Chapter 73

Muling nawalan ng malay si Gabriel sa matinding pagsakit ng ulo, inihiga nila Toper si Gabriel sa kama..

"Sally, pwede ba? Umuwi ka muna?" pakiusap ni Clarice Kay Sally

"Why would I?" pagmamatigas ni Sally

"Kita mo naman ang sitwasyon ni Gabriel di ba? Kaya pwede ba umuwi ka na muna at hayaan mong magpahinga si Gabriel!" sagot ni Clarice Kay Sally

"Sally please do listen, mas mabuti pa umuwi ka muna" nagsalita na si Grace mula sa likuran ni Sally

"Pero tita--" di na pinasagot ni Albert si Sally

"If you do care for my son's condition, please go home and let Gabriel rest, will you do that?" seryosong sabi ni Albert Kay Sally

"Fine, let me know if he awakes, I'll get going now" walang nagawa si Sally dahil ang parents na ni Gabriel ang nakiusap sa kanya

Nang makaalis si Sally, sila Clarice, Lei, Luisa, Toper at Mia pati ang parents ni Gabriel ang natira..

"We will call the doctor for further examination on his condition" lumabas na muna sila Grace at Albert to call the doctor

Naiwan ang barkada..

"Bakit kaya napapadalas ang pagsakit ng ulo ni Gabriel?" takang tanong ni Lei Kay Toper

"Hindi kaya any moment ay babalik na ang memories nya?" say ni Toper, hinampas ni Lei si Toper

"Ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo?" say ni Lei kay Toper

"Oo nga naman Toper, ano ito? Telenovela?" say naman ni Luisa

"Well, I think Toper means that malapit na bumalik ang lahat kay Gabriel" say naman ni Clarice

Habang abala sa pag-uusap usap sila Clarice, biglang sumakit ang ulo ni Mia..

"Guys, upo muna ako ah" say ni Mia at umupo muna sya habang hawak hawak ang ulo nya

Ilang minuto pa ang lumipas..

"Aray!! Bakit ngayon pa!?" napalingon ang barkada Kay Mia na hawak hawak ang ulo nya namimilipit sa sakit

"Mia!" nilapitan agad ni Clarice si Mia

"Ang sakit ng ulo ko! Ano ba to!?" di na mapakali si Mia sa tindi ng sakit ng ulo nya

Saktong makabalik na sila Grace at Albert kasama ang doktor at Nars..

"Anong nangyayari Kay Mia?" worry tanong ni Grace kila Clarice

"Bigla na lang pong sumakit ang ulo ni Mia tita, di namin alam kung bakit, namimilipit po sya sa sakit eh!" nagpapanic na si Luisa

"Nurse, call a back up now!" sambit ng doktor at nagmamadaling lumabas ang Nars para tumawag ng back up for assistance

"Aray!!!! Ang sakit!!!!" sa tindi ng sakit ay nawalan rin ng malay si Mia, mabuti at nasalo sya ni Clarice at inayos ang higa sa set

"Grace? Ano ba tong nangyayari? Hindi pa okay si Gabriel, ngayon si Mia naman ang nasa parehong sitwasyon? Mga bata alam nyo ba tong nangyayari sa mga kaibigan Nyo?" tanong ni Albert Kay Grace at kila Luisa

"Hindi rin po namin ma-explain tito, tita ang nangyayari kila Mia at Gabriel, na tila ba ang mga ganap ay parang Isang galing kimukunekta sa kanilang dalawa" paliwanag ni Toper

"Sa tingin ko po ito ay unti unti na bumabalik ang lahat" simpleng sagot ni Clarice kila Grace

"Anong ibig sabihin mo Clarice?" naguguluhang tanong ni Albert Kay Clarice

Tinignan ni Clarice si Mia at Gabriel..

"It will be a painful and happy memories that is about to unfold as I can observe" obserbasyon ni Clarice sa nangyayari kila Mia at Gabriel

"You mean that there is a sign na babalik na ang memories nila?" say ni Lei

"Malakas ang kutob ko, in that kind of situation, sabihin na natin parang Isang teleserye na ang ending ay babalik rin ang lahat sa kung ano ang dapat" sagot ni Clarice sa kanila

"For a Psychologist like you Clarice, you are pretty good at it!" papuri ni Toper Kay Clarice

Biglang umungol si Gabriel habang tulog na parang nanaginip..

"Gabriel?" lapit agad ni Grace sa anak nya

Ilang saglit pa ay ganun rin si Mia, parang nanaginip rin..

"Mia?" lumapit agad si Clarice Kay Mia na nakahiga sa sofa

Mia's Dream (Mia's POV)

Teka? Pamilyar tong lugar na ito ah? Sa simbahan na namin ito sa Vigan?

"Gabriel?" sambit ko habang nakatingin sa lalaking kinausap ni Sister Tessy, nanatili akong nakatingin sa kanya ng---

"Earth to Mia!!" bumalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni Clarice

"Ha? May sinasabi ka?" tanong ko bigla Kay Clarice

"Wala girl! Sadyang tumigil lang ang mundo mo habang titig na titig dun Kay Gabriel, bakit crush mo?" sarcastic na sambit ni Clarice

"Ha? Hindi no!" deny ko kay Clarice

"Hindi daw, eme ka girl! Tumigil mundo mo ng makita sya, di mo type? Wag ako girl!" tukso ni Clarice sa akin

"Hindi nga sabi Clarice, masyado kang issue" say ko kay Clarice

*Hah!? Si Gabriel, kasama ko siya talaga sa pagseserve sa simbahan namin, bago palang sya? Araw pala ng piyesta sa bayan namin*

Teka, sa Plaza to ah, oo eto nga yung nagpalma sa Gabi first time kong makanuod ng Palma, ang saya saya namin nila Clarice nakipaghabulan pa sila sa Toro

Naging masaya ang lahat, lahat kami makikipaghabulan sa Toro habang natakbo ng biglang...

*Blags*

"Aray!!" Inda ko dahil parang may nabangga ako napaupo ako sa sahig ng tumingin ako kung sino ito *eyes wide*

"Hi Gabriel!! Tara makipaghabulan tayo sa Toro dali!!" tama kayo ng narinig mula Kay Clarice, si Gabriel nga ang nakabangga ko

"Tulungan na kita!" Inoffer ni Gabriel ang kamay nya to help me, well kaysa mapahiya tinanggap ko ang offer nya

Nang makatayo ako...

"Salamat.." tipid Kong sabi sa kanya

"No problem" say ni Gabriel sa akin, bakit parang ayaw Kong tumingin sa mga mata nya at pilit Kong iniiwas ang tingin ko sa kanya

"Mia right?" tanong nya sa akin, tumango na lang ako nakakahiya!

"Mahilig ka rin palang manuod ng Palma tuwing fiesta?" tanong nya sa akin, kaysa naman magka-stipneck ako kakayuko at pag-iwas ng tingin sa kanya, tumingin na ako sa kanya

"Actually first time kong manuod ng Palma, di kasi ako nalabas ng bahay kapag may ganto" paliwanag ko sa kanya

"Well ako actually madalas nanunuod ng Palma tuwing fiesta maganda kasing pagmasdan ang mga kumikinang na pailaw sa Gabi ng fiesta!" kwento naman nya sa akin..

"Tunay nga napakagandang pagmasdan ng mga pailaw sa Gabi kahit first time ko ang ganda nya pagmasdan!" sambit ko ngunit hindi sa mga pailaw ako nakatingin kung di sa lalaking kausap ko, di mawari di ko natanggal ang tingin sa kanya habang sya ay nakatingin sa mga pailaw na galing sa Palma habang nakangiti, ano bang nangyayari sa akin? Di ko ma-explain ito, tumigil na naman ang mundo ko sa kanya ng biglang---

"Mia!!!! Ayan na ang Toro!!!" sigaw ni Luisa, lumingon ako at tama nga nandyan na ang Toro papalapit ng papalapit sa akin ng biglang hinila ako ni--

"Gabriel" napayakap ako sa kanya dala ng pagkakahila nya sa akin para di ako matamaan ng Toro

Nakatitig muli ako sa kanya at ganun rin sya sa akin, Muling tumigil ang aming mundo na parang kaming dalawa lang ang nandoon sa plaza, wala akong ibang narinig na ingay, tangi ang bisig lang ng bagong altar server ang aking nararamdaman, ang higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin na tila ba ay ayaw nya akong pakawalan..

*Si Gabriel ulit ang nakita ko? nagkabanggaan kami dala ng labis na kasiyahan sa panunuod ng Palma..*

*Sa Kabila ng kasiyahan ay may riot rin naganap, may mga nagsuntukan na lasing at pauwi na Sana kami matapos namin mag-allyby Kay Sister Tessy, the terror Sister, aba tumulong pang umawat tong si Gabriel at Toper, akala mo mga malalaki ang katawan, nagdidiskusyon kaming girls kung sino ang aawat sa dalawa na nang-aawat sa mga nagsusuntukan ng biglang nasuntok si Gabriel, agad naman akong lumapit, teka ganito na ba ako ka-obvious Kay Gabriel?*

*Ilang beses na kaming pinagtatagpo ni Gabriel, para bang sa paglipas ng bawat araw at oras ay mas lalo kaming nagiging malapit Pero sadyang may mga pagsubok na kailangan umabot sa punto na pilit akong pinapalayo at pinapaiwas ni nanay Kay Gabriel dahil sa tradisyon ng pamilya na hanggat di ako nakakatapos ng pag-aaral ay di ako pwedeng malapit o magkaroon ng koneksyon sa kahit sino lang lalaki lalong lalo na kapag ito ay kapwa altar server, Pero dahil sa mga panahong iyon ay special na talaga si Gabriel sa akin kaya pilit ko syang ipinaglalaban sa parents ko lalo Kay nanay Mila dahil sobrang istrikto nya kaya napalayo ang loob ko sa kanya, ang treehouse pala na iyon ang naging tagpuan namin Gabriel kaya pala malakas ang kutob ko na narating ko na ang lugar na iyon Yun pala ay Yun lugar na iyon ang naging Isang core memory namin ni Gabriel as a special friends, we kept ourselves that way when the days come when my mom suddenly decided to bring me to the States with her and father as well as lola, I can't leave everyone like this especially him, but knowing the situation, he still gave me the support that I need, we decided to go for a stroll with his motorcycle and headed to a beach it was then I told him that I was about to go abroad and a sudden change of plans when he --

"MAHAL KITA MIA!! kaya ako nagkakaganto!!" nag confess ng wala sa oras si Gabriel ng kanyang feelings nya for me, nagulat ako sa sinabi ni Gabriel

"Anong sabi mo?" nauutal long sabi kay Gabriel

Hinawakan ni Gabriel ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata nito..

"Mia, ngayon lang ako naglakas ng loob na aminin sa iyo ito kasi alam kong bawal pero alam naman natin pareho na di natuturuan ang puso eh, matagal na kitang mahal Mia, takot lang akong sabihin sa iyo dahil bawal sa rules sa loob at labas ng simbahan, pero yun ang totoo Mia, mahal kita, mahal na mahal!" bumuhos na ang luha sa mga mata ni Gabriel, muli akong naiyak sa sinabi Sa akin ni Gabriel

"Gabriel, I'm sorry if I have to leave you this way, ayaw ko na rin magsinungaling sayo eh! Ang totoo nyan, mahal rin kita eh!"muling bumuhos ang luha sa aking mga mata

*I think it's mutual, kaya pala napakagaan ng loob ko Kay Gabriel when we met again at the airport and his voice, I can easily recognized it, kaya pala! And because we confessed our feelings so early, nagawa Kong sumama sa kanya kahit na ilang araw na lang ay aalis na ako pa-Amerika, dinala nya ako sa Isang resthouse ng parents nya at doon kami nagpalipas ng Gabi at natulog sa iisang kama!? Am I not surprised kaya pala nung niyakap nya ako nung lasing na lasing sya sa Tagaytay, I felt that it already happened, that's why, eto pala iyon, take note kwarto nya iyon hah, wala kasing ibang kwarto sa resthouse nila kung di yung sa parents nya and his, kaya no choice ako, kinabukasan teka!? Ito ba yung sinasabi nilang aksidente!? Wait!! Nakasakay ako sa motor kasama si Gabriel!? And we are going somewhere and we are enjoying the road  and suddenly the accident happens that changes everything*

Bumalik si Mia sa realidad at napabalikwas sya nakita nya ang pag-aalalang mukha ni Clarice na nasa harap nya...

"Clarice!!" napayakap si Mia kay Clarice

"Mia!? Anong nangyari sayo, bigla ka na lang nanaginip!" say ni Clarice

"Clarice, malinaw na sa akin ang lahat!!"

====================================

Chapter 74 is up next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top