Chapter 25: Two Weeks After

Sa Mall...

Josh's POV

Finally okay na ang paa ko!! Kakatatanggal lang ng cast sa paa ko, ngayon nasa mall kami ngayon syempre with the boys muna..

"So bro!! Kumusta naman ang kalayaan sa saklay?" akbay sa akin ni Kris habang nagstroll kami sa mall

"Okay naman, nakakapanibago, pero atleast malaya na akong mahahabol ang sinumang mang-aasar sa akin" pagmamalaki ko

"Bro, ang sabihin mo malaya ka nang habulin si Bambi kapag napikon ka na sa kanya, wait a sec..Speaking of Bambi, hows your stay with the Fortez Family?" kindat ni Rick

"Okay naman, masaya kasi I finally got their approval.." masaya kong sambit

"Approval?" choir pa sila magsabi

Tumambay muna kami sa Starbucks at bumili na rin ng coffee..

"Anong approval ba ang pinagsasabi mo bro?" tanong ulit ni Jacob

"Kaya nga Josh, at ang lapad ng ngiti mo?" takang tanong ni Rick

"Hulaan nyo muna, kapag isa inyo nakahula kung ano yung approval na sinasabi ko, ililibre ko kayo ng lunch for a week sa school, oh ano deal?" hamon ko sakanila tatlo

"Game!!" sambit ng tatlo

"Uhm..Aampunin ka na nila bro?" sira talaga tong si Rick

"Sira hindi.." natatawa kong sambit

"Ako naman..Libre ka na sa pagpunta at pagkain sa kanila?" mga sira talaga tong si Kris at Rick maturingan kagagaling nila sa bagay na yun

Nakatahimik lang si Jacob..

"Ikaw bro? nahulaan mo na ba?" tanong ko kay Jacob

"Alam nyo Kris at Rick, naturingan magagaling kayo sa bagay na yun eh di nyo pa nahulaan, ano ba sa tingin nyo yung approval na sinasabi ni Josh?" mukhang may makakahula na ah

"Jacob, di ka namin gets?" kamot ulo sabi ni Kris

"Natural, ang approval na sinasabi ni Josh, na finally he got approval or permission from the parents to court the youngest member of the family, am I right bro?" sabay tanong ni Jacob sa akin at nag thumbs up na lang ako

"What!!?? sinong liligawan mong Youngest member?" ay wala nakatira tong si Rick at Kris

Napafacepalm na lang kami ni Jacob sa dalawang to...

"Kris, Rick ano bang natira nyong dalawa?" tanong ko sa kanila

"Sino ba ang bunso sa Fortez Family?" tanong ni Jacob sa kanila

"Si Bambi.." sagot ni Rick

"Bro!! You mean pinayagan ka na nila Tito Ted na ligawan si Bambi?" gulat na gulat na sambit ni Kris

"Yup, ang sabi ni Tito na after matanggal yung cast ko sa paa ay ako na ang bahala kung kailan ko sisimulan ang panliligaw ko kay Miss Future Valedictorian.." masayang kwento ko sa kanila

"So? Manliligaw ka na? It means umamin ka na kay Bambi na love mo sya more than a friend?" tanong ni Rick at nag nod na lang ako

"Alam na ba ni Bambi na pwede ka nang--" di natapos ni Kris ang sasabihin nang biglang may nagsalita sa likuran namin

"Anong alam ko na?" nagulat kami ng biglang dumating ang girls at nagsalita bigla si Bambi

"Bambi, anong ginagawa nyo dito?" nauutal kong sabi

"Sa inyo ba tong mall?" ay nang-aasar na naman po sya

"Ayy!!" sambit ko

"Joke lang!! Eto naman, emo talaga!!" sabay hawak sa pisngi ko at kinurot ito

"Ikaw kasi eh!!" lungkutan face kong sabi

"Oh bakit!!? Masama bang kurutin ko ang pisngi ng bestfriend ko!!" sabay kurot naman sa kabilang pisngi, ang sakit talaga oh..

"Ahm Bambs, nasabi na ba sa iyo ni Josh ang tungkol sa --" bago pa masabi ni Rick ay tinapalan ko na sya na tissue

"Ahm sabi kasi ng doktor Bambs, na okay na ako na pwede na akong makapaglakad ng normal, kaya pwede na kitang habulin kapag inaasar mo ako.." taas kilay kong sambit sa kanya

"Sigurado kang yun lang?" sambit ni Bambi

"Sigurado ako.."  nauutal kong sambit

"O sya!! Alis na po kami, manonood muna kami ng sine, bye boys!!" sambit ni Luisa at akmang aalis na ang girls ng..

"Di kami kasama?" tanong ni Rick

"Its a girls date!!! Di namin sinabi na barkada date to or literal na date ng mag jowa, so no boys allowed kaya bye!!" at tuluyan ng nakaalis ang girls

Nang makaalis na ang girls..

"Bro  bakit di mo man lang sinabi kay Bambi ang agenda mo sa kanya?"  binatukan ako ni Rick

"Sira ka ba bro, edi wala ng surprise at wala ng thrill.." sambit ko sa kanya

"Sabagay, so kailan ang plano mo?" tanong ni Kris

"Sa monday, at tutulungan nyo ako don.." sambit ko

"Ano? di kasama ang girls?" gulat na sambit ni Kris

"Kayo lang mga bro, sapat na!! Kaya bukas magpaplano tayo, game?" simpleng sambit ko

"Game!!" sabay sabay namin sambit

Meanwhile...

Habang nabili ng popcorn sila Belle at Luisa, naiwan sila Bambi  at Aya sa may entrance ng  sinehan..

"Bambs?" tawag pansin ni Aya kay Bambi

"Oh?" sagot ni Bambi

"What's the real score between you and Josh?"  tanong ni Aya na ikinagulat ni Bambi

"Ano na naman yan hah?" deny to death ni Bambi

"Sabihin mo na lang kaya sa akin.." say ni Aya

"Sige na nga, mapilit ka eh..nagtapat na kasi ako kay Josh na gusto ko sya!!" kwento ni Bambi kay Aya

"Talaga!!!!??"  sigaw ni Aya, na ikinatingin ng mga tao sa may entrance ng sinehan

"Aya naman!!! Wag naman OA!! Nakakahiya oh pinagtitinginan tayo ng mga tao oh!!!" bulong ni Bambi kay Aya

"Sorry, eh si Josh ba ay nagtapat na rin?" tanong ni  Aya kay Bambi

"Oo eh, he felt the same as I felt.." nahihiyang sambit ni Bambi, halata naman ang kilig ni Aya

"So, nanligaw na sya?" tanong ni Aya

"Di ko alam, parang di pa eh.." malungkot na sambit ni Bambi

"Naku Bambs, don't you worry, sigurado naman ako na naghaanap lang yun ng tyempo para official kang tanungin kung pwede ka nang ligawan, kaya tama ng sad face okay..?"  pag-aassured ni Aya kay Bambi

"Salamat Aya ha!! The best ka talaga!!"  ngiting sambit ni  Bambi

"No worries!!" say ni Aya

"Sis!! Aya!! tara na!! Pasok na tayo!!" kumaway si Belle kila Bambi

"Tara na nga Aya!!"  sabay hila kay Aya ni Bambi papasok ng sinehan..

"Manghila ba!!?" reklamo ni Aya, tinawanan na lang sya ni Bambi

Masayang pumasok ang girls sa loob ng sinehan...

=============================================================

Mukhang hinihintay na alng ni Bambi ang paramdam ni Josh?

Eh si Josh mukha ready na to take their friendship to the next level?

Get ready....

Abangan....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top