Chapter 18: Second Day Lambingan este Asaran
Bambi's POV
Second day of School..
Hay!!! second day na!! Sana naman tigilan na ako ng buysit na Juswa iyon!! kaasar!! saan kaya nya nakuha ang number ko? Naku!! Hay Bambi!! mabuti pa magready ka na baka malate ka pa!!!
Fastforward....
Westridge High...
Busy sa chikahan sila Ate, Luisa at Aya, samantalang ako, eto iniisip kung saan lupalop nakuha ng lalaking yun ang number ko!!! At teka...parang yung nangyari sa libro binabasa ko ay magkatulad nang nangyaring pagkikita namin ni Buysit!! Sinungitan rin ni Barbara si Raphael don, parang yung ginawa ko sa asungot na singkit na yun!! Wait the minute? bakit parang may connection eh and something fishy?
"Hoy Bambs!!!" nagbalik ako sa realidad ng gulatin ako ni Ate
"Tulala ka na naman dyan?" tanong ni Ate
"Hah?" tanging nasabi ko
"Bambs, sa pagkakaalam ko ay teenager ka pa lang, masyado ka pang bata para mabingi, ang sabi ko bakit tulala ka na naman?" tanong ulit ni ate
"Wala to ate, may iniisip lang ako.." paliwanag ko
"Asus!!! baka iniisip mo kung anong panglalambing na naman ang gagawin sayo ni Josh noh?" kinikilig na say ni Aya
"Oo nga naman, ngayon lang naman natin nakita ang baby sis ng barkada na tulala at malalim ang iniisip, for sure boys yan!!" apir ni Luisa kay Aya
"Hoy!! Kayong dalawa!! tigilan nyo ako, bakit ko naman iisipin ang lalaking yun aber? Nasira ang First day of school ko dahil sa buysit na yun, hindi pa nakontento sa pang-aasar sa akin sa school, nagtext pa kagabi!! sang lupalop ng mundo kaya nya nakuha ang number ko?" Ooops!! my big mouth!!
"Nagtext pa sya kagabi hah?" patay kang Bambi ka, iba na ang tingin ng girls sa akin
"So Bambi, ang ibig sabihin lang nyan interesado sayo ang lalaking nagngangalang..." bago pa masabi ni Ate ang sasabihin nya ay may biglang umakbay sa akin, tinignan ko kung sino..
"Josh!!!" anak ng tokwa talaga tong buysit na lalaking to, nagawa pang umakbay matapos ang ginawang pang-aasar sa akin kahapon
"Morning Girls!!! And Goodmorning to you my princess!!" di pa nakuntento sa akbay kinindatan pa ako!! buysit!!! pero? bakit umiinit ang mukha ko, shemay!!! nakikita ko ang cuteness nya pag ngumingiti at yung pagkasingkit ng mata nya, Wait!!! Shake it off Bambi!! napapraning ka lang!! Erase!!
"Wow!!! My princess pala ah!!!" nagchoir pa sila ate sa sinabi nilang iyon
"Ang aga aga ah!!" kinikilig na si Aya, hay!! babaitang to
"Morning Josh!!" nagchoir ulit ang tatlo na halatang halos napapa ihi na sa kilig
"Morning, eh sa Prinsesa ko, wala bang Goodmorning man lang?" tanong sa akin ni asungot, kalma ka lang Bambs..chill
"Alam mo Juswa!! Paano ako mag-gugood morning sayo eh parang kadena nakapulupot yan kamay po sa balikat ko!! Usong bumitaw?" demand ko sa kanya, hay bumitaw rin
"Ang sungit naman girl, may period?" biro sa akin ni Luisa
"Ayan bumitaw na ako, pwede ko na bang marinig ang Goodmorning ko mula sa magandang anghel na nasa harap ko?" anak ng tokwa talaga oh!! tinitigan na naman ako, shemay!! bakit ba ganito ang feeling parang tumitigil ang mundo ko!!? Naku!!! Erase, erase!!!
"Bambi, pagbigyan mo na sis.." aba si ate nakisama na rin asaran naku my life talaga!!
"Good morning Buysit!!! Tse!!!" akmang papaalis na ako ng bigla akong hilahin ni buysit at..
*niyakap ako, asar talaga ang lalaking to*
Rinig kong umiirit sa kilig sila Ate..hayst!!!
"Alam mo Bambi, simple lang naman ang hinihingi ko eh ang matamis mong Good morning, bakit may kasamang buysit?" aba nagdemand pa tong asungot na to, sya na nga tong may ganang yakapin ako, nagdemand pa..
"Wow!! anong eksena na naman to bro?" mukhang dumating na rin ang mga tropa ng buysit na to, mukha si Rick yung nagsalita
"Pwede ba Josh!! Bitawan mo nga ako!!" nagpupumiglas ako, pero no used ang higpit ng yakap ni asungot, kung kanina parang kadena ngayon parang podlock na!! Hay!! pero bakit ganto? parang iba eh? parang komportable akong ginagawa nya ito, wait!!! ano na naman to Bambi? second day pa lang hindi mo pa gasinong kakilala ang buysit na to, tapos ganto pa ang nararamdaman mo!! My gosh!!! Shake it off!! Hinding hindi ako maiinlove sa buysit na to!! Ano daw!!? Inlove agad? No!!! Erase talaga erase!!!
"Ayaw!! Hanggang di mo ako binabati ng maayos na Goodmorning na walang pagtataray, bahala ka!!" lalong hinigpitan ni buysit ang yakap, asar!!!
"Bro, parang ayaw mo nang pakawalan si Bambi nyan sa yakap mo?" rinig kong sabi ni Jacob
"Dali na sis, huwag ka nang magtaray at mag-inarte, sabihin mo na in a sweet way!!" ano ate? nakikisali ka na rin talaga sa kalokohan ng ungas na to
"Ano ba Josh!! Isa.." nagbilang na ako
"Ayaw.." aba talagang matigas tong si singkit na to ah
"Dalawa.." bilang ko ulit
"Nope, until you say what I wanna hear?" loko talaga to ah
"Tatlo.." talaga naman ah
"Sasabihin na yan!!!!" nagchoir na ang girls nakisama na ang boys sa pang-aasar
"Oo na, Goodmorning My prince.." naramdaman kong ngumiti si asungot, bakit ako masaya? hay ewan ba Bambi, naramdaman kong unti unting bumbitaw sa yakap si buysit
"Yun naman pala, sasabihin rin pala pakipot pa!!" say ni Luisa na halatang kinikilig pa rin
"Sabi ko na ba eh, sasabihin mo rin" nakikita ko ang kislap ng ngiti sa mukha ni asungot
"Dyan na nga kayo baka malate pa ako nito eh!!" sabay karipas ko ng alis
End POV
Habang tinitignan nila si Bambi umalis...
"Ibang klase ka bro? Inlababo ka ba kay Miss Sweetheart?" akbay ni Rick kay Josh
"Yung totoo bro?" nakisali na rin si Kris
"Alam nyo..Tigilan nyo ako.." sabay karipas ng takbo si Josh
"Tignan mo yung si bro, nagtanong lang kung inlababo, kumaripas agad?" kamot ulo sambit ni Rick
"Sa tingin nyo girls? Ano na status ng dalawa?" tanong ni Kris kila Aya
Nagkatinginan ang tatlong girls at nagsmile..
"Its Complicated!!!" sabay sabay na sambit ng girls sabay walk out, iniwan ang boys na huh?
"Ano daw?" say ni Rick at Kris
"Retarded ba kayo? Ang sabi nila Its Complicated, means malabo pa!! Tara na nga kesa abutan pa tayo ng bell eh" say ni Jacob at natauhan na sila Kris at Rick
"Sabi nga namin ni Rick eh complicated kaya tara na pre!!" sabay hila ni Kris kay Rick
Class ongoing....
"Bambi? Huy.." tawag ni Josh kay Bambi, dahil kanina pa sya hindi pinapansin nito
"Bakit ba? Kita mong nakikinig ako dito oh.." naiiritang sagot ni Bambi
"Bakit ba kasi tahimik? Tsaka di mo ako pinapansin mula pa kanina pa" panunuyo ni Josh kay Bambi
"Mamaya na pwede?" demand ni Bambi at tumahimik na lang si Josh at nakinig na rin
After Class..Uwian..
Matiyagang naghihintay si Josh sa may gate ng school nang makita siya nila Kris..
"Bro!!! Sinong hinihintay natin dyan?" tanong ni Rick
"Si Bambi bro.." simpleng sagot ni Josh
"Wow himala!! hinihintay mo ngayon si Ms. Future Valedictorian, parang kahapon lang inaasar mo lang sya, ngayon hinihintay mo?" pang asar ni Rick na dumating na rin ang girls kasama ang hinihintay nya
"Hi Jacob!!" bati ni Belle kay Jacob
"Hi din Belle!!" bati pabalik ni Jacob
"Hi Aya!!" kindat ni Kris kay Aya
"Hi din Kris!!" kilig naman sabi ni Aya
"Hi to my election competitor!!" asar ni Rick kay Luisa
"Pasalamat ka good mood ako ngayon Montano!!" say ni Luisa
"Eto naman di mabiro!!" ngiting sabi ni Rick
"Oh yung dalawa dyan?Ano na? Wala man lang hi, hello, silent treatment, Eh di ba Josh hinihintay mo si Bambi, ayan na sya oh bat parang natameme ka ata?" biro ni Kris, binatukan naman sya ni Rick para tumahimik
"Alam nyo guys!! Mas mabuti pa mauna na tayong umuwi, hayaan muna natin yang dalawang yan mag-usap kasi na nasesense ko na may dapat silang pag-usapan, lets go!!" yaya ni Belle sa girls at boys maliban kila Bambi at Josh
"Ate naman!! mang-iwan ba!!?" reklamo ni Bambi
"Don't worry sis!! I think you two need to talk kesa mag-asaran kayo ng mag-asaran, mas mabuti pa na pag-usapan ng maayos, diba Josh?" say ni Belle at tumango lang si Josh
"Ate naman eh!!" reaction paper pa rin si Bambi
"Bye sis!! Josh ikaw na bahala sa kapatid ko hah!!! Iuwi mo yan ng buo hah!!" banta ni Belle kay Josh, tumango na lang ulit si Josh
"Anong tango lang? Sago!!" demand ni Belle
"Yes mam!!! I mean sure Belle.." say ni Josh na medyo nataranta sa pagsagot
"Good!! Lets go guys!! Bye sis!! Bye Josh!!" akmang paalis na sila Belle pero napatigil ito at tinignan ang boys
"Boys? Anong tinatanga nyo dyan?" tanong ni Belle kila Jacob
"Pwede bang magpaiwan kami?" say ni Rick
"Anong magpaiwan? Sumabay na kayo huy!! Bawal chismoso ngayon!!" say ni Belle at hinila na nya si Jacob
"Aya, Luisa, hilahin nyo nga yan dalawang chismosong yan oh.." mando ni Belle kila Aya at hinila na nga sila Kris at Rick
"Ang daya naman oh!!" reklamo ni Kris habang hinihila sya ni Aya
"Sabi nga di ba? Bawal makinig sa usapan ng may usapan diba? for short no chismoso allowed!!" say ni Aya at nanahimik na lang si Kris at sumunod na lang kay Aya at naiwan na nga ang dalawa
At nakaalis na nga sila Belle at naiwan na sila Josh at Bambi..
Nagkaroon ng mahabang katahimikan ng binasag ni Josh ang katahimikan..
"Bambi? Galit ka pa ba?" tanong ni Josh
"Anong sa tingin mo? Matapos mo akong asar-asarin, kahapon, di ka pa nakuntento nagtext ka pa!! Alam mo di ko alam kung bakit ako na lang lagi ang pinagtitripan mong asarin, eh nanahimik naman ako, nagsorry na ako nung nagkabanggaan tayo kahapon at yung muntik ka nang masabon ng guard sa mall dahil sa akin, bakit ako Josh?" walang preno na sinabi ni Bambi lahat ng gusto nyang sabihin ng..
"Your different Bambi, your different among other girls that I've met in my previous schools, ngayon lang ako nakakita ng girl na hindi nagpapacute sa akin, yung habol ng habol sa akin kahit na ayaw ko sa kanila, habol pa rin ng habol, pero ikaw, Oo inaamin ko, nainis ako sayo nung una dahil muntik na akong masabon ng guard sa mall dahil sayo at yung nakabanggaan kita kahapon at nasira ko pa tuloy yung unang araw mo sa school, lahat yun ay pinagsisihan ko, kaya sorry!! Dahil rin din sa mga pang-aasar ko sayo, sorry din, kaya please Bambi patawarin mo na ako oh, kaya ko naman ginagawa ang mga pang-aasar sayo because I just wanna be friends with you, please!!" lintanya ni Josh, sabay luhod sa harap ni Bambi na nagmamakaawa
"Ano ba Josh? Tumayo ka nga dyan.." say ni Bambi
"Not until you accept my apology and be my friend!!" pagmamatigas ni Josh, kaya no choice na si Bambi at..
"Oo na, sige na!! Pinapatawad na kita at.." pagpause ni Bambi
"At.." si Josh
"Sige na, payag na akong maging friend mo.." say ni Bambi na ikinangiti ni Josh at bigla na lang itong napayakap kay Bambi na ikinagulat naman nito
"Josh..?" say ni Bambi at bumitaw agad si Josh
"Ay sorry, na carried away lang ng emotion ko, sorry!!" panay sorry si Josh
"Okay ka na? so uwi na ako.." akmang aalis na si Bambi ng..
"Sandali, di ba ihahatid kita sa inyo? hintayin mo naman ako, Oh wag ng tumanggi, pambawi ko yan sayo at ibinilin ka rin sa akin ng ate mo kaya no more buts.." ngiting sabi ni Josh
"May magagawa pa ba ako, tara na nga!!" say ni Bambi
"Yes!!" sigaw ni Josh at umakbay ito kay Bambi
"Oh, anong the moves yan?" reaction ni Bambi
"Di ba friends na tayo? kaya pagbigyan mo na ako.." say ni Josh at kumindat pa kay Bambi
"Oo na!! Umuwi na tayo!!" mando ni Bambi
"As you wish my princess!!" ngiting sabi ni Josh
"Anong my princess ka dyan? gusto mo eto.." hinarap ni Bambi ang kamao nya kay Josh na kunwari susuntukin nya ito
"Joke lang!! Peace tayo!! Di mabiro..Tara na nga!! Baka di lang yan abutin ko sa ate mo pag di kita naiuwi ng buo sa inyo.." paliwanag ni Josh at sabay na silang naglakad pauwi ng walang asarang naganap
================================================================
Uy bati na sila!!! Ano na kaya ang kasunod na magaganap?
Abangan!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top