CHAPTER 08: I MAKE IT

AKIRO ALONZO PAZ POV

"WAIT!" Hinto ko sa dalawa ng makita ang papasukan namin.

Nagtataka nila akong tinignan.

"Ano first timer teh? Hello! Parlor!" Sarcastic na sabi ni Cheene nasa unahan.

"I know! I'm not stupid! Pero don't tell me.." Hindi ko maituloy ang nasa isip ko.

"Ano ba usually ang ginagawa sa parlor baklita ka?" nakapamewang na sambit pa ni Cheene.

"Don't worry aayusin lang ang buhok mo dito and those.. make up." Umiling ako sa sinabi ni Ellaine.

Do I need to do this? Ayan na ulit ang pagaalinlangan sa isip ko. Binalikan ako ni Cheene na may kakaibang ngiti. Nagsisigaw ako nang ang mga hampaslupa ay pinagtulungan akong itulak sa loob ng salon. Yes, salon not parlor, gaga lang si Cheene mahina ang utak ng biba.

Awkward akong ngumiti ng makita ang mga feeling magandang baklita na tila hinuhusgahan ang pagkatao ko. Tatarayan ko dapat sila nang lumabas ang isang Balyena sa isang pintuan. Mala anne Curtis ang labi hmm.. mana ah infernes!

Kakalbuhin ko na dapat si Cheene ng sikuhin niya ako ng palihim at kurutin sa tagiliran pero pumaharap agad si Ellaine. Tinaggal niya ang mga kachurvahan na bumabalot sakanya, I look around kung anong magiging reaction ng mga tao dito sa loob pero wala naman. Parang ordinaryong costumer siya kung kausapin ng balyenang baklush.

"Curious?" Siraulong tanong ni Cheene sa side. Pareho kaming pinagmamasdan ang mga tao dito sa loob

"Duh." Nakakahilong ikot ng mata ang ginawad ko kay biba. "Obviously.."simple kong sagot.

Curious niya muka niya. Ano bang ka taka taka hah? Na magkakakilala sila?Gaga!

"Sows! As if Kira. Ako curious ako kung paanong hindi sila nataranta na makitang si Ellaine yan" nakalabi pang usal niya.

Boba nga. Stock ko nga mga itlog sa bahay kay Cheene mukhang puro yun ang alam eh.

Saka hello! Problema ko pa ba kung ganoon umasta ang mga tao dito? Mabuti nga yon noh para wala ng dagdag stress na chika.. gosh ang init init ever dito sa pinas.

"Hanep din connection nitong manager mo noh?" nguso ni cheene sa pulang curtain kung saan nag uusap ngayon sina cheene at yung mamita.

"Manager ni Akiko" i said with a lazy tone.

"Mamits sit there for a while wititit mo lang si mudrabeli sya bahala sayo mamaya. Just relax for now!"
Pagpapansin ng isang mahaderang staff. Kasalukuyan nitong nirerebond ang koryanang babae.. urg! Nakaka peste ang amoy!

"I like your make up girl! Anong brand name?" nanliit ang mata ko sa pangalawa pang lumapit sa akin. Ang annoying ng itsura kalamo batang first timer na kumain ng ice cream.

I shook my head and snob him, hindi ako nakikipag usap sa mga ganitong klaseng tao. Cheene knows that, maiksi ang pisi ko sa mga paepal na gaya niya. I purse my lips sarcastically then walk towards the sofa in the corner far from the door.

"Ay ate tara chikahan nalang tayo."

Ibinagsak ko ang sarili ko kasabay ng pagtapon ng mga shopping bags sa gilid.I feel tired. Dumekwatro ako at pumikit ng ilang sandali. Automatikong napakunot ang noo ko ng nag pop up bigla ang nangyari kanina sa dressing room between me and Ellain. Wtf is that! Nakakasuka! Yuck!!

Sa lahat ng iisipin talagang yon pa?!

Nakaramdam ako ng panlalamig, nabuhay ata lahat ng dugo ko don. Nakaka bad vibes! Hah! Pati balahibo ko nagsisitayuan.. grabe teh!

I tried to erase the scene in my mind. Kinuha ko ang remote sa gilid at binuksan ang Tv sa harap ko. Unang bumungad sa akin ang walang figure na mukha ni Francisco. My gosh! Nakafocus ba naman ang camera. Halatado tuloy ang mga butas sa mukha. Hay inday!

"Nice francisco umalis ka para magpa exposure" humalukipkip na wika ko.

Nilakasan ko ang volume ng makita ang pangalang akiko.

"Ano pong masasabi niyo sa mga kumakalat ngayon sa internet na nakita daw si Akiko sa airport malala ang kalagayan?"

"Dadalhin sa amerika? Paano na ang career niya?"

"Tuluyan na ba siyang lulubog sa industrya?"

Mukhang ni raid siya ng mga tao dito sa mall.. magaling.. nakatakas huh..

"Ahm.. una hindi po totoo yon. Si akiko ay nasa bahay niya ngayon" nanlaki ang mata ko ng ipakita niya ang litrato ko sa cellphone na mahimbing na natutulog. Awe mukhang sleeping beauty.. yakap ang hotdog na unan.

Humanda kang cheene ka! Walang ibang papasok sa kwarto ko kundi ikaw lang na bruha ka! Buminggo kana. Wait for my revenge later at home.

"Second be patient, im sure before he sink hard he can comeback." I smile from what he said. Pinatay ko ang tv ng tumunog ang phone ko. An unknown number is calling.. ilang ring lang then they hang up kasunod ay isang message.

I burst at laugh ng mabasa ang laman.

"Muntanga to.. nakakatawa dun?timang. Tara na start ka na nilang ayusan" tawag ni cheene. Mayor doma  ang gaga

Tahimik akong tumayo habang sumusunod sakanya. Anjan na ulit ang mga mata nila sa akin. Makangiti kita ang buong gilagid.

Hinawi ko ang pulang kurtina at nadatnan ko silang apat na inaayos ang mga pang make over. Shucks!

"Hi Mr Akiro, sorry i forgot to introduce myself a while ago, im Jullie Jackson Madrid the owner and i asure you your secrets in a good hands" pagpapakilala niya. Tipid akong ngumiti at nakilagkamay sakanya.

"Ms Ellaine.." ngumiti si ellaine sakanya at tumango. Before they leave cheene ran towards me. Kalako kung anong sasabihin pero tinutok niya sa akin ang pesteng cellphone niya. Hindi ako nakapalag agad mabilis siyang tumakbo paalis at kahit nasa labas sila dinig na dinig ko ang halakhak niyang demonyo.

"Ahmm.. miss Ellaine lobat na phone ko can i borrow your phone? I need to call someone" busangot kong tinignan ang dyosa kong mukha sa salamin. I know what cheene is planning.

"Lets start?" Tanong nitong si Jullie may assistant siyang naglalahad ng raysor. Ididnt answer.

She erase my make up first then tada! Matamis na ngumiti ito sa akin.. Now i looked like him

"You know hindi magandang laging nakamonthly peroid ang mood nakakabawas ng buhay" bored ko siyang tinignan

"What comes to your mind to do this baby girl? Grabe ang sacrifice mo ah.. kinakarir mong maging fafabels" lumabi ako. To be a good daughter for once maybe..

"Lam mo baby girl bihira na ang mga gaya nating nakikipag gyerahan sa buhay.. You grow up with these make up ayt which is naging kalasag mo to continue your battle.. if im not mistaken. These shield become your painful weapon. See these" pinakita niya ang maraming wipes and tissue na nagamit niya sa feslak ko. Pati ba make up ko pinapakialaman narin? Over na ah. Dont tell me bibigyan niya rin ng meaning? Naah! Unbelievable. "Masyadong makapal ang pagkakalagay. Its not the usual make up that we put. Your make up is too ovious. Ang dami mong tinatago sa iyong pagkatao." Nakakaloka si mamita! Ganitey ba dito?

Maryosep francisco pinili mo nga ang lugar na ito.. i have many gay friends at pinupuntahang salon pero di sila ganito kapal na magsalita. They know their limit. Pare pareho nga kaming tagilid, hinuhusgahan, di matanggap,magkakaiba ang ganda, lalaki ang hanap but! Geez. Di pareho ng mga ugali. Goodness!

"Sorry maingay ba?" She laugh " masanay kana dahil sa pagpasok mo sa showbiz everything will change. You gonna be your brother its not easy to be like him lalo na straight siya and your not dun palang mahabang proseso na ang mangyayari" tinignan ko siya sa salamin. Busy ito sa pagaayos ng buhok ko. I just watch my hair fall

"Im confident" napahinto siya sa naging sagot ko

"Hmm.. is that so. I guess Ellaine doesnt know anything." Kumunot ang noo ko sa naging saad niya. "Anyway  i still can't believe he has a twin and looking at you right now is the evidence" winaksi ko ang naging saad niya. I shrug my shoulders di na nakipag usap pa sakanya nakinig nalang sa kanilang dalawa ng assistant nito.

An hour has pass and im totally transform. Temporarily my beauty face is hidden. Nilakihan ko ang mata ko sa refleksyon sa salamin. Ginawa niyang mohok ang buhok ko noong pinaapple cut ko kainis! Kitang kita narin ang kaputian ng makinis kong balat. Nilantad din niya ang matulis kong jawline. Not bad the make up light lang. Hindi makapal ang foundation sakto lang. Buong buo narin ang hulma ng mga mata ko di tulad noon na inaayusan ko para magmukhang chinita. All in all perfect! Totally AR PAZ. AKIKO REED.

"Turn around" utos niya ng maisuot ko ang plain na tshirt at ripped jeans terno nito ang rubber shoes na white nike.

"Perfect mamits!" Masayang palakpak ng assistant niya.

Natuwa narin ako sa naging resulta. Its been a long time. Tinitigan ko ang sarili ng matagal, hinaplos ng dahan dahan ang salamin. Kalain mo heto na. Lumabas na ang mukhang iniiwasan ko.

Hinawakan ako sa braso ni Jullie nasa likod ko ito pareho kaming sa salamin nakatingin.

"Hindi man kita kilala.. but its time akiro. Endure until you can but quit if cant. Hindi madali ang pagpapanggap. Babaguhin ka nito.. maraming magtatakang halunkatin ang buhay mo sa oras na may manghinala. I wont remind you to becareful but be brave. Alam mo naman na ang feeling ng mahusgahan sa mga gaya natin ayt? Dont trust anyone.. even yourself." Tinanguan ko siya. My words of wisdom si mamits.

Binatawan niya ako at umatras.

Nang mag isa na ako dito, napaupo ako ng wala sa oras. Napapadyak sa sahig ng di gumawa ng ingay. Inaway ang sarili at pinagtatapon ang mga plastik botles.

I should die! My god mama bels! My friends will definely laugh me shucks!

"Psh!" Irap ko. "That half woman is right.." i close my eyes for a seconds then i leave the room.

"Shhhiiiiit!" Isang malutong na mura ang narinig ko pagkalabas. All eyes on me again pero di gaya kanina mas better ang way ng tingin nila. They look amuse..

Told yah! Im more handsome than my twin. Mas may fashion style din ako kaso sa not this kind of clothes na for men. Ofcourse the girl type mare tho i can also improve the men type soon. Kinakatakutan ko lang baka yang mga karengkeng na babae pagkaguluhan ang genuine beauty fes ko. Gosh!

"Waaaaaaaaahhhhh! AKI.. KIRAAAA! Omo! Ikaw ba talaga yan bakla? My god! Ang gwapo gwapo mo! You are more handsome than what i think! Oh em gee! AR PAZ! Nakaperfect! Gosh! Gosh! I dont know what to say! mukha ka ng tao! Dina mongoloid!! Iiiihhhhhh!" i rolled my eyes to cheens. Sinuri niya ako mula taas hanggang baba. Inikutan pa ako na ngiting ngiti. Kalamo gf kong proud na makita akong naging successful yuck! Ews!  Sagwang sagwa ko siyang tinulak ng lumingkis sa braso ko saka yumakap sa akin.

"Uy! Mader! You look good together!" Kantsaw ng isa na sinundan pa ng ilan.

"Oppa! Can we take a picture?"

"Oh gosh! AR PAZ is here? Oh em gee my idol! Ikaw pala yan kanina! Sorry di kita nakilala. New movie mo ba yung ginagawa niyo?  Kaya super ganern ang kolorete mo? Oh em! Aabangan ko yan! Get back soon!"

"Ms Ellaine napaka supportive mo talaga. Pati dito hinatid mo siya. Yieeh!"

Tumigil si biba sa kakayapos sa akin ng lapitan ako ni mamita Jullie. Maging ang mga tao ay tinikom ang mga bibig ngunit andun parin yung ngiting abnoy sa mga labi nila. Gaga lang nakakakilig don?! Lumipat ang tingin ko kay Ellaine na nakatitig din sa akin. Diba nabihag din siya psh! Nganga pa beh! Sinayang mo eh

"You should wear this mahirap na pagkakaguluhan kayo sa labas. AR, remember what i told you." Her eyes was saying something. Tumango ako without saying anything.

"Tara? Na wiih! Kira selfie tayo later haha jojowain na kitang bakla ka!" Bulong ni biba. This time hinila ko na ang buhok niya. Umaray siya pero lalo ko lang siyang kinurot. Alam na nito kung gaano ako sukang suka sa mga pinagsasabi nila.

"Sige salamat Mamita. See yah again" pansin ko ang pag iiba ng mood ng loka. Si Ellaine. She was like paralized.

Ganun ba niya ka mahal si Akiko? Aww tse! Sorry pero magtitiis siyang makasama ako until my twin gets back. She missess him? Oh dear matatagalan pa bago sila magkasama ng labidabs niya.

"Urg! I feel tired!!!" Isilampak ko ang sarili sa sofa pagkarating namin sa house.

Cheene is busy cooking my favorite food buti napilit ko ang gaga na ipagluto ako kahit may mga trabaho pang gagawin sa studio. While Ellaine, my god. Magugunaw na ang mundo. Matutulog daw siya ngayon dito. So tonight theres only two of us! Kaya heto sobrang gigil na gigil akong humiga sa living room matapos na makausap si Francisco.

"Hello.. yeah! No! Why would i go with her tonight? She can handle herself alone." Sambit ko kay Gasel sa phone.

Nagiimbita silang pumunta sa bar and they want me to bring the super star.

"Uhm.. are you awake? Lets eat." Huminga ako ng malalim ng marinig ang boses niya. Kumakalam narin ang sikmura ko. I nodded.

Naligo muna ako at nagpalit sa kwarto bago bumaba para kumain. Bagal ng mga babaeng to. Dinaig ang edsa sa pag usad.

"Excuse me are you two done? Bandila na baka gusto niyo gumaw galaw jan sa mesa ano?" Agaw pansin ko sa dalawa. Mukhang may pinag uusapang malalim.

"Baka naman kanina ka pa namin inaantay? Ako na nga nag luto lahat pagod na kami nitong si miss ellaine tas ikaw haysss ge na ill go a head.. kanina pa tumatawag si labidabs" reklamo ni cheene. "Saka wait! Ano yung mabahong nasa damit ko kanina?! Hindi matanggal tanggal ang amoy kadiri ka! Even my car ang panghi narin urg!" Pinigilan kong matawa.

Tae at ihi ng asong gala na iniipon ko sa tabi. Actually gagamitin ko yon sakanya sa april fools kaso napa aga nga lang.

"Naimbak na tae at ihi ng mga asong gala. Now leave i need to eat alone. Ingat pag uwi, ellaine will send you off" kaswal kong sambit.

Yumuko ako ng paparating ang isang tinidor sa gawi ko. Umuusok ang ilong ni biba na umalis. I stretch my arms when im alone.

"Still the same" komento ko sa luto ni cheene na karekareng maanghang.

"Still your favorite food. Eat well" napalingon ako sa papalayong si Ellaine. What the! Multo ba yon?!

Minasahe ko ang noo ko habang ngumunguya ng pagkain. Ang konti na ng tinira ng dalawa, nilamon halos ni biba. May gana pang artehan ako pag alis pesteng babae.

"Hi tita! How are you na po? Si kiko? Any progress? I miss him a lot. I know hes strong makakaya niyang lagpasan ang pagsubok na yan.. dont lose hope tita.. kung may oras ako pag naka adjust na si Akiro im going there.." inis kong ininom ang wine na nasa table sa narinig. Uso lumayo..

Nanggagalaiti kong tinapos ang nasa plato at hinugasan ang mga pinagkainan para makapasok na sa itaas. I need a peace tama na ang buong araw na bangayan namin ni cheene.

"Are you going to sleep?" Nilingon ko siya ng nasa hagdan ako. Kausap nito si mommy. Buti pa siya tinatawagan.. nakokontak.

"Oh i think.. " kibit balikat ko.

Pagkasara ng pintuan sa kwarto tinakbo ko ang  closet. High waisted jeans and long sleeves. Tinupi ko ang part ng elbow at inayos ang kwelyo. I put my wig,color red. 2 inch hills same color,Then last put a bunch of make up. So pretty!

Pagkababa ko tahimik ang paligid, ni anino niya diko ma sightsung. I clapped. I flip my hair, magiliw na rumampang lumabas ng bahay.

"Ang swerte mo girl!" Kinagat ko ang labi ko ng may dumaang taksi sa harapan.

Nakarating ako sa radio station ng himig ganda around 9:55 pm. Hindi gaanong marami ang staffs. Bihira ang mga dumadaan ng hallway nito.. puro mga classic song ang pinapatugtog. Hindi tulad ng umaga at tanggahali na puro drama at boses ng mga dj's ang maririnig.. tonight only smooth musics na tila hinehele ka.

This is my third time to be here.. sobrang lawak ng lugar maraming pasikot sikot na daan, kada ikutan mo may mga studio and offices. Kung di nga lang sa mga nakalagay na signage malilito ako kung saan ako pumasok.

This building has a three stories may elevator sa kaliwang bahagi ng hagdan. The second floor is the call center part and Cctv's. The third floor office of VIP's at doon ako tutungo.

Ininvite ako ni Kleo shempre papalampasin ko pa ba? Gwapings pa ang fafabels

Ting!

"Good evening Miss Kira welcome to our building! Im glad you came here.. sit down. Ah Miss Maureen two coffee please." Salubong niya sa akin pagkapasok sa office niya.

Una kong napansin ang mga tropies, paintings at nag iisa nitong litrato kasama ang ama niyang pumanaw na months ago. Maaliwalas ang paligid glass type. May maliit siyang book shelves and magazines. May dining room din ito na natatambakan ng mga papers.

"Sorry magulo ang office" inalalayan niya akong maupo. I can smell his scents. Nakaformal suit siya, messy hair, ang sarap halikan ng mga labi niya sa nipis.

"So whats the matter" pag mamaang maangan nito. Nawaglit ang pagpapantasya ko.

Inilapag ko ang text niya kanina sa salon. Ngumiti ako ng kakaiba, pa simpleng pinagcross ang mga legs ko.Ngunit di nakatakas sa akin ang pagbaba ng maamo niyang mata. Luh! Hard na ba? Nakajeans ako mister tsk! Dapat dress ang sinuot ko urg. Stupid!

"Mr kleo dont make me hard for this, i made my decision." Binasa ko ang red lips ko. His eyes became dark, lihim akong natuwa. God! Sorry for being yummy and sexy im being a sinner.

Pumikit siya ng mariin saka itinalikod ang upuan. "Dont make this hard too Miss Kira. Im giving you a big great opportunity. Two birds in one stone. You can be an actor and
You can also be a dj simple deal.. "Humarap siya ulit sa akin. Mas compose ang itsura.

Humalukipkip ako. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. As far as i know i only met him sa bar that night maliit na bagay ang nangyari. I did not even seduce him unless may taong nagutos sakanya na lapitan ako noon. Nanliit ang mga mata ko. He knew something about my game however he keeps telling me to be their Dj? Fishy! Is this his tactics to bring be down?

"What exactly your plan?" Taas kilay kong tanong.

"Sir coffee" ako na mismo ang tumayo para kunin ang kape sa assistant niya. I locked the door.

"You knew my plans" binaba ko ang kape. "Yet your making a deal?"i sat at his lap. I watch his hands wrapping around my belly. Shemay! Paano ako napunta sa sitwasyon na ito. Masyado siyang magnetic lalo kong naeenjoy ang bawat segundo sa piling niya.

Naghuhurumentado ang pagkatao ko ng dinikit pa niya ang sarili niya sa akin. Damn it! Ang tigas lahat! Hindi ko narin napigilan at hinaplos ang buo nitong mukha paikot sa Batok niya.

"Just sign the contract. I'm not your enemy" nagaapoy ang mga mata niyang winagayway sa nalalabing distansya sa aming pagitan.

Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.  

Fuck it! Kinuyom ko ang mga kamao ko.

"I guess you agreed. Let's seal it" Sambit niya sa gitna ng pagpupuyos ko. Minutes later I felt his lips to mine.. Bago ko pa siya masaktan nahuli na niya ang mga kamay ko and deepen the kiss more.

I'm trapped. No hindi pwde.

"Push! Seal huh?" I said silently. Nakatingin sa sarili ko sa mirror.

Fine. No one dare to mess up with my plans. Tonight I let myself enjoy.. kung  tingin nila panalo na sila dahil may hawak sila sa akin? Naah! They all wrong.

Dumako ang mata ko sa isang maliit na chip. A video recorder. Witty na sana girl! Poor Kleo masarap pa naman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top