Chapter 19: In Love na ba ako?

Josh's POV

Sa wakas..pumayag rin syang ihatid ko sya pauwi, na walang asaran nagaganap by yours truly, hehe pasensya na, ang cute kasi nya pag naiinis, ngayon ko lang to naramdaman sa lahat ng babae umaaligid sa akin nung sa mga previous schools ko, nakakainis ang mga babaeng ganun kahit ayaw mo sa kanila, sunod ng sunod pa rin sayo, syempre dahil sa dati kong tropa noon na walang ginawa kung hindi ay masangkot sa gulo at ako ang lagi nilang pain para gawin ang gusto nila kung hindi lagot ako, hay!! buti inilipat na ako ni ate ng school kung hindi, patuloy akong matotorture sa grupong yun, well kahit medyo di maganda ang unang araw ko sa Westridge eh naayos ko naman kinabukasan dahil sa anghel na kasama ko ngayon, hay!! kakaiba talaga sya noh!! Parang kulang ang araw ko kapag di ko sya nakakausap o naasar wait di ko na sya aasarin baka masapak na ako ng anghel na to isama mo pa ang ate nyang nagwuwushu ng...

"Huy!!! Juswa!!!" nagbalik ako sa realidad ng bigla akong tapikin sa mukha ni Bambi

"Oh?" tangi kong nasambit

"Nandito na po tayo sa harap ng bahay namin, pwede mo ng tanggaling yung pagkakadena ng kamay mo sa balikat ko?" ngiting sambit ni Bambi, ang ganda nya pag ngumingiti nakakatunaw, isang anghel

"Juswa!! Ano ba? tititigan mo na lang ako ng ganyan, pangiti ngiti ka pa, ang sabi ko pwede mo ng tanggalin ang kamay mo sa balikat ko, nandito na po tayo sa harap ng bahay namin.." sambit ulit ni Bambi at natauhan na ako at inalis ko na ang pagkakaakbay sa kanya

"Ay!! sorry, nandito na pala tayo sa inyo eh, ganda pala ng bahay nyo hah? Medyo malapit na rin to sa amin sa kabilang kanto lang ang bahay namin, same subdivision pala tayo eh.." say ko na napakamot na lang ng ulo

"Alam mo ikaw, kanina napapansin kita sobrang tahimik mo habang naglalakad tayo pauwi, tapos may time na ngumingiti ka mag-isa, ano bang iniisip mo hah?" tanong ni Bambi sa akin

"Ikaw.." patay!! nadulas ang kuya nyo, isip ng palusot nakikita kong nanlaki ang mata nya..Isip Josh!! think..

"Ako?" pagtataka nyang tanong

"Oo ikaw, kasi di ko ma-imagine na magkakasundo tayo sa kabila ng pang-aasar ko sayo, yun!! Masaya kasi ako na okay na tayo..Na friends na tayo!!" sana gumana ang palusot mo Josh

"Okay..So paano dito na ako, ikaw ingat ka pauwi hah?" say sa akin ni Bambi

"Wala bang Goodnight kiss? Tutal gabi na naman oh?" biro ko sabay turo sa langit na nababalutan na ng dilim

"Goodnight kiss ka dyan? Goodnight lang walang kiss, gusto mo to!!" bati sa akin ni Bambi sabay itinutok na naman ang kamao nya sa mukha ko, akala mo hindi ako makakakiss sayo hah!!? Kiniss ko nga ang kamay nyang nakasuntok post sa mukha ko hahaha!! nagulat sya!!

"Goodnight Bambi!!! akala mo di ako makakakiss sayo hahaaha!! Bye!! see you tomorrow prinsesa ko!!!" sabay karipas ko ng takbo palayo, isang magandang pangyayari ang araw na to..

"Josh!!! humanda ka sa akin bukas, gagantihan talaga kita Juswa ka!!!" rinig kong sigaw ni Bambi sa akin, humarap ako sa kanya mula sa malayo at nag flying kiss sa kanya, nakikita ko ang kanyang ngiti sa malayo..

"Aasahan ko yan aking prinsesa, Goodnight!!" huling sambit ko hanggang sa tuluyan na akong naglakad pauwi, ang saya talaga ng araw to!!!

Bambi's POV

Nakaalis na rin si Josh!! Bakit parang di maalis ang ngiti ko ng halikan nya ang kamay ko, eto na ba talaga ang sinasabi nilang love? alam ko dalawang araw palang kami nagkakasama pero parang iba na talaga eh!! Napapangiti nya ako kahit sa simpleng jokes nya hay!!! Makapasok na nga baka magtaka pa si ate bakit wala pa ako..

Pagpasok ko sumalubong sa akin ang kakaibang ngiti ni Ate, nakita kaya nya...

"Oh ate? Good evening, sila mommy?" tanong ko sa kanya na nakacross arms na nakaharap sa akin

"Nasa kusina nag peprepare ng dinner natin, halika nga dito, tara sa kwarto mo mukhang may pag-uusapan tayo" naku mukhang nakita nya nga, no choice ang beauty ko, sumunod na lang ako sa kanya sa kwarto ko

Sa kwarto ko nilock nya yung pinto at hinarap ako...

"So Bambi? What's the status?" seryoso nyang tanong

"Hah?" takang tanong ko

"Anong hah ka dyan? Ang sabi ko anong status nyo ni Josh?" sabay kurot sa tagiliran ko

"Aray ate ah!!! Masakit!!" sambit ko, ate talaga oh

"Talagang masakit kapag di ka nagsabi ng totoo sa akin!!" say ni Ate

"Oo na sige na, sasabihin ko na, pwede tama na ang pangungurot?" reklamo ko

"Okay, sagot!!" mando ni Ate, umupo kami sa kama ko

"Okay na kami, nangako sya hindi na nya ako aasarin, kung di lagot talaga sya sa akin.." masaya kong ikinukwento kay Ate, kinurot na naman ako sa tagiliran, ang sakit naman oh

"Harot!!! eh ano yung nakita ko kanina? Akbay-akbay while walking, tapos meron pang kiss si Josh sa kamay mong nakasuntok pose!!? Yung totoo!!?" pinandilatan ako ni ate, namula ako dahil nakita pala ni ate ang lahat..

"Wala ate, we're just friends!!" nahihiya kong sabi sa kanya

"Yan tayo eh, we're just friends!!? pero saan ka sa pagiging mag-on rin ang tuloy nyan, naku Bambi, style mo pinaglumaan na ng panahon, sinasabi ko sayo, bago ka pumasok dyan, magtanong ka muna kila mommy at daddy, alam mo naman kahit teenager ka na, binababy ka pa rin ng mga yun.." lecture sa akin ni Ate

"Alam ko yun ate, don't you worry, kung sakali man meron someone manligaw, edi i-coconsult ko muna kila mommy at daddy at syempre sayo.." yakap ko kay ate

"Naku Bambi, pa-someone someone ka pa, mukha nandyan na eh, tumatiming lang yun, tignan natin.." pang-aasar sa akin ni Ate

"Ate talaga, friends nga lang kami eh.." say ko sabay kalas sa yakap kay ate

"Friends? Ewan sayo Bambi, say the truth nga? May gusto ka na ba sa lalaking yun?"  naku eto na ang katanungan dapat kong sagutin ng tapat..patay ka..ng..

"Bambi, Belle!!! Dinner is ready!!" hay salamat mommy, you save me!!

"Sige na ate, bumaba ka na at magbibihis lang ako.." tinulak ko si Ate palabas ng kwarto ko

"Pasalamat ka Bambi, sabihin mo sa akin yung sagot mo sa tanong ko pag ready ka na, okay?" rinig kong sigaw ni ate sa may pinto

"Okay ate!!" tangin sambit ko, In love na ba ako kay Josh? Hay!! Buhay!!!

End POV

Back to Josh's POV

Nakangiti ako habang papasok sa bahay namin ng makita ako ni ate sa may sala..

"Iba ang ngit natin dyan ah?" tanong sa akin ni Ate na mukhang hinihintay ako umuwi

"Good Evening Ate!" sabay beso ko kay ate

"Anong meron? At parang may nagpapangiti na sa little brother ko? Something new hah Josh, datirati, nauwi ka dito na isang bakol ang mukha, kung di dahil sa girls na humahabol sa iyo eh bugbog sarado gawa ng dating barkada mong basagulero, pero ngayon iba ang aura natin ah? Who's the lucky girl?" sunod sunod na maintrigang tanong ni Ate sa akin

"Ate naman, wala lang to, di ba pwedeng umuwi ng masaya.." sana makalusot

"Naku Josh Diones, kilala kita, so sino nga ang lucky girl na nagpapangiti sa aking dating bugnutin na kapatid?" no choice di talaga ako titigilan ni Ate

"Kaklase ko po, si Bambi, Bambi Fortez.. pero friends lang po kami ate.." wala eh nasabi ko na

"Bambi Fortez? sound familiar yung name? Ahah!! Sya ba yung honor student ng Westridge? Sya ba?"  daming tanong Ate naman eh

"Ahm..yes ate, tinatawag nga nila sya na Ms. Future Valedictorian?" tama ba nasabi ko

"Oo, ganun nga tawag sa kanya sa school nyo, one time kasi na meet ko sya sa isang competition ng school kung saan inimbita ako ng ninong mo as a guest since alumni rin naman ako ng Westridge, pero di pa kami nagkakausap eh, sana one time ma invite mo sya dito sa atin?" nanlaki ang mata ko ng sabihin ni ate yun

"Po? Ate naman nakakahiya, second day palang namin magkakilala, invite agad? baka anong isipin non eh" salungat ko kay Ate

"Josh, ang sabi ko one time invite mo sya dito..hindi ko naman sinabi, agad agad invite mo, pag-ready ka nang ipakilala sya sa akin okay?" say ni Ate, hay!! nakaluwag ako sa sinabi nyang yun

"Okay, sige po ate, akyat muna po ako, bihis lang po ako.." say ko kay ate sabay akyat sa kwarto ko..

End POV

Natapos na silang parehong mag dinner, dahil wala sila parehong assignments, so tambay muna sila sa kanya kanyang kwarto nila..

Bambi's Room.. (Bambi's POV)

Pinagpatuloy ni Bambi ang pagbabasa ng librong binili nya sa bookstore...

Nagpatuloy ang leksyon hanggang sa....

*Ring*

"Barang, sasabay ka ba sa akin kumain?" aya ni Ligaya (Barang ang tawag ni Ligaya kay Barbara)

"Mauna ka na may inaayos pa ako, susunod na lang ako" sambit ni Barbara habang may isinusulat pa

"Sige sunod ka na lang ha!" sabay alis ni Ligaya

Naiwan mag-isa si Barbara nang...

"Miss Sungit, ano yan pinaggagawa mo ha?" tumingin si Barbara sa pinanggagalingan ng tinig

"Eh sa ano ang pakialam mo Mister Yabang" sambit ni Barbara sa papalapit na si Raphael

"Grabe naman sa Mister Yabang, sa kisig kong ito" pagmamalaki ni Raphael

"Kita mo! sang banda ang kisig mo, eh saksakan ka naman ng yabang.." panlaban ni Barbara

"Eh bakit ka na tulala ng magkatitigan tayo?" tingin sa taas ni Raphael na may kasama ngisi

Napatigil si Barbara sa sinambit ni Raphael..

"Tungkol..don..ahm.." nauutal na sambit ni Barbara

"Bakit ka nauutal, Miss Sungit?" taas kilay na sambit ni Raphael kay Barbara

"Wala ka na don.." sambit ni Barbara sabay bitbit sa kanyang gamit at akmang palabas na ng..

"Saan ka pupunta?" sambit ni Raphael sabay hawak sa braso ni Barbara

"Saan pa? edi sa canteen.." pagtataray ni Barbara

"Akin na yan bag mo, sabay na tayo!" sambit ni Raphael, sabay kuha ng bag ni Barbara

"Anong sabay tayo? Manigas ka dyan!" sambit ni Barbara sabay pilit na inaagaw ang kanyang bag kay Raphael

"Miss Sungit, sa ayaw at sa gusto mo, sabay tayo kumain!" huling sambit ni Raphael sabay hila kay Barbara papuntang canteen 

Sa Canteen...

"Nasaan na kaya si Barbara? Ang tagal naman.." sambit ni Ligaya habang palinga linga sa may pintuan ng kainan

"Parating na rin iyun Ligaya, huwag ka ng mag-alala sa kaibigan mo nandito naman kami ni Angelo at Linda para sayo" banat na sabi ni Crisanto

"Ligaya mukhang nanliligaw na yang si Crisanto sayo, sagutin mo na.." sambit ni Angelo habang nakaakbay sa kasintahan nyang si Linda

"Aral muna bago ikaw" banat ni Ligaya kay Crisanto na ikinatawa ni Linda at Angelo

"Aray ko! Pero ako'y handang maghintay hanggang sa makamit ko ang matamis na 'OO' ng aking Ligaya" pagbabalagtas ni Crisanto na lalong ikinatawa nila Linda at Angelo kasama na rin si Ligaya

Habang nagkakasiyahan ang lahat sa kanilang grupo...

"Raphael naman! Makahila naman! Bakit ba gusto mo akong makasabay kumain ha? Di pa naman tayo ganoon magkakilala" sambit ni Barbara habang hila hila sya ni Raphael papasok ng canteen

"Sasabihin ko sa iyo mamaya, nagugutom na kasi ako" pag iiwas ng tanong ni Raphael

Balik sa grupo nila Ligaya..

"Ligaya.." tawag ni Linda

"Bakit?" sambit ni Ligaya na napahinto sa pagtawa

"Tignan mo ayun si Barbara kasami si.." di natapos ni Linda ang sasabihin ng nagsalita ang dalawang lalaki

"Raphael Josue!!!" pagtatapos ni Angelo at Crisanto

"Ano!!!?" sabay lingon ni Ligaya sa dalawa

Nang makalapit ang dalawa sa grupo..Hawak hawak pa rin ni Raphael ang kamay ni Barbara, natahimik ang grupo dahil lahat sila nakatigtig sa dalawa na di namamalayan na magkahawak pa rin sila ng kamay

"Kaya pala susunod na lang? may kasabay pala? Akala ko ba inis na inis ka dyan sa lalaking iyan" sunod sunod na tanong ni Ligaya

"Tungkol dito..." hindi na pinatapos ni Raphael si Barbara

"Nililigawan ko na sya! " pagtatapos ni Raphael na ikinagulat ng lahat kasama na si Barbara]

Ang bilis naman ni Raphael, liligawan agad ang entrada sa mga kaibigan ni Barbara, in fairness kinilig ako dun sa the moves nyang yun, kahit medyo masukit si Barbara, parang medyo magka iba naman ng sa amin ni Josh, inaasar lang ako ng lalaking yun, pero parang bumait sya ngayon and I like it!! ng...

*Phone Ringing*

Mr. Asungot Calling.....

Ay shemay, di ko pa pala napapalitan ng caller ID si  Josh, maya nalang siguro, natawag eh masagot na nga..baka magtampo

"Hello?" sagot ko

"Is this Ms. Taray speaking?" ay nang-aasar na naman

"Excuse me?" sagot ko

"Eto naman joke lang!!" sagot nya sa kabilang linya

"Oh bakit napatawag ka?" tanong ko

"Wala lang, kinukumusta ka lang, bakit masama ba?" malungkot nyang sagot

"Oh bakit parang malungkot yang tono ng boses mo?" tanong ko sa kanya

"Ikaw kasi eh, kinukumusta  lang kita eh.." say niya

"Wag ka ngang maarte dyan, di naman ako galit noh, bakit ka nga napatawag? buti natapos ko na basahin yung first chapter ng binabasa kong libro.." kwento ko sa kanya

"Anong libro naman yang binabasa mo? Share naman dyan?" say ni Josh sa kabilang linya

"Ayaw ko nga!!" ako naman ngayon ang mang-aasar

"Ay!!!" reklamo nya

"Joke lang, ang title ng Librong binabasa ko ay "Lovers Until Death by: Ligaya Baltazar" sagot ko

"Teka? Parang pamilyar sa akin yang librong yan?" say nya

"Talaga!!?? Nabasa mo na?" say ko

"Actually di ko sya nabasa, yan yung muntik ko na i-shoplift.." sagot nya

"Ah...ngayon ko lang naman nalaman na interesado ang isang tulad mo sa librong to!!" natatawang sambit ko

"Grabe ka, di ko naman dapat i-shoshoplift yan, napag-utusan lang ako, sorry!!" nahihiya nyang sabi

"Oo na, halata naman sayo na hindi ka naman gagawa non eh, kaya nga iutusan ka lang.." say ko na medyo natatawa pa rin sa tono ng boses nya

"Teka anong oras na ba?" tanong nya, tumingin ako sa orasan ko sa may lamp table, shocks!! mag 11 na pala..

"mag 11 pm na!! May pasok pa tayo bukas, ayaw kong malate, sige na bye bye na, Goodnight!!" sabi ko

"Wala bang Goodnight Sweetdreams dyan?" dis oras na ng gabi nagawa pang humabol ng biro

"Sige na, Goodnight, Sweetdreams sleep tight!! Bye!!" huling sabi ko, then may pahabol pa sya

"Goodnight, Sweetdreams rin hope to see you in my dreams!! Bye!!" at binaba na nya ang tawag, infairness kinilig ako dun, OMG!!! kinilig ako dun, ano ba tong feelings na to? Ang weird!!! makatulog na nga!!

End POV

Josh's POV

Ang saya talaga!! Muli ko syang nakausap, ang haba din ng telebabad namin, may pagkakwela side rin pala sya, akala ko mataray talaga!!! I think I like her na!!! Naku po!!! Love na ba ito? makatulog na nga!! See you in my dreams, my princess!!

End POV

================================================================

Uy!!! unti unti na silang naglalapit!!!?? Umpisa na ba ito?

Abangan sa susunod.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top