Chapter 64

7:30 am ng Umaga..

Makulimlim pa rin ang panahon at may panaka nakang pag-ulan, naunang nagising si Gabriel, Isang ngiti ang nasilayan sa kanyang mga labi ng nasilayan nya ang Isang binibining nakayapos sa kanya at mahimbing na natutulog, hinawakan nya ang buhok nito..

"Salamat sa pagbibigay halaga mo sa akin, ramdam ko kagabi kung gaano ako kahalaga sayo" masayang sambit ni Gabriel kay Mia na mahimbing na natutulog

Ilang minuto pa ang lumipas, gumising na rin si Mia at nasilayan ang nakatitig na mga mata ni Gabriel sa kanya, siya ay ngumiti rin..

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong agad ni Mia habang kinukusot ang mga mata nya, napangiti lalo si Gabriel sa itsura ni Mia

"Maayos na ang pakiramdam ko, salamat sayo, hindi ka lang pala Isang psychologist, Isa ka rin palang doktor na nakakagamot ng sakit ng Iba" say ni Gabriel kay Mia

"Bolero, anong Oras na ba?" tanong ni Mia

"Mag-8am na, bakit?" say ni Gabriel, tumingin sya sa bintana

"Naulan pa rin pala, Pero di na katulad kagabi" say ni Mia, hindi pa rin sila nagbitaw sa posisyon nilang dalawa

"Mukhang di ka na naangal sa posisyon natin ngayon ah? Komportable na ba?" biro ni Gabriel kay Mia

"Hindi na, pakiramdam ko kasi hindi lang ito ang second time na niyakap mo ako ng ganto, parang nangyari na ito before it eh" paliwanag ni Mia kay Gabriel

"So? Pwede ko na laging gawin to?" taas kilay na tanong ni Gabriel

"Alalahanin mong pareho tayong may iba, umayos ka, ayaw ko ng gulo" say ni Mia sabay pilit na kumakawala sa yakap ni Gabriel

"Bakit? Nagawa na ito ng jowa mo sayo?" lalong hinigpitan ni Gabriel ang yakap nya Kay Mia

"Hindi pa, tsaka napakabusy nya lagi to think na kami na nga but it doesn't feel like we are in a relationship, tsaka when he is attempting to hug or kiss me, there is a time na parang humahanap ako ng excuse para di nya gawin yon, parang ganun!" sabay tingin ni Mia kay Gabriel

"So, ako pala ang first kiss ni Mia Brielle Santos?" taas kilay na say ni Gabriel, namula tuloy si Mia

"Wag ka ngang mayabang dyan, tatayo na ako anong Oras na oh, kailangan ko ng umuwi sa amin, ikaw wala ka bang balak umuwi sa Inyo?" tanong ni Mia kay Gabriel dahil hindi pa rin ito tumatayo para mag-ayos

"Wag na kaya tayong umuwi?" say ni Gabriel

"Nahihibang ka na ba? Anong gagawin natin dito? Magbabahay bahayan? Ganon?" reaksyon ni Mia

"Joke lang eto naman, di mabiro!" tumayo na rin si Gabriel para mag-ayos

"Buti alam mo, so paano, una na akong umuwi?" akmang lalabas na si Mia ng treehouse nang pigilan siya ni Gabriel

"Sabay na tayo umuwi?" say ni Gabriel, nanlaki ang mga mata ni Mia

"Bakit? Pareho ba tayo ng bahay?" say ni Mia

"Ang Sabi ko sabay na tayo umuwi, hindi naman ako uuwi sa bahay Nyo" paliwanag ni Gabriel

"Namimilosopo ka!?" tingin ng masama ni Mia kay Gabriel

"Hindi! Sabay na tayo please?" nagmamakaawang Sabi ni Gabriel

"Mapilit ka, sige na, Tara na!" sabay na bumaba ng treehouse si Mia at Gabriel

Meanwhile...

Di makapagsalita sila Mila kung nasaan si Mia sa harap ni Kino...

"Tita? Nasaan po si Mia? Wala po ba sya dito?" tanong muli ni Kino kila Mila

"Ah Kino, si Mia kasi ay di pa nauwi,kagabi pa" say ni Carlos Kay Kino

"Po!? Saan ho nagpunta si Mia? Bakit di pa po natin hanapin? Baka mapano Yun sa daan!?" tarantang Sabi ni Kino

"Kino, wag mo ng alalahanin si Mia, hindi mawawala ang apo ko, kabisado na nya ang bayan ito namin, dito sya lumaki ng labing walong taon, ngayon ay nasa bente uno anyos na sya sigurado naman akong babalik Yun rito" confident na sabi ni Lola Maria kay Kino

Pumunta muna si Carlos sa may bintana habang nag uusap usap sila Mila at Kino ng may napansin siya..

"Mukhang di Nyo na kailangan hanapin si Mia, dahil narito na ho sya" say ni Carlos, nagmadaling sumilip sila Mila at Kino sa bintana

Inihatid ni Gabriel si Mia hanggang sa may pintuan ng bahay nila si Mia..

"So paano, una na ako" say ni Gabriel kay Mia

"Thanks sa paghatid sa akin, di mo talaga ako nilubayan hanggang pag-uwi" nakangiting Sabi ni Mia kay Gabriel

"Take this as a sign of thank you for taking good care of me last night" masayang sabi ni Gabriel kay Mia

"Your welcome, Mr. Dela Cruz, paano pasok na ako? Deretso uwi ah!" paalala ni Mia kay Gabriel

"Definitely! Bye!" at tuluyan ng nagpaalam si Gabriel, umakyat na rin si Mia sa bahay, nang makapasok sya sa pinto laking gulat nya kung sino ang nakaabang sa kanya

"Kino? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Mia kay Kino ng mapansin nya ang bulaklak at chocolates sa mesa

"Ako ang dapat magtanong sa iyo Nyan? Saan ka nanggaling?" medyo naiirita ng tanong ni Kino dahil nakita nya kung sino ang kasama ni Mia

"Inuusisa mo ba ako?" seryosong tanong ni Mia kay Kino

"Pwede ba Kino, Mia, kararating mo lang anak,pwede bang huminahon kayo?" Saway ni Mila sa dalawa

"Hindi ako nay ang nag-umpisa" sabay crossarms ni Mia

"Ang tanong ko lang sayo saan ka galing?" tanong muli ni Kino kay Mia

"Dyan lang sa tabi tabi, okay ka na?" say ni Mia kay Kino, hindi sang-ayon si Kino sa sinagot ni Mia sa kanya

"I'm not buying it Mia, yung totoo, saan ka galing?" say ulit ni Kino, naiirita na si Mia sa paulit ulit na tanong

"Bakit ba ang kulit mo? Sabi ko dyan lang sa tabi tabi, gusto ko lang mamasyal sa bayan at inabutan ako ng Gabi, napakalakas ng ulan kaya nakisilong lang ako sa kung saan, happy?" naiirita ng sagot ni Mia kay Kino

Halata sa mukha ni Kino na kakaiba ang kinikilos ni Mia..

"May sasabihin ka pa? Kung wala na, papasok na ako sa Kwarto ko!" akmang papasok na si Mia sa kwarto nya ng may sinabi muli si Kino ka nakapagpatigil sa kanya

"Bakit mo kasama ang Gabriel na Yun?"

==================================

Chapter 65 is up next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top