gamit, naturingan matalino, pagdating naman sa pangbilisang gawa, asahan niyo, nahuhuli!" kwento ni Aya
"Tama ka dyan, pero saan ka nung hindi pa nanliligaw yang si Josh, nung magbestfriend palang sila, aba pagsinabi mong may lakad sila, abay mabilis pa sa alas-kwatro kung mag-ayos!!" kwento naman ni Belle
"Ganyan talaga kapag may feelings ka na for your friend, yung tipong ayaw mo syang paghintayin ng matagal ganun!" si Luisa naman
"Tsaka Belle, parang nanadya talaga yang si Bambi para sila lang matira ni Josh sa room, kahit nung magbestfriend palang sila.." si Aya
Samantala habang naglalakad sila Bambi at Josh, may biglang kaguluhan sa corridor at nagsitakbukan ang mga estudyante at biglang may nakabangga kay Bambi, na-out of balance sya ngunit agad syang nahila sa kamay ni Josh at biglang nagkalapit ang mga mukha nila..
Parang tumigil ang mundo nang magkatitigan sila ng sobrang lapit
"Paano ba naman ako hindi mahuhulog sa mala-anghel mong mukha, sobrang simple mo, kaya siguro ganto nalang ang nararamdaman ko para sa iyo" sambit ni Josh sa kanyang isipan
"You always kept me safe and you always protect me, the traits that I like about you! Thats why I kept on falling for you every single day!!" sambit ni Bambi sa kanyang isipan
"Thank you for saving me from falling!" simpleng sambit ni Bambi
"You know that I will be here by your side to kept you safe.." sambit ni Josh na nakatitig pa rin kay Bambi
"Uhm Josh, pwede mo na akong bitawan okay na ako?" sambit ni Bambi
"Sorry.." binitawan na ni Josh si Bambi, halatang nagkakailangan sila dahil sa sobrang lapit mga mukha nila sa isa't-isa kanina
"Okay lang, tara na.." say ni Bambi na medyo nahihiya
"Okay.." at sabay na silang pumunta sa canteen kung san hinihintay na sila ng barkada
Balik sa Barkada..
"Sa wakas nakarating rin kayo, gutom na kaya kami sa kakahintay sa inyo" reklamo ni Rick
"Sensya na kayo guys, nagkagulo lang kasi sa may corridor kanina at--" di na pinatapos ni Belle si Bambi ng..
"Muntik ka ng ma-out of balance, buti nahila ka ni Josh, at di lang yun ng mahila ka ni Josh ay biglang naglapit ang mga mukha nyo, at ang tagal nyo pang nagkatitigan, may pangiti ngiti ka pa.." kwento ni Belle habang binabrowse ang phone nya
"Nagkatitigan kayo ng sobrang lapit ang mga mukha nyo!!!?" react nila Kris at Rick
"Paano mo nalaman ate?" nauutal na sambit ni Bambi
"Sis, its technology, ayan oh trending kayong dalawa sa Westridge News Insider site oh.." pinakita ni Belle ang captured scene nila Josh at Bambi sa corridor
"At sabi pa dito, may mga comments pa, eto isa, 'KV talaga ang JoshBi, sana all my knight ang shining armor' at eto pa, 'Ang lagkit ng titigan ng JoshBi nakakatunaw' " say ni Belle habang binabasa ang comments
"Omg!! hindi lang trending, headlines pa sila dito oh!!" sambit ni Luisa
"May comment pa dito oh 'Swerte talaga ni Josh kay Ms. Future Valedictorian, hindi lang matalino, mabait at maganda pa' " kwento ni Belle, namumula na sa hiya ang dalawa
"Josh bro!! I salute you pare, imba ka!! kayo lang dalawa ang nakapagpatrend ng site ng Westridge ng ganito!! Saludo kami sa inyo!!" sambit ni Kris
"Sis, day 2 palang ng panliligaw ni Josh ay may fansclub na agad kayo, kayo na talaga sis.." say ni Belle habang binabrowse ang cp nya
"Alam nyo mabuti pa kumain na lang tayo pwede?" sambit ni Bambi at nagtigil na sila sa pagkalikot ng phone nila at nagsikain nalang sila ng tahimik
================================
Sweetness overload, ano naman kaya ang next moment ang mangyayari?
Abangan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top