Chapter 79
Mia's POV
Matapos ang eksena sa restaurant naglalakad na kami pauwi kasama ang barkada..
"Alam nyo guys Buti na lang talaga at dun namin naisipan kumain nila Lei, Luisa at Clarice, di namin alam na nandun kayo mag-uusap ng mga ex Nyo" bumida na naman si Toper
"Talagang dun pa talaga kayo umeksena sa resto no?" say naman ni Luisa sa amin ni Gabriel
"Wala naman sa script ang sabunutan at suntukan, wala sa usapan namin Yun!" depensa ni Gabriel
"Grabe rin kayong dalawa ni Mia, kakagaling Nyo lang sa bagok ng ulo, umaksyon agad kayo sa suntukan at sabunutan, tignan mo mukha mo pre, puro bangas, ang laki na tuloy ng ikinapogi ko sayo" pagmamayabang ni Toper Kay Gabriel
"Nasaan banda Toper ang kapogian?" pambabara ni Clarice Kay Toper na ikinatawa namin lahat
"Walang support naman tong mga to Oo!" kamot ulo ka Sabi ni Toper
"Bayamuna Tope, cute ka naman sa mata ni Lei" hirit ni Luisa
"Nadamay na naman ako" say ni Lei
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa kaming tatlo na lang ni Toper at Gabriel ang natira, nakauwi na sila Clarice, Luisa at Lei..
"Paano ba yan pre? Mia, dito na ako, kitakits pagbalik mo pre sa trabaho!" nag-apiran sila Toper at Gabriel at naglakad na si Toper papunta sa bahay nila
Kaming dalawa na lang ni Gabriel ang naglalakad pauwi, mag-6 na ng Gabi..
"Gusto mo bang dumaan muna sa simbahan?" biglang tanong sa akin ni Gabriel
"Ano naman ang gagawin natin sa simbahan ng ganitong oras?" takang tanong ko sa kanya
"Gusto ko lang pumunta ng simbahan para magpasalamat sa Diyos" simpleng sabi ni Gabriel
"Pupunta tayong simbahan para magpasalamat dahil nabugbog ka ng ex ko?" tanong ko Kay Gabriel
"Hindi purkit nabugbog ka ay di ka na nagpapasalamat, kahit anong hirap o saya ang maranasan mo kailangan mo pa rin magpasalamat sa taas" taas kilay na sabi sa akin ni Gabriel
"Sabagay, kahit anong pangyayari ang naganap sa buhay kailangan pa rin natin magpasalamat sa Diyos, Tara!" sabay hila ko Kay Gabriel papasok ng simbahan
Nakapasok na kami ng simbahan, napakatahimik, walang katao tao kami lang ni Gabriel
Nagkanya kanya muna kaming upo at dasal..
"Panginoon, marami pong salamat sa patuloy Nyo pong pagbibigay lakas at katatagan po sa amin, patawarin Nyo po ako sa nagawa ko pong kasalanan, naway maging maayos na po ang lahat sa Kabila ng pagbabanta po nila Sally at Kino, naway malagpasan po namin ito, patuloy ko po ipinagdarasal iyon, kayo na po bahala sa amin, salamat po!" nag sign of the cross, saktong tapos na rin si Gabriel
Naglakad na kami palabas ng simbahan..
"Anong ipinagdasal mo?" umiral na naman ang pagkachismoso ni Gabriel
"Nagpapasalamat ako Kay Lord na patuloy nya tayong binibigyan ng lakas sa araw araw at sana maging maayos na ang lahat, eh ikaw?" tanong ko pabalik Kay Gabriel
"Well, same! At Sana mapatawad mo na ang nanay mo sa mga pagkukulang nya sayo" napatigil ako sa sinabi ni Gabriel, humarap sya sa akin
"Darating tayo dyan sa pagkakataon na yan, sa ngayon kailangan talaga maging maayos ang sa pagitan natin ni Sally at Kino bago ko ayusin ang sa pamilya ko" say ko Kay Gabriel
"Nasa iyo naman yan, basta pagkatapos nitong kila Kino at Sally ayusin mo na rin ang gusot sa pagitan mo at ng nanay mo, okay?" say sa akin ni Gabriel
"Opo, gagawin ko po iyon!" ito na lang ang nasabi ko sa kanya
"Gusto mo pa ay samahan kita ayusin ang gusot Nyo ng nanay mo?" suggest ni Gabriel sa akin
"Pag-isipan ko" say ko sa kanya
"Hay! Stubborn girl!" sabay pasimpleng akbay ni Gabriel sa akin, nasa labas na kami ng simbahan
"Ehem!!" say ko
"Single na tayo pareho kaya pwede ko ng gawin ito!" taas kilay na sabi sa akin ni Gabriel
"Pero hindi pa tapos alalahanin mo" paalala ko sa kanya
"Alam ko po, Pero wala naman sila ngayon di ba? Kaya malaya Kong gawin ito" matindi rin tong Isang to eh
"Bahala ka nga!" surrender ko
"Alam mong namiss mo rin tong galawan Kong ito, aminin!" nagawa pang manukso Gabriel, namumula tuloy ang mukha ko, kainis
"Che! Ewan ko sayo!" say ko sa kanya, Pero saan ka, namumula na ang mukha sa kilig
"Sus! Bakit nagbablush?" napansin pa rin ang mukha ko, kunwari nakatingin sa kabilang side
"Hindi ah!" denial peg ko
"Gusto mo kiss? Para mas lalong mamula yang pisngi mo" aba nagbanta pa
"Suntok gusto mo?" amba ko ng kamao ko sa mukha nya
"Joke lang!" sabay kiss sa kamay ko, napakaloko talaga
Papalapit na kami sa bahay namin ng napatigil ako..
"Oh?" say sa akin ni Gabriel
"Pwede bang dun na muna tayo sa Treehouse mo?" suggest ko sa kanya
"Bakit? Nandito na tayo sa Inyo oh?" takang tanong ni Gabriel sa akin
"Siguradong uuriratin naman nila kung bakit ganito ang itsura ko, para akong makipagbakbakan, tsaka parang di pa rin ako ready harapin pa si nanay, maaalala ko lang ulit lahat eh" paliwanag ko Kay Gabriel
"Sure ka? Mia, alam Kong iwas ka pa rin sa nanay mo simula nung maalala mo ang lahat Pero di naman pwede takbuhan mo na lang lagi ang nanay mo, kailangan mo rin syang harapin" Sambit sa akin ni Gabriel
"Please Gabriel just for tonight lang naman! Please?" pagmamakaawa ko sa kanya
"Hay, sige na nga, ngayon Gabi lang okay?" say sa akin ni Gabriel
"Promise just for tonight lang kailangan ko lang kasi ng free space ngayon Gabi yung tahimik" say ko sa kanya
"May magagawa pa ba ako eh mukhang ayaw mo na akong bitawan eh?" napansin ko hawak na hawak ako sa braso nya
"Grabe ka naman, gusto mo rin naman eh!" reklamo ko sa kanya
"Syempre naman, sino bang hindi magugustuhan na nakalambitin yan mga kamay mo sa braso ko" biro sa akin ni Gabriel
"Tara na nga sa hideout natin" hinila ko na si Gabriel palayo sa bahay namin at nagtungo na kami sa Treehouse nya to have a safe space to think
====================================
Chapter 80 is up next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top