7 : Pororo
Omo! Ano na gagawin ko? Hindi na ako mapakali. Birthday na ni Hyung! Hays! Kahit simple lamg ibigay ko sa kanya ayos na yun! Bat ba kasi nakalimutan kong bumili eh.
Napakamot na lang ako ng wala talaga akong maibibigay. Nakakahiya naman kasi eh. Napanguso na naman ako ng wala sa oras.
Napatingin naman ako sa orasan at maaga pa naman kaya pwede pa ako humabol sa isang simpleng handaan. Yun kasi ang request ni Hyung wag gawingagarbo o kaya magsurprise pa. Dahil maaga pa naman ay kumuha na ako ng pera ko at pupunta ako ng mall.
Nagdisguise ako. Simple lang naman. Nakashades at facemask. Ayaw ko na pagkaguluhan ako ng maraming tao sa mall lalo na't baka may mga sasaeng ako na sinusundan kahit saan. Onting ingat lang.
Ilang saglit ay nakarating na ako sa mall. Medyo malapit naman sya kaya ay nakarating naman agad ako. Dahil oras ng klase ng mga estudyante ay tanging mga pamilya lang nandito o kaya ay trip lang nila mamasyal.
Una, ano ba kinahihiligan nya? Pagluluto. Eh kaso alam kong may magreregalo naman sa kanya nang ganoon. Hmm. Recipe? Meron din magbibigay doon!
Napakamot na lang ulit ako.
Nagsearch na lang ako sa google baka sakali may makita ako.
Hmm. Teka, mahilig sya sa pororo! Eh kaso, saan ko kaya ako makakabili nun? Meron ba nun dito? Sa japan ata meron eh.
" Miss, may alam ka bang tindahan ng pororo staffs? " tanong ko sa isang salesday. Napaisip sya tas bigla na lang sya umiling sa akin.
" Mianhe bago pa kasi ako. Hmm. Tanong mo sa kanya. "
Pinuntahan ko naman yung tinuri nung salesday at nagtanong muli ako kay Ateng salesday. At buti naman ay may naituro sya.
" ano gusto mo kapalit? " tanong ko.
" Autograph ni Kookie. " kaya naglabas sya ng isang photocard ko. Bigla ko naman kinuha ito at naglabas sya ng pentel kaya pinirmahan ko ito sa likod.
Nabigla si Ate sa inasta ko. Bahagya ko nilabas ang mga mata ko at sunod ay tinaas ang facemask maya napanganga sya sa akin. Akmang sisigaw sya ng bigla ny ring tinakpan.
Ang problema ko naman ay ano naman ang bibilhin ko? Napanguso na lang ako. Punung-puno ng mga pororo na andito eh.
Napatingin ako sa isang side ng store at isa itong life size pororo. I want this for my hyung.
Nung lumapit ako ay napahanga ako dahil ang kyut nya at parang si Hyung yung nakikita ko.
Tinanong ko kung magkano at agad-agad kong binayaran kahit may kamahalan sya. Buti na lang at may dala akong Van kundi ay maglalakad akong bitbit to.
" Kookie, saan ka galing? " bungad na tanong ni Hope-hyung. Ngumiti na lang ako. Sa back door ko kasi idinaan yung regalo ko para iakyat si Pororo.
Maya-maya pa ay dumating na rin yung iba. Dahil simpleng selebrasyon ito ay agad naman kami nagsikainan at nagkwentuhan. Naglaro kami ng saglit at may mga punishment rin.
" Hyung, regalo ko." Si Kai-hyung yan. Sya na kasi ang hindi pa nagbibigay at ako.
Binuksan ito ni Hyung at sabi ko na nga ba. May magreregalo ng kitchen utensil s eh. Kaya bigla nya niyakap si Kai-hyung at ako ay napasimangot naman.
" HAPPY BIRTHDAY KYUNGSOO! " sabay-sabay naming pagkakasabi sa kanya.
Agad-agad rin kami ng naglipit. Dahil kaarawan ni Hyung ay pahinga muna sya sa ibang gawain kaya ako ay niyaya sya sa taas para ipakita na yung regalo ko.
" Happy Birthday, hyung. "
Nang pinapasok ko sya at binuksan ang ilaw ay agad syang napatulala. Kinurot ko na lang ang pisnge nya kaya bumalik na sya sa reyalidad kaya tumakbo sya papunta sa pororo at niyakap.
Nakakatuwa sya.
" Salamat saeng. " agad nya ako niyakap.
Yakap na walang papantay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top