6 : Squad
JUNGKOOK
Nasa photoshoot kami. Nagsisimula na ngayon ang collab namin. Nagcollab kami sa isang magazine. Yun lang din kasi ang kasunduan since ang promotions sa mga album ay hindi kasama. Mas okay na 'to atleast may interaction.
" Jungkook, tayo na! " tawag sa akin ni V-hyung.
Nagpost lang kami ng kung anu-ano. Maya-maya ay kasama ko si Soo-hyung. Nagfist bumb. Tapos bigla nya ako inakbay at umakbay rin ako sa kaniya at tinaas ang kanang kamay ko na parang nanalo.
Para ata to monthly issue. Pagkatapos namin sumalang ay naiwan si Soo-hyung para naman sa kanila naman.
" Derp Squad pa more! " sigaw ni Baek-hyung na may halong dismaya? Mukha kasi siyang naiinggit na nagseselos?
Sila Soo, Sehun at Chanyeol-hyung naman ang sumalang. Yung isa nakapeace sign at nakangiti ng todo, yung isa nakapoker face at si Soo-hyung na laging nakatulala at nanlalaki ang mga mata.
Pinagsama-sama silang tatlo na living emoji sila. I just smile. Nakakatuwa naman silang tignan.
" Ang cute. Gawa tayong squad. " banggit ni V-hyung. Hala. Nainggit? Hahahaha.
Nagsearch ako ng ilang pictures tungkol sa derp squad. At ang lumabas ay kung anu-ano. Nakakatuwa naman. Iba't-ibang awards yung pinuntahan tas lagi silang magkakatabi.
Meron pa ngang Beagle Line eh. Buti sila may iba't-ibang squad. Ang saya lang nila panoorin oh. Siguro kung hindi rin ako k-idol mukha akong fanboy na laging nagsspaz sa kanila then laging updated.
" Kookie, gagawa rin tayo ng squad tas papakuha tayo ng ganyan. " napasimangot ako sa kaniya. Ilang beses na nya sinubukan pero wala eh. Laging nauudlot. Kahit sa pangalan na lang pinoproblema pa eh.
" Jungkook, may squad akong naisip. " sabi ni Chen Hyung. Ano kaya yun?
" ano naman yun? " tanong ko. Ngumiti siya ng napakalawak.
" Face Squad. " para saan? Sinu-sino naman kabilang dito?
" Bakit? Sinu-sino kasama doon? " curious kong tanong sa kanya.
" Si kyungsoo, ikaw at si Jin. " kasama si Soo-hyung?
" Eyes, Nose, Lips. " kanta ni Taeyang-hyung yun ah! Teka? Jinojongdae na naman nya kami eh.
" Chen-hyung, huwag mo na akong i-troll. Jebal? "
Nakita ko na yang meme na yan. Pati yung idol ko sinasama. Ano kinalaman ng ilong ko doon at ang walang kamuwang-muwang mga labi ni Jin hyung.
At sa wakas! Natapos na rin ang photoshoot namin. Ilang take rin kami doon. Hays. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko.
" hyung! Gusto ko nun! " ang lahat ay napatingin kila Soo-hyung. Napanguso ako ng makita na ganun yung sitwasyon nila.
Si Chan at sehun-hyung kasi may pinapabili. Binigay na lang kay Sehun-hyung yung gusto nya habang si Chan-hyung ay nagmamakaawa pa.
" Yeol, rilakkuma na naman? Kay suho-hyung ka naman magpalibre. " at lalo pang nagpanguso si Chan-hyung.
" babawi naman kasi ako! Di na bale huwag na lang. Hmm, hyung? Ano plano mo sa birthday mo? "
Birthday? Napatingin ako sa calendar ko at malapit na nga. Teka, ano nga pala ang ireregalo ko? Doon ko na lang napagtanto na nakalimutan ko na. Masyado kasing abala sa pagiging fanboy sa kanya eh.
" Kookie, ano to? " napatingin ako kay Suga-hyung at napatingin naman ako sa hawak nya. Geez. Agad-agad ko naman kinuha sa kanya yun.
Napailing na lang ako sa kanya. Somewhere, namukha akong timang. Ngumiti lang ako ng makita ko ito ulet. Hays.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top