Chapter 51
"Actually, I also felt the same before we met at the airport"
Yan ang mga katagang nakastock sa utak ni Gabriel sa buong biyahe nila hanggang sa nakarating na sila sa Enchanted Kingdom...
Enchanted Kingdom
Isa- Isa ng bumaba sa sasakyan ang barkada..
"Finally, Philippines Happiest place on Earth!!" sambit ni Toper sabay stretch ng kamay
Nilock na ni Gabriel ang sasakyan at sabay sabay na silang naglakad papunta sa park entrance, nang makapasok na sila sa Amusement park...
"Mukhang konti pa lang ang tao ah?" survey ni Toper
"Natural! Tuesday kaya ngayon kaya walang gasinong tao!" pambabara ni Lei Kay Toper
"Alam nyo kayo dalawa, kulang na lang isipin Kong magjowa kayo dalawa sa inaasta Nyo pareho!" biro naman ni Clarice sa dalawa
"Hayaan mo na Clarice ang dalawang yan, di ka na nasanay sa asaran ng dalawang yan!" say naman ni Luisa Kay Clarice
"Anong first ride natin?" tanong ni Lei
"Rio Grande agad!" hyper na sagot ni Clarice
"Basaan agad!?" reaksyon ni Lei
"Naman! Para may thrill agad!" say ni Clarice at nauna na syang maglakad sa iba
"Ang hyper talaga ng babaeng Yun, gusto agad basaan, sino kayang maswerteng mabubuhusan ng tubig!" sabay tingin ni Toper sa taas
Habang abala sa pagkukwentuhan ang lahat tahimik lang na nasunod sila Mia at Gabriel, napansin agad ito ni Toper
"Sandali, bakit napakatahimik ng mga sponsor natin ah?" sabay akbay ni Toper Kay Gabriel
"Oo nga naman! Ano na naman kaya ang iniisip ng dalawang ito?" umakbay naman ni Lei si kay Mia
"Wala!" nagduet pa ang dalawa
"Bakit duet?" say ni Luisa
"Wala, matagal na kasi nung huling sumakay ako ng mga rides sa amusement park kaya medyo ninenerbyos" paliwanag ni Mia
"Nako Mia! Don't you worry may plano kami!" taas kilay na sabi ni Toper sa dalawa
"Ano na naman ang kalokohang binubuo mo sa kokote mo?" takang tanong ni Gabriel
Rio Grande...
As they expected, pinagtabi na naman nila si Mia at Gabriel, katabi ni Mia si Clarice at Luisa, si Toper at Lei, Bali nasa gitna ang dalawa...
"Galing ng plano mo pre!?" seryosong sabi ni Gabriel kay Toper
"Ayos ba pre! Wag ka ng mag-inaso dyan, you'll thank me one day!!" nagthumbs up pa si Toper Kay Gabriel, napa-facepalm na lang si Gabriel
"Pinagplanuhan Nyo to no?" bulong ni Mia kay Clarice
"Bakit girl? Masama bang katabi mo ang poging Piloto yan? Swerte mo nga eh, ikaw lang kinakausap ng matino Nyan bukod sa buntot nya, sabagay mas okay pang ikaw na lang ang kausapin ni Gabriel kaysa nung buntot nya" say ni Clarice
"Bakit ba buntot ang pinapalayaw Nyo sa taong Yun? Bakit Girlfriend ba nya Yun?" tanong ni Mia kay Clarice
"Later na lang girl magstart na ang rides!!" change topic ni Clarice
Sayang saya ang buong barkada sa first ride nila at ang maswerteng nabuhusan ng tubig ay sila---
After the Rio Grande rides
Habang hinihintay nila Gabriel at Mia si Toper at Lei na matapos magbihis dahil sila ang maswerte nabuhusan ng tubig sa Rio Grande, bumili muna ng makakain sila Luisa at Clarice..
"Tahimik ka ata?" approach ni Gabriel kay Mia
"Wala, nahihiya kasi ako sa iyo, napapagtripan lagi tayo ng barkada" simpleng sagot ni Mia, tumabi si Gabriel sa kanya
"Alam mo, I've kinda like their setup!" say ni Gabriel sabay ngiti
"Bakit naman?" tanong ni Mia
"Well, to be honest with you, gusto ko yung napapagtripan tayo nila Toper, di ko nga alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko, parang wala akong girlfriend sa nararamdaman ko towards you" pagtatapat ni Gabriel, nagulat si Mia sa sinabi ni Gabriel
"So? Yung tinatawag na buntot nila Clarice ay Girlfriend mo pala?" say ni Mia
"Yup! Unfortunately!" buntong hininga ni Gabriel
"Bakit? You don't like her na?" curious na tanong ni Mia
"Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, nafifeel ko Kasi as the time goes by, two years na kami, Pero parang feeling ko kasi she not the girl I wanted to be with, di ko ma-explain, parang sinasabi na utak ko siya ang girlfriend ko for two years Pero ang puso ko iba ang sinasabi nya" kwento ni Gabriel kay Mia
"So, anong status Nyo ng girlfriend mo?" say ni Mia
"Sa part nya, she still knows na girlfriend ko sya, but in my part simula nung may mga dreams ako na di ko maipaliwanag na para bang sa akin talaga Yun na feel ko siya yung girl na gusto ko, Pero sa tuwing bini-visualized ko ang itsura nya, ang labo eh!" say ni Gabriel, natahimik si Mia dahil tulad ni Gabriel, nagkaroon rin sya ng dreams na may Isang guy na pilit nyang minumukhaan pero malabo sa panaginip nya
"Is tha girl in your dreams felt more important than the girl you are with right now?" tanong bigla ni Mia
"To be honest yes! I had strong feelings that this girl in my dreams has a big connection to me that's why I felt irritated with my current girlfriend" say ni Gabriel, nafifeel ni Mia parang may connection rin ang dreams ni Gabriel sa dreams nya
"To be honest with you--" bago pa makapagmoment of truth si Mia ay sumulpot na sila Luisa at Clarice
"Wow may private moment ang dalawa oh, uyyy!!" tukso ni Clarice
"Alam nyo wrong timing talaga kayong dalawa" dismayadong sagot ni Mia sa dalawang may bitbit na pagkain
"Sorry naman kung nasira namin ang moment nyong dalawa ni Gab, peace tayo! Eto pagkain Nyo, ang tagal naman magbihis ng dalawa parang mga model!" say ni Luisa at inabot na ang hotdog sandwich Kay Mia at Gabriel at ang drinks nila
After ilang minuto, lumabas na rin si Toper at Lei...
"Ang tagal ah!!" reklamo ni Clarice
"Sorry naman! Saan ang pagkain namin?" tanong agad ni Lei
"Eto na!" sabay abot ni Clarice ng Isang plastic na ang laman ay dalawang hotdog sandwich
"Finally!! Food!!" kinain na agad ni Toper ang parte nya
Nagpatuloy sa namamasyal ang barkada at sumakay pa sa ibat ibang rides at as usual pinagtabi pa rin nila sila Mia at Gabriel hanggang sa maggabi na at sumakay na sila sa last ride sa Wheel of Fate or in short Ferris wheel ng EK...
Kung ano ang posisyon nila sa Rio Grande ganon rin ang posisyon nila sa Wheel of Fate...nasa gitna pa rin sila Mia at Gabriel..
"Ang cute Nyo talagang dalawa kapag magkatabi!" tukso ni Clarice sa dalawa
Ngumiti lang ng simple si Mia at ng smirk lang si Gabriel
Unti unting umaangat ang Gondolas hanggang sa ---
*Fireworks display*
Amazed na amazed ang lahat sa ganda ng fireworks saktong nasa tuktok sila ng Wheel of Fate ng magsimula ang fireworks display
Hindi namalayan ng lahat na nakatulog pala ang dalawa, nakatulog si Mia habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ni Gabriel habang nakapatong naman ang ulo ni Gabriel sa ulo ni Mia, lumingon saglit si Clarice and then...
"Ihhhh" pigil na pigil ang irit ni Clarice, kinalbit niya si Luisa at lumingon ito, nakita ni Lei at Toper ang reaksyon ni Clarice at tumingin na rin sa dalawa
"Awww! How sweet"
*Camera flashing*
===================================
Chapter 52 is up next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top