Chapter 20: Getting Closer
3 weeks had passed....
Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung maging friends sila Bambi at Josh, dating nag-aasaran, salungat ang ugali sa isa't isa, ngayon ay magkasundong magkasundo na, daig pang magjowa pero di pa sila mag on, kahit ang mga kaibigan na nila ang nagsasabi na parang sila pero hindi pa sila...
Saturday Morning...
Nagkayayaan ang barkada pumunta ng mall, kaya ayun mag mamall sila, barkada na sila Josh, Jacob, Rick at Kris kila Bambi, Belle, Luisa at Aya..
"Bambi!!! Bangon na, di ba may malling pa tayo ngayon!!?" sigaw ni Belle mula sa baba
"Ay oo nga pala!!!" balikwas si Bambi ng tayo, at nag-aayos, nakapaligo na sya ngunit di pa sya nakakapagsuklay kaya bumaba siya ng nakasabit ang suklay sa buhok nya
Nang makarating na si Bambi sa may dining area nila, nanlaki ang mga mata nya...
"Morning Bess!!!" bati ni Josh sa kanya, bigla si Bambi nahiya sa itsura nya at dali dali syang nagsuklay sa may salamin ng living room nila..
"Nangyari don?" takang tanong ni Josh kay Belle
"Nahiya siguro sa itsura, masanay ka na dyan sa kapatid ko, ganyan yan kapag kami lang nila mommy at daddy, di ba my?" sambit ni Belle kay Josh
"Kaya nga iho, masanay ka na dyan sa bunso namin, ganyan yan..di ba Ted?" sambit ni Irene kay Josh
Tapos ng magsuklay at mag-ayos si Bambi at umupo na siya para makapag-agahan..
"Bess?" tanong bigla ni Bambi kay Josh
"Oh?" sagot ni Josh
"Kay aga-aga mo dito at dito ka pa talaga makikikain hah? Wala ka bang bahay?" sermon agad ni Bambi kay Josh
"Anak naman, ang aga sermon naman yan pinapakain mo sa kaibigan mo, welcome naman lahat ng kaibigan nyo ng ate mo dito" saway ni Irene kay Bambi
"Kaya nga naman Bess, makinig ka naman sa mommy mo, diba po tita?" sumang-ayon naman si Josh sa mommy ni Bambi
"Sige na, pwede ka na dito kumain, pasalamat ko bess kita kung hindi.." banta ni Bambi
"Oh tama ng asaran nyong dalawa, mabuti pa magsikain na kayo at alam kong may lakad pa kayo.." sambit ni Ted at nagsikain na sila
Habang nakain sila...
"Josh?" tawag ni Ted kay Josh
"Bakit po tito?" tanong ni Josh
"Kayo ba talaga bang kayo ng anak kong ito ay mag bestfriends lang talaga?" biglang nasamid si Bambi sa tanong ng daddy nya kay Josh
"Anyari sayo sis?" gulat na sabi ni Belle
"Wala nasamid lang.." sambit ni Bambi
"Opo tito, magbestfriends lang po kami ni Bambi.." simpleng sagot ni Josh
"Talaga? Hindi ba pumasok sa isipan mo ligawan tong bunso namin? " muntik nang maibuga ni Bambi ang tubig sa mukha ni Josh ng tanungin si Josh nito
"Abay sis, ano bang nangyayari sa iyo? kanina nasamid? ngayon naman muntik mo nang maibuga yang iniinom mo sa mukha ni Josh?" sunod sunod na tanong ni Belle kay Bambi
"Okay ka lang Bess?" sabay abot ng tissue si Josh kay Bambi
"Okay lang ako, daddy naman kasi, mga pinagtatanong mo po kay Josh eh, nakakahiya!!" nahihiyang reklamo ni Bambi sa daddy nya
"Oh bakit? Masama bang tanungin ko iyun mga iyun sa kaibigan mo? so ano iho?" sambit ng daddy ni Bambi
"Wala pa po sa isipan ko po iyun tito, baka nga po pag nanligaw ako dyan kay Bambi, busteding agad ako nyan, napakapihikan, bago nga po kami magkakilala nyan, eh madami na nga daw nanligaw dyan, kabilang na nga po si Kris, saglitan lang busted, ngayon si Kris trying his luck with Aya!!" masayang kwento ni Josh
"Grabe ka naman sa pihikan!! di naman, sadyang wala sa kanila ang ninanais ng puso ko!!" ngiting sambit ni Bambi na may halong kilig
"Aba!! nagiging makata kana ngayon ah, ibang level na yang IQ mo sis to the highest level!!" sambit ni Belle na may matching taas ng kamay pa
"Kung wala sa kanila anak? sino?" takang tanong ni Ted
"Hay naku!! tama na nga muna yang ligaw ligaw na yan darating rin kayo dyan, basta ang mahalaga mag-aral kayong mabuti, at kung, tandaan niyo itong magkapatid, kung may manligaw sa inyo sa edad nyong yan, sabihin muna sa amin ng daddy nyo para ng aming mapag usapan okay? sa ngayon aral muna, okay ba girls?" tanong ni Irene sa dalawa
"Yes po mommy!!" sabay na sambit nila Bambi at Belle
"Okay!! so paano? prepare na kayo at baka naghihintay na sa inyo sila Aya sa tambayan nyo" sambit ng daddy nila Belle at Bambi
Tapos ng mag-agahan ang Fortez Family kasama si Josh..
"Mommy, Daddy, punta na po kami nila Bambi at Josh!!" sabay beso ng magkapatid sa mga magulang nila
"Oh sige!! mag-ingat kayo hah, umuwi sa oras okay?" sambit ni Irene kila Bambi at Belle
"Sure po mommy!!" sabay na sambit ni Bambi at Belle
"Oh Josh!! Ikaw ng bahala kay Bambi, alam ko naman may magbabantay dyan kay Belle!!" bilin ni Ted kay Josh
"No problem po tito!! Ako na po bahala sa bess ko!! di ba Bess?" sabay akbay ni Josh kay Bambi
"Alam mo ikaw!! Napakasipsip mo kila daddy!!" sambit ni Bambi, sabay kurot sa ilong ni Josh
"Aray naman Bambi!! Sakit non hah!!" reklamo ni Josh sabay himas ng ilong
"Tama na nga kayo dyan pumunta na kayo!!" say ni Irene
At nagsipunta na nga ang tatlo sa tambayan nila kung saan naghihintay sila Jacob..
"Tagal nyo naman Belle?" reklamo ni Rick na nakaupo sa swing sa tambayan nila sa may park ng subdivision
"Hoy Montano!! Huwag mo akong sisihin, tanungin nyo yung dalawa magbestfriend na parang sila pero hindi pa sila?" sabay tingin ni Belle kila Bambi at Josh na nag-aasaran na naman
"Bro, Bambs? ano na naman yang asaran na yan?" tanong ni Jacob sa dalawa
"Eto kasing kaibigan nyo, nanghihingi ng kiss sa nose dahil kinurot ko kanina.." reklamo ni Bambi
"Totoo naman eh!!" pag-iinarte ni Josh na hinihimas himas ang ilong nyang nakurot ni Bambi
"Bakit ba kasi ayaw mo pang pagbigyan Bambi? Kawawa naman si Bro oh, himas himas pa ng ilong nyang magang maga sa kurot mo.." tanong ni Kris na nakaakbay kay Aya
Humarap bigla si Bambi kay Josh..
"Ayan na Bro!!" excited na sambit ni Rick
"Josh, mamili ka, halikan ko yang ilong mo na nakurot ko lang pero di kita papansin buong araw sa malling natin o titigil ka na nang mag-inarte dyan sa ilong mo?" hala nagbanta na si Bambi kay Josh, natahimik ang barkada at hinihintay ang sagot ni Josh
"Eto naman!! Oo na sige na, di ko na ipipilit ang gusto ko, takot ko lang na di mo ako pansinin buong araw" pagsuko ni Josh
"Good!! sabi ko na nga ba hindi mo kakayanin di kita pansinin eh!!" natatawang sambit ni Bambi
"Nice one Bro!! matatakutin ka pala ngayon? dati kung asarin mo si Bambi, wagas, bad boy na bad boy pa ang dating, ngayon, di ka lang pansinin ni Bambi, tiklop ka na" natatawang say ni Rick
"Oo na, ako ng tiklop ngayon, eh ganon talaga eh nagbabago lahat, eh bestfriend ko to eh, ikalulungkot ko talaga pag di ako pinansin nito.." sabay akbay ni Josh kay Bambi
"Tama ngang drama, tara na bukas na kaya ang mall!!" reklamo ni Luisa
"KJ naman ni Luisa bro!! Rick amuin mo nga?" biro ni Kris na nakaakbay pa rin kay Aya
"Suntok gusto mo Montano!!" banta agad ni Luisa kay Rick
"Wala na ako magagawa bro!! Baka masuntok ako nyan, edi siya pang nanalo sa eleksyon, dahil wala na ang kagwapuhan ko" pagmamalaki ni Rick
"Panis!!! Umiral na naman ang kahanginan mo Montano!!" pang-aasar ni Josh
"Tumigil ka nga dyan Bro!! Si Bambi na lang atupagin mo.." banat ni Rick
"Hoy Rick, bat nadamay na naman ako dyan?" sabat ni Bambi habang nakaakbay pa rin si Josh sa kanya
.
" Nang aasar kasi yang bess mo eh!!" say ni Rick
"Tama na yan, ayan na ang van namin oh!!" nagsalita na rin si Aya at nagsisakay na silang papuntang mall
Fastforward....
Mall...
After manood ng movie ng barkada ay nag lunch muna sila after non, ay nag kanya kanyang gala muna sila..
Kris and Aya side..
"Aya?" tawag ni Kris
"Bakit?" sagot ni Aya habang namimili sa supermarket
"Im so happy na pumayag kang ligawan kita kahit nalaman mong niligawan ko dati ang bestfriend mong si Bambi dati.." masayang sambit ni Kris
"Matagal na yun Kris, kaya wala na sa akin, tsaka sinabi rin naman sa akin ni Bambi na wala syang gusto sayo.." kwento ni Aya
"Aray naman, pero joke lang, okay na rin naman kami ni Bambi eh, tsaka meron na syang Josh na.." tinignan ni Kris si Aya
"Parang sila pero hindi pa sila!!" at sabay silang nagtawanan
Belle and Jacob side...
Department Store..
Busy sa pamimili ng damit si Belle ng kalbitin sya ni Jacob..
"Jacon naman!! Manggulat ba?" reklamo ni Belle
"Sorry naman, ang busy mo kasi dyan eh" kamot ulo say ni Jacob
"Mahilig kasi ako bumili ng damit, tapos laging dalawa para kay Bambi yung isa, alam mo Jacob, kahit inaasar ko yang si Bambi, mahal na mahal ako ng kapatid kong yun, pero minsan fragile, mabilis umiyak, mabilis mapikon at higit sa lahat mabilis masaktan, may pagkalampa kasi kung minsan ang babaeng yun, pero ako as her ate, Im always here to support and help her, whenever she needs, kaya lang mukhang may bagong protector na si baby sis.." masayang kwento ni Belle
"Si Josh, bakit selos ka ba kay Josh dahil lagi syang kasama ng kapatid mo?" tanong ni Jacob kay Belle
"Hindi naman, actually okay naman si Josh eh, kahit minsan o madalas naman nyang asarin si Bambi, nagiging okay naman sila in the end, tsaka, okay na rin yun na may boy na friend si Bambi para may nagtatanggol sa kanya sa mga masasamang loob, alam mo naman ang paligid ngayon.." sagot ni Belle
"Boy na friend or boyfriend ng kapatid mo?" biro ni Jacob
"Boyfriend ka dyan? kailangan muna ng approval nila mommy yan bago magpaligaw si Bambi.." say ni Belle
"Eh ako pwede bang mag-aapply na manliligaw sayo?" kindat ni Jacob
"Alam mo Jacob!! Kung mag-aapply ka, puntahan mo muna ang mommy at daddy ko bago sa akin pwede?" tingin ni Belle kay Jacob
"So ibig sabihin, pwede na akong manligaw sayo?" si Jacob
"Ang sabi ko dun ka muna magpaalam sa mommy at daddy ko okay? Tara na nga!!" sabay hila ni Belle kay Jacob
Rick and Luisa side
Food court...
Walang ginawa si Rick kung ang kumain ng kumain..
"Pwede ba Rick? Bilisan mo nang kumain dyan, kakakain lang natin kanina, eto ka na naman ngayon lumalamon na naman, sayang ka baka tumaba kay mawala yang pinagmamalaki mong kagwapuhan mo.." banta ni Luisa
"Hoy excuse me Luisa dear, kahit na kumain ng kumain ako eh gwapo pa din ako dahil after ng eating session ko eh next ko ang hardcore exercise ko noh" pagmamalaki ni Rick
"Ewan bilisan mo na nga dyan, at hanapin na natin sila Bambi at Josh.." say ni Luisa
"Alam mo Luisa, di ka ba nakakahalata sa dalawang yun?" takang taning ni Rick
"Na parang sila pero hindi pa sila, jusko matagal ko nang nahahalata yun, mga 2 weeks ago na, eh mukha naman, like nila ang isa't isa, sadyang dinedeny lang nila" paliwanag ni Luisa
"What if gumawa tayo ng paraan para mag-aminan sila?" siggestion ni Rick at binatukan naman sya ni Luisa
"Ungas ka ba? Hayaan mo na nga ang destiny ang bahalang magparealize sa kanila ang true feelings nila sa isa't isa okay?" sambit ni Luisa
"Okay sabi mo eh!!" tumahimik na lang si Rick at pinagpatuloy ang pagkain niya
Josh and Bambi side
Timezone...
Masayang naglalaro ang dalawa ng arcade games sa timezone ng makita ni Bambi ang favorite nyang stuff toys sa dream catcher at napansin naman ito ni Josh..
"Gusto mo kunin natin yung stuff toy na yun?" turo ni Josh sa gustong stuff toys ni Bambi
"Talaga? Kaya mong kunin yan sa dream catcher?" takang tanong ni Bambi
"Oo naman, gusto mo pang tatlo eh, kaya ko yan, sisiw yan" pagmamalaki ni Josh
"Weh di nga? Gawin mo nga! Tignan natin!!" natatawang asar ni Bambi
"Sige ba!! Akin ang token!!" say ni Josh at inihulog ang token sa dream catcher machine..
First Try: Nakuha nya yung may yellow na ribbon na hello kitty
"Ayan yun isa, dalawa pa!!" pagmamalaki ni Josh
Second try: Nakuha nya yung may red na ribbon na hello kitty
"Eto pa, isa na lang!!" sambit ni Josh sabay abot kay Bambi nung pangalawa
Last Try: Yes!! Nakuha nya yung pink na may ribbon na hello kitty
"Gusto mo pang isa!! papakyawin ko na to!!" paghahamon ni Josh na ikinatawa ni Bambi
"Tama na, okay na to, Thank you for this Josh!! Favorite Stuff toys ko kasi ito, kaya thank you!! I sincerely appreciate it, lahat ng care na binibigay mo sa akin.." masayang sambit ni Bambi
"Di ka ba matatapos mag thank you!! Dont mention it, its my job to make you happy, okay?" sabay ngiti ni Josh kay Bambi na ikinangiti lalo nya
"Basta thank you!!" ngiting sabi ni Bambi habang mahigpit na yakap ang tatlong stuff toys na bigay ni Josh
"So? Ano naman ang ipapangalan mo sa kanila?" tanong ni Josh
"Si Iza tong may yellow na ribbon, si Lovely itong may Red na ribbon at si Eunice itong may pink na ribbon!!!" pakilala ni Bambi sa tatlong hello kitty stuff toys nya
"Hi Iza, Lovely and Eunice.." kinausap ni Josh ang mga hawak na stuff toys ni Bambi na lalong ikinatawa nito
"Wow naman!! Long time, no see Diones!!" natigilan sila Josh at Bambi, tumingin si Josh sa pinanggagalingan ng boses, nanlaki ang mga mata nya..
"Jimbo?" gulat na sambit ni Josh
================================
Bitin...Sino kaya ang taong sumira ng moment nila Josh at Bambi?
Abangan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top