Chapter 52
"Aw!! How sweet!"
*Camera Flashing*
Nagising ang dalawa sa tunog ng camera ng phone ni Clarice..
Napansin nila ang posisyon nilang dalawa at agad humiwalay, parehong nahiya ang dalawa sa nangyari..
"Wag na nga kayong mahiyang dalawa, wala naman masama na nakatulog kayo pareho" comment ni Toper
Ilang minuto pa ang lumipas nakababa na sila sa Gondolas at palabas na sa Enchanted Kingdom papunta sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan ni Gabriel..
Habang nasa biyahe pa Tagaytay...
"What a whole day of fun rides!" sabay inat ni Toper na nasa likuran katabi si Lei
"Wala ka naman ginawa kung di sumigaw! Nakakabingi kaya!" pagbabasag trip ni Lei kay Toper
"At least I have my freedom to scream wherever I want because it's free at walang bayad!" banat naman ni Toper
"Kung kayong dalawa dyan panay ang asaran, yung dalawa naman sa harap parang di mabasag pinggan sa tahimik, hoy! Mia, Gabriel, salita naman dyan!" say ni Luisa
"Don't mind us okay" say na lang ni Gabriel habang nagmamaneho
"Alam nyo guys, makijamming naman kayo sa asaran dito kaysa nagpapakabanal kayo sa tahimik dyan, di bagay sa inyong dalawa" banat naman ni Clarice
"Bakit di Nyo kami ginising kanina sa Gondolas?" tanong ni Mia
"Malay ba namin nakatulog na kayong dalawa with matching patong ng ulo sa balikat then yung isa ay patong sa ulo naman, eh busy kami sa panunuod ng fireworks display, ang comfortable Nyo nga sa isa't isa eh" paliwanag ni Clarice
"Sana man lang ginising Nyo kami" say pa rin ni Mia
"Don't worry Mia, you will thank us after you'll see!" say naman ni Lei
Tumahimik na lang si Mia at maging si Gabriel...
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa Tagaytay sa isang Private Resort, ipinark na ni Gabriel ang sasakyan at Isa Isa na nilang ibinababa ang mga gamit nila mula sa likod ng sasakyan..
Pumasok na sila sa loob at napanganga na lang si Toper, Luisa, Clarice at Lei...
"Baka pasukan ng lamok ang mga bibig?" comment ni Mia sa itsura ng apat
"Dito tayo magstay for four days?" tanong ni Lei
"Yup! Binook ko na itong private house na ito for us in four days, may three bedrooms, dalawahan sa Isang kwarto" paliwanag ni Mia
"Oh! Sino ang magkasama sa Isang kwarto?" Tanong Clarice
Walang naimik sa kanilang lahat..
"Ah ganon walang na imik sa atin dito?" reklamo ni Clarice
Nag-isip si Clarice ng Isang sulusyon ng biglang---
"Kami na lang ni Gabriel sa Isang kwarto, di ba pre?" say ni Toper at tumango na lang si Gabriel bilang pagsang-ayon
"Ay! takot kayo sa sasabihin Kong suggestion no?" say ni Clarice sabay ngiti
"Naman!! Mahirap na, alam ko na naman ang pakulo mo Clarice, may plano ka alam ko Yun, wag kami!" sagot ni Toper
"Bakit? Takot kang lang makasama si Lei sa Isang kwarto, for sure! Lagot ka!" natatawang sagot ni Clarice
"As if, baka makutusan ko lang yan" say naman ni Lei
"Grabe ka naman sa akin Lei my love's!" suyo ni Toper
"My loves ka dyan, baka gusto mong makatikim ng Isang sampal? Gusto mo!" banta ni Lei Kay Toper
"Chilax, di ka naman mabiro oo!" surrender ni Toper
"So, Lei and Luisa kayo magkasama?" say ni Clarice sa dalawa
"Yup, Tara na Lei bago mo pa masapok si Toper sa asaran Nyo!" At hinila na ni Luisa si Lei sa kwarto nila
Nagsipasukan na sila sa kanya kanyang kwarto nila...
Mia and Clarice Room
Abalang mag scroll sa cellphone nya si Clarice while Mia is busy unpacking her stuffs sa cabinet...
"Ganda ng place na to Mia ah, galing mong pumili ng lugar!" say ni Clarice still browsing on her phone
"Mas maganda kasi na hindi sa hotel tayo mag stay kung di sa Isang private house na rent Pero ang ganda ng place, may mini pool pa sa labas at kita ang view ng Taal!" paliwanag ni Mia
"Mia, may itatanong lang ako sayo?" tumigil si Clarice sa pagbabrowse ng phone nya at umayos ng upo sa kama nya
"Ano yun?" tanong ni Mia
"Be honest to me girl, ikaw ba ay may jowa na?" Curious na tanong ni Clarice
"Bakit mo naman natanong?" say naman ni Mia, natapos na nyang ayusin ang gamit nya sa cabinet at umupo sa kabilang kama kaharap si Clarice
"Curious lang ako girl, alam ko naman na alam mo na may jowa ng linta si Gabriel, ikaw, may jowa ka na ba?" say ulit ni Mia
"Talaga bang linta ang jowa ni Gabriel, kasi ina ka talagang mag-aliyas ng tao eh?" curious pa rin si Mia sa jowa ni Gabriel
"Girl, sadyang ganun talaga ang jowa ni Gabriel, to be honest di ko talaga Yun bet for Gabriel, sadyang nabulag lang siguro ang ka-tropa natin kaya ayun!" say ni Clarice with matching ngibit
"Bakit di mo bet for him?" tanong naman ni Mia
"Basta! Wag mong i-change ang topic, may jowa ka na ba?"" say na lang ni Clarice
"Yup, meron na.." simpleng sagot ni Mia
"Teka, bakit parang di ka happy na may jowa ka?" takang tanong ni Clarice dahil nakikita nya sa mukha ni Mia
"Happy ako girl" pagpapanggap ni Mia kay Clarice, but she can't fool Clarice
"Talaga ba? Mukhang napilitan ka lang jowain Yun jowa mo, aminin! Wag mo ng ideny girl, it is written all over your face" turo ni Clarice sa mukha ni Mia
"Paano naman nasabi yan? Happy talaga ako with Kino" say ulit ni Mia
"Kino ang name ng jowa mo, nasa US ba sya? Anong work nya?" sunod sunod na tanong ni Clarice Kay Mia
"US based Pilot siya.." say ni Mia
"Piloto rin pala!" sabay slowmo na palakpak ni Clarice
"Bakit may pagpalakpak?" curious si Mia sa ginagawa ni Clarice
"Wala lang girl, sadyang pareho ang type mo sa boys ang hilig ay maging malaya at lumipad ng malayo!" sabay tingin ni Clarice sa taas sabay sipol
"Straight to the point ka nga, ang dami mong Segway girl?" reklamo ni Mia
"Eto na lang para malito ka lalo, 'The Pilot that you truly Love is inside your heart not in your Mind!' gets!"
===================================
Chapter 53 is up next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top