Chapter 14: Meeting the Rebel
National Bookstore...
"Ano-ano pa ba ang kulang mong gamit Bambs?" tanong ni Aya ng makapasok sila sa Bookstore
"Ang totoo nyan, wala na naman akong kulang na gamit eh.." nahihiyang sambit ni Bambi
"Ano? Eh bakit gusto mong pumunta ng bookstore? Alam ko na bibili ka naman ng libro noh? " say ni Aya na nakacross arms
"Alam mo Aya? Bestfriend talaga kita eh alam mo na agad ang pakay ko dito eh noh!" masayang sambit ni Bambi
"Alam mo bess basang basa na kita.." say ni Aya
"Oo na, eh ikaw baka gusto mo rin umikot muna dito habang hinahanap ko yung libro bibilhin ko, sige ha kita na lang tayo dito sa entrance ng bookstore" akmang aalis na si Bambi ng pigilan sya ni Aya
"Anong libro naman ang bibilhin mo aber?" tanong ni Aya
"Alam mo na nahihilig ako ngayon sa romance eh!!" kinikilig na sambit ni Bambi ng kurutin sya ni Aya sa tagiliran
"Ang harot bess!! Kailan ka pa naging maharot ng ganyan?" natatawa sambit ni Aya
"Grabe sa harot bess, teenage life, alangan naman puro Geometry books hawakan ko noh!" paliwanag ni Bambi
"Sabagay!! sige na nga!! Dali hanapin mo na yung sinasabing mong romance book na gusto mo, iikot muna ako bye!!" say ni Aya sabay alis nito
Habang naikot si Bambi sa loob ng bookstore para hanapin yung libro gusto nya ng biglang may nakita siyang lalaking akmang kukuhanin yung isang libro..
"Huy!!! Ano yan hah?" sambit ni Bambi ng medyo malakas ng marinig ito ng security guard
"Anak ng tokwa!! Bakit ka ba sumigaw ha!!?" reklamo ng lalakinkay Bambi
"Bawal yan ah!!" sambit ni Bambi ng dumating ang security guard ng bookstore
"Anong nangyayari dito hah? Ikaw na naman batang ka!!! Ano na naman kukunin mo ha!! Salamat iha hah?" pagtapik kay Bambi ng security guard
Biglang napatakbo ang lalaki..
"Huy!! Bumalik ka dito, salamat iha, kung di mo nahuli yung lalaking yun baka may kalokohan na naman yung ginawa!!" sambit ng security guard
"Wala pong anuman kuya!!" sambit ni Bambi
"Sige iha!! dyan ka muna, balik muna ako sa pwesto ko baka bumalik na naman ang batang iyon, sige!!" sambit ng security guard at bumalik na ito sa pwesto
"Sige po!!" sambit ni Bambi at nagpatuloy sya sa paghahanap sa librong hinahanap nya
Nagpatuloy sa paghahanap si Bambi at may napansin siyang nag iisang libro sa estante kung saan nakahalera ang librong hinahanap nya..
"Bakit kaya nag-iisa na lang ito?" tanong ni Bambi habang pinahmamasdan ang nag-iisang libro iyun ng mapansin sya ng isang staff na nagrerestock ng mga libro sa tabi nya
"Kunin nyo na yan miss, nag-iisa na lang yang libro na yan, mabili yang librong yan" sambit ng staff
"Po? Bakit naman po ate?" tanong ni Bambi
"Sabi kasi ng ibang teenagers na nakabili nyang librong yan, sikat daw yung author nyan at tsaka sabi din nila true to life daw na nangyari yung storya ng librong iyan at sabi daw nila nakakakilig daw, kaya kunin mo na baka interesado ka? Yan lang daw ang nag-iisang Romance book na nangyari sa totoong buhay!" kwento ng staff
"Sigurado ka ate hah!!" sambit ni Bambi
"Sure ako miss, sa edad nyong yan kabataan, alam kong makakarelate kayo sa mga ganyang kwento!!" sabi ng staff
"Sige na nga, kunin ko na ate" kinuha na ni Bambi ang libro
"Lovers Until Death by Ligaya Baltazar" binasa ni Bambi ang title at author ng libro
"Mukhang interesting nga, ano kaya naging kwento nito" sambit ni Bambi sa sarili
"Salamat ate hah!! Mukhang interesting ang kwento nito, title palang!!" sambit ni Bambi sa staff
"Walang anuman miss" masayang sambit ng staff
Tapos ng bumili si Bambi ng makita nya si Aya sa may entrance ng bookstore..
"Aya!!" tawag ni Bambi
"Oh!! nakabili ka na ng gusto mong libro?" tanong ni Aya
"Actually napadalawa ang bili ko kasi may nakita akong nag-iisang libro, parang may something sa libro yun kaya napabili ako, tsaka nag-iisa na rin daw yun dahil mabenta kasi dahil true to life daw na nangyari ang kwento, malalaman!!" kwento ni Bambi
"Ano naman ang title non?" tanong ni Aya
"Lovers Until Death by Ligaya Baltazar" sambit ni Bambi, nanlaki ang mata ni Aya
"OMG!!! Ang swerte mo!!!" kinikilig na sambit ni Aya
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Aya
"Sikat nga talaga ang author ng librong yan!! Ang gaganda ng mga stories nya, parang lahat halos hango sa totoong buhay!! Ang swerte mo bess!!" masayang sambit ni Aya
"Talaga!!?" tanong ni Bambi
"Oo nga Bambs!! At yang librong nakuha mo ang pinakasikat!! Sa lahat ng librong ginawa nya yan ang pinaka espesyal sa kanya ayon sa source sa internet" kwento ni Aya
"Sige na nga!! Oo na!! Mukhang interesting talaga ito eh!!" sambi ni Bambi
"Pa share rin ako hah pag nabasa mo na hah?" sambit ni Aya
"Oo na!! Tara na nga!! Baka hinahanap na tayo nila Ate at Luisa" say ni Bambi at pumunta na sila sa kung saan sila Belle at Luisa
Starbucks....
Nakatambay na sila Luisa at Belle sa Starbucks..
"Ang tagal naman nila Bambi?" inip na sabi ni Belle
"Chill ka lang Belle, parating na yun" sambit ni Luisa ng..
"Ate!! Luisa!!" si Bambi kasama si Aya
"Sa wakas dumating ka din, kayo ni Aya, akala ko nilamon ka na ng pila sa bookstore!!" sambi ni Belle kay Bambi
"Ate talaga!! Ano ako bata? Malaki na ako ate 14 na ako going to 15 na ako kaya ko sarili ko!!" pagmamalaki ni Bambi
"14, sis naman kahit magka boyfriend ka pa o magka-asawa syempre mag woworry pa rin ako sayo, kasi ikaw lang ang nag-iisang baby sis ko at alam kong kahit gifted ka sa talino, napakafragile mo pa rin.." pag eemote ni Belle
"Ate naman eh!! papaiyakin mo na naman aki nyan eh!!" say ni Bambi
"Oh tama ng ka-emohan nyong magkapatid, mabuti kunin na natin ang in-order natin nang makauwi na tayo" sambit ni Luisa
Habang naglalakad ang magkapatid pauwi sa kanila may napansin si Bambi na pamilyar na mukha na nakatambay sa may park ng village nila..
"Huy Bambs? sino yung tinatanaw mo dyan?" sambit ni Belle at tinignan ang dereksyon ng mata ng kapatid
"Yung lalaking yun sa may park, nakita ko kasi sya kanina sa bookstore na akmang magshoshoplift pero di na natuloy dahil nahuli ko, hahabulin sana ng security kaso nakatakbo agad.." kwento ni Bambi
"Mukhang seryoso sa buhay si kuya" say ni Belle habang pinagmamasdan yung lalaki
"Kaya nga ate sayang!!, may itsura pa naman" sambit ni Bambi
"At singkit, teka nga Bambs?" si Belle
"Bakit?" sambit ni Bambi
"May crush ka sa shoplifter na yun noh?" tanong ni Belle
"Hindi noh!! cute lang sya dahil singkit ang mata nya at may itsura, tara na nga ate baka gabihin pa tayo nyan eh" sabay hila ni Bambi kay Belle
"Sabi mo eh!!" pang-aasar ni Belle sa kapatid
Samantala..
"Patay na naman ako sa tropa nito, bubugbugin na naman ako ng mga yun!! tsk!!" say ni Josh sa sarili habang nakatambay sa may park sa village
"Joshua Diones!!!" nagulat si Josh ng may sumigaw sa likuran nya
"Bakit na naman ate?" kamot ulo sabi ni Josh ng makita ang ate nya
"Ano naman tong natanggap ko text mula security ng mall, nagshop lift ka na naman bata ka!!?" sermon sa kanya ng ate nyang si Rose
"Ate naman!! wala naman akong nakuha eh!! Kaya pwede wag ka nang manermon!! Bugbog na naman ako sa tropa nito.." bulong ni Josh sa huling words
"Anong sabi mo? yung huli?" say ni Rose
"Wala po!!" deny ni Josh
"Ikaw bata ka wala ka na bang kadala-dala hah? Bakit ka ba nagrerebelde ng ganyan, di ka naman ganyan dati, simula nung umalis sila mommy pa-States naging ganyan ka na!!" sambit ni Rose
"Wala to ate!!" simpleng sagot ni Josh
"Anong wala? Siguro inutusan ka na naman ng mga kaibigan mong sanggano noh!!" say ni Rose
"Wala nga sabi ate, umuwi na nga tayo!!" sambit ni Josh na akmang paalis ng nagsalita muli si Rose
"Buti na lang at sa ibang school na kita ipinasok ngayong third year mo!!" sambit ni Rose na ikinagulat ni Josh
"Ano!!? Inilipat mo na naman ako ng school, Ate naman!! Kailan pa?" sambit ni Josh
"Last week pa, pasalamat ka at ninong mo ang principal ng school ng papasukan mo sa Monday kaya madaling napakiusapan, tsaka para malayo ka na dyan sa mga sanggano mong kaibigan, humanap ka naman ng matinong kaibigan Josh!! Once and for all!!" say ni Rose
"Ate pwede ba tigilan mo na ang pagmamando mo sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko, malaki na ako, 17 na ako ate!!" sambit ni Josh
"17 ka na nga pero nasasangkot ka pa rin sa gulo at gumagawa ka naman ng mga gawain di naman dapat kaya imbis na college ka na ngayon, tignan mo nasa third year high school ka palang ngayon dahil dyan sa katigasan ng ulo at sa patuloy mong pagbabarkada sa mga sanggano mong kaibigan, ayan ang napapala mo, pasalamat ka talaga kilala ng pamilya natin ang may-ari ng mall na ginawan mo na naman ng kalokohan" semon na naman ni Rose kay Josh
"Tapos ka na ate, pwede ba umuwi na tayo" say ni Josh at dumeretso na lang ng sakay sa sasakyan nila
"Naku bata ka talaga!!! Kailan ka kaya magbabago!!!" yan na lang ang nasabi ni Rose at sumakay na rin siya sa sasakyan nila pauwi sa kanila
Fortez's Residence
"Nandito na po kami!!!" sambit nila Belle
"Oh nandito na pala ang aking mga prinsesa!! kumusta ang lakad nyo?" tanong sa kanila ng daddy nila
"Okay naman po daddy!!" sagot ni Bambi
"Ikaw Belle?" tanong ni Ted sa panganay nya
"Okay naman po daddy, tsaka naggala lang po kami ni Luisa sa Dept. Store kasi tong si Bambi bumili daw ng gamit sa school kasama naman nya si Aya" say ni Bambi
"Totoo ba yun bunso?" tanong ni Ted kay Bambi
"Ang totoo nyan daddy, kompleto na naman po ang gamit ko sa school, may binili lang po akong libro.." nahihiyan sabi ni Bambi
"Anong libro na naman yan hmmm?" sabay tingin ni Belle sa kapatid
"Wala ka dun ate!!" sambit ni Bambi
"Oh baka san na naman mapunta yan, mabuti pa magbihis na kayo at ng makakain na tayo ng dinner" sambit ng daddy nila
Habang nasa kwarto nya si Bambi...
"Bakit parang may something talaga tong librong to?" sambit ni Bambi sa sarili habang hawak hawak ang librong binili nya
"Sis!! tara na kain na daw tayo!!" sigaw ni Belle mula sa may pinto
"Sunod na ako ate!!" agad na nilapag ni Bambi ang libro sa may night stand nya at bumaba na para kumain..
================================
Ooops!!! post muna, abangan natin ang mga susunod pang eksena...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top