Revenge 5.
Do Kyungsoo
Nandito kami ngayon ni Asher sa kwarto at naglalaro ang bata bago siya matulog, gabi na kasi.
Naglalaro si Asher samantala ako nagbabasa ng libro. Uminom ako ng kape ng biglang magsalita si Asher.
"Eomma, nasan na kaya si Appa?" Halos maibuga ko na yung kape sa sinabi niya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, jusq ang taba na nitong anak ko.
"Nak, alam mo namang may nangyari sa appa mo" pagsisinungaling ko, actually gusto ko sanang ipakilala siya kay Jongin pero baka kunin siya sakin at putulin ang koneksyon namin ni Asher pag ganun.
Ayaw ko yung mangyari saming dalawa, pinaghirapan ko siyang ilabas at alagaan tapos kukunin lang ng negrong yun, no fcking way.
"Kamusta na kaya si appa?" sabi ni Asher at tumingin siya sa ceiling.
Nanlalandi na naman yung appa mo. Sabi sa utak ko, totoo naman diba?
"Okay lang yun, sige na anak fix your toys at matutulog na tayo" sabi ko at pinisil ng mahina yung pisngi niya.
"Sige eomma" sabi niya at kiniss ako at inayos ang mga laruan niya at dumiretso sa kama.
"Goodnight anak" sabi ko at kiniss ko siya
"Goodnight eomma, I love you" sabi ni Asher at natulog na at ako pinatay ang lamp at natulog na rin.
---------------------------
Day off ko ngayon kahit ako ang boss hahaha kaya pumunta kami nina Jessica at Asher sa shopping mall, gusto ko ding bilhan ng bagong sapatos si Asher, kasi mag-aaral na siya ng nursery, oh diba ang saya nun, mag-aaral na ang baboy mong anak =3=
Kahit April pa lang bibili na ako ng gamit niya tutal habang may oras pa ako, kasi magiging busy ako dahil sa mga projects at baka may mga business trips at out of country projects kaya di ko maaasikaso si Asher :'(
"Eomma I want chicken" harajusko kakadating lang namin ng mall, pagkain agad pero sabagay di na naman kami nag-almusal at dumiretso kami sa Jollibee tutal maraming chicken dun.
"Jessica ikaw na lang mag-order at ako magbabantay kay Asher" sabi ko at tumango si Jessica at umorder pero makalipas ang ilang oras tengene naiihi ako kaya dumiretso ako ng cr at ng tapos na ako bumalik ako at putangina, wala si Asher sa upuan namin, ang pabaya ko naman.
Agad akong pumunta kay Jessica na kasalukuyang nag-oorder.
"Jessica nakita mo ba si Asher?" Taranta kong tanong sa kanya
"Hindi bakit?" Tanong niya
"Nawawala siya, tara hanapin natin" sabi ko at tumakbo kami sa paligid ng mall
Nagtanong kami ngunit di nila nakita si Asher, shet naiiyak na ako, dahil pabaya ako at nawawala si Asher.
"Punta tayo sa customer service" sabi ni Jessica at tumakbo kami papunta dun.
Nang makarating kami agad akong lumapit sa babae.
"Miss, I would like to report a missing boy, 3'5 ft. Tall, a little tanned skin and wearing a pororo shirt" sabi ko sa babae at tumango siya.
"We would like to inform that there is a missing boy that is 3'5 feet tall, tanned skin and wearing a pororo shirt, in case of finding him, please surrender him at the customer service area. Thank you" rinig sa buong mall ang sinabi ng babae at sobrang naiiyak na ako.
Where are you na Asher....
Kim Jongin
Namamasyal ako ngayon sa mall para lumakwatsa kahit sandali lang kasi may meeting din kami mamaya, namimiss ko ng lumakwatsa, ever since na nagmanage na ako ng company, di na ako makagala, panay paperworks at meetings na lang ang nararanasan ko.
Habang naglalakad ako, may nakita akong chubby na bata na nakadungaw sa mga laruan sa toy store, pero bakit kamukha ko at bakit mag-isa lang siya?
Nilapitan ko siya at nakafocus siya sa isang stuff bear dun na kulay blue.
"Uhmm bata, bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko dun sa bata at tumingin siya at lumaki ang mga mata niya.
"Nakita ko po kasi yung teddy bear sa toy store kaya tinignan ko po" sabi niya at nagpout siya.
"Gusto mo bilhin ko para sayo para bumalik ka na din sa parents mo" sabi ko at tumango siya.
"Sige po" sabi niya at niyakap niya ang legs ko, somehow I felt comfortable.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko ulit sa kanya
"Asher William" sabi niya.
Pumasok kami ng toy store at agad niyang kinuha yung stuff bear at kinuha ko yun at binayad. Bakas kay Asher yung ngiti niya kaya napangiti ako at parang feeling ko may kuneksyon kami nung bata.
Pinasyal ko muna siya pagkalabas namin at nilibre ko siya ng ice cream, para kaming mag-ama, reminds me of my baby.
Habang naglalakad kami, biglang tumunog yung speaker ng mall...
"We would like to inform that there is a missing boy that is 3'5 feet tall, tanned skin and wearing a pororo shirt, in case of finding him, please surrender him at the customer service area. Thank you"
Wait nakasuot ng pororo shirt si Asher ah, hinahanap na pala siya ng mga magulang niya.
"Asher, tara na hinahanap ka na ng parents mo" sabi ko sa kanya
"Sige po, tara na" sabi niya ng mabibo at pumunta kami ng customer service, pero small world nga naman....
Author's POV
Minuto na ang nakakalipas at wala paring bakas ng Asher William ang nakikita, halos mabaliw na si Kyungsoo dahil sa kapabayaan niya.
Pero isang mirakulo ang nangyari, narinig niya ang boses ni Asher at nakita niya na may kasama siyang lalaki na siya ring nagpadilim sa mga mata niya.
"Eomma!" Sigaw ni Asher at tumakbo sa eomma niya at nagyakapan ang mag-ina pero di pa umaalis si Jongin dahil nagulat siya dahil ang kasama niyang bata ay ang anak niyang pinangakong mamatay na.
"Buti at nahanap ka, okay ka lang, nasaktan ka ba?" Halos itanong na lahat ni Kyungsoo ang nais niyan sabihin sa anak niya at mangiyak-iyak na siya.
"Okay lang po eomma, nilibre nga po ako nung lalaki kanina ng teddy bear at ice cream" sabi niya at pinakita pa ang mga binili ni Jongin para sa 'anak' niya na di niya inakala.
"Mabuti naman at okay ka pero next time wag kang aalis at don't talk to strangers" sbai ni Kyungsoo at tumango si Asher at nagyakapan ulit ngunit wala na si Jongin dahil alam niyang makakatikim siya ng masasakit na salita galing sa dati niyang minamahal.
---------------------------
To Be Continued
Author's Note:
Wooh wala ng re-read nakakatamad xD, wooh happy 1.2k reads thanks ulit guys really appreciate it.
Next week ulit ako mag-uupdate. That's all and Good Evening
Votes and Comments *u*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top