Chapter 54
Mia's POV
Lalo akong naguluhan maige sa nararamdaman ko, tama ba si Gabriel sa mga sinabi nya? Yun ba talaga ang totoo, napilitan lang ba ako kay Kino? Dahil ba sa tinulungan nya ako all throughout College and I felt comfortable with him, hay Mia! Bakit ba ganto ang nararamdaman ko ngayon?
Dahil sa gulong gulo Kong pag-iisip ay di ko na namalayan na nakatulog na pala sa balikat ko ang lalaking dahilan ng pagkagulo ng feelings ko..
I just stared at him for a minute..
"Bakit ba ganto ang feelings ko, bakit parang sinasabi ng puso ko na ikaw yun lalaking tunay na tinitibok nito, Pero bakit wala akong maalala kung ikaw ba talaga Yun!?" say ko sa sarili ko
Hayst!! Kaysa isipin ko pa ng isipin ay mabuti pa ipasok ko na tong lalaking to sa loob para makatulog na rin ako, inalalayan ko si Gabriel papasok ng kwarto nila ng---
"Ayaw ko sa kwarto maingay dyan!" reklamo ni Gabriel pero nakapikit ang mga mata, nanaginip ba ang lalaking to?
"Bakit ayaw mo sa kwarto Nyo ni Toper?" tanong ko sa kanya, ang bigat mo Gabriel ah!
"Dito na lang ako matutulog sa sofa!" nagrequest pa aba! Ibang klase tong lalaking to pag nakakainom
"Maraming lamok, gusto mo bang papakin ka dyan ng lamok?" tanong ko sa kanya, nakapikit pa rin siya
"May kumot naman eh, tsaka malaki naman ang sofa pwede pa nga dalawa dyan eh!" aba, ano kaya ang binabalak ng lalaking to
Inalalayan ko papunta sa sofa si Gabriel at inihiga don, tutal yun naman ang gusto ng lalaking to, nang maiayos ko na ang higa nya at kinumutan ko na at akmang pabalik na ako sa kwarto namin ni Clarice ng biglang---
Hinila ako ni Gabriel sa sofa at napahiga ako sa tabi nya at bigla na lang nya akong --
"Gabriel ano ba?" pilit Kong kumakawala sa yakap nya ngunit no use, parang Kadena sa higpit ang yakap ni Gabriel sa akin
"Hayaan mo na akong gawin ito, ang yakapin ka ng mahigpit, dahil di ko alam kung kailan ko ulit ito magagawa or kung magagawa ko pa ito!" say ni Gabriel habang nakapikit na sinasambit ang mga katagang ito
Teka bakit parang pamilyar ang mga katagang Yun, narinig ko na ito ah!
"Gabriel ano ba, matutulog na ako sa kwarto, di pwede yung ganito! Pareho tayong may karelasyon ano ba?" reklamo ko sa kanya, lalo pa nya hinigpitan ang yakap nya sa akin
"Hayaan mo na akong gawin ito, ang yakapin ka ng mahigpit, dahil di ko alam kung kailan ko ulit ito magagawa or kung magagawa ko pa ito!" say ulit ni Gabriel Pero tulog na tulog na sya, nasa Dreamland na ba sya?"
"Gabriel?" tawag ko, mukhang tulog na nga, unti unti Kong tinatanggal ang kamay nya Pero --
"Mia, dito ka lang please! Hayaan mo na akong gawin to please! Di ko alam kung bakit ko nagagawa to Pero alam Kong alam mong pareho natin gusto to, please!" nakapikit si Gabriel habang sinasabi ito, mas lalo akong nag give in ng makita kong tumulo ang luha mula sa mata ni Gabriel
I know it may sound cliche but these lines, memories that we both have been dreaming of and saying out of nowhere but it sounds like we do did and say that lines and memories, I don't know but in his arms, I felt safe when I'm with him, I don't know why, but this is how I felt for this moment, sa di inaasahan ay dinapuan na ako ng antok habang yakap ng lalaking pakiramdam ko ay naging malaking bahagi ng aking buhay, ito ang nararamdaman ko!
End POV
Morning Rise...
8am in the morning...
Mahimbing pa rin natutulog ang lahat, naunang nagising si Clarice..
"Morning Philippines, Morning--" napatigil si Clarice ng makita nyang walang laman ang kabilang kama
"Nasaan ang babaeng Yun? Maaga ba nagising?" sabay kusot ng mata ni Clarice
Toper and Gabriel's Room
Nagising na rin si Toper dahil maaga syang nakatulog..
"Morning Tagaytay, morning --" nagulat si Toper dahil wala syang kasama sa kwarto at maayos ang kama parang di tinulugan
"Hah? Pre? Saan ka?" iniikot ni Toper ang mga mata nya sa paligid
"Saan na Yun natulog?" kamot ulo na Sabi ni Toper ng may kumatok sa kwarto nito
Binuksan ni Toper ang pinto si Lei, Clarice at Luisa
"Bakit ba? Ang aga aga nyong kumatok?" takang tanong ni Toper habang kinukusot ang mata
"Lumabas ka nga dyan, halika dito?" Mando ni Lei Kay Toper
"Ano bang meron? Gumising akong walang Kasama sa kwarto tapos mamandohan mo ako lumabas and what --" napatigil si Toper sa sasabihin nya Kay Lei when he saw what he saw
"Holy--" tinakpan ni Lei bigla ang bibig ni Toper para hindi ito sumigaw
Inalis ni Toper ang kamay ni Lei sa bibig
"Bakit makatabi at magkayakap ang dalawang yan sa sofa na mahimbing na natutulog?" tanong ni Toper sa girls
"Ewan ko, nagising akong wala nga ring kasama sa kwarto eh!" reaksyon ni Clarice
"Pwede ba yan, alam nyo naman na may--" di na pinatapos ni Clarice si Toper sa Pag comment
"Girlfriend si Gabriel, oo alam ko!" say ni Clarice
"Si Mia ba ay may--" di na rin pinatapos ni Clarice si Lei sa pagsasalita
"Boyfriend? Oo meron!" sagot ni Clarice, nanlaki ang mga mata nilang lahat sa revelation ni Clarice
"What!!!?" bulong na pasigaw nila para di marinig ng dalawa
"Totoo guys! Parehong taken ang dalawa pero as I can see for this moment, parang sila pa nga ang mukhang magjowa sa itsura nilang dalawa ngayon" observe ni Clarice Kay Mia at Gabriel
"Gisingin mo na Clarice yang dalawang yan bago pa mabuko ng mga karelasyon ng dalawang yan ang sitwasyon!" say ni Luisa Kay Clarice
"Let them sleep na nga lang, ang cute nga nilang tignan eh, Tara ng mag-ayos ng sarili natin, gigising rin yang dalawang yan" niyaya na ni Clarice sila Luisa at Lei Pati si Toper na bumalik sa kanya kanyang kwarto para mag-ayos ng sarili
Ilan minuto amg lumipas..
Nagising na rin si Gabriel, ngumiti na lang sya sa kanyang kayakap, Isang napakagandang Anghel, nagising na rin si Mia at ngumiti kay Gabriel
"Morning!" sambit ni Mia kay Gabriel
"Morning also!" ngiting sambit ni Gabriel
Matagal na nagkatitigan ang dalawa ng marealize nila ang posisyon nilang dalawa
"Ahhhhhh!!!!!" sabay na sumigaw si Mia at Gabriel sabay balikwas ng tayo
Napalabas sila Clarice sa mga kwarto nila...
"Ano ba yung nakakabulahaw na sigaw na Yun?" labas ni Toper ng kwarto habang kinukuskos ang buhok nya, mukhang bagong ligo pero nakabihis na sya
"Ano ba yan Mia? Gabriel, ang aga! Nagsisigawan kayong dalawa dyan?" kunwari di alam ni Clarice ang eksena kanina paggising nila
"Paano ako napunta dito?" say ni Mia
"Teka? Bakit sa sofa ako nakatulog?" si Gabriel naman
"Here comes the maang-maangan school of acting!" say ni Lei sa dalawa
"Mabuti pa Mia, Gabriel, ayusin Nyo na ang mga sarili Nyo pwede ba? Tsaka take note, wag ng magmaang maangan, ginusto Nyo pareho yan okay?" sermon ni Luisa sa dalawa at inayos na nila pareho ang hinigaan nila sabay pasok sa kanya kanyang kwarto para mag-ayos
===================================
Chapter 55 is up next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top