4 : Living with THEM

  " sino na ang excited sa Collaboration natin! Taas ulo! " eto at nagkakagulo ang lahat dahil kasama namin ang EXO sa iisang bubong, bakit si Hope;hyung lang 'yung 'di kinakabahan? Samantala kami halata naman.

   " kanina pa kayo tahimik dyan, hindi nyo lamang ako damayan sa kasiyahan! Ayaw nyo ba 'yun? Makakaclose natin sila " sabat pa nya. Sa sobrang excite kasi nya ay naghihintay na lang sya sa amin dahil hindi pa kami tapos mag-ayos ng damit.

  " bahala ka na dyan hyung basta hintayin mo na lang kami sa van "

  Tatlong maleta na 'yung dadalhin ko at tatlo ring bag. Parang airport ata 'yun pupuntahan ko dahil sa dadalhin ko. Paano pa kaya sila hyung?

  " wala na ba kayong naiwan? " tanong sa amin, tumango na lang kami dahil tamad na rin kami magsalita dahil sa kinakabahan kami. Collaboration ng company ang gagawin. No choice kundi makakasama namin sila ( kahit gusto naman talaga namin ).

  " maknae, gising na at nandito na tayo "

  Nagising na ako at nandito na pala kami sa dorm nila, agad-agad ko naman kinuha ang mga dala ko.

  " BTS, may karoommate kayo at hiwa-hiwalay ang kwarto nyo. Si Suho na magsasabi " agad nya kami iniwan dahil may pupuntahan raw sya.

  " may pagbabago lang sa magiging roommate natin. Ako, lay at xiumin ang magkakaroom. Sehun, J-Hope at Luhan sa room no.2 kayo. Baekhyun at V sa room no.3 . Kyungsoo at Jungkook room no.4. Kai at Jimin room no.5. Kris at Tao room no.6 . Jin at Chen room no.7 . Chanyeol, Rapmon at Suga room no.8 . Clear na ba? "

  " teka, magkahiwalay kami ni Kyungsoo? " bigla sya napatingin sa akin aat mukhang ayaw nya at ako makaroommate si Dyo-Hyung.

  " Oo, bakit? "

  " hindi ako sanay. "

  Napatingin ako kay dyo-hyung at lumapit sya rito kay kai-hyung, sobrang close kasi sila at 'yun ang lagi kong nababalitaan.

  Parang pinapakita nya ay huwag kang mag-alala kai, hindi naman ako lalayo sa'yo parang ang sarap nya maging kuya.

  " sige na pumunta na kayo sa nakaassign nyong room. "

  Inalalayan ako ni Dyo-hyung sa nakaassign naming room, kwarto ba 'to ng babae? Sobrang linis nito at mukhang alagang-alaga sa gamit.

  " doon mo ilagay ang gamit mo sa katabi kong walking closet. "

  Pagkabukas ko ay namangha ako, ang ayos may nakalagay na mga hanger at sabitan. Mukhang bago pero halatang ginamit na 'to.

  " jungkook, sunod ka na lang sa labas at magmemeryenda na tayo "

  Ngumiti na lang ako bilang sagot sa kanya, mukhang cold sya dahil sa tahimik nyang tao pero mabait naman sa totoo lang.

  Bilisan ko na at baka mahuli ako sa meryenda, unang araw pa lang namin dito ay ganoon na agad ang pinakita namin.

   K A I

   " suho naman! Gusto ko si Dyo. Please na gramps! " pangungulit ko. Hindi naman talaga ako sanay na iba 'yung roommate ko. Bakit pa kasi ako pa 'yung hiniwalay kay kyungsoo.

  " si Manager-hyung ang nagbigay nyan. Wala na ako magagawa pa "

  Napasimangot na kang ako sa kanya. Ayaw na ayaw ko pa naman din na nahihiwalay kay kyungsoo.

  " kai-Hyung, galit ka ba sa akin? " napalingon ako at si Jimin lang pala 'yun. Umiling-iling ako sa kanya.

  Napaupo na lang ako sa dining at baka magluto si kyungsoo ng fried chicken.

  Mamimiss ko si hyung . Hindi na kami magkaroommate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top