CHAPTER 6: LEFT NO RIGHT
MC AIZEN AKIRO ALONSO PAZ POV
Sa labas palang ng bahay halata na ngang maraming bwusita ang kakambal ko. I'm hoping he's finally fine, para naman hindi ko na gawin ang pagpapanggap na maging siya.
"Hindi mo ba ako ipakikilala sa kanila?" Bulong ng katabi ko.
Palihim kong pinitik si cheene. Boba! Tingin niya kilala ko ang mga taong nandito? Duh!
Kinamot ko ang likod ng ear ko saka naglakad para magpakilala sa kanilang lahat.
"Hello po sainyong lahat. I'm Kira.."
"Hindi ko alam na may kasing edad at kapatid pang----lalaki si AR"may panghuhusgang sabi ng matandang babae.
"Yah. Akala namin tatlo lang silang magkakapatid. Sigurado ka ba na kapatid ka niya?" Dagdag pa ng isang babae.
Bah! Ang mga walang hiya. Sabagay! Iba ang alindog ko eh, sino ba namang hindi magtataka diba?
"Hahahaha nice to meet you all, excuse lang po" eksena naman ni cheene sa harap ko saka niya ako hinila sakanila. I'm not yet done talking! Nakikipag usap pa ako!
"Anong ginagawa mo babae?" Pagdadabog ko habang bitbit niya ang kanang kamay ko. Makapaglakad sa hagdag daig pa ang kabayo sa bilis.
"Ano sa tingin mo? Di nilalayo ka sa mga yon!" Kibot niya.
Lumingon ako sa living room.
"Ang bastos mo lam mo yon? Kinakausap pa ako ng mga tao." Alma ko.
"Ako pa hah? Kira, sa lahat ng bastos na Tao sa mundo ikaw yon! Saka ano isasagot mo sa mga babaeng yon? Aaminin mong kakambal ka ni Akiko? Hibang ka ba?" Tinanggal ko ang kamay ko na hawak niya at huminto.
"Tch! Daig mo pa si mommy alam mo 'yon? Wala namang masama kung makikipag usap lang ako kahit saglit. Hindi yung hihilain mo agad ako wala pang akong sampung laway na napapalabas." Huminto rin siya a ginaya akong namewang.
"Bakla talaga!" Ismid niya "Ang sasama na ng tingin nila sayo dimo ba napansin 'yon?"
"Pake ko? Mamatay ba ako?"
"Anong meron at ang iingay niyong dalawa?"sabay naming nilingon ang taong nasa likod ni cheene.
"Oh-Iha! Good to see you again. Bakit ngayon ka lang dumalaw." Nakangiting sambit ni Dad pagkakita kay cheene.
Hinaplos ko nalang ang noo ko. Bukod kay ate kung may isa pang anak na tunay na babae sana si Dad for sure si Cheene na iyon. Kung Close na kami, mas close pa sila. I rolled my eyes and left them.
Pinuntahan ko nalang ang rason ang mga kahibangang nangyayari ngayon.
Naabutan ko si mommy at Fransisco na nag uusap ng seryoso, pareho silang nakatuon ang pansin sa taong nakahiga sa kama. Pagkalapit nilingon nila akong dalawa,ngumiti ako at bumeso. Sa puntong yon tumingin ako sa gilid ko kung saan naroon ang kakambal kong may mga nakakabit sa katawan niya at may benda ang kaliwang paa.
"Bakit niyo siya inuwi? Hindi ba mas gagaling siya kung nasa hospital siya?"tanong ko ng magkatinginan sina mommy at Francisco.
"Dadalhin namin siya sa Amerika para ipagamot Akiro." Nilingon ko sila "Kaya kailangan na namin ng sagot mo ngayon."
"Wait how long?" Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko bumabalik na naman ang dating kinatatakutan ko.
"I don't know. Basta magpapagaling do'n ang kapatid mo. Tatawag nalang kami kila Yaya mo Sally para makibalita dito or kay Francisco."
"Sinong kasama niyo?"
"Of course your Dad. Naroon ang business niya pati si Bunsoy hindi siya pwedeng maiwan."
They will leave me again? I bite my lips and nodded.
Ang swerte swerte talaga ni Akiko. Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko at bumagsak ang mga balikat. Kapag sinabi nilang aalis sila, it will take a month or a year bago sila babalik. Laging ako yung magbibigay at magpapaiwan. Sila palagi ang magkakasama.
Huminga ako ng malalim, ews! Nevermind kung aalis sila then go! Magpaparty nalang ako kapag wala sila. Ahuh! I think it's a good idea.
"Okay. I'll do it. Payag na ako sa gusto niyong mangyari." Sambit ko na alam kong ilang araw na nilang inaantay at sobra nilang ikakatuwa sa oras na marinig nila ito mula sa akin.
"Really? Good! Akiro. Madam pumayag na siya!" Galak na sabi ng baklang manager ni Akiko.
Eh di siya na happy!
"Yeah, I heard it.. Good choice anak. Don't worry papadalhan ka namin ng allowance mo every month huh?" Nakangiting sabi din ni mommy saka ako niyakap at hinaplos haplos ang batok ko.
Tumango muli ako. Allowance? Maliit akong ngumiti.
"Kelan ang flight niyo?" Sinubukan kong gaanan ang tono ko.
"Mamayang Gabi na.. Kailangan nilang bumyahe agad Akiro.. Lalo na kritikal ang kundisyon ng kakambal mo hindi pwdeng magsayang ng oras." Kita ko ang lungkot sa mata ng manager niya.
Mamatay ba ang kakambal ko at kung makalukot siya ng itsura parang pang nine days na niya at ililibing bukas. Hindi pa naman ah! Besides masamang damo si Akiko.
"Sige na maiwan ko muna kayo dito. Kailangan ko pang kausapin ang mga makakasama naming mamaya." Sambit ni mom ng humiwalay ito sa yakap. Tumungo ito kay Akiko at hinalikan ang noo.
"Sasama yung mga babaeng nasa labas mader?"
Ang dami nila. Kailangan pa ba ang mga taong 'yon?
"Oo. Malalapit sila kay Akiko."
Hindi na ako kumibo pa nang lumabas na si mommy. Ilang minuto ko ding tinignan ang kakambal ko habang ine-explain sa akin ni Francisco ang gagawin namin bukas na bukas din daw dahil wala na kaming masyadong oras. Kailangan ng makita ng mga tao si Akiko. Magbuhat daw kasi ng magviral ang video na kuha sakanya nung gabing aksidente at tinanggi pa nitong manager niya ay samu't-saring bash at komento na sa social media ang nangyari.
Ngumuso nalang ako sa mga plano niya. Walang akong ganang pakinggan ang mga lumalabas sa bibig niya dinig sa isa labas sa kabila ang ginawa ko.
"Bakit kasama natin si Ellaine? Ikaw pangit ba fashion mo at siya pa ang pipili sa mga bibilhin talaga?" Irap ko.
"Of course I have pero si Ellaine kasi ang mas nakakaalam sa mga style na damit ni Akiko. Sa pagkilos niya lahat lahat."dagdag niya.
Bakit 'di nalang niya sabihin na mas may tiwala siya sa fashion and taste ni Ellaine diba? Na siya ang kasama ni Akiko tuwing bibili sila ng damit nila. Gosh! Bwisit na ako.
"Akiro are you here?" Nilingon namin si Cheene na nakadungaw sa amin.
"No. Nasa hell, What's the matter?" Lumapit ako.
"Nagpatawag ng meeting si Madam Irene we need to go back."bulong niya. Akala mo may tinataguan.
"Okay, magpapaalam lang ako. Antayin mo ako sa labas pumara ka narin ng taksi para mabilis tayo."
"Sige sige."
Pinasadahan ko ang relo ko sa kamay. Hindi naman matagal mag meeting si Madam Irene , may oras pa ako mamaya para makabalik dito bago sila umalis. Pero malabo na ata na maabutan ko pa sila kapag umalis ako ngayon. Knowing my mom, atat yan na umalis para maipagamot agad si Kambal. Pinapahalagahan niya ng sobra si Akiko.
"I have an important thing to go. Bukas mo nalang I discuss yung iba siguro. Okay lang?" I asks
"Yeah.. Tatawagan nalang kita kung may importante akong sasabihin kung sakali."
"Yah yah! Ganun nalang sige." Paalam ko. Ayokong magtagal sa kwarto ng kakambal ko.
__
Dala ang Gucci bag ko lumalabas ako ng bahay na hindi nagpapaalam sakanila. They are all busy packing up their things. Mukhang excited pa nga ang mga kasama ni mudrabels.
As soon as cheene saw me she stood up from sitting under the tree near at my house. Todo sita na naman ako sakanya. Sa dami ng upuan na pwde niyang upuan dun pa talaga.
"Ang dami mong alam eh mas presko 'don!" Napailing nalang ako ng makasakay kami ng taxi.
Wala ng gamot sa sakit ni Cheene.
"Ang bagal mo kumilos Akiro! What's wrong with you? Haype ka pa kanina ah!" She said again when we arrive in madam Irene's house. Siya na ang nagdoor bell.
"Bilis!" Akmang manghihila na naman sana siya pero winasiwas ko ang kamay ko at naunang lumalakad sakanya.
"Papasok din naman pala papaandaran pa ako ng mga ka artehan!" Kibot niya. Hindi matigil tigil sa kuda.
"Nandito na kami!" Anunsyo niya na muntangang sumisilip sa likod ko matapos kong harangan ang pagmumukha niya.
"Akiro! Cheene!" Tawag ni Direct Paul. Kumakaway sila ngumiti ako at iniwan ang may tili ling na babae sa likod ko. Baka mahawa ako
"Saan kayo nagpunta kanina?" Tanong agad ni madam Irene pagkaupo sa lamesa niya. Kumakain pala sila ng lunch.
"Sa bahay. Nagkaemergency lang. So, anong meron?" Tanong ko naman. Inurong ko ang platong hinanda ni Hammer isa sa mga kasama naming staff.
"Hindi ka kakain Akiro?"
"No. I'm fine."
Our director continue his announcement. Lumilipad ang utak ko na pinapakinggan sila.
"Tungkol ito sa nangyari kanina. Nawala sa atin ang studio pero may good news ako sainyong lahat. Katatawag lang ng kabilang school at kinukuha ang team natin!"masaya niyang sabi. Parang nanalo sa loto ang mga kasama ko. Hindi agad ako nakapagreact. "Te-teka may isa pa akong good news. Ang Dj nating si Akiro ay may show na sa gabi! Official na siya sa himig ganda!" Tinaas niya ang cup niya na may kape.
Naghiyawan silang lahat at kinantyawan ako. Nagsicheers kahit kape lang saka soft drinks ang laman ng mga baso nila. Pinagmasdan ko ang sigla nilang lahat at tawanan na parang walang bukas. Kwentohan na kalamo ay ang matagal na hindi nagkita na magkaibigan. Ang saya ng bawat isa sakanila. I wish I could truly smile too. Kailan ba ako huling ngumiti ng totoo? It's been a years.. hindi ko na maalala.
"May problema ba?"siko ng director namin ng nakatayo ako sa kusina. Nagmumuni mag isa.
"Wala naman direk. I'm happy na may trabaho parin ang lahat." Nakangiting sabi ko.
Matagal niya akong pinagmasdan bago muling nagsalita.
"Your happy really? I don't see the happiness in you Akiro. Nakakapanibago hindi ka nagtataray ngayon?" Punya niya. Binaba ko ang tasa na hawak ko.
"Family matter." He stated. Binaba niya ang iniinom niya at direkta akong tinignan. Kanina pa siya may gustong sabihin. I can sense it,"Alam mo kiro. Actually pwedeng pwde mo naman iwan muna ang pagdi-Dj mo. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon hindi parin pabor ang magulang mo dito. Mas mainam nga siguro kung magfo-focus ka muna sa pag aaral mo. Marami ka pang oras para bumalik sa pagddj."
Humalakhak ako at nagkarga pa ng juice sa tasa ko. Of course he knew..
"Yah. Napagdesisyonan ko na yan direk. I'm planning to focus in one thing"
Kanina ko pa iniisip ang bagay na ito. Maybe.. Siguro nga, susundin ko muna ang utos nila mudrabels. I hate to admit it at mag emot pero diko mapigilan. Sinusuyo parin ako ng kalungkutan. Baka sakali.. if I do this.. baka sakaling ilevel up ni mommy ang love niya sa akin.
I cheers with him. Pinagmasdan namin pareho ang mga tao sa living room.
"Ah Kira! Here! I forgot to tell you, the owner of himig ganda will come later. Pirmahan mo na so that you'll be officially their DJ." Masayang sambit ni ma'am Irene. Nagkatinginan kami ni Direct ngunit tinanguan niya lang ako.
Binigay ko kay Hammer ang baso na dala ko ng makasabay ko itong naglalakad patungo sa mga lovers na nasa sala. Of course! Present jan si Cheene. Gagang babae kaya pala dina sumunod sa akin kanina dahil nakipaglampungan na tch! Iuntog ko kaya silang dalawa.
Isa isa ko silang tinignan ng di sila manahimik sa harutan. Nang maramdaman nila ang mata ko ay agad silang nagsi-sitahan. Binalik ko ang paningin ko sa binigay ni madam Irene. Nakailang buga pa ako ng hangin at paulit ulit na binasa ang nasa folder.
"Kira yan ba yung agreement with official ganda?" Di makapaniwalang usal ni Cheene.
"Talaga? Akiro pirmahan mo na" dagdag naman ng Isa.
"Hanggang huli magkakasama parin tayo! Ikaw parin ang Dj namin!"
Meant to be nga silang lahat. Urg! Ano pa bang aasahan ko sa mga eschoserang kupal este couple nato. Mamatay na ata sila kung di magsasalita ng ilang oras. Jusporsanto!
"Andito na sila!" Sigaw ni hammer. Kaming lahat ay napatayo at napatingin sa papasok na bisita.
"Mas maaga kesa sa inaasahan ko " bulong ni miss Irene nang lagpasan niya kami. I rolled my eyes Alam ko na ang style niya. I sited again and crossed my legs.
Todo sita na naman ang biba sa akin na tumayo bilang respect at pagbati daw sa mga bisita. Duh! As if gagawin ko yon. Swerte naman nila. Tanging irap ang ginawad ko kay Cheene habang nakatingin sa kawalan.
Nakaalis na kaya sila? Hindi ba nila ako nila inantay? Psh! Stupid question self. I already know the answer yet I kept asking and hoping they would wait at me.
Humilata ako sa sofa and massage my eyebrows. Rinig na rinig ko ang mga bunganga nilang tutubi. Halos trenta minuto ata ang aabutin ng mga ito sa pakikipagkamayan. Hello! Tumatakbo ang oras! Makiramdam kayo! Napailing ako ng nagtilian silang lahat sabay tawa. Ta's 'tong si Cheene nagpalunod na sa malandi niyang tawa goodness!
Sa inis ko binaling ko ang mukha ko sakanila ngunit laking gulat ko sa taong nasa likod ng kausap ni ma'am Irene.
Oh my gosh! Makikilala niya kaya ako? Saktong lumingon din siya sa gawi ko and our eyes met. Gusto kong tumingin sa ibang direktsyon pero na stick na ata ang mata ko sakanya. Shet! Even my stomach kinikiliti! Damn it!
"Mr Aizen Akiro.." Doon nawala ang ang atensyon ko sakanya.
"Yes" tumayo ako at sinubukan ngumiti ng natural.
"I'm glad we meet you" nakipagkamay ang mga bisita. I compose myself and greet them back.
"It's you.. Akiro ayt?" Tinitigan ko saglit ang kamay niya bago kinuha ito. Kita ko pa ang kakaibang tingin ng mga tao sa paligid ng magkamayan kami.
"Yes .. you're.. the CEO of Himig Ganda" walang kakurap kurap kong sambit.
"Ehem.. Akiro. Proceed na tayo?" Kami nalang pala ang inaantay upang maupo. Binitawan ko agad ang kamay niya at naupo muli.
Inayos ko ang sarili ko and back to normal. Na excited lang kanina ng makita siya. Akalain mo? Destiny! The man who give me the dress noong huli akong nagparty ay siya ang CEO ng pinangarap kong Radio Station. Small world huh!
"I've reviewed all the information about your team Irene and I'm very impressed. Hindi sa tagal ninyo and popularity sa mga radio station, pero." Napadako ang mata niya sa akin habang inipapapag ang isang folder. "You're Dj seems very confident in his career at iyon ang hinahanap namin."
Napabuntong hininga ako. I should feel happy 'ayt? Good offer but I made my decision. Ngumiti ako ng tipid. Alam ni direk ang ending ng usapan na ito.
"Thanks for this opportunity Mr Kleo. But" parang umurong ang dila ko. I know malaking kawalan ito sa buhay ko, once in a lifetime itong chance na ito pero Gaga ako eh. Ayokong mabigo pa muli ang pamilya ko sa akin.
"Sorry, Excuse me I need water" natahimik ang lahat. Tanging pagkuyom ng mga kamay ang ginawa ko paalis sa pangarap ko.
I can't believe I came to this point. My goodness! All my life I work hard for this moment. Ta's ngayon nandito na pirma nalang ang kailangan naging bluff pa.. This is insane.. I think, I'm going crazy. Hooh!
Sinabunutan ko ang sarili ko.
"Kira.. what's wrong? Comeback there." Hila ni Miss Irene sa akin. I turn around and give her a bit smile.
"Can I talk to him alone?" Pareho kaming napatingin sa lalaking CEO nang himig ganda slash the man who give the yellow dress nung gabing nagparty kami ng mga baklush.
Alam kong hindi maganda ang ginawa ko. Napaka unprofessional pero hindi ko matatanggihan ang offer while they are infront of me.
"So.. your not going to accept it 'ryt?" Nakahalukipkip niyang sabi. Siguradong sigurado ang tono. " I heard you've been waiting this opportunity. Do you know the real reason why we came here? Kira, Hindi kami mag eeffort na pumunta dito para lang sa isang kontrata." Naguguluhan ko siyang tinignan.
Anong ibig niyang sabihin..
Napaatras ako ng lumapit siya sa akin, oh gosh! Anong gagawin niya? I gulf when he said something that makes me feel tense.
No! He can't..
__
"Tita Hindi na ako magtatagal kailangan kong umuwi ng maaga today." Paalam ko.
"Okay. Kita kits nalang tomorrow?" Napakamot ako sa naging tanong ni Madam Irene. Hindi na ako makakapunta bukas sapagkat umpisa na ng make over namin nila Francisco.
"Baka hindi na?" Sabit na sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Hindi na? Baket? May problema ba?"
Kung pwde ko lang ichika.
"No wala naman.. Hindi ko lang matatanggap yung binibigay na offer sa akin ng Himig ganda"binuhol buhol ko ang kamay ko. Gosh! Di ako sanay na ganito ah!
Lalong kumunot ang malapad niyang noo.
"Huh? Wait I don't understand Kira. This is your dream. Matagal mo ng pangarap ito diba? Pero hindi mo tatanggapin? Anong meron? Bakit bigla kang aayaw ngayon nandito na."
Litong lito niya akong tinignan. Sinilip ko ang likod niya para magpaalam na aalis na saka ako lumingkis sa braso niya palabas.
"Ingat Kira!"
"Bakla tawagan mo ako pag uwi mo."
Inichepwera ko ang sinabi ni cheene nagsalita pa ang bruha.
Minasahe ko muna ang bridge ng ilong ko bago lumupisay na naupo sa tapat ng mismong gate. Nakalabing nakatulala sa simento.
"Alam mo naman ang issues ko sa buhay diba? Kailangan kong igive up pansamantala ang pangarap ko madam."may halong biro at drama kong sabi. "Give chance to others muna. I need to take a break in chasing my dreams dahil tuwing gagawin ko ito may mga naapakan akong balakid. Mas lalong simisikip ang daan ko. Kailangan kong ayusin at linisin ang mga balakid na iyon madam Irene para sa muli kong pagpapatuloy, swabe nalang ang daloy."
Nakita ko sa peripheral vision kong napabuga siya ng hangin. Halatang 'di nagustuhan ang emo ko. Baaah! Hanep ibang level ang gusto niyang kadramahan..
"What are your plans? Yung kakambal mo? Your mom and dad?"
Meyo nag sway sway ako ng konti dahil mainit na sa pwet.
"Hmm.. Work? They will go abroad.. Akiko is fine." Tipid kong sagot.
"Are you both fine?"
"Hmm.. we're good, I think things are getting better now?" Bigla akong natawa. Tama naman ako tingin ko okay naman na ang lahat.
"If that so, then good to hear.. But remember Kira. Kung may mangyari tulad ng dati maaasahan mo na kami ngayon. Late na pero hayaan mo kaming tulungan ka." Seryosong bulalas niya.
"I won't run to you again madam if it that would happen. You will only push me away, hahayaan mo na naman akong parang basang sisiw sa lansangan na walang masilungan" biro ko. "I don't accept help, help is for helpless and I'm not." Kindat ko pa.
"Akiro" biglang nag aalala ang tinig niya.
"Joke only" tawa ko.
Disappointed siyang umiling. Inistretch ko nalang ang kamay ko saka tumayo.
"Psh! Go back inside I need to go home, baka namiss na nila ako makurot pa ako sa singet."
Pinarahan niya ako ng taksi at siya na rin mismo ang nagbayad sa pamasahe ko. Swerte bregs! Makatipid pa ako.
"Ingat ka pauwi" silip niya sa akin loob.
"Tanga lang ang nag iingat, bye!" muli kong kaway.
Hinintay pa niyang atang mawala sa paningin niya ang sinakyan ko bago siya pumasok. Buti nakayanan niya matiis na tanawin ako, eh ang init init ng panahon. Gosh!
__
Ilang minuto akong nakatingin sa labas ng bahay ng makitang wala ng kahit anong sasakyan ang nakaparada. Bwisit lang na paa ayaw makisama sa isip ko. Nakahawak ako sa pintuan ng sasakyan ngunit nang sinubukan kong itulak ito nanatiling nakasarado. In-unlocked ko narin pero hindi ko parin mabuksan. Seriously, what's wrong with this car?
"Kuya- sira ang door mo." I said.
"Eh sir. Hilain niyo po muna kasi bago itulak" kamot ng driver sa ulo. Tonong naiinis.
"Eh bops ako eh.. Ikaw na magaling. Ikaw na magbukas bilis!"
Nakuha ko naman siya sa talim na titig, siya na ang nagbukas ng pintuan mula sa labas.
Pumasok ako sa bahay na walang kahit anong ingay na naririnig.
Ilang saglit lang ay umilaw ang buong bahay. Naroon si bitch sa living room with Francisco, inaantay ata ang pagdating ko. I massage my nape when I saw those clothes besides them.
Shit life. Mga damit ng lalake and worst briefs?! What the hell! I only used panties!
Nakakaramdam ako ng hilo, tuluyan na atang naiba ang daloy ng dugo ko since I've been holding this feeling weeks ago.
"Mr Akiro sinabi ko na hindi ka pa pwedeng lumabas sa hospital na ito, you're still mentally damage. Kailangan mo pa ng oras para sa sarili mo dito sa rehab." Pakiusap ng Psychiatry doctor na kausap ni Akiro.
Matapos niyang makulong ay idiniretso siya sa kulungan ng mga baliw. Akala niya makakasama na niya muli ang pamilya niya, makikita na niya ang mga ngiti sa pagbabalik niya pero naging isang imahinasyon ang lahat ng iyon. Ilang subok na niyang kinausap ang doctora ngunit paulit ulit ang sagot nito sakanya.
Habang tumatagal siya sa loob nasasanay narin siya sa mundong tanging sarili ang maasahan niya. Natuto na siyang saktan ng kusa ang sarili niya at pabayaan gaya ng sinapit nito.
Nang titigan siya ng babaeng doctor sa mata nito ay nakita niyang gumuho na ang lahat kay Akiro. He became nothing to anyone. He left nothing for himself, He lost the hope from the darkness, he lost the chance to be appreciated and he lost the joy. Kahit pa makabalik siya sa pamilya niya someday, things loss its chance. No, they made him the worst change. Akiro is not him anymore mentally as to the pain he suffers. Because of it, he can't continue living with the people he loved or else..
Unwanted feelings and memories will break him more than before.
I felt the red liquid down to lips then my ear hears nothing. Umikot na ang paligid at nawalan na ako ng balanse. Nanlalambot ang katawan na humandusay sa lapag. Before everything went black I saw Ellaine at Manager running towards me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top