Chapter 85
*Bang Bang*
Minulat ni Mia ang kanyang mga mata, parang tumahimik ang paligid..
"Sinong nabaril?" tinignan nya kung sino ang nabaril sa harap nya
"Kino?" di sya makapaniwala ang nakahiga sa harapan nya na duguan ay walang iba kung di si Kino
Lumapit sa kanya si Gabriel..
"Mia, okay ka lang?" alalay ni Gabriel kay Mia dahil in shock ito dahil akala nya sya na ang nabaril Yun pala ay si Kino
Nakita Nyang nakaposas na si Sally at duguan ang kamay nito..
"Anong nangyari sa kamay ni Sally?" nanginginig na tanong si Mia kay Gabriel
"Nung ipinutok niya ang gatilyo ng Baril, pinaputukan ko na sya sa kamay Pero nakalabas na ang bala, nagulat na lang ako na biglang humarang si Kino para protektahan ka" paliwanag ni Gabriel kay Mia
"Kino!" inihiga ni Mia sa kanyang hita ang duguang si Kino, unti unting binuksan ni Kino ang kanyang mga mata
"Mia, salamat at okay ka *cough blood* " mahinang Sabi ni Kino
"Kino, bakit mo ginawa Yun, ako dapat ang tatamaan ng balang Yun eh!" naiiyak na si Mia, dahil pakiramdam nyang kasalanan nya ang nangyayari Kay Kino
"I can't stand seeing you being hit by that bullet, I would rather be hit by that than you" mahinang sagot ni Kino sabay ubo ng dugo
"Kino, kumapit ka lang parating na ang ambulansya, please!" natatarantang Sambit ni Mia kay Kino
"Mia, I'm sorry for not setting you free, I'm sorry for letting Sally control me to get you back, I'm sorry for all of that, alam ko naman na si Gabriel talaga ang mahal mo, nagpabulag lang ako sa mga salita ni Sally kaya ko nagawa ito, I'm sorry talaga!" patuloy ang pagsuka ng dugo ni Kino
"Nasaan na ba ang ambulansya!??" sigaw ko sa mga pulis
"Pre, kapit ka lang!" naluluha na rin si Gabriel sa nakikitang sitwasyon ni Kino, hinawakan ni Kino ang kamay ni Gabriel
"Pre, we really had a great fight but it seems that I ended up losing, I'm sorry for all that I did to you and Mia, please keep Mia safe for me?" bilin ni Kino kay Gabriel
"I will pre!" pangako ni Gabriel kay Kino and Kino smiled at him weakly
Kino glanced at Mia and said..
"Mia, you are the only girl that I will truly love, thank you for the two years knowing you and the couple of months being beside you, I know that you will be happy with the one that you truly love, always remember that 'I love you' " and that is the last phrase that Kino said and he closes his eyes
"Kino? Kino!!!!" sumigaw na na si Mia at niyakap ang walang buhay na si Kino na sa Kabila ng mga nangyari at nagawa niya, mahal pa rin niya si Mia kahit na alam niyang ang puso nito ay nagmamay-ari na ng Iba
"Kino, no please wake up!!! Kino!??" humagulgol na si Mia pilit na ginigising si Kino
"Mia, tama na, wala na si Kino" pag-alalay ni Gabriel kay Mia na pilit na ginigising si Kino
Two weeks later...
Airport
Nasa airport ang buong barkada...
"Tita, mag-iingat po kayo sa pagbalik ng Amerika ah? Sorry po talaga sa nangyari" naiiyak na Sambit ni Mia kay Carol
"Don't be sorry iha, lahat ng nangyari ay may dahilan, ginusto ni Kino ang gawin iyon dahil mahal ka nya" Sambit ni Carol bitbit ang Isang kahon kung saan nakalagay ang urn ni Kino
"Kasalanan ko pa rin po tita kung bakit ginawa ni Kino Yun" nagsisisi pa rin si Mia sa nangyari Kay Kino
"Mia, ilang beses ko bang sasabihin sayo, hindi mo kasalanan ang pagkawala ng anak ko, I will never hate you for what happened, masakit para sa Inang tulad ko na mawalan ng panganay na anak, siguro ganun talaga, atleast I still have his sister Kiana, kaya Mia, be happy okay? Masaya na si Kino kung nasaan man sya ngayon, remember that ikaw lang ang babaeng tanging minahal ng anak ko kahit maikli man ang naging pagsasama nyong dalawa, you still make him happy, and I thank you for that" paliwanag ni Carol Kay Mia
"Thank you po tita for being Kino's mom and raised him for who he is until the very last moment that he protected me, thank you!" sambit ni Mia kay Carol
"Well, baka lalo pa tayong mag-iyakan dito, papasok na ako, mag-iingat kayo ah, hanggang sa muling pagkikita" at tuluyan ng pumasok si Tita sa loob ng airport
Nilapitan si Mia ng barkada..
"Remember always girl, nandito lang kami no matter what!" say ni Clarice
"Tama! Kaya wag ka nang emotera dyan" say naman ni Lei Kay Mia
"Salamat girls ah, nandito kayo palagi to cheer me up!" pasalamat ni Mia sa girls
"Paano na naman ako?" nagselos naman si Toper
"Ayan si Gabriel, i-cheer up mo!" sabat ni Lei Kay Toper
"Wala talaga akong lusot talaga sayo no?" reklamo ni Toper at nagsitawanan kaming lahat sa asaran ng dalawa
"Ang mabuti pa kaysa patuloy kayong mag-aasaran dyan, Tara uwi na tayo!" yaya ni Luisa sa lahat, sabay sabay na silang lumabas ng airport at nagsisakay sa sasakyan ni Gabriel and hit the road
Habang nasa biyahe, kanya kanyang trip ang barkada, kahit na nag-aasaran kanina si Toper at Lei, magkasundo parin sila sa ibang bagay, Yun ay ang hilig sa music, samantala si Luisa naman ay natulog, pagod ata at puyat, while Clarice is busy browsing her phone while listening to music in her earphone
Tahimik lang nagmamaneho si Gabriel nang basagin ni Mia ang katahimikan...
"Okay ka lang?" bungad na tanong ni Mia kay Gabriel na kanina pa tahimik
"Okay lang ako, pagod lang siguro, maaga kasi tayo nagising kanina para ihatid si Tita Carol sa airport" Sambit ni Gabriel habang nagmamaneho
"Napatawad mo na ba sya?" biglang tanong ni Mia kay Gabriel
"Ikaw, napatawad mo na ba ang nanay mo?" balik na tanong ni Gabriel kay Mia
"Ano to? Balikan ng tanong?" say ni Mia kay Gabriel
"Just being truth lang naman, okay na ba kayo ng nanay mo? Napatawad mo na ba sya?" tanong muli ni Gabriel kay Mia
"Well, okay na kami ni nanay, actually nag-usap na kami matapos yung nangyari two weeks ago" sya ni Mia
Flashback....
Kinuha na ng ambulansya ang katawan ni Kino at nahuli na rin si Sally ng mga pulis..
"Sana naman Sally matuto ka na sa mga ginawa mo at Sana matuto ka na rin magparaya para sa ikagagaan ng loob mo" huling Sabi ni Mia kay Sally bago sya tuluyan dalhin ng mga pulis sa presinto
Habang abala si Gabriel makipag-usap sa ibang pulis patungkol sa pangyayari..
"Mia?" tawag pansin ni Mila Kay Mia
"Nay?" sagot ni Mia
"Anak!!" niyakap bigla ni Mila si Mia
"Salamat at ligtas ka!" sambit ni Mila habang yakap yakap ang anak, kumalas sila sa yakapan
"Nay, sorry po sa lahat ng mga sinabi ko po sa Inyo nung mga nakaraan araw, sorry po kung pinag-alala ko po kayo nila Tatay at Lola, narealized ko po na lahat ng ginawa Nyo sa akin noon ay may dahilan at kahit na masakit sa akin ang ginawa nyong Yun, ginawa Nyo po Yun para protektahan ako, I'm sorry nay for being so stubborn simula nung bumalik ang alaala ko" umiyak na muli si Mia sabay yakap sa kanyang ina ng mahigpit
"I'm the one who owe you an apology anak, I'm sorry kung ginawa ko Yun sayo, I'm sorry kung pilit ko kayong pinaglayo ni Gabriel noon, gusto lang naman kitang protektahan anak at para hindi ka patalsikin sa simbahan at mabali ang tradisyon ng pamilya" Sambit ni Mila, kumalas sila sa yakapan
"Anak, patawarin mo ako ah, I just want to protect you that's all kaya ginawa ko Yun, hindi sa ayaw ko si Gabriel for you, ayaw ko lang masira ang buhay mo kapag nalaman ng lahat na binali mo ang regulasyon at tradisyon, but this time sa lahat ng nangyari sa atin, patawarin mo ako anak!" naiyak na Sambit ni Mila Kay Mia
"Salamat nay sa pagtatyaga mo sa ugali ko, mahal na mahal po kita!!" niyakap muli ni Mia ang kanyang ina
"Mahal rin kita anak!" sambit ni Mila sa kanyang anak
End of Flashback..
"Finally, you learned to forgive your mom, hay! Laking ginhawa!" masayang sambit ni Gabriel
"Now that you know na okay ka kami ng nanay ko, eh ikaw napatawad mo na ba si Sally?" tanong ni Mia kay Gabriel, natahimik ito
"Ah gets ko na, hindi pa, mahirap talagang patawarin ang Isang taong grabe ang ginawa sayo, Pero gaya ng nangyari sa akin, darating rin ang araw na mapapatawad mo rin sya, para na rin sa ikapapanatag ng loob mo!" say nalang ni Mia kay Gabriel
"Thanks for understanding" sabay hawak ni Gabriel sa kamay ni Mia
"You did the same thing to me kaya I will support you with this!" assured ni Mia kay Gabriel
==================================
Chapter 86 is up next....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top