Chapter 10: Ang Plano

Kinabukasan....

Nakita nila Linda at Angelo si Raphael na palinga linga sa may pintuan ng eskwelahan nila...

"Paeng, ano nililinga linga mo dyan?" tanong ni Linda

"Si Barbara kasi sabi nya dito ko na lang sya hintayin sa may pintuan ng eskwelahan natin, huwag na daw sa kanila baka makita ako ng mga magulang nya.." kwento ni Raphael sa kanila

"Siguro parating na yun?" sambit ni Angelo ng...

"Raphael!!! Angelo!! Linda!!!" isang tinig ang nagmula sa likuran nila

"Barbara!!!" sambit nilang tatlo

Ng makalapit na sa kanila si Barbara...Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Raphael sa dalaga..

"Ay may ganun agad?" sambit ni Linda at kumalas ang dalawa sa yakap

"Kumusta ka na? Akala ko pinagbawalan ka ng magulang mo pumasok?" agad na tanong ni Raphael

"Pwede ba yun? Eh hindi ko naman matitiis na hindi makita ang pagmumukhang yan" masayang sambit ni Barbara sabay kurot sa ilong ni Raphael

"Aray!! ang sakit non hah?" sambit ni Raphael

"Kay aga aga talaga ng dalawang ito diba Angelo?" sambit ni Linda

"Gusto gawin ko rin ang ginawa ni Raphael sa iyo?" kindat ni Angelo kay Linda

"Ewan sa iyo, tara na nga bago pa tayo mahuli sa klase natin nyan.." yaya ni Linda

Papasok na sila ng klase ng makita sila ni Isabela at mga kasamahan nito...

"Oh? akala ko hiwalay na kayong dalawa? bakit magkasama pa kayo?" takang tanong ni Isabela

"Pwede ba Isabela, kung maninira ka lang ng araw, huwag ngayon pwede?" mataray na sambit ni Linda

"Linda, pwede huwag kang makialam sa gusto kong sabihin kay Barbara at Raphael" sambit ni Isabela habang nakapameywang

"Sandali nga, anong alam mo sa mga nangyayari sa amin hah Isabela? May kinalaman ka ba kung bakit kami natunton ng mga magulang ko?" tanong ni Barbara kay Isabela

"Eh ano naman sa iyo kung sinabi ko sa mga magulang mo kung anong meron sa inyo ni Raphael at kung saan kayo palaging lumalabas.." natatawang sambit ni Isabela

"Ano bang ginawa kong kasalanan sayo? Hah!? bakit pati sarili kong kaligayahan, sinisira mo hah?" medyo nagagalit na ang tono ng pananalita ni Barbara

"Gusto mong malaman kung bakit!!?" nakipagsabayan na rin si Isabela

"OO!!!" matapang na sambit ni Barbara

"Dahil sa lahat na lang ng bagay, nauungusan mo ako, dito sa klase lagi ka na lang nangunguna.." pasimula ni Isabela

"Mag-aral ka kasi mabuti para di ka ganyan laging pangalawa.." sumabat na si Ligaya

"Tumahimik ka dyan!! di pa ako tapos!!!" si Isabela

"Maging sa mga patimpalak, ikaw laging nangunguna, at higit sa lahat...!!" paghinto ni Isabela

"Ano?" tanong ni Angelo

"Pati ba naman si Raphael nakuha mo!!!Mang-aagaw ka talaga!!!" pagtatapos ni Isabela

"Ano!!!? May gusto ka kay Raphael?" sabay na sambit ni Crisanto at Angelo

"Tapos ka ng manumbat?" simpleng tanong ni Barbara

"Bakit wala ka man lang reaksyon sa mga sinabi ko?" takang tanong ni Isabela

"Ganyan ba talagang tingin mo sa akin Isabela, mang-aagaw?" simpleng tanong ni Barbara

"Ano ba sa tingin mo!!? hindi pa ba sapat yang mga pinaggagawa mo na hindi ka lang mang-aagaw sa lahat ng titulo dito sa klase pati sa lalaki, mang-aagaw na malandi pa!!" diing sambit ni Isabela na ikinapuno ng kaninang mahinahon na si Barbara

"Anong sinabi mo!!!!????" sambit ni Barbara

"Bingi ka ba? katali-talino mo bingi ka naman? Ang sabi ko malandi ka!!!" diniinan lalo ni Isabela ang salitang iyon

Nakikita na ni Raphael na napupuno na si Barbara sa mga pinagsasabi ni Isabela..

"Pwede ba Isabela tigilan mo na ito!!?" sumabat na si Raphael habang hawak hawak si Barbara na nag-iinit na ang ulo sa babaeng nagngangalang Isabela

"Bakit Raphael? Totoo naman di ba?" sambit ni Isabela

"Hindi totoo yan, kilala ko si Barbara, wala syang ano mang inagaw sa iyo, higit sa lahat hindi sya malandi, dahil Mahal ko sya!!" diin sambit ni Raphael sa pagmumukha ni Isabela

"Ano!!!!???? Galit sa iyo ang mga magulang nya Raphael, handa kang saktan ng mga magulang nya alang alang dyan sa sinasabi mong mahal mo sya!!!" gulat na sambit ni Isabela

"Nasaktan na nga ako kagabi di ba? dahil dyan sa marumi mong bibig Isabela, dahil doon, mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na kailangan kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya mahirap man o madali.." sambit ni Raphael

"Anong klaseng gayuma ba ang ipinainom mo kay Raphael hah Barbara!!?" sumbat ni Isabela kay Barbara

"Wala akong pinapainom na gayuma!!" sambit ni Barbara

"Pwede Isabela, tumigil ka na!!! Barbara tara na!!!" sabay hila ni Raphael kay Barbara palabas ng klase

"Oh Raphael saan kayo pupunta?" tanong ng guro nila

"Papahangin lang po" sambit ni Raphael

"Sige, tutal wala naman tayong klase ngayon dahil kami ay may pagpupulong ngayon" sambit ni kanilang guro

"Salamat po.." huling sambit ni Raphael at hinila nyang muli si Barbara papunt sa kanilang parke

Sa Parke....

Umupo sa isang duyan ang dalawa...

"Bakit mo naman ako dinala dito?" tanong ni Barbara halatang kumalma na

"Para di mo na makita yung babaeng yun.." simpleng sagot ni Raphael

"Raphael?" si Barbara

"Bakit?" sagot ni Raphael

"Tungkol sa sinabi mo kanina kay Isabela? Totoo lahat yun?" tanong ni Barbara

"Lahat ng yun, totoo walang halong biro" sambit ni Raphael

"Kahit saktan ka ng mga magulang ko okay lang sayo?" sambit ni Barbara na may halong pag-aalala

"Ano mang mangyari Barbara, pakatandaan mo mahal na mahal kita at ipaglalaban ko kung anong meron tayo okay?" sambit ni Raphael sabay hawak sa kamay ng dalaga

"Mahal na mahal din kita Raphael..pero.." biglang yumuko si Barbara

"Pero?" nagtatakang tanong ni Raphael

"Simula nung nalaman nila kagabi ang tungkol sa atin, nagdesisyon ang mga magulang ko na ilipat na ako ng eskwelahan sa makalawa.." nalulungkot na sambit ng dalaga

"Ano!? Iiwan mo na kami? Iiwan mo na ako?" napatayo si Raphael

"Raphael, hindi sa ganon, sa totoo lang ayaw ko naman umalis eh, ayaw kong mapalayo dito, sa iyo.." sambit ni Barbara sabay tayo at hawak sa mga kamay ni Raphael

"Pero aalis ka pa rin, iiwan mo pa rin ako..Akala ko ba mahal mo ako?" pagbitaw ni Raphael sa pagkakahawak ni Barbara

"Mahal kita!! Mahal na mahal, ngayon lang ako nakaramdam ng gantong saya simula nung makilala kita" naluluhang sambit ni Barbara sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Raphael

"Mahal na mahal din kita, di ko kayang malayo sa iyo.." naluluhang sambit ni Raphael

"Alam ko, kaya sinabi ko sayo ito, kasi masakit sa akin iwan ka"  sambit ni Barbara

"Lumayo na lang tayo.." salitang sinambit ni Raphael na ikinagulat ni Barbara

"Ano?" gulat na sambit ni Barbara

"Lumayo na lang tayo Barbara, tayong dalawa.." sambit muli ni Raphael

"Seryoso ka?" tanong ni Barbata

"Alam kong nabigla ka, pero eto lang ang naiisip kong paraan para di na tayo magkalayo.." paliwanag ni Raphael

"Raphael, baka kung anong gawin sayo ni Itay oras na malaman nya ito?" pag-aalala ni Barbara

" Di ba sabi ko sa iyo ipaglalaban kita, ipaglalaban ko tong pagmamahal ko sa iyo" sambit ni Raphael

"Natatakot ako Raphael, natatakot talaga ako, hindi para sa akin kung di para sa iyo.." si Barbara habang patuloy na naluluha

"Barbara, kaya ko ito, para sa iyo, handa akong magpakahirap huwag lang tayo malayo sa isat isa dahil mahal kita, Ikaw? handa mo ba akong ipaglaban?" sambit ni Raphael

"Alam kong mahirap, alam ko rin kamumuhian ako ng mga magulang ko, pero handa na akong ipaglaban ka.." tumingin si Barbara sa mga mata ni Raphael

"Ibig sabihin ba nito?" si Raphael

"Mahal kita kaya sasama ako siyo.." ang sagot na ikinangiti ni Raphael

"Salamat!!!! Mahal na mahal kita!! Pangako, hinding hindi na tayo maghihiwalay..." isang yakap ang iginawad ni Raphael kay Barbara

"Kailan ang balak mo?"

================================

Hala!!! Ano to???

Abangan....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top