Chapter 16: Mr. Rebel & Ms. SweetHeart
Bambi's POV
Nag- umpisa na ang klase...
Grabeh talaga, bakit ba sa lahat na lang ng school talaga dito pa!!?? Mukhang wala naman ka interest interest mag-aral..
"Girls, ang cute ni Josh noh!!?" say nung isang classmate nila, wow hah!! Cute daw? Naku!!!
"Oo nga noh!!?? May girlfriend na kaya sya!!?" bulong nung isa, halos madurog ko yung ginagamit kong ballpen sa yamot!!, puro na lang Josh, Josh!!!
"Hoy, Bambi!!!" bumalik ako sa katinuan ko ng gulatin ako ni Aya
"Ano?" sambit ko medyo highblood
"Ano bay yang iniisip mo na halos durugin mo na yang ballpen mo sa yamot?" tanong ni Aya, ngumuso ako sa tabi ko
"Si Josh? anong problema mo kay Josh?" sunod sunod na tanong ni Aya
"Mamaya na nga lang bess, baka mahuli tayo ni Mam..Lunch Break sabihin ko sayo!!" sambit ko at bumalik na ako sa pakikinig sa lectures ni Mam
Josh's POV
Hay buhay!! Una sinumbong ako sa secu sa mall, second nakabanggaan kami, sya pang galit, ngayon naman magkaklase kami tapos magkatabi pa!! Ano ba to? Sadya ba na pagtagpuin kami ni Ms. Taray, Hay!!
Tinignan ko si Ms. Taray..Wow attentive sa klase, ganon ba talaga dito? halos lahat sila nagkikinig, ako naman eto, chill chill lang!! Boring kasi ang lectures, hay!!!
Fastforward....
Lunch Break...
"Bambs? Tara!!" yaya kay Ms. Taray nung classmate namin na mukhang kaibigan nya, wow may friends pala sya
"Sige Aya, una ka na, sunod na ako aayusin ko lang gamit ko!!" say ni Ms. Taray
"Sige sunod ka nandun na sila Belle at Luisa" say nung Aya kay Ms. Taray then sabay alis
Well take note kami nalang ni Ms. Taray nandito sa classroom dahil lahat nagsipuntahan na sa Canteen para maglunch..
Ng..
"Bakit di ka pa naglalunch?" himala kinausap ako ni Ms. Taray
"Mamaya na, hintayin ko pa tropa ko eh!!" say ko
"Wow!! Bago ka pa lang dito, may tropa ka na? Ang bilis naman!!" hindi makapaniwala si Ms. Taray na may tropa na agad ako
"Ano akala mo sa akin? Walang friends? Dito rin napasok yung kababata ko kay may tropa na ako!!" pagmamalaki na ko
"Wow naman!! Infairness sayo habang naglelecture si Mam, chill chill ka lang, walang ka interest interest makinig!!" aba binabara na ako nito ah, maasar nga!!
"Napansin mo rin yun? titig na titig ka siguro sa akin kanina noh!!? nagagwapuhan ka sakin?" pang aasar ko sana effective
"Mahiya ka naman sa balat mo!! Anong tinitigan kita, asa ka naman!! nakakapundi lang talaga ang mga tsimisan dito sa classroom, puro ikaw bukang bibig!!" say ni Ms. Taray
"Ganun talaga pag cute!! pinag-uusapan, bakit selos ka?" talaga aasarin ko talaga sya, makaganti man lang sa nangyari kanina, di ako nakaporma kanina eh
"Tse!!! Ako magseselos? tigilan mo nga ako tsaka FYI!! hindi ka cute!! Makaalis na nga, sumasama na ang hangin dito!!" ayun walk out si Ms. Taray pikon haha!!
Nakasalubong ni Ms. Taray sila Jacob sa may pinto..
"Uy Bambi? Bakit badtrip ka?" tanong ni Rick
"Tropa nyo ba yung asungot na yun?" sabay turo ni Ms. Taray sa akin
"Oo bakit?" tanong ni Jacob
"Pwede ba turuan nyo ng good moral conduct yan katropa nyo, pwede? Ang sarap i-untog sa pader para matauhan" huling sambit ni Ms. Taray sabay alis
Nang makaalis na si Miss Taray...
"Ano bang ginawa mo don Josh? Ngayon ko lang nakita umuusok ang bunbunan ni Ms. Sweetheart/ Future Valedictorian" tanong ni Rick
"Pikon lang yun, tsaka ganti na rin sa ginawa nyang pagsigaw sa akin kanina nung nagkabanggaan kami, sarap nyang asarin, teka bakit Ms. Sweetheart/Future Valedictorian tawag nyo sa kanya? Eh saksakan ng taray non" tanong ko sa kanila
"Ms. Sweetheart dahil wala pa syang nakakaaway dito at maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa kabaitan nya" say ni Jacob
"Ms. Future Valedictorian naman, dahil lagi First honor yan sa klase nila since first year, kaya di na kami magtataka kung sya pa rin ang First honor ngayon dahil siguradong reserve na ang Valedictorian seat, napagifted nga nya eh, Sweetheart na, Future Valedictorian pa!!" kwento ni Rick
"Kaya pala sobrang attentive kanina, yun na naman pala ay running for first honor, gifted nga!! Kaso pikon, hay!! ang sarap talaga nyang asarin!!" natatawa kong sabi habang inaalala ko ang mukha ni Ms. Taray, umusok na sa inis
"Pero sabi nga ng iba masamang inisin at galitin ang mabait dahil mapanganib, Hala ka Josh!!" pagbabanta ni Jacob
"Hay naku! Kahit tinatawag syang Ms. Sweetheart ng lahat, well ang sinasabi nyong mabait pero mapanganib kung magalit at inisin, di yata uubra sa akin yan, tignan mo walk out queen kanina" akmang aalis na ako
"Naku tol!! Ewan ko lang hah!! Kung sa ibang school gumana ang pagiging rebelde mo, well I think you already found your match, I mean nakahanap ka na dito ng katapat mo" say ni Jacob
"Tara na nga di ba sabi ko sa inyo libre ko kayo lunch tara na ginutom ako sa pang-aasar ko kay Ms. Taray!" say ko at nagsipunta na kami sa Canteen
End POV
Bambi's POV
Canteen...
Naku talaga!!! Naturingan Ms. Sweetheart ako ng lahat, mukhang madudungisan na dahil sa asungot na Mr. Makati ang Kamay, Haysttt!!!
"Bambs!! dito!!" tawag sa akin nila Ate na naka upo na kasama sila Aya at Luisa
Nang makalapit ako at umupo..
"Ayan na pagkain mo sis!! Kinuha na kita dahil sabi ni aya highblood ka ngayon bakit? Ngayon lang ata kita nakitang ganyan ang mukha para tinamaan ng kidlat sa galit? Anong problema?" sunod sunod na sabi ni Ate Belle
"Ate remember the guy nung sabado na tinuro ko sayo na nakatambay sa may park ng subdivision na mutikana ng nag shoplift sa bookstore sa mall.." umpisa ko
"Yung sinabi mong sayang pa naman cute pa naman sya at singkit kaso malikot ang kamay, yun ba yun? bakit?" say ni Ate
"Naku!! Siya yung nakabangga ko kanina pabalik ng classroom galing library, at eto pa, badtrip talaga!! kaklase pa namin sya!! At Katabi ko pa!! Anak ng tokwa talaga!!" halos mabali ko na yun kutsara at tinidor sa gigil sa lalaking yun
"Wow Bambs!! Mukhang ngayon ka lang nakahanap ng katapat!! Sinubukan agad ang bait mo.." say ni Ate Belle
"Kaya nga Bambs!! Intense ngayon lang kita nakitang umuusok ang ilong sa inis dahil sa lalaki, masisira ang image mo nyan nagiging anghel at Miss Sweetheart ng Westridge High" say ni Luisa habang nahigop ng juice
"Mabuti pa girls!! Pakainin nyo muna ako kaysa mabuysit lang ako lalo sa singkit na asungot na yun" at kumain na muna kami sabay sabay
End POV
Meanwhile....
Papasok na ng Canteen sila Josh at bumili ng makakain nila..
"Tol, sure ka talagang libre mo to?" tanong ni Jacob
"Oo nga tol, unli ka ba kanina ka pa tanong ng tanong eh" say ni Josh
"Tol, tignan mo oh, sila Bambi kasama si Belle, Aya at ang kalaban ko sa elektsyon si Luisa" turo ni Rick sa lugar na kinauupuan nila Bambi
"Mukhang isang bakol ang mukha ni Miss Sweetheart tsk!! not so her, tsk!! Grabe ka kasi tol!! sa lahat na lang ng nakabangga mo si Bambi pa, ang pinakamabait na students sa school at matalino pa, tsk" dismayadong sambit ni Jacob habang papalakad sila papunta sa dereksyon kung saan nakapwesto sila Bambi
"Kaya nga tol!! Inisin mo na lang talaga ang ibang girls wag lang si Ms. Sweetheart" say ni Rick
"Mga tol!!!" may isang lalaki lumapit kila Josh na nakabasketball jersey
"Oy Kris pare!!" apir nila Jacob at Rick dun sa Kris
"Uhm..pareng Kris si Josh nga pala kababata ko!!" pakilala ni Jacob kay Kris
"Kris tol!! tropa/basketball scholar ng school na to, 4th year na rin.." say ni Kris
"Josh tol!! Bagong lipat lang ako dito sa Westridge, 3rd year" shakehands ni Josh kay Kris
"Anong section?" tanong ni Kris
"Star section.." simple sabi ni Josh
"Wow!! Astig, nakasama ka pala sa mga gifted na 3rd year lalo na yung dalawang yun oh, si Miss Sweetheart Bambi Fortez na 1st honor last school at si Miss Earth Aya Chan na 3rd honor sa klase nila last year, swerte mo tol!! Congrats, kaklase mo pala ang mga Anghel ng Westridge" masayang turan ni Kris na tinuro sila Bambi at Aya
"Anghel ka dyan tol!! Eh nabadtrip nga si Ms. Sweetheart dito kay Josh dahil inasar nito, tignan mo isang bakol ang mukha ni Bambi" say ni Jacob
"Oo nga noh!! Josh, bakit mo naman inasar si Bambi?" tanong ni Kris
"Sarap lang kasing asarin nyang si Miss Taray.." tatawang sabi ni Josh
"Baka type mo si Miss Sweetheart tol kaya tuwang tuwa kang asarin?" tanong ni Kris
"Asa pa kayong magustuhan ko yang si Miss Sweetheart nyong yan, saksakan ng taray.." depensa ni Josh
"Tol!! Wag magsalita ng tapos, baka kainin mo yan at mafall ka kay Miss Sweetheart" pang asar ni Jacob
"Mabuti kumain na tayo" change topic ni Josh at magsikain na sila
Sa kabilang panig...
"Belle, ayun si Josh oh" turo ni Aya kay Josh
"Yun pala sya sis oh!!" sambit ni Belle kay Bambi na nainom ng juicd
Nang makita ni Bambi ang kinaroroonan ni Josh..
"Cute nga at singkit Bambi, bakit inis na inis ka don eh nabangga ka lang naman kanina" si Luisa ng makita si Josh
"Ewan ko ba, nakakaasar lang talaga ang asungot na yan, sabihan baga akong nagseselos dahil pinagchihikahan siya ng mga girls don sa klase..Hello!!?? Never noh!?" cross arms ni Bambi
"Syang tunay nga ba sis? Kaya banas na banas ka dyan kay Josh? Type mo no?" taas kilay na tanong ni Belle kay Bambi
"Naku ate never!! bakit naman ako magseselos? kami ba? at tsaka never as in never, akong magkakagusto dyan sa asungot na yan na makati ang kamay at ubod ng yabang, feeling gwapo!!" depensa ni Bambi
"Be careful what you say sis!! Baka isang araw mahulog si Miss Sweetheart sa charms ni Mr. Rebel na sinasabi mong ubod ng yabang" say ni Belle
"Mabuti pa tara na!! Ate, Luisa see you later!! Aya tara na bumalik sa classroom" say ni Bambi sabay hila kay Aya
Balik sa kabilang banda..
"Tol!! paalis na si Miss.Sweetheart oh? di ka ba magsosory?" say ni Jacob
"Bakit naman ako mag sosory dyan, pikon naman yan si Miss Taray" sabi ni Josh
"Naku tol!! Magsorry ka na, di ba ninong mo yung principal dito, paano pag nalaman nya n first day of school palang may kaaway ka na agad" say ni Kris
"Walang sinisino ang principal natin yun" banta ni Rick
"Wala naman makakaalam kung hindi nyo sasabihin eh" pagmamatigas ni Josh
"Tigas mo rin tol noh!!" say ni Jacob
May naisip na naman idea si Josh...
"Tol may number ba kayo ni Ms. Sweetheart?" tanonh ni Josh
"Teke bakit naman? Mag sosorry ka na ba?" tanong ni Rick
"Meron ba kayo o wala?" tanong ulit ni Josh
"Alam ko si Kris meron, dahil alam kong hinihingi nyan mga numbers ng girls dito sa school eh" say Rick
"Grabe sa lahat ng girls tol!! di ba pwedeng pili lang" depensa ni Kris na ikinatawa ni Josh
"So meron ka nga Kris?" tanong ulit ni Josh
"Meron, binigay sa akin ni Aya yung number ni Miss Sweetheart nung last year field trip, love kasi ako ni Aya kaya binigay nya sa akin yung number ni Bambi nung hingin ko sa kanya" kinikilig na sabi ni Kris
"Oo nga pala, binalak mo rin palang ligawan si Bambi kaso busted agad dahil pihikan si Miss Sweetheart pagdating sa mga nanliligaw sa kanya" natatawang kwento ni Rick, binatukan naman sya ni Kris
"Pagduldulan tol!! Nakamove on na ako kay Miss Sweetheart noh" depensa ni Kris
"Teka nga pala Josh? bakit mo naman hinihingi number ni Bambi? Don't tell me? magsosorry ka na kay Bambi" tanong ni Jacob kay Josh na ikinangiti ni Josh
"Basta, pahingi ako Kris" at ibinigay nga ni Kris yung number ni Bambi kay Josh
*Bell Ring.....
"Tara na mga tol!!" yaya ni Josh kila Kris
"Naku may balak na naman to!! Josh kung ano mang pakay mo sa paghingi mo ng number ni Bambi kay Kris, wag mo nang ituloy.." banta ni Jacob
"Ano ka ba tol? masama bang hingin ko ang number ng babaeng pikunin na yun" ngisi ni Josh habang pabalik ng klase
Nauna na si Josh at naiwan ang tatlo, nag iisip kung anong kalokohan na naman ang gagawin ni Josh
"Nakakaramdam na naman ako ng Miss Sweetheart vs Mister Rebel part 2 sa ngisi ni Josh na yun" kamot ulo na sabi ni Jacob
===============================
Ano na naman kaya ang ibig sabihin ng ngisi ni Josh?
Away na naman ba ito?
Abangan......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top