Chapter 8

Gabriel's POV

A Day before the Town Fiesta...

Busy akong gumawa ng homework ko, since I'm in my second year in College when my mom knocked on the door..

"Pasok po!" sambit ko at pumasok na si Mama

"Pwede ba kitang makausap anak?" tanong ni Mama sabay upo sa may kama ko

"Sige po ma! Ano po ba yun?" itinigil ko muna ang paggawa ng homework

"Pwede ka bang pumasok sa pagiging altar server?" say ni Mama

"Bakit po ma?" tanong ko sa kanya

"Nagkasakit kasi ang pinsan mong si Anton kailangan syang dahil sa pagamutan sa siyudad, sya ang nakaassign sa paghawak ng insenso, so pwede ka ba anak?" tanong ni Mama sa akin

"Sige po ma, kailan po ba ako mag-uumpisa?" sambit ko kay Mama

"Bukas na anak, araw ng pista na bukas" say ni Mama

"Bukas na po pala ang pista, sige po ma" say ko Kay mama

"Anak sigurado ka na ba sa desisyon mo, ni hindi ka pa nakakapag-ensayo?" alanganing tanong ni Mama sa akin

"Nakikita ko naman po si Anton kung paano humawak kapag nagsisimba po ako, kaya kakayanin ko po bukas para sa pista" assurance ko kay mama

"Salamat anak, napakabait mo talagang bata, isang pakiusap ko lang sa iyo ay pumapayag ka na agad" masayang sambit ni Mama

"Para po sa simbahan, gagawin ko po!" say ko kay mama

"Salamat talaga anak!" sambit muli ni Mama sa akin

"Wala po yun ma!" say ko kay Mama

"Paano anak, tapos ka na ba dyan sa ginagawa mo?" tanong ni Mama

"Malapit na po ma matapos po" say ko

"Pagkatapos  mong gawin yan ay matulog ka na ng maaga, maaga ang Misa bukas okay?" say ni Mama sa akin

"Sige po ma, tapusin ko lang po ito then tulog na po ako!" ngiti kong sabi kay mama

"Okay anak" sabay labas ni Mama sa kwarto ko

Araw ng Fiesta....

Maaga akong nagising para maghanda sa misa mamaya para sa kapistahan

"Aga natin anak ah?" si papa pala

"Pa, aga nyo rin pong nagising" say ko kay Papa

"Syempre para makita ko ang unang sabak mo sa pagseserve sa simbahan" say ni Papa sa akin

"Pa naman!" nahihiya kong sabi kay Papa

"Mag-ayos Gab, nakahanda na ang agahan" say ni Papa sa akin

"Sige po pa!" say ko na lang kay Papa at nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos

Matapos naming mag-agahan ay maaga kami pumunta sa simbahan...

"Good Morning po Father" bati ni Mama kay Father

"Magandang Umaga, kayo ho pala ang tiyahin ni Anton?" tanong ni Father kay Mama

"Ako nga po Father" sambit ni Mama

"Nakakalungkot naman po na nagkasakit si Anton at kailangan dalhin sa pagamutan sa Siyudad" malungkot ns sambit ni Father

"Kaya nga po Father, pero wag po kayong mag-alala may hahalili naman po kay Anton" say ni Mama

"Sino ho?" tanong ni Father

"Gabriel, anak halika dito" pinalapit ako ni Mama sa kanya

"Father, si Gabriel po pala, anak ko!" pakilala sa akin ni Mama

"Bless po Father!" nagmano ako Kay Father bilang paggalang

"God Bless iho!" say naman ni Father

"Si Gabriel po pala Father ang hahalili sa pinsan nyang si Anton, wala pa po kasi ng kasiguraduhan kung makabalik pa po sa pagseserve si Anton, kaya si Gabriel po muna ang papalit sa kanyang pwesto" paliwanag ni Mama kay Father

"Handa ka ba iho sa naiwang gawain ni Anton?" tanong sa akin ni Father

"Kakayanin po Father, Araw ng kapistahan po ngayon kailangan pong kompleto ang mga server, tsaka nakikita ko naman po si Anton kung paano nya po gawin yung pag-iinsenso po kaya okay lang po" assurance ko kay Father

"Bueno kung ganon! Halina sa bihisan ng mga sutana at gamitin mo na rin ang sutana ng pinsan mo, mukhang di naman kayo nagkakalayo ng laki at tangkad" yaya sa akin ni Father

"Salamat po Father, Ma, Pa mauna na po ako!" paalam ko kila mama at papa

"Sige anak! Father pupunta na po kami sa loob ng simbahan, kayo na ho bahala kay Gabriel" ring kong sabi ni Mama kay Father

"Sige po" sambit naman ni Father at sabay na kaming naglakad papuntang kumbento

Matapos kong magsuot ng pangpatong na sutanang puti may lumapit sa akin isang server din na lalaki..

"Ikaw ba ang hahalili kay Anton?" tanong niya sa akin

"Toper pala pare, kaibigan ko si Anton!" lahad ng kamay ni Toper sa akin

"Gabriel, pinsan ni Anton" nakipagkamay ako Kay Toper

"Nice! Anong lahi ba kayo meron at kakikisig nyong magpinsan?" tanong ni Toper sa akin

"Di naman masyado pre!" nahihiya ng sabi ko

"Mahiya ka pa pre, ganun talaga kami dito magbiruan, tsaka tatlo lang tayo lalaki server dito karamihan babae ang altar server ngayon, mababait daw kasi ang mga babae, walang kalokohan di katulad natin boys dami kalokohan sa katawan" bulong ni Toper sa akin dahil baka may makarinig sa kanya

"Bakit natanggal ba yung ibang lalaking server?" tanong ko

"Maya na tayo magkwentuhan pre nandun na ang mga babaeng server, eto pala yung pang-insenso ako ang hahawak ng ibubudbod dyan para lumabas ang usok, ako bahala sayo!" tapik sa akin ni Toper at sabay na kaming lumabas papunta sa entrance ng simbahan

Dumaan ako sa gilid ng Isang babaeng candle lit server at napansin kong tumingin sya sa akin, pumuwesto na ako sa harapan ng seryales  at nag-umpisa na ang pagmartsa papuntang altar

Habang naglalakad ako ng dahan dahan nakita ko sila Mama sa may bandang unahang pwesto nakangiti sila sa akin at ngitian ko rin sila..

Nagpatuloy ang Misa hanggang sa...

"Pre, ikaw na, que mo ng mag-insenso, kaya mo yan!" kahit may halong kaba ay buong tapang akong pumunta sa harapan kasama ng isang may hawak ng kampanilya kasama rin si Toper na umaassist sa akin

Naging maayos naman ang pagsasagawa ko ng pag-iinsenso, ngunit pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, ngunit di ko na ito pinansin

After the Mass..

Nairaos ko rin ang Misa at nakapagtanggal na kami ng sutana ni Toper , palabas na kami ng kumbento at tinanong ko muli Kay Toper yung gusto kong tanungin kanina sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kung saan nakahanda ang agahan para sa lahat..

"Pre, marami ba ang natanggal na server na lalaki dito?" tanong ko sa kanya

"Madami pre, dahil hindi nila nasunod ang rules dito" say ni Toper, nagtaka ako?

"Anong rules pre?" takang tanong ko sa kanya

"Pre may rules dito na once na pumasok ka sa pagiging Isang altar server ay kailangan mong sundin ito, kailangan lahat ng mga usapan at kung ano man narinig mo dito sa  loob ay di mo dapat ilalabas, tsaka be careful ka dito, may masungit dito na Madre, si Sister Tessy" bulong ni Toper ng pangalang ng Madre

"Masungit? Bakit naman?" say ko

"Matagal na Madre na yan dito, as usual sa bayan natin sinusunod pa rin ang tradisyon, like yung isa sa pamilya ay kailangan may sumali sa pagseserve sa simbahan, tapos eto pa--" di ko na pinatapos si Toper dahil parang may nakita na naman akong nakasulyap sa akin

"Bakit pre?" tumingin si Toper sa pwestong tinitigan ko

"Sino yun pre?" turo ko dun sa babaeng kanina pa nakasulyap sa akin

"Shock pre si Sister Tessy yun kausap yung si--" di na nasabi ni Toper yung pangalan ng babaeng kausap ni Sister Tessy

"Gabriel, Toper, punta na kayo sa kainan" biglang sumulpot si Father

"Sige po Fads, sunod na po kami" sumunod na nga kami kay Father

Habang papunta kami sa kainan, nakita kong tapos ng kausapin ni Sister Tessy yung babae at umalis na si Sister, sumulyap muli yung babae sa pwesto namin at saka umalis dumeretso ata ng Hardin at nagpatuloy na kami sa pagpunta sa kainan

==================================

Chapter 9 is up next....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top