Chapter 23: Yung Totoo!!?

Continue....

"Mahalaga ba ako sayo?"  nawindang si Bambi ng biglang na lang tanungin sya ni Josh

"Anong klaseng tanong naman yan?" say ni Bambi

"Sagutin mo lang ang tanong ko sayo.." seryosong sambit ni Josh

"Ahm..Oo naman, mahalaga ka sa akin noh, mag bestfriend tayo di ba?" nauutal na sambit ni Bambi

"Yung totoo?" napatingin si Bambi kay Josh ng sambitin nya ang mga katagang iyon

"Anong totoo Josh?" kinakabahang tanong ni Bambi ng..

"Oh baka matunaw ang isa sa inyo dyan sa titigan portion nyo!!" save by the bell si Bambi, nakahinga sya ng maayos ng dumating sila Belle

"So tara na?" aya ni Jacob

"Bambi, hopefully malaman ko ang totoo within the week kong pag stay sa inyo.." yan ang huling katagang paulit ulit na nagrireplay sa utak ni Bambi hanggang sa pag-uwi nila

Fast Forward...

Monday Night...

Dinner Time with the Fortez Family..

Kasalukuyan nag didinner ang pamilya nila Bambi, kasama na syempre si Josh..

"Josh iho.." tawag ni Irene kay Josh

"Yes po tita?" sagot ni Josh

"Feel at home ka hah, wag kang maiilang kung puro girls kami at si tito Ted mo lang ang lalaki dito hah" payo ni Irene kay Josh

"Sure po tita, tsaka kasundo ko na naman po sila Belle.." simpleng sagot ni Josh at nagpatuloy na kumain

Samantala si Bambi naman ay tahimik na nakain at walang kibo ng tanungin sya ni Belle..

"Sis? Are you okay?" tanong ni Belle

"Uhm..oo naman ate okay lang ako, no need to worry" simpleng sagot ni Bambi

"Bambi anak?" si Ted

"Po?" tugon ni Bambi

"Pansin ko lang nag space out ka sa usapan namin lalo na kay Josh? May problema ba kayong dalawa?" sunod sunod na tanong ni Ted kay Bambi

"Wala naman po tito, pagod lang po siguro kami pareho kaya di po kami nag-uusap.." paliwanag ni Josh

"Pasensya na po daddy, pagod lang po talaga, sorry po" nahihiyang sagot ni Bambi

"Okay, kung may problema kayong magkapatid o kayong magkaibigan, feel free to talk okay?" tanging sambit ni Ted at nagpatuloy sila sa pagkain ng dinner

Fastforward...

Bambi's Room

Nakatulala lang si Bambi sa kwarto nya, at naisipan na lang nya na ituloy na basahin ang librong binabasa nya, matagal rin syang natigil sa pagbabasa nito kaya itutuloy nya..

[ Pagpapatuloy....

"Anong sinabi mo!?" gulat na sabi ni Barbara

"Pakiulit nga Raphael, anong sabi mo nililigawan mo na ang kaibigan ko? Parang ang bilis naman ata ng mga pangyayari kanina lang ikaw pa itong galit nung binangga mo sya, tapos ngayon manliligaw ka na, ni hindi pa nga kayo ganoon magkakilala, diba kapapasok mo lang dito sa eskwelahan namin" sunod sunod na sambit ni Ligaya na walang preno

"Kaya nga naman Raphael, kay bago bago mo palang dito sa amin, panliligaw na agad ang gagawin, at sa lahat pa ng babae dito, itong si Barbara pa ang napili mong ligawan, eh hindi nga pinapaligawan ng mga magulang nya iyan, aral muna bago ligaw, tsaka..." di na natapos si Linda ng

"Pwede magsalita?" sabat ni Raphael na nakahawak pa rin sa kamay ni Barbara

"Masusunod" sambit ni Ligaya

"Sa totoo lang, Oo nagalit ako kanina nung nabangga ko siya, gusto ko lang naman humingi ng pasensya sa mga inasal ko sa kanya kanina eh.." pagpapaliwanag ni Raphael

"Tapos?" si Ligaya

"Humihingi sana ako sa inyo ng permiso na kung pwede ko syang ligawan.." pagtatapos ni Raphael, lalong nanlaki ang mata ni Barbara

"Hep!! Hep!! Mister Raphael, tinatang--" hindi natapos si Barbara ng

"Sinasagot mo na sya Barbara!" gulat na sambit ni Linda

"Patapusin mo muna ako Linda, pwede?" sambit ni Barbara na ikinatahimik ni Linda

"Raphael, tinatanggap ko na ang pasensya mo sa nangyari kanina, pero tungkol sa panliligaw na gusto mo, hindi pa ako handa sa ganyan, tsaka yan ang kabilin bilinan ng aking mga magulang na mag-aral muna bago magpaligaw, pasensya ka na" sabay bitaw sa pagkakahawak kay Raphael

"Pasensya na rin, unang araw palang ng klase ko dito sa inyo, ganto agad ang hanap ko sa inyo, pero sana pwede maging magkaibigan tayo? Pwede ba?" lahad ng kamay ni Raphael sa harap ni Barbara

"Basta walang pagyayabang na magaganap ha?" banta ni Barbara

"Pangako, magiging  mabait akong kakaklase at kaibigan sa magandang binibini katulad mo" sabay taas ng kamay si Raphael na ikinatawa ni Crisanto at Angelo

"Uso na pala ang baduy sa panahon ito!" natatawang sambit ni Angelo

"Mabuti kung ganon, simula ngayon magkaibigan na tayo!" pagtanggap ni Barbara sa pagkakaibigan ni Raphael na may ngiti sa kanyang mga labi

"Dyan nag-uumpisa ang lahat, kaibigan nauuwi sa ka-ibigan!" hayag ni Ligaya

"Okay tama na iyan at kumain na tayo, malapit ng matapos ang oras ng kainan" sambit ni Crisanto at nagsikain na silang anim

Pagkatapos ng panghuling klase...

Sabay-sabay na lumabas ng paaralan sila Barbara, Ligaya, Crisanto, Linda at Angelo ng..

"Huy! Sandali.." sigaw ni Raphael na pagod na pagod sa kahahabol sa lima

"Bakit ka tumatakbo? Hinga na hingal ka tuloy.." pag-aalala sabi ni Barbara

"Naku, nag-uumpisa na.." pinandilatan ni Ligaya si Crisanto kaya natahimik ito

"Hinabol ko kaya kayo, gusto ko sana sumabay sa inyo pauwi" sambit ni Raphael na hingal na hingal pa rin

"Hindi pa kami uuwi Raphael, maaga pa naman, pupunta muna kami sa pahingahan namin pagkatapos ng klase" sambit ni Barbara

"Saan naman iyon?" takang tanong ni Raphael

"Malapit lang dito iyon, may maliit na sapa kung saan pwede kang maligo" sambit ni Ligaya

"Pwede akong sumama?" tanong ni Raphael

"Pwede naman, magkaibigan na tayo di ba?" lahad ng kamay ni Barbara kay Raphael

"Ano naman yan?" sabi ni Raphael

"Tara na, pumunta na tayo doon.." sambit ni Barbara, sabay higit sa kamay ni Raphael at nauna na silang naglakad

Habang nangunguna maglakad ang dalawa habang nakasunod ang iba..

"Ligaya?" si Linda

"Bakit?" sagot ni Ligaya

"Parang kay bilis naman  ata ng pangyayari? kaibigan palang pero palang sila na" pag-oobserba ni Linda sa kinikilos ni Raphael at Barbara

"Ganyan din ang aking obserba sa kilos ni Barbara, parang iba ang kanyang ngiti habang kasama iyan si Raphael, parang lahat ng inis nya dyan sa lalaking yan ay nawala na lang ng parang bula" sagot ni Ligaya

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakarating sila sa kanilang paroroonan..

Habang abala sa paliligo ang apat, nanatili sa kanilang tambayan si Barbara na nakatanaw sa kanyang mga kaibigan ng tabihan sya ni Raphael

"Ayaw mo bang sumama sa kanila?" sambit ni Raphael

"Sa totoo lang nasanay na sila na pinagmamasdan ko lang silang maligo.." sambit ni Barbara na nakatanaw pa rin kila Ligaya na masayang nagtatampisaw

"Bakit naman?" tanong ni Raphael

"Sa totoo lang Raphael, hindi kasi ako marunong lumangoy" sabay tingin ni Barbara kay Raphael

"Kaya kontento ka na pagmasdan na lang sila nagsasaya habang ikaw ay nakaupo lang dito" sambit ni Raphael

"Parang ganon na nga, eh ikaw bakit ayaw mong sumama sa kanila, huwag mong sabihin hindi ka rin marunong lumangoy?" takang tanong ni Barbara kay Raphael

"Marunong naman akong lumangoy, kaya lang wala kang kasama dito kaya napagdesisyunan kong manatili na lang dito para may kakwentuhan ka" taas kilay na sabi ni Raphael na ikinangiti ni Barbara

"Kung ganon, magkwento ka nga tungkol sa buhay mo bago ka napunta sa eskwelahan namin?" pag uumpisa ni Barbara

"Sa totoo lang Barbara, wala pa akong ibang napagsasabihan ng problema ko at buhay ko, kung paano ako bago ito.." umpisa ni Raphael

"Mukhang ang lalim" biro ni Barbara, ng makita niyang seryoso na si Raphael natahimik na lang siya at nakinig

"Sayo ko pa lang ito sasabihin, kahit sa mga magulang ko hindi ako ng kukwento.." si Raphael na seryoso na ang ekspresyon

"Nanligaw na ako noon, buong akala ko may gusto rin sya sa akin, kaso sa huli may iba na pala sya, napakasakit para sa akin na ibinigay mo ang lahat sa kanya tapos malalaman mo nang may iba na pala sya, naging pariwara ang buhay ko noon, dahil sa kanya, mga dating matataas kong grado ay bumaba, nag umpisa na rin mag iba ang ugali ko naging masungit na ako, yumabang dahil akala ko mapapansin nya ako kapag pinantayan ko ang gusto niyang makita sa isang lalaki pero bigo pa rin ako, nang malaman na ng magulang ko ang nangyayari sa akin napagdesisyunan na nilang ilipat ako dito, kaya pasensya kana kung gusto agad kitang ligawan, akala ko kasi dito makakahanap ako ng babae makakapagpasaya sa akin yung hindi ako papaasahin.." naluluha na si Raphael sa kanyang pag kukwento habang si Barbara naman ay unti unting naiintindihan ang sitwasyon ng kaibigan

"Raphael, wag kang mag-alala nandito naman ako para damayan ka sa mga problema mo, alam kong gusto mong  maging masaya, nandito lang ako, kahit bilang kaibigan man lang, mapasaya kita" pagpapakalma ni Barbara kay Raphael

"Salamat Barbara ha, salamat sa mga pag-aalala mo sa akin at sa pagdamay sa problema ko, salamat!" sa isang iglap ay napayakap na lang si Raphael kay Barbara at ito naman ay malugod na tinanggap ni Barbara at yumakap na rin pabalik

Sa sapa...

"Pare, parang iba na talaga yung dalawang iyon" turo ni Crisanto sa dalawa habang magkayakap

"Oo nga diba Linda?" tanong ni Angelo kay Linda

"Kaya nga, ang bilis nilang magkasundo, Ligaya?" hinarap ni Linda si Ligaya na nalaki ang mga mata sa dalawa habang mag kaakap.

"Ligaya? Huy!" gulat ni Linda kay Ligaya

"Sa tingin nyo okay lang sa inyo kung manligaw yan si Raphael kay Barbara?" tumingin lahat sa sinambit ni Ligaya

"Kung sa aming dalawa ni Crisanto, okay lang mukhang mabait naman yang si Raphael..diba Crisanto?" tanong ni Angelo kay Crisanto

"Okay lang din sakin" sagot ni Crisanto

"Ligaya, sa totoo lang okay lang sa akin na manligaw yan si Raphael kay Barbara, pero papaano ang mga magulang ni Barbara, kabilin bilinan diba nila huwag muna magpapaligaw yan si Barbara habang di pa siya nakakatapos ng pag-aaral?" pag-aalala tanong ni Linda

"Alam ko iyon, pero tignan mo naman mukha silang nagkakaunawaan na, kulang na nga lang na maging sila na eh" sabi ni Ligaya habang pinag mamasdan sila Raphael at Barbara

Balik tayo kila Barbara at Raphael..

Napakalas si Raphael sa pagkakayakap

"Pasensya ka na Barbara, napayakap tuloy ako sa iyo, pasensya ka na nadala lang ng emosyon" nahihiyang sambit ni Raphael

"Okay lang, wala naman kaso don" masayang sambit ni Barbara

"Sabagay, tama ka doon sa punto mo iyon" natatawa sambit ni Raphael

"Paano? Tara na, uwi na tayo magdidilim na oh baka mag-alala pa sa atin ang mga magulang natin" sambit ni Barbara

"Okay, tawagin ko na sila ha" sambit ni Raphael at tinawag niya ang iba at sila ay masayang nagsiuwi sa kanilang mga tahanan

Sa Tahanan nila Barbara....

Sa kanyang kwarto...

"Hay! daming nangyari!" sambit ni Barbara sa sarili sabay higa sa kanyang kama

"Kumusta na kaya si Raphael, ang daming pinagdaanan ng taong iyon, pero masaya akong naging kaibigan ko siya, para naman maging masaya na siya" sambit ni Barbara sa kanyang isipan ng tumunog ang kanyang telepono, si Raphael

"Raphael napatawag ka?" sagot ni Barbara sa kabilang linya

"Wala lang, kinukumusta lang kita kung nakauwi ka ng maayos" sambit ni Raphael sa kabilang linya

"Naku, okay lang ako, ligtas akong nakauwi sa amin, nasa kwarto na nga ako eh" masayang sambit ni Barbara habang kausap sa telepono si Raphael

"Mabuti naman kung ganoon, paano matulog ka na, kita na lang tayo bukas sa eskwela, tulog na sana mapanaginipan mo ako" natatawang sambit ni Raphael sa linya

"Asa ka naman na mapapanaginipan kita, tulog na, paalam!" pinatay na ni Barbara ang kanyang telepono na may ngiti sa kanyang mga labi

"Bakit ganto? sobra saya ko kapag nakakausap ko sya, simula nung malaman ko ang kanyang pinagdaanan, di ko na maiwasan isipin siya, ano ba ito!! Makatulog na nga!" at tuluyan ng sinakop ng antok si Barbara hanggang siya ay makatulog ng may ngiti sa kanyang mga labi ]

Napatigil si Bambi ng may  kumatok sa kanyang kwarto, laking gulat nya si Josh pala iyon,  bigla nyang sinara yung libro at nilapag sa lamp table nya..

"Naistorbo ba kita?" tanong ni Josh

" Uhm..di naman, pasok ka.." nauutal na sambit ni Bambi

"Salamat!" dahan dahan pumasok si Josh sa kwarto ni Bambi dahil nakasakly pa rin sya gawa ng fracture nya sa left leg nya, umupo siya sa may gilid ng kama ni Bambi

Nabalot ng katahimikan ang paligid nang basagin ito ni Bambi, lumapit sya at tumabi kay Josh..

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Bambi kay Josh dahil tahimik itong pumasok sa kwarto ng dalaga

"Di kasi ako makatulog, di mawala sa isip ko yung sinabi ko sayo kanina bago tayo umuwi.." natahimik bigla si Bambi ng banggitin ulit yun ni Josh

"Uhm Josh..tungkol dun sa sinabi mo kanina yung totoo nyan eh.." nagsalita na si Bambi

"Ano yung totoo?" tumingin si Josh sa mga mata ni Bambi

"Alam kong masyado pang maaga at alam ko di dapat ito yung dapat maramdaman ko.." panimula ni Bambi

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Josh

"Josh, gusto kita, hindi bilang kaibigan higit pa don, and I think I'm falling in love with you.." nasabi na ni Bambi ang matagal nyan tinatago feelings para sa bestfriend nya

"Kailan pa to?" gulat na tanong ni Josh

"Nung sa bookstore, after kasi namin ni ate mamili eh nakita ka namin sa may park ng subdivision mag-isa, after nun di ka na mawala sa isip ko non, sabi daw ni ate na crush na daw yun pero tinanggi ko noon kasi akala ko totoong masamang tao ka, nasungitan pa kita nung magkita ulit tayo sa school, tapos inaasar mo pa ako, kaya lalo tuloy akong nainis sa iyo, pero things change, simula nung nagsorry ka sa akin sa mga ginawa mong pang-aasar sa akin, narealize ko na mabait ka rin naman pala, na sa kabila ng kaangasan mo nung first day eh may itinatago ka rin palang bait, dun lahat nagstart, sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo, natatakot kasi ako, at naguguluhan pa nung mga panahon iyun, inusisa na rin ako ni ate tungkol dito pero di ko sinabi sa kanya" paliwanag ni Bambi habang nakayuko sya, ayaw nyang tignan si Josh dahil nahihiya sya

"Bambi..tumingin ka sa akin.."  iniangat ni Josh ang mukha ni Bambi para tumingin ito sa kanya

"Galit ka ba? Okay lang, kasi di ko rin naman ineexpect na magkakaroon ako ng feelings for you..sorry.." naluluha na si Bambi, agad naman pinunasan ni Josh ang mga luha nitong tumutulo

"Sssh!! Tahan na,di ako galit sayo okay!! sa totoo nyan eh gusto ko rin sana mag sorry rin sayo.." sambit ni Josh

"Para saan?" tanong ni Bambi

"For the same reason as yours, pinilit ko ipinaintindi sa sarili ko na friends lang tayo, pero simula nung pinatawad mo ako sa lahat ng ginawa kong pang-aasar sa iyo, dun ko nadama yung feeling na meron rin palang babae na muling magbibigay ngiti ng ngiti, hindi dahil sa hinahabol ka nila para makuha yung atensyon, kung di ay pinakita nila na kung ano sila, na hindi sya basta basta magpapakadesperada habulin ako para mainlove sa kanya, gaya nga ng sinabi ko sayo nung humingi ako ng sorry sayo, your different from any other girls Bambi, despite na maraming nanliligaw sa iyo noon.."  paliwanag ni Josh pero nagsalita bigla si Bambi

"Ano bang ibig mong sabihin? Deretsuhin mo na kasi.." medyo napapangiti na rin si Bambi kahit alam na nya kung ano ang pinupunto ni Josh, gusto pa rin nya marinig ang point non

"I like you too Bambi, not just as a friend but more than that, and I think I falling in love with you too.." deretshan sabi ni Josh, nasisilayan na ni Josh ang ngiti sa mga labi ni Bambi

"So?" tangin tanong ni Bambi

"Tayo na?" pagbibiro sabi ni Josh

"Agad-agad? Nanliligaw ka na ba?" natatawang sagot ni  Bambi

"Sabi ko nga..Biro lang naman.." natatawang sambit ni Josh

"Eh kung gusto mo naman manligaw, okay lang naman kaso.." pagpaparinig ni Bambi

"Kaso?" tanong ni Josh

"Magpaalam ka muna kila mommy at daddy for their approval, ayaw ko naman na i-secret sa kanila kung anong meron sa atin eh.." suggest ni Bambi

"Kung yan naman ang gusto mo, masusunod aking prinsesa!!" sabay kurot sa ilong ni Bambi

"Aray!!!" sabay himas sa ilong nya

"Gusto mo kiss?" kindat ni Josh

"Sapak gusto mo? Di ka pa nga nanliligaw!!? Kiss agad!!?" sabay pakita ni Bambi ng suntok pose nya

"Joke lang, eto naman!!" sambit ni Josh sabay yakap kay  Bambi ng mahigpit, nagulat si Bambi, ngunit yumakap din ito pabalik 

Kumalas sila sa pagkakayakap at tumingin sa isa't isa..

"I LOVE YOU!" sambit ni Josh kay Bambi

"ANO YAN HAH!!!??"  napatingin ang dalawa sa may pinto dahil biglang nagsalita si..

==========================================================================

OMG!!!!  Confession overload!!! 

Sino kaya yung nagsalita?

Abangan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top