Chapter 1: Ang Simula

30 Years Ago...

May dalawang tao nag ngangalang Barbara at Raphael, si Barbara ay isang simpleng dalaga na nag-aaral sa sekondarya sa kanyang ikatlong taon, samantala si Raphael naman ay isang binatang ubod ng yabang at may katigasan ng ulo, inilipat siya sa pampublikong sekondarya dahil sa kanyang ugali, sya ay nasa ikatlong taon na dapat ay ikaapat na taon na dahil sa ugali at kawalan ng gana sa pag-aaral, siya ay nasa ikatlong taon palang ngayon hanggang sa...

*Blagg*

"Aray!" masakit na sambit ni Barbara ng may nakabangga sa kanya

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" sambit ng lalaki nakabangga sa kanya

"Hoy! mister ikaw na nga itong nakabangga sa akin, ikaw pa itong galit!" sambit ni Barbara, habang pinapagpag ang kanyang palda

"Anong mister? hindi pa ako matanda, tindi nito" sambit ng lalaki

"Ano sa tingin mo? mukha ka na ngang nasa ikaapat na taon sa itsura mo" sumbat ni Barbara

"Miss, nasa ikatlong taon lang po ako, kaya huwag mo akong tawaging mister" sambit ng lalaki sabay alis

Naiwang pikon na pikon si Barbara dahil sa ugali ng lalaking yun..

"Huy!! Barbara bakit ganyan ang mukha parang tinamaan ng kidlat sa inis?" biglang dumating ang kaibigan ni Barbara na si Ligaya

"Paano ba naman kasi, may nakabangga sa akin na ubod ng yabang ni hindi man lang nag pasensya, siya pa itong galit, akala mo kay gwapo, kay yabang yabang naman at halatang mukha ng nasa ikaapat na taon.." pag kukwento ni Barbara kay Ligaya habang naglalakad sila patungo sa kanilang silid aralan

"Gwapo nga ba?" tanong ni Ligaya

"Medyo, singkit eh parang Tsinoy, kay halong pagka intsik, hay! basta, kalimutan na natin iyun, pumasok na tayo baka tayo ay mahuli pa sa klase" sambit ni Barbara

"Naku, ako ay may naamoy.." pagbibiro ni Ligaya habang papasok na sila sa klase

"Ako'y tigilan mo Ligaya, baka saan pa mapunta yan biro mo" pagbabanta ni Barbara

*Ring*

"Magandang umaga mga mag- aaral!" bati ng kanilang guro

"Magandang umaga din po guro! " bati ng mga istudyante sa ikatlong taon

" Ngayon araw na ito, nais kong ipakilala sa inyo ang magiging bago ninyong kaklase, siya ay nanggaling sa pribabdo paaralan pero mas pinili ng kanyang mg magulang na dito na siya magpatuloy ng pag-aaral.." pag uumpisa ng kanilang guro

"Sino naman kaya itong bago nating magiging kaklase?" bulong ni Ligaya kay Barbara

"Hindi ko din alam, malalaman natin" tanging sambit ni Barbara

"Hindi ko na patatagalin, iho pasok!" paanyaya ng kanilang guro sa bagong istudyante ng ikatlong taon

Isang makisig na lalaki ang pumasok sa loob, lahat ng kababaihan ay nanlaki ang mata lalong higit si Barbara na parang nakakita multo..

"Hijo maligayang padating sa aming paaralan, ikaw na ang magpakilala sa iyong sarili" hayag ng guro sa bagong istudyante

"Ako nga po pala si Raphael Josue, maaari nyo po akong tawagin Raphael o Josue kung saan po kayo komportable akong tawagin, sana po ay magkasundo po tayo" pagpapakilala ni Raphael sa sarili

"Sa lahat ba naman ng seksyon sa ikatlong taon dito pa napunta ang mayabang na yan" bulong ni Barbara na nakita ng kanyang guro

"Miss Barbara may sinasabi ka iha?" tanong ng guro

"Wala po" napatikom na lang si Barbara

"Mabuti kung ganon, ngayon Raphael maaari ka nang umupo sa tabi ni Miss Barbara.." lalong nanlaki ang mata ni Barbara

"Guro!!" protesta ni Barbara

"May protesta ka Barbara" titig na sabi ng guro kay Barbara

"Pero?" hindi na pinatapos ng guro si Barbara

"Raphael maaari ka nang umupo sa tabi ni Barbara" pagtatapos ng guro

Wala ng nagawa si Barbara kung hindi ay pumayag ang gusto ng kanyang guro

"Barbara?" bulong ni Ligaya na nasa tabi ng bintana katabi niya si Barbara na katabi naman si Raphael sa kanyang kabila

"Bakit?" inis na sagot ni Barbara

"Siya ba?" tanong ni Ligaya

"Ang alin?" naaasar na talaga si Barbara sa kakatanong ni Ligaya

"Si Mister Yabang?" nguso sabi ni Ligaya na nginunguso si Raphael

"Oo na! Siya nga yung lalaking nakabangga ko kanina na ubod ng yabang, akala mo santo ng pumasok dito" sambit ni Barbara

"Ako ba ang pinag uusapan nyo magagandang Binibini?" sabat ni Raphael

"Pakialam mo ba Mister.." humarap si Barbara ng biglang nagkalapit ang kanilang mga mukha ni Raphael na titig na titig sa kanya

"Yabang.." iyan na lang ang tanging nasambit ni Barbara ng magkatitigan sila ni Raphael

Parang huminto ang oras habang sila ay nagkatitigan ng..

"Baka matunaw kayo sa titigan nyong iyan Barbara, Raphael" sambit ni Crisanto na nasa kabilang upuan katabi ni Raphael

Biglang iwas ng tingin si Barbara kay Raphael..

"Ano ng nangyari Barbara? Kanina lang parang kidlat sa inis ang turing mo dyan kay Raphael, ano na ngayon?" sambit ni Ligaya

"Manahimik ka nga dyan! Makinig na lang tayo sa leksyon ni Mam" pag iiwas ni Barbara

Nagpatuloy ang leksyon hanggang sa....

*Ring*

"Barang, sasabay ka ba sa akin kumain?" aya ni Ligaya (Barang ang tawag ni Ligaya kay Barbara)

"Mauna ka na may inaayos pa ako, susunod na lang ako" sambit ni Barbara habang may isinusulat pa

"Sige sunod ka na lang ha!" sabay alis ni Ligaya

Naiwan mag-isa si Barbara nang...

"Miss Sungit, ano yan pinaggagawa mo ha?" tumingin si Barbara sa pinanggagalingan ng tinig

"Eh sa ano ang pakialam mo Mister Yabang" sambit ni Barbara sa papalapit na si Raphael

"Grabe naman sa Mister Yabang, sa kisig kong ito" pagmamalaki ni Raphael

"Kita mo! sang banda ang kisig mo, eh saksakan ka naman ng yabang.." panlaban ni Barbara

"Eh bakit ka na tulala ng magkatitigan tayo?" tingin sa taas ni Raphael na may kasama ngisi

Napatigil si Barbara sa sinambit ni Raphael..

"Tungkol..don..ahm.." nauutal na sambit ni Barbara

"Bakit ka nauutal, Miss Sungit?" taas kilay na sambit ni Raphael kay Barbara

"Wala ka na don.." sambit ni Barbara sabay bitbit sa kanyang gamit at akmang palabas na ng..

"Saan ka pupunta?" sambit ni Raphael sabay hawak sa braso ni Barbara

"Saan pa? edi sa canteen.." pagtataray ni Barbara

"Akin na yan bag mo, sabay na tayo!" sambit ni Raphael, sabay kuha ng bag ni Barbara

"Anong sabay tayo? Manigas ka dyan!" sambit ni Barbara sabay pilit na inaagaw ang kanyang bag kay Raphael

"Miss Sungit, sa ayaw at sa gusto mo, sabay tayo kumain!" huling sambit ni Raphael sabay hila kay Barbara papuntang canteen

Sa Canteen...

"Nasaan na kaya si Barbara? Ang tagal naman.." sambit ni Ligaya habang palinga linga sa may pintuan ng kainan

"Parating na rin iyun Ligaya, huwag ka ng mag-alala sa kaibigan mo nandito naman kami ni Angelo at Linda para sayo" banat na sabi ni Crisanto

"Ligaya mukhang nanliligaw na yang si Crisanto sayo, sagutin mo na.." sambit ni Angelo habang nakaakbay sa kasintahan nyang si Linda

"Aral muna bago ikaw" banat ni Ligaya kay Crisanto na ikinatawa ni Linda at Angelo

"Aray ko! Pero ako'y handang maghintay hanggang sa makamit ko ang matamis na 'OO' ng aking Ligaya" pagbabalagtas ni Crisanto na lalong ikinatawa nila Linda at Angelo kasama na rin si Ligaya

Habang nagkakasiyahan ang lahat sa kanilang grupo...

"Raphael naman! Makahila naman! Bakit ba gusto mo akong makasabay kumain ha? Di pa naman tayo ganoon magkakilala" sambit ni Barbara habang hila hila sya ni Raphael papasok ng canteen

"Sasabihin ko sa iyo mamaya, nagugutom na kasi ako" pag iiwas ng tanong ni Raphael

Balik sa grupo nila Ligaya..

"Ligaya.." tawag ni Linda

"Bakit?" sambit ni Ligaya na napahinto sa pagtawa

"Tignan mo ayun si Barbara kasami si.." di natapos ni Linda ang sasabihin ng nagsalita ang dalawang lalaki

"Raphael Josue!!!" pagtatapos ni Angelo at Crisanto

"Ano!!!?" sabay lingon ni Ligaya sa dalawa

Nang makalapit ang dalawa sa grupo..Hawak hawak pa rin ni Raphael ang kamay ni Barbara, natahimik ang grupo dahil lahat sila nakatigtig sa dalawa na di namamalayan na magkahawak pa rin sila ng kamay

"Kaya pala susunod na lang? may kasabay pala? Akala ko ba inis na inis ka dyan sa lalaking iyan" sunod sunod na tanong ni Ligaya

"Tungkol dito..." hindi na pinatapos ni Raphael si Barbara

"Nililigawan ko na sya! " pagtatapos ni Raphael na ikinagulat ng lahat kasama na si Barbara

====================================

Dito nagtatapos ang unang yugto ng "Does History Repeats Itself?"

Abangan ang pagpapatuloy ng kwento sa susunod na kabanata



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top